bc

(Part 2) Sweet Kiss

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
goodgirl
doctor
sweet
bxg
scary
loser
office/work place
secrets
war
like
intro-logo
Blurb

Napatda siya sa kinatatayuan ng makita si Gio na papasok ng ospital kung saan siya nagtatrabaho. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga oras na yun.Lumayo si Elin kay, Gio dahil sobra siyang nasaktan sa ginawa nitong pagpayag na pagpapakasal kay, Yuri para maisalba ang kompanya ng pamilya ni Gio.At sa muli nilang pagkikitang dalawa at pagkukrus ng landas. Ano ang maaring magbago?Hindi na siya ang dating Elin na patay na patay sa isang Gio Lee.Hindi na niya muling hahayaang mahulog sa binata.Hindi na niya muling hahayaan na masaktan pa at madurog ng dahil dito.Iiwasan niya ang binata kung kinakailangan.

chap-preview
Free preview
SWEET KISS 1
Naglalakad si Elin ng mapansin niya na nagkakagulo ang mga tao. Papasok na siya sa shift niya ng umagang iyon. Lumapit siya sa nagkakagulo at naki osyoso. Sa paglapit niya nakita niya ang isang nakahandusay na babae at walang malay tao. Walang sabisabi ay nilapitan niya ang babae. "anong nangyari sa kanya?" tanong sa mga taong nakapaligid. "natumba na lang siya bigla at nawalan ng malay." sabi ng isang babae. Tinignan niya kung humihinga ang babae.At chineck ang pulso nito. "tumawag kayo ng 119. Sabihin niyo may babaeng nawalan ng malay dito." utos niya sa mga nandoon at sinimulan niyang i- CPR ang babae para hindi ito mawalan ng hangin. "teka, miss. Sino ka ba? Alam mo ba kung anong ginagawa mo?" tanong ng isang lalaki sa kanya. Sa totoo lang naiinis siya sa mga ganitong sitwasyon. Kaya minsan ayaw niyang gumawa ng bagay na gaya nito. Kaso lang ito ang forte niya bilang isang doctor. Tinignan niya ang lalaki. "may tumawag na ba sa 119?" tanong niya. "miss, umalis ka na diyan kung hindi ka naman doctor!" sabi ng lalaki na sinang-ayunan ng iba pa. "tumahimik ka nga! tumawag kayo ng 119!" sigaw niya. "paparating na sila." sabi ng babae na tumawag. "good. Miss, kapit lang parating na ang ambulansiya." sabi niya habang nagsi CPR sa pasyente. Maya-maya pa dumating na ang ambulansiya at mabilis na lumapit sa kanila ng babae. Nagtaka pa ang rescuer dahil sa ginagawa niya. "miss, anong ginagawa mo?" tanong nito sa kanya na hindi niya na lang pinansin. "bilisan mo na ang kilos mo!" sigaw niya sa rescuer. "ikaw ba ang kasama niya?" tanong nito. "hindi. Nakita ko lang siya na walang malay." sabi niya. "hindi naman doctor ang babaeng yan." sabi ng lalaki na kanina pa siya binubwisit. Napapikit siya at di na nakatiis pa. "doctor ako! Hindi ko gagawin yun kung hindi ako doctor!" sabi niya sa lalaki. Binalingan niya ang rescuer. "meron siyang heart arrhythmia. Mas mabuting madala agad siya sa ospital para ma check." sabi niya. Tumango naman ang rescuer sa kanya. "salamat, Doc." sabi nito at mabilis ng umalis. Tinignan niya ang lalaking kanina ay sinasabing hindi naman siya doctor. Yumuko ito sa kanya. "pasensiya na po, Doc." hinging paumanhin nito. Nakayuko ito habang papalayo sa kanya. "hays! kakainis yun! panira ng araw." sabi niya at umalis na rin. ISA ng doctor ngayon si Elin. Sa paglipas ng panahon nahigitan niya pa ang pangarap niya. Dati gusto lang niyang maging isang nurse. Pero, ngayon isa na siyang ganap at lesensiyadong heart surgeon. "good morning, Doc." bati sa kanya ng mga nasasalubong niyang nurse at pasiyente. Isang magandang ngiti naman ang iginaganti niya sa mga ito. Kung dati part timer lang siya sa isang Cafè Bar. Ngayon, isa na siyang full time doctor sa pinapasukan niyang ospital. Ang Hanyang Medical Hospital. Pumunta na siya sa Heart Surgeon Office para mag ayos ng gamit. Mag ra-round kasi siya sa mga pasyenteng hawak niya. "good morning, Doc! " bati sa kanya ng mga pasyente niya pagpasok pa lang niya sa ward. "good morning din sa inyo. Kamusta ang mga puso niyo?" nakangiting tanong niya sa mga pasiyente. "maganda po ang t***k ng puso namin dahil sa inyo, doc." sabi ng isa. "ganun ba? salamat naman kung ganun." sabi niya. Pagkatapos niyang mag round sa mga pasiyente niya, bumalik na siya sa HSO para mag research tungkol sa gagawin niyang operasyon bukas sa isang batang babae. Nang matapos siya sa research lumabas siya ng office para magkape at mapahangin. Ganito ang araw-araw niyang ginagawa magmula ng maging isa siyang doktor. Hindi niya akalain na magiging isa siyang taga gamot ng puso, gayong ang puso niya ay hindi niya kayang gamutin. Naalala na naman niya... Hindi na nagkita pa silang dalawa magmula ng araw na yun na umuulan. Nag focus siya sa pag aaral at pagtatrabaho hangang sa maka-graduate siya at makapasa sa exam. Kinailangan niya ng mahabang panahon para mapaghilom ang sugat na ibinigay sa kanya ni Gio. Wala na siyang balita sa binata kahit pa na minsan ay nagkikita ang mga magulang nila. Hindi na niya nagagawang dumalaw sa mommy ni Gio dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. Siguro nga ikinasal na ito kay, Yuri. Ayan ang palaging nasa isip niya hangang sa ngayon. Masaya na siya kung ano man ang naging desisyon ni Gio para sa kapakanan ng pamilya nito. Wala naman siyang maitutulong noon kaya wala siyang nagawa. Nakaraan na lang para sa kanya ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Humigop siya ng kape sa baso na hawak niya, habang nakatingin sa maliwanag at maaliwalas na kalangitan. "Elin!" narinig niyang tawag mula sa likuran niya. Nilingon niya ito at nakita niya ang bestfriend niyang si Anna na kumakaway sa kanya. Kinawayan niya rin ito ng nakangiti. Isa ng freelancer si Anna. Ikinasal na rin ito at may isa ng anak. "kanina pa kita hinahanap." sabi nito pagkalapit sa kanya. Nag alala siya bigla. "bakit? may nangyari ba kay, Cloe?" tanong niya sa anak nito. Cloe is Anna's daughter. Ito rin ang batang ooperahan niya bukas. May butas ang puso ni Cloe at kailangan iyong isara para mabuhay ang bata ng matagal. "walang nangyari. Hinahanap ka kasi ng inaanak mo kaya kita hinanap." sabi nito. "akala ko may nangyari ng masama. Halika na puntahan na natin siya." aya niya sa kaibigan. Pinuntahan na nila ang anak nito sa private room ng ospital. "hello, little princess!" masayang bati niya sa batang may mga nakakabit na aparato sa katawan. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. Nilapitan niya ang inaanak niya at hinawakan ang kamay. "how are you, baby?" tanong niya kay Cloe. "im fine, tita ninang. But, im scared." sabi ng bata. Hinaplos niya ang buhok ng bata. "don't be scared, baby. Im here and i will save you. I know, your a strong young woman. Okay?" pagbibigay lakas loob niya sa bata. Nakikinig lang sa kanila si Anna at naluluha. "huwag kang mag-alala. Ililigtas ko siya at makakasama pa natin siya ng matagal." nakangiting sabi niya kay, Anna. Inabot niya ang kamay nito at pinisil.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
36.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
239.4K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.2K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook