bc

LOVE BENEATH THE STARS (TAGALOG)

book_age16+
38
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
drama
bxg
secrets
virgin
brothers
sisters
like
intro-logo
Blurb

Lumaki ka sa isang masaya at kompletong pamilya.

Pero paano kung isang araw ay nalaman mong hindi ka pala nila tunay na anak at naipagpalit ka sa tunay na anak nila sa isang aksidente.

Matatanggap mo kaya ang katotohanan?

Kakayanin ba ng loob mong mawalay sa mga taong itinuring mong mga magulang?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Naghahanda na kaming pumasok sa eskwelahan ni kuya. Kailangan naming magmadali dahil ma le late na kami. Late na kasi kami nagising dahil nag movie marathon pa kami ni kuya kagabi. "Atarah daliaan mo." Sigaw ni kuya. Iniwan ko kasing bukas ang pintuan ng kwarto ko kaya agad itong nakasungaw. "Ayy!" Tili ko. "Kuya nagbibihis pa ako doon ka muna." Wika ko pa dito. Nakatapis lang kasi ako ng tuwalya dahil kakatapos ko lang maligo. Narinig ko pa itong napabuntong hininga. "Mag lock ka nga kasi ng pinto. Dalaga Kana kaya dapat ugaliin mo ng mag lock ng pinto. Paano kong may biglaan tayong bisita tapos naabutan ka sa ganyang tagpo." Sermon pa nito sa akin. "Oo na." Nakangusong wika ko. "Mauuna na ako sa baba sumunod ka nalang." Wika nito bago umalis. Pagkaalis nito ay agad ko namang sinara ang pinto ng kwarto ko. Lumapit na ako sa kabinet ko at kinuha ang uniform ko. Minadali ko iyong isinuot at nang matapos ay inayosan ko na ang sarili ko. Sinuklay ko ang straight kong buhok at tsaka ako naglagay ng clip doon. Nang makuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa stairs. Nang tuluyang makababa sa first floor ay agad ko nang tinungo ang kusina. Naabutan ko na doon sila mommy at daddy pati na rin si kuya. "Goodmorning mommy. Goodmorning Daddy." Masayang wika ko at lumapit sa kanila pa ra halikan sa pisngi. "Naku ang baby namin naglalambing na naman." Wika ni Mommy at marahang kinurot ang aking pisngi. Napahagikgik naman ako sa ginawa nito. "Mommy naman masyado mo na naman akong bini baby." Wika ko sa cute na boses. Napatawa naman sila mommy at daddy sa aking tinuran. "Oh siya maupo ka na Atarah ng makakain na tayo para hindi na kayo ma late." Wika ni Daddy kaya umupo na ako sa dati kong inuupuan. "Wow mommy nagluto kayo ng sinigang." Masayang saad ko at kinuha ang kutsara para humigop ng sabaw. "Alam ko kasing paborito ng baby ko ang sinigang kaya pinagluto ko siya." Ngiting wika ni Mommy. Nang matapos naming kumain ay agad na kaming nagpaalam sa kanila. "Goodmorning po mang gusting." Bati ko sa driver namin. "Goodmorning din sayo iha." Balik bati nito sa akin. Sumakay na kami sa kotse at nagpahatid sa school namin. Napatingin naman ako sa wrist watch ko. 15 minutes nalang ma le late na kami. Napatingin naman ako kay kuya dito sa tabi ko na tahimik lang. Si kuya ang tipo ng tao na hindi umiimik pag di kinakausap pero mabait naman ito. Masyado lang itong mahigpit sa akin. Mas mahigpit pa kung magbilin kaysa kay Daddy. Nang makarating sa gate ng school ay agad na akong bumaba. Ipagbubukas pa sana ako ni mang gusting ng agad ko itong pigilan. "Atarah." Tawag sa akin ni kuya. "Mmm" Sabi ko at lumingon dito. Binigay nito sa akin ang baon ko. "Oo nga pala nakalimutan ko." Wika ko at inabot ang 5k. Kay kuya kasi inaabot ni mommy ang baon namin dahil laging si kuya ang nauunang gumising. Inabot din nito sa akin ang lunch box ko. "Salamat" Wika ko at lumakad na patungong room ko. "May 3 minutes pa ako bago ma late." Wika ko ng tignan ko ang oras sa wrist watch ko. Pareho kami ng pinapasukan ni kuya na eskwelahan. Magkaiba lang ng building. Yung building kasi ng school nila ay nasa pinakadulo yung sa amin namin ay malapit lang sa gate ng school. Private school din iyon. Nang makapasok na ako sa room namin ay wala pa ang teacher namin. "Oh bakit na late ka." Tanong sa akin ni Carol ang bestfriend ko. "Nag movie marathon kasi kami kagabi ni kuya kaya nalate ako ng gising." Paliwanag ko pa dito. "Goodmorning class." Wika ni ms. Delfin ang unang subject namin. Mabait ito at mahinhin kong kumilos. Maganda rin ito. Math subject nga pala ang itinuturo nito. "Goodmorning teacher Denise." Masaya din naming wika dito. "Okay take your sit." Wika nito. Umupo naman kami. Kinuha nito ang attendance namin at isa isang tinawag ang pangalan namin. "Kevin Estrada." "Present ma'am" "Zyron Frenier." "Present ma'am" Hanggang sa matapos ang attendance ng boy at sumunod kaming girls. "Carla Angeles." Pagtawag ni Ma'am sa pangalan ni Carla. Si Carla kasi ang nasa unahan ng attendance naming mga babae. "Present ma'am." Sagot nito. "Sharon Bacquian." "Present ma'am." "Charlotte Santos." Pagtawag ni ma'am. "Charlotte Santos." Ulit pa nito. "Ma'am wala pa po siya." Sagot ng isa naming kaklase na kaibigan ni Charlotte. "Okay hintayin natin siya baka na late lang iyon ng kaunti." Wika ni ma'am. Ang bait talaga ni Ma'am hindi tulad ng ibang teacher na nalate kalang ng isang minuto ay papagalitan Kana agad. "Atarah Thomas." Tawag ni ma'am sa pangalan ko. "Present ma'am." Sagot ko. Hanggang sa matapos ang attendance naming mga babae. Sakto namang napatingin kaming lahat sa may bukana ng pinto. At ayon si Charlotte na bahagya pang hinihingal. "Ma'am sorry I'm late. Can I come in." Wika nito. "It's okay come and take your sit." Wika naman ni ma'am. "Okay class what is our topic yesterday?" Tanong ni Ma'am sa amin. Agad namang nagtaas ng kamay si Carla at sinagot ang tanong ni Ma'am. Si Carla ang Top 3 sa amin samantalang ako ay nasa Top 5. Ang Top 1 namin ay si Charlotte Santos. Siya pinakamatalino sa aming lahat. Pero kahit ganoon pa man ay ang tingin nito sa akin ay isang kalaban. Hindi kami magkasundo nito. Laging masama ang tingin nito sa akin. Pero kahit na ganoon ay hindi ko nalamang ito pinapansin. Isa sa scholar si Charlotte sa school na to. Karamihan din kasi na nagaaral dito ay scholar ang iba naman ay talagang mayaman o May kaya sa buhay. _ Hanggang sa sumapit ang lunch namin. Sabay kaming nagpunta ng Cafeteria ni Carla at doon kumain. Lagi kami nagbabaon ng lunch sa cafeteria nalang kami kumakain. "Wow ang sarap naman ng baon mo." Wika ni Carla ng tuluyang mabuksan ko ang lunch box ko. Carbonara, at may strawberry cake sa baon ko na ginawa ni mommy. Sa main dish ay brown rice, bacon at Chicken curry naman. Pagdating sa fruits ay starwberrry at green grape. Ang lunch ko pala ay tatlong pinagpatong. Kung alam niyo iyon yung patong patong na lunch box. May ibat ibang kulay ako niyon sa bahay. Ngayon ang gamit kong kulay ay green. "Ikaw din naman ah masarap kaya baon mo." Wika ko at itinuro ang baon niya. Ang main dish nito ay white rice with mix corn with spam. May baon din itong seaweed leaf. Meron din itong Graham balls and 3 sliced pizza sa fruits naman ay apple and rambutan. Nag share kami sa mga baon namin. Nang matapos ang lunch ay naisipan naman naming simulan yung homework namin sa Arts. _ Natapos ang buong maghapon at uwian na namin. Nasa labas na kami ni kuya ng school. Umuulan ngayong hapon kaya nilalamig ako. Malakas din kasi ang simoy ng hangin. Kanina ang init init tapos ngayon parang may bagyo. Kanina pa na kauwi si Carla dahil hindi pa namin dismissal ay nandito na ang driver nila na naghihintay sa kanya. Kasi kami ay laging na le late ng uwi dahil hindi agad nakakarating si mang gusting. Nasa hospital kasi ang asawa nito at na coma dahil nabagok ang ulo idagdag mo pang May anak din itong limang taong gulang at tatlong gulang kaya naiintindihan namin siya pag late na niya na kaming nasusundo. Napayakap naman ako kay kuya dahil sa sobrang lamig. "Kuya ang lamig." Wika ko at mas lalong nagsumiksik sa kanya. Hinayaan naman ako nito. Niyakap din ako nito pabalik. May ilan din kaming kasama na mga estudyante na naghihintay sa kanilang mga driver. Oh baka hinihintay na tumila ang ulan. Ilan kasi sa mga estudyante dito ay nakatira lang sa malapit na subdivision. Meron kasing subdivision dito malapit sa school namin. Ang iba sa kanila ay nakatingin sa amin at parang naiingit. Well alam naman nilang magkapatid kami. Isa rin kasi si kuya sa campus crush ng school namin kaya kilala na din nila ako. "Ang sweet nila no. Naku kung hindi lang sila magkapatid iisipin ko talagang mag-jowa sila." Rinig kong wika ng babae sa kaibigan niya. "True" Sagot naman ng kausap nitong babae. "Nilalamig ka pa ba?" Tanong ni kuya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Mas niyakap pa ako nito para hindi lamigin. Maya maya ay narinig namin ang boses ni Daddy. "Austin, Atarah." Tawag nito sa amin. Agad naman itong bumaba ng kotse na May dalang payong. Galing office ito dahil na rin sa naka office attire pa ito. Pero Naka tsinelas. Tinanggal siguro nito para hindi mabasa ang sapatos niya. Medyo bumabaha na rin kasi sa kalsada. Inabot nito ang isang payong kay kuya ako naman ang pinayungan ni Daddy. "Nilalamig na ang baby namin." Wika nito. Naramdaman siguro ni Daddy ang panginginig ko. Nang tuluyang makapasok sa loob ng kotse ay agad ko namang tinanggal ang shoes ko dahil nabasa iyon. Ganun din si kuya. Buti nalang at may mga tsinelas kami dito sa kotse na Daddy. "Pagpasensyahan niyo na si Mang gusting. Na ospital kasi ang bunso niya dahil sa dengue kaya tinawagan niya ako na ako na sumundo sa inyo. Buti nalang at di pa ako nakaka alis sa opisina." Paliwanag nito. "Kawawa naman po ang anak niya." Wika ko. Na hospital na nga ang asawa nito tapos sumunod naman ang anak niya. Yumakap nalang uli ako kay kuya. Umupo pa ako sa kandungan niya para mas lalo siyang mayakap. Ang lamig kasi talaga. Kulang yung jacket ni Daddy na pangkumot. Napansin ko naman ang mabibigat na hininga ni kuya ngunit hindi ko na iyon pinansin. "Kuya" Bulong na pagtawag ko dito. "Gusto ko tumabi sayo mamaya matulog." Wika ko pa. Ngunit kami lang ang nakakarinig. Minsan na akong tumabi kay kuyang matulog. Hindi iyon alam nila mommy at daddy. Narinig ko pa itong Napabuntong hininga na tipong hindi ko magugustuhan ang sagot niya. Kaya agad akong nagsalita. "Sige na please." Naka puppy eyes at Nakapout ko pang wika. "Ok sige." Wika nito sa napipilitang boses. Napangiti naman ako dahil sa tinuran niya at mas lalong nagsumiksik sa kanya. Isinubsob ko pa ang aking mukha sa leeg niya. Nararamdaman kong nahihirapan itong huminga pero hindi ko iyon pinapansin dahil nakakaramdam na ako ng antok. Siguro ay nabibigatan lang ito sa akin. Sa isip isip ko lang. Ang sarap sa pakiramdam Kasi na nasa mga bisig ni kuya. Ramdam na ramdam ko iyong init ng katawan niya. Hindi naman kami pinapansin ni daddy dahil sanay na itong makita kaming laging malapit sa isa't isa. Hanggang sa tuluyan akong iginupo ng antok. Naramdaman ko nalang ang paghalik ni kuya sa aking pisngi. _ _ _ C O N T I N U E . . . Sana ma add niyo po ito sa library niyo. Malaking tulong na po iyon. Thank you so much po! Atarah Klyte and Austin Carlos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook