bc

Music of Our Hearts

book_age16+
227
FOLLOW
1K
READ
inspirational
versatile
popstar
sweet
bxb
humorous
lighthearted
realistic earth
enimies to lovers
feminism
like
intro-logo
Blurb

Isang die hard fan si Star ng isang sikat na banda. Ang Angels Band na may tatlong miyembro. Matagal na siyang tagahanga ng nasabing banda at matagal na rin siyang lihim na may pagtingin sa vocalist niyon na si Zhian. Isang gwapong lalaki na halos lahat ng babae ay nagkakagusto rito. Kahit isang kagaya niyang lalaki rin.

Handang gawin ni Star ang lahat makita lang sa personal ang vocalist ng banda at nangyari nga 'yon. Sa unang pagkakataon, nakarating siya sa concert ng banda at hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng mga sandaling 'yon.

Isang araw nagkaroon ng audition ang entertainment ng Angels Band para sa ikaapat na miyembro ng grupo. Kahit hinahangaan ni Star ang banda, hindi pumasok sa isip niya na mag-audition doon. Hindi kasi siya naniniwala sa talento niya at wala siyang balak na pasukin ang music industry.

Magbabago ba ang isip ni Star at susubukang mag-audition para maging miyembro ng banda?

chap-preview
Free preview
Kabanta 01
STAR NAPANGITI ako habang hawak-hawak ang isang VIP ticket para sa concert ng Angels Band. Hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko. Parang isang panaginip pa rin na hawak ko na ang VIP ticket na ito. Ito ang matagal ko ng pangarap-ang makapunta sa concert ng bandang sobrang hinahangaan ko. Ilang buwan ko atang pinag-ipunan ang pinambili ko ng ticket na ito. Kung anu-anong side line pa ang ginawa ko para lang mabili ang ticket na 'to. Nakakailang concerts na ang Angels Band pero ni isa hindi pa ako nakakarating. Umiiyak na nga lang ako sa tuwing may concert sila at hindi ako nakakapunta roon. Sa loob ng limang taong pagiging tagahanga nila, hindi ko pa nakita ang mga mukha nila sa personal. Nakakainis na nga e! Mahirap kasi ang maging mahirap e. Matamis na ngiti ang nanatiling pinta ng aking mukha nang naglakad ako palayo sa ticket booth. Tumingin pa muli ako sa maraming nakapila doon, na kung titingnan ang pila, baka bukas pa makabili ang nasa hulihan niyon. Kaninang umaga pa lang ay pumila na ako at halos alas-dos na ng makuha ko ang ticket na 'to. Ito pa lang ang unang araw ng tickets selling at pasalamat ako dahil hindi ako naubusan ng VIP ticket. Aba, sinigurado kong maaga akong pipila at nakipagsiksikan pa ako sa ibang mga fans para lang makabili ng ticket ng mas maaga. Lumabas na ako ng mall habang 'di pa rin mapawi-pawi ang ngiti sa aking mga labi. Hindi lang talaga ako makapaniwala na hawak ko na ang VIP ticket at malapit ko ng makita ang mga idolo ko. Lalo na ang ang vocalist ng banda na sobrang hinahangaan ko. "Star." Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Napakunot pa ang noo ko. "Oh! Mack? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Pinuntahan kita sa inyo at sabi ng Mama mo, nandito ka raw para bumili ng ticket." Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa at pangiti-ngiti na wari'y nagtataka sa akin. "Hmm! Base sa hitsura mo, nakabili ka na ng ticket. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata mo at ang tamis ng 'yong mga ngiti, e." Tinitigan pa niya ang aking mukha. "Here." Nakangiti kong tinaas ang ticket na nabili ko. Bahagya pa akong napahagikgik dahil sa sobrang saya. "Congrats! Aba, pakain ka naman. Makikita mo na si Zhian, e." Tumawa pa ito sa huling sinabi. "Sa wakas! Makikita ko na rin si Zhian, my loves." Bahagya pa akong tumingala. "Thanks, God." Pinagdikit ko ang aking mga labi at niyakap ang ticket. "Iba ka rin talaga 'no? Ginawa mo lahat para lang sa ticket na 'yan at makita ang idolo mo at ang lalaking hinahangaan mo." Nakita kong napailing ito. "Ano namang nakita mo sa Zhian na 'yon? He's just like us, a human, kaya bakit masyado kang nag-e-effort para lang makita siya?" Nginusuan ko si Mack. Hindi ko talaga makuha ang suporta nito pagdating kay Zhian. Tsk! Lagi niyang pinipilit na katulad lang naman daw namin si Zhian, kaya bakit kailangan ko raw gawin lahat para lang makita ito. Pero kahit gayon, alam ko naman na masaya siya kapag masaya ako. "Yes, he's just like us. Ang pinagkaiba lang, sikat sila at hindi basta-bastang tao." "Sikat sila, kasi nga mga gwapo sila. Hindi naman talaga sila magaling kumanta," giit pa niya. Inungusan ko siya dahil sa sinabi niya. Hindi ko na naitago ang inis ko. "Hindi mo kasi naririnig ang mga kanta nila. Palibhasa, hindi ka marunong kumanta. Hindi ka marunong um-appreciate ng art of music." Pinalo ko pa siya sa braso dahil sa inis ko. Nakita kong napangiwi siya habang natatawa at hinimas ang braso na pinalo ko. "Tingnan mo, puro babae lang ang fans nila. Kasi nga gwapo!" natatawa pa ring saad niya na tila natutuwa pa na naiinis ako. "Sira! Bakit ako? Hindi naman ako babae, ah?" sabi ko naman. "Talaga ba? Lalaki ka nga pero 'yang puso mo tumitibok para sa lalaki." Tinuro pa nito ang dibdib ko na kinaroroonan ng aking puso. "Paki mo ba? Bahala ka nga diyan!" Tinalukaran ko siya at naglakad na palayo. "Lalo na 'yang si Zhian, hindi naman talaga gwapo. Hindi pa magaling kumanta. Pang-CR lang ata ang boses no'n, e." Huminto ako at madilim ang mukha na tiningnan si Mack. Ilang hakbang ang layo niya sa akin. Nakita kong natatawa ito dahil sa naging reaksiyon ko. Tuwang-tuwa talaga siya kapag nakikitang naiinis na ako. Lumapit ako sa kaniya at tatlong beses kong pinalo ang braso niya. "Kaibigan ba talaga kita, Mack? Nakakainis ka!" Pinagpapalo ko ang braso niya at natatawa itong sinasalag 'yon. "Ano ka ba, Star. 'Di ka na mabiro e. Tama na!" aniya. Nahuli niya ang mga braso ko. Sobrang kunot na kunot ang noo ko at magkasalubong ang mga kilay. "Biruin mo ako hanggang gusto mo, huwag mo lang lalaitin si Zhian." Tiningnan ko pa siya ng masama. "Ang cute mo kasi kapag naiinis, e. Nakakagigil." Binitawan nito ang kamay ko at pinisil ang medyo mataba kong pisngi. "Aray! Ano ka ba, Mack," reklamo ko. "Sorry na, Star. Hindi ko na lolokuhin si Zhian mo. Basta libre mo ako." Nag-pout pa si Mack sa harap ko. Pa-cute rin talaga 'tong si Mack, e. Kung sabagay, cute naman talaga siya. Gwapo naman kasi si Mack at may ibubuga rin ang hitsura. Kung tutuusin pwede nga siyang maging model o artista, e. "Siguraduhin mo lang kung hindi, sisipain ko 'yang balls mo." Tiningnan ko pa ang parteng ibaba niya. Agad niya 'yong tinakpan ng dalawang kamay. At kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Aba huwag naman! Kaligayahan namin 'tong mga lalaki," agad na protesta niya. "Tss!" Tinalikuran ko siya at naglakad na. Sinundan niya ako at sumabay sa akin sa paglalakad. Matagal ko ng kaibigan si Mack Tirzon. Nakilala ko siya noong elementary days at siya 'yong nagtatanggol sa akin noon hanggang ngayon. Lapitin kasi ako ng mga bullies noon. Ayon nga lang, naging routine na niya ang asarin ako. Tuwang-tuwa kasi ito kapag nakikitang naiinis ako. Ang cute ko raw kasi lalo. Bago kami umuwi, kumain kami sa malapit na restaurant. Subukan lang talaga niyang lokuhin ulit si Zhian. Hindi ako mag-aatubiling gawin ang sinabi ko sa kaniya. Inaaway ko nga lahat ng bashers nito sa internet. Magaling ata akong makipag-away basta para kay Zhian. - "MA!" sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Gulat na humarap sa akin si Mama Carla. "Hay, naku! Nakakagulat ka naman 'nak. Kung may sakit ako sa puso baka matagal na akong patay." Nakahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Nagpa-plantsa siya ng mga damit ng madatnan ko. Sinabi 'yon ni Mama, kasi nga lagi akong sumisigaw kapag may nangyayaring maganda. Lalo na kapag tungkol kay Zhian. Sa tuwing naglalabas ng bagong kanta o Music Video ang Angels Band, tumitili ako dahil sobrang gwapo nila at ang gagaling kumanta. Kapag nananalo sila ng awards, sumisigaw din ako dahil sa saya. Tinakbo ko si Mama at niyakap ng mahigpit. "Ma, may VIP ticket na ako para sa concert ng Angels Band." Nagtatalon pa ako habang yakap si Mama. Saksi si Mama kung gaano ako kahanga sa bandang 'yon. Suportado naman niya ako. Tinulungan niya rin ako para makabili ng ticket. "Ano ka ba namang bata ka. 'Yon lang, para ka ng nanalo sa lotto," natatawang komento niya. "OMG! Makikita ko na talaga si Zhian!" Tumili pa ako pagkasabi niyon. "Anak, anak. Nakakabingi," saway ni Mama. Natatawa pa rin siya. "Ikaw talagang bata ka. O, siya sige, bumitaw ka na at tatapusin ko pa 'tong pinaplantsa ko." Humiwalay ako kay Mama. Piling ko talaga nanalo ako sa lotto. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ikaw ba naman makakapunta sa concert ng idolo mo at VIP pa. "Tutulungan na kita, 'Ma," presinta ko habang nanatili sa mukha ko ang sayang to the highest level. "Masaya ako para sa 'yo, 'nak. Basta, mag-iingat ka doon. Sa liit mong 'yan baka madagasan ka ng mga hyper na fans doon," paalala agad ni Mama sa akin. "Ano ka ba, 'ma. Maliit lang ako pero kaya kong makipag-girian sa kanila makita ko lang si Zhian." Bumungisngis pa ako. Maliit lang talaga ako. Hindi ko nga alam kung bakit ang baba ko, e matangkad naman si Mama at si Papa na nasa ibang bansa. "Aysus! Basta talaga para kay Zhian, gagawin mo lahat, e," komento ni Mama. Ngumiti lang ako. Alam ni Mama na sobrang hinahangaan ko si Zhian. Alam niya kung ano talaga ako at masaya ako dahil tinaggap niya kung sino at ano talaga ang totoong ako. Ganoon rin si Papa. Masaya ako dahil may mga magulang akong sumusuporta sa akin. Hindi sila nagalit ng malamang lalaki rin ang gusto ko. Tumutol si Mama na ako na ang magpa-plantsa pero nagpumilit ako. Sobrang saya ko ngayong araw kaya ginaganahan akong mag-plantsa. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Katatapos kong mag-plantsa at mayamaya ay maghahapunan na rin kami ni Mama. Lumingon ako sa paligid ng aking silid. Hindi ko maiwasang 'di kiligin dahil sa mga posters at pictures ni Zhian na nasa kwarto ko. Mayroon ring ilang pictures ang lahat ng members ng Angels Band. Tumayo ako at nilapitan ang malaking litrato ni Zhian na nasa harap ng kama ko. Nasa malaking picture frame 'yon. Kuha niya 'yon noong pictorial sa isang magazine. Naka-ngiti siya roon habang nakatingin sa camera. Sa tuwing tinitingnan ko 'yon, pakiramdam ko'y sa akin siya nakatingin kaya hindi ko maiwasang kiligin. Hinaplos ko ang tila makinis nitong mukha. Buong araw akong nakangiti at sobrang sarap sa pakiramdam na malapit ko na silang makita. "Malapit na tayong magkita Zhian." Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. May mapupula siyang labi at mapuputing mga ngipin, may matangos na ilong at medyong singkit na mga mata. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha niya. Sobrang gwapo niya kahit saang anggulo. Muli akong humiga sa kama at nagpagulong-gulong doon. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw ng concert nila. Tatlong linggo pa ang hihintayin ko para makita ang Angels Band. - "Let's all welcome, Angels Band." Umayos ako nang upo ng marinig ko ang boses ng MC. Kasalukuyan akong nanonood ng isang video sa YouTube, kung saan guest ng isang talk show ang AB. Gusto ko ng tumili pero pinigilan ko. Baka magulat na naman si Mama at baka imbis na wala siyang sakit sa puso magkaroon pa ng dahil sa akin. Narinig ko ang malakas na hiyawan mula sa mga manonood sa studio. Isa-isang bumati ang tatlong myembro ng banda. At sobrang nakakabingi talaga ang sigawan ng mga tao. "Congrats, Angels Band. In just two days, the tickets of your concern was sold out," manghang sabi ng host ng matapos bumati ang lahat. Nagpalakpakan na naman ang lahat ng manonood. "Thank you, guys!" sigaw ni Troy, ang guitarist ng banda. Magaling rin 'tong kumanta. Sigawan lang ang sagot ng mga manood. Pinagmamasdan ko lang si Zhian na nakaupo sa tabi ni Troy. Tahimik lang siya at hindi ko alam kung bakit tila ang lungkot ng mukha niya. Guni-guni ko lang ba 'yon. Ni sa inahagap ko hindi ko naisip na magiging malungkot pa ang isang kagaya ni Zhian. Halos lahat na sa kaniya na. "Let's talk about the ideal girls that you all wanted. Sa dami ng babaeng humahanga sa inyo, sigurado may isa roon na mayroong katangiang hinahanap ninyo." Lalo akong napatingin sa laptop ko. Lumapit pa ako para hinatayin ang sagot nila, lalo na ni Zhian kahit hindi naman ako babae. "Ako? A girl with cute personality, funny, small, and simple. That's it." Naghiyawan ang mga naroon ng matapos sumagot si Troy. Maraming mayroon ng ganoong katangian. "Ako naman...gusto ko sa isang babae, may malaking mga mata." Nagtawanan ang lahat. "Attractive sa akin ang may malaking mata, e. I don't know why, basta I like a girl with a big eyes." Ngumiti pa si Jarson, ang nagda-drum sa banda. Singer din ito. "And now, ang pinakahihintay ng maraming kababaihan. Zhian, ano ang gusto mo sa isang babae?" tanong ng host. Hindi agad siya sumagot. Tila nag-isip pa siya. Nakita kong tumaas baba ang adams Apple niya. Ako naman halos hindi na huminga sa kahihintay ng isasagot niya. "A girl who doesn't fan of mine," walang emosyong sabi ni Zhian. Natahimik naman ang mga manonood at nagtaka ang host. Napasimangot ako at bumuntong hininga. Paano 'yan? E, sobrang fan niya kaya ako. Napapadyak ako at nagpagulong-gulong sa kama. Wala naman atang babaeng hindi siya fan, e. Maraming pang tinanong ang host sa Members ng AB at hindi ko talaga pinalampas 'yon. Stalker kaya nila ako. Lahat ng guesting, fan meeting, funny videos and any videos na related sa AB ay pinapanood ko. Wala akong pinapalampas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

NINONG II

read
618.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

NINONG III

read
363.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook