bc

You're My Missing Piece

book_age18+
2.0K
FOLLOW
7.3K
READ
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng babaeng nangarap ng simpleng buhay. Sumasabay sa agos ng buhay, matatag, matapang, may determinasyon, pinatatag ng mga karanasan sa buhay. Handang gawing ang lahat maiahon lang ang naghihikahos na buhay ng pamilya... siya si Margarita Chrisanta Del Mondrio

Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, nag-iisang anak, mayaman, makapangyarihan, matalino, higit sa lahat guwapo, pinapangarap ng sino man anak ni eba. Lumaki siyang may kumpeyansa sa sarili walang makakatangi sa ano man naisin niya kahit sino o ano pa yan...siya si Alfredo Antonio Hernaiz

Paano kung ang isang simpleng babae ay ayawan siya, at pandirihan paano niya tatanggapin ito. At paano naman pipigilin ng isang simpleng babae ang kanyang nararamdam sa isang guwapo at supladong nilalang...

"let me go....don't touch me idiot"

"you're my s*x slave, slut bayad na kita b***h kaya wala kanang magagawa kundi sundin ang ano man naisin ko, gagawing mo ang lahat ng ipag-uutos ko at yun ay ang paligayahin ako sa ano mang oras na gustohin ko at huwag kang umastang parang inosente. Kaya ihanda mo na ang iyong sarili dahil maguumpisa kana ngayon."

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Margie anak hindi naba talaga magbabago ang isip mo? Kung tutuusin pwede naman dito kana lang magtrabaho." ani ng kanyang ina na nalulungkot ganun din ang kanyang ama katabi ng kanyang ina habang sila ay nakaupo sa kanilang lumang kawayang upuan sa kanilang maliit na sala, katatapos lang nilang maghapunan. Ang dalawang kapatid naman niyang lalake ay nagliligpit ng kanilang pinagkainan. "Ma hindi naman po ito ang unang kung trabaho sa malayo, kaya wag na kayong mag-alala sakin kaya ko po sarili ko." aniya "Mag-iingat ka nalang dun kung hindi mo na kaya umuwi ka agad dito ha, pwede ka naman magtrabaho diyan sa bayan" ani ang kanyang Papa. "Pa mas maganda po sa manila mas madaming aportyunidad mas malaki ang pasahod mas madami din akung mapapasukan pag natapos ko yun sinasabi ni Trina na trabaho, ipadadala ko po yun sweldo ko para makatulong naman ako dito sa bahay" litanya niya. Sanay siyang magtrabaho, lahat nga ng trabaho pinasok na niya nun nasa college pa siya hindi alam ng pamilya niya ang mga nangyaring sa buhay niya hanggang ngayon wala padin alam ang mga ito, isenekreto niya yun dahil dun muntik na siyang napahamak, isang bangungot ng kanyang nakaraan, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang balintataw ang masamang karanasan sa buhay niya. Ang kanyang nakaraan na muntik ng naglagay sa kanya sa hukay, isang kasuklam-suklam na pangyayari para sa kanya na pinagdusahan niya ng halos isang taon. Kung kinakailangan bumalik siya uli sa dating trabaho para sa pamilya ay gagawin niya at para mahanap kung sino ang may utang sa kanya upang pagbayarin ito. "Ate mag-iingat ka dun ha, ingatan mo sarili mo" ani Drew at umakbay pa sa kanya na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Kanina pang umaga siya nakapag impake ng kanyang mga gamit na dadalhin sa kanyang pagpunta sa Manila sinigurado niyang dala na niyang lahat ng mga importanteng dukomentong kailangan niya. Ayun sa kaibigan may bakanting trabaho sa opisinang pinagtratrabahuhan nito, yun nga lang tatlong buwan lang daw yun pero dipende daw kung mag-extend pa ng maternity leave yun dating secretary, ang sabi ng kaibigan niya maghahanap nalang sila uli ng ibang trabaho para sa kanya pagnatapos na ang tatlong buwang trabaho niya. "Lord patnubayan niyo ako please" usal nila. Alas tres palang ng madaling araw gising na si Margie excited na siya sa trabahong sinasabi ng kanyang kaibigan. "Ate pagdating mo dun tawag ka agad ha, kahit text lang para alam naman namin kung maayus kang nakarating sa patutunguhan mo" sabi ng kanyang kapatid na si Drew, second year collge na ito, ito ang sumunod sa kanya limang taon ang tanda niya dito at si Alejandro ang kanilang bunsong kapatid nasa high school palang ito. Niyakap pa siya ng kanyang inang lumuluha bago siya sumakay sa tricycle na inupahan pa niya para ihatid siya sa paradahan ng mga jeep papunta sa terminal ng mga bus. "Kamusta kana Margie hindi kaba nahirapan sa biyahe mo, malayo din ang satin lugar?" bati sa kanyan ng mama ng kanyang kaibigan pagdating nila sa bahay ng mga ito. sinundo kasi siya ng kanyang kaibigan mula sa terminal. "Magandang hapon po Tita Eva" aniya sabay abot niya sa kamay nito para magmano. Napansin niya mukang tumanda na ito at pumayat kaysa dati malaki ang hinulog ng katawan nito. "Abay papasukin mo muna yan kaibigan ng anak mo at napagod yan" ani ng papa ng kanyang kaibigan. "Oh siya sige kumain na kayu para makapahinga ka" dagdag pa ng tita Eva niya, kaya hinila na siya ng kaibigan niyang si Trina papasok sa kusina. "Marz ano bang nangyari sa inyo at bigla-bigla nalang nagbago ang isip mo" tanong ng kanyang kaibigan. "Mahabang k'weto Trina" aniya sa kaibigan. "Kahit gaano pa kahaba yan basta gusto kung malaman kung anung nangyari sa inyo, bakit wala na kayo dun sa dati ninyong bahay? san na kayo nakatira ngayon? bakit ninyo ibinenta yun dati ninyong bahay?" sunod sunod na tanong ni Trina. Napabuntong hininga naman siya ng dalawang beses, bago siya tumingin dito. .............flashback........ "Mama!!...mama!!....palahaw ni Alejandro habang kalong-kalong nito ang kanyang walang malay na ina. Habang natataranta naman si Andrew at hindi malaman ang gagawin, kasunod nito ang kanilang amang si mang Jose na agad binuhat ang asawa at mabilis na isinakay sa owner type jeep nila. Halos paliparin na ni Mang Jose ang kanyang sasakyan sa bilis ng pagpapatakbo nito papuntang hospital kasabay ng sunod-sunod na busina ng kanyang sasakyan. Habang walang tigil naman sa pag yugyug si Andrew sa kanyang ina habang umiiyak ito. "Mamaaa... mamaaa...gising napo kayo wag niyo kaming iwan parang awa na niyo po" sigaw niyang paulit-ulit. Pagdating nila sa hospital agad na dinala ito sa emergency room at dun sinuri itong mabuti. "Papa ano na po nangyari kay mama may sakit po ba siya na hindi namin alam?" tanong ni Andrew sa papa niya habang ang kanyang ama'y di mapakali kanina pa ito paikot-ikot ng lakad sa labas ng emergency room kung saan andun ang kanilang ina. "Hindi ko din alam kung anong meron ang mama mo wala naman sinasabi sakin kung may nararamdaman ba siya" sagot ng papa niya na parang maiiyak na. Bawat minutong dumaan ay lalong nagpapakaba sa kanila kung ano na nangyayari sa loob ng emergency room, kung ano na ang lagay ng kanilang ina, kung ano bang sakit nito. Ng bumukas ang kwarto kung saan ang mama nila, inuluwa dun ang isang nurse kasunod nito ang doctor na sumuri sa kanilang mama. "Sino ang kaanak ng pasyente" tanong ng isang nurse na katabi ng doctor. "Ako po ang asawa" ani mang Jose. Inalis muna ng doctor ang kanyang face mask bago ito nagsalita. "Lagi po bang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang misis niyo?" tanong ng doctor kay mang Jose. Kaya nagkatinginan silang mag-aama bago siya sumagot. "Hindi naman po nagsasabi ang aking misis kung may nararamdaman siya, wala po siyang nababanggit samin doctor" aniya. kaya umiling-uling lang ang doctor. "Ano po ba lagay ng misis ko doc.?" nag-alis muna ng bara sa lalamunan ang doctor bago ito nagsalita. "May namuo pong dugo sa ugat malapit sa kanyang puso na nagiging sanhi ng kanyang hirap sa paghinga, kung hindi po maagapan agad baka po mauwi sa hindi maganda, malalagay po sa panganib ang buhay ng inyong maybahay" anito. At dahil sa narinig hindi agad sila nakakibong mag-aama, hindi nila alam ang gagawin ngayon paano na sila paniguradong malaking halaga ang kakailanganin nila, saan sila kukuha ng ganun kalaking halaga. "Doc. ano po dapat gawin sa mama ko may treatment po ba dun sa sakit ni mama?" tanong ni Andrew na hindi na makatiis kaya siya na ang nggtanong dahil nakikita niyang parang natulala na ang kanya Papa, nakita din niya umiiyak na ang kanyang kapatid na bunso. "Isa lang ang pwedeng gawin sa iyong mama, ang maopera sa lalong madaling panahon, kaya maghanda na kayo ng malaking halaga. Kung meron kayung kamag-anak na malalapitan makiusap na kayo. Mahalaga ang buhay ng pasyente. Bata pa ang mama mo kakayanin pa niya ang operasyon, gawan nalang ninyo ng paraan, pag may nalikum na kayong sapat na halaga puntahan nalang niyo ako sa aking opisina." mahabang paliwanag ng doctor, bata pa ang doctor ng mama niya isa daw itong specialized in treating diseases of the cardiovascular system, sa america daw ito nagtapos ng propesyon nito ayun sa nakausap niyang nurse na lalakeng kakilala niya. Isa itong magaling na cardiologist at mukhang mabait ito, nakakaintindi ng sitwasyon nila. "Salamat po doc. gagawin po namin lahat para maopera na agad si mama." aniyang paniniguro. "Sige kung may mauutangan kayo umutang na kayo para maisalba ang buhay ng inyong ina.... hhmm... sige ganito nalang mahal kasi talaga ang magagastus niyo sa operasyon ng mama niyo, para mabawasan at makatulong naman ako sa inyo libre na ang professional fee ko." anito. kaya naman nagliwanag ang kanyang mga mata sa tinuran ng doctor, napakalaking bagay nun para sa kanila. "Maraming maraming salamat doc. tatanawin po naming malaking utang na loob yun. thank you very much doc." aniya. ....end of the flashback.... Natigilan siya sa pagkwento ng bigla siyang yakapin ng mahigpit ng kaibigan. "Andito lang ako Margie, andito lang kami nila mama at papa hindi ka namin pababayaan." ani Trina. "Salamat" mahinang usal niya. "Halika na nga magpahinga kana at alam kung pagod ka sa biyahe" ani pa nito sa kanya. "Gigisingin nalang kita mamaya sa dinner natin" dagdag pa nito. "Trina maraming salamat sayo" aniya sabay yakap niya sa kaibigan. "Ano kaba magkaibigan tayo kababata kita sino paba ang magtutulungan kundi tayo lang." wika naman ni Trina sa kanya. "Pahinga kana muna dito" dagdag pa nito. "Sa palagay mo ba matatanggap ako sa sinasabi mong kompanya na pinapasukan mo? Hindi ba masungit mga boss mo?" tanong niya dito. "Yung boss kung lalake yung ang ubod ng sungit at may pagka-arogante pa pero gwapo kaya lang bawal daw ma-in-love ang mga employees niya sa kanya sabi niya, tatangalin niya daw" saad pa nito. "Grabe naman pala ang boss mo" aniya "Sinabi mo pa, madami din yun babae, pero ewan ko kung sino ba talaga ang girlfriend nun sa dami ng nagpupuntang babae dun sa opisina niya, magaganda din yun iba, yun iba naman model daw pero masama naman mga ugali, buti nga hindi nakakasabay-sabay sa pagpunta yun mga babae naku kung hindi malaking gulo, ingat ka nalang" litanya nito sabay kibit ng mga balikat nito. Ang gusto lang naman niya ay matulungan ang kanyang pamilya. Kung ano na ang magiging kapalaran nila ngayon tatangapin niya ang mahalaga kumita siya ng pera sa legal na pamamaraan. Sabi ng mama niya malapit ng umuwi ang mga tiyahin niya mula sa America, kapatid na panganay ng mama niya ito nagtrabaho sa america ang asawa nito pagkaraan ng ilan taong pamamalagi dun kinuha nito ang buong pamilya at dun na nanirahan pero ngayon gusto na daw umuwi. Ang sabi ng tiyahin niya ay may sakit na ang asawa nito at gusto ng umuwi sa Pilipinas para dito na manirahan, ito ang may ari ng bahay at lupang kanilang tinitirhan ngayon buhat ng naibenta nila ang sariling bahay at lupa. Ayaw daw nito ng may ibang taong nakatira sa bahay nila isa pa ipagagawa na daw yung bahay masyado daw yun maliit at luma na para dito. Alam nilang maselan ang asawa ng tiyahin nila kaya nga wala itong kasundo sa kanila. Nahiga na siya sa kama habang nakatitig sa kisame, nag-iisip siya ng mga bagay-bagay, san na kaya sila titira ngayon. Sana lang matanggap siya sa kompanya pinapasukan ng kaibigan niya para makapagpadala na siya ng pera, para makahanap na ang kanyang pamilya ng bahay na pwedeng nilang malipatan kahit pansamantala lang, sana yun malapit sa paaralan kung saan nag-aaral ang kanyang mga kapatid para menos gastos. Kung makakatapos na sa pag-aaral ang kanyang kapatid makakatulong na ito sa pamilya nila, matalino ang mga kapatid niya kaya nanghihinayang siya kung mahihinto ang mga ito Tinawagan nalang niya ang kapatid para ipaalan dito na nasa maayus na siya kalagayan, para hindi na mag-alala pa ang mga ito sa kanya. Nag-aalala din siya sa dalawang kapatid, lahat gagawin niya huwag lang mahinto sa pag-aaral ang mga ito, lalo na at nasa college na si Andrew. "Kung hindi lang nagkasakit si mama hindi namin ito mararanasan" bulong niya sa isip niya." malaki ang kita ng mga bukid nila nuon, sa tag-ulan palay ang pananim nun at sa tag-araw may mga mais at gulay na siyang ibinibiyahe ng mga magulang nila, may taniman din sila ng mga prutas tulad ng saging na inaangkat ng mga taga-lunggsod at karatig bayan. "Pero ayus lang kahit nawala pang lahat ng iyon at least kasama pa namin si mama" kausap niya sa sarili. Pagnatanggap ako dito hahanap nalang ako kahit maliit na apartment tutal mag-isa ko lang naman, sanay naman akung mabuhay mag-isa" bulong niya sa kawalan nahihiya din kasi siyang makitira sa bahay ng kaibigan niya, nag-iisang anak ito, tulad ngayon hindi na daw nagtratrabaho ang ina nito, dahil mahina daw ang baga nito kaya pinahinto na ng asawa nito, isa itong dating guro, ngayon ang papa nalang nito at ang kaibigan niya ang may trabaho, impleyado ang papa nito sa isang malaking kompanya ayun sa kaibigan niya. Masaya silang naghahapunan kasalo siya sa hapag ng mga ito. Tumulong pa siya sa paghahanda ng kanilang hapunan, alam niyang hindi pwedeng mapagod ang Tita Eva niya dahil sa sakit nito. Nahihiya din siya kung tatanga nalang siya, alam naman niya kung paano makisama, marunong naman siya ng gawaing bahay. Ibang-iba na ang buhay ng mga ito kumpara nun nasa probinsiya pa, sila ang mas nakakaangat noun, ngayon mas malaki pa ang bahay nito kumpara sa dati nilang bahay sa probinsiya may apat na kwarto sa itaas at may isang malaki sa baba na siya ginagamit ng mga magulang ng kaibigan niya dahil hindi na daw kayang mag akyat-baba sa hagdan ang tita Eva niya, madali na daw hingalin ito. Naikweto nadin niya ang naging kalagayan nila kasama na ang naging operasyon ng mama niya at kung saan na sila ngayon nakatira. Magkaibigan din kasi ang mga magulang nila. Nalulungkot ang mga ito sa mga nangyari sa buhay nila. "Huwag kang mag-alala makakabawi din kayo, may awa ang Diyos." ani ng tita Eva niya sa malamyus na boses na maging sa pagsasalita hinihingal. ......................................................... ..please add my story in your library & follow my account.."Lady Lhee".. ....God Blessed Us ......"Lady Lhee"..... ....loveyouguys.....lrs...........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook