bc

Lustful Encounter with the Billionaire

book_age18+
299
FOLLOW
1.8K
READ
billionaire
revenge
HE
heir/heiress
drama
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Malinaw naman kay Ava na namatay ang kanyang kakambal sa isang car accident. Pero bakit parang kulang parin ang impormasyon na iyon sa kanya? Hindi kayang punan ng impormasyon na iyon ang halos isang taon na pagkawala ng komunikasyon nilang dalawa kung saan ang huli niyang balita dito ay sumama na ito sa fiancé nito na ang pangalan ay Henry Miranda.

Minsan siyang niyaya ng katrabaho niya sa isang bar at aksidenteng narinig niya ang pangalan ni Henry. Kaagad niyang sinundan ang mmatangkad at gwapong lalaki. Ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na nangyari.

"I'm not Henry Miranda." His eyes was intensely staring at her.

"Huwag ka ng magsinungaling. Tinawag ka ng kasama mo kanina with that name. Gusto lang kitang makausap tungkol sa yumao kong kapatid."

"My name is Finn Henry Montorio." Sabay balandra sa kanya ng Id nito.

Parang binuhusan si Ava ng malamig na tubig nang malaman ang pangalan ng lalaki. Siguro naoverheard niya ang pangalan nito dahil na rin sa nakainom na rin siya.

"Ah-Ahm... sorry, akala ko ikaw yong hinahanap ko." Akma siyang aalis nang hawakan nito ang braso niya.

"Where are you going?"

"Aalis na..."

A smirk came out on his lips. Humakbang siya palapit kay Ava. "Well, I have a rule in this room. Once you enter you can't go out that easy nang walang nangyayari sa atin."

Napasinghap si Ava. He pinned him to the wall at walang sabi-sabing siniil siya ng halik.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 AVA "Matutunaw na 'yan." Napatingin ako sa pinto ng staff room. Pumasok si Joyce habang dala ang kanyang tupperware na paniguradong pagkain at ulam niya. Lunch break namin bilang isang cashier ng isang convenience store. Naupo siya sa tabi ko at nilapag sa lamesa ang baon niya. Napatingin naman ako sa relos ko. 15 minutes na lang pala ang break time ko. "Iniisip mo na naman ang kakambal mo 'noh?" usisa niya. Nilingon ko siya saglit saka muling tumingin sa wallet ko kung saan naroon ang picture namin dalawa ng kapatid ko. Nasa kwarto kami nito. Kuha iyon noong nagbakasyon kami sa lola ko sa probinsya. Isang mapait na ngumiti ang sumilay sa labi ko. Tumango ako. "Pang- 5th death anniversary niya na kasi bukas," mahinang sagot ko. "Pupunta ka ba ng sementeryo?" Tumango ako. "Kaso gabi na ako makakapunta doon kasi may duty pa tayo." "Gabi? Eh... baka may mangtrip na naman sayo doon. Remember, last time na pumunta ka doon ay pinagtripan ka ng isang lasingero." "Wala naman akong magagawa. Hindi naman ako pwede um-absent." "Sige. Ganito na lang. Sasamahan na lang kita. Total, same shift lang naman tayo at sabay naman tayong uuwi." Napatingin ako kay Joyce. "Sigurado ka?" Tumango ito at ngumiti. "Oo naman. What are friends for? Pero bago niyan... samahan mo rin ako sa Deep Blue mamaya pag-out natin." "Deep Blue?" kunot-noong tanong ko. Ang tinutukoy niya ay ang sikat na resto bar sa lugar na ito. Mamahalin na resto bar iyon dito sa Willerston City. Ang isang hamak na ordinaryong babae na nagtatrabaho sa convenience store na gaya ko ay hindi afford na makapasok sa lugar na iyon. "Yeah... Inaya ako ng high school bff ko dahil birthday niya at doon gaganapin." Umangat ang sulok ng labi ko. "Wow, galante ah?" "Mismo! Mayaman talaga 'yon kaya marami siyang inimbita na friends niya." "Oh, eh ba't kailangan mo pa akong isama? Baka ma-out of place lang ako doon." "Ava, gusto kitang isama kasi baka ako ang ma-out of place doon," pagtatama niya. "Panigurado kasi mga VIP din ang mga kaibigan non. Mga anak mayaman at mga successful kaya paniguradong magyayabangan sila. Eh ako ang balak ko lang na gawin doon eh para doon sa kaibigan ko. Pagkatapos noon, malamang... hindi na sila mag-aaksaya ng oras na kausapin ako." "Edi... huwag ka na lang pumunta." Kinuha ko ang tupperware na pinagkainan ko at pumunta sa lababo. 10 minutes na lang ay tapos na ang break time ko. Isang hindi makapaniwalang tingin ang binigay ni Joyce sa akin. "My gosh Ava, nagiisip ka ba?" "Bakit?" maang na tanong ko. "Girl! Deep Blue Resto Bar 'yon! For sure maraming gwapo at mayayaman na mga lalaki ang pumupunta doon. Balita ko pa nga mga bilyonaryo ang iba. Once in a lifetime lang tayo makakapasok doon! At ngayon lang 'yon! At baka pag nakapasok tayo, doon na natin mameet ang lalaki na mag-aangat sa atin sa buhay," parang nagdi-daydreaming si Joyce nang sabihin niya iyon. "Tsss..." Napailing ako. "Hindi ko naman kailangan ang mga lalaking 'yan. Sakit lang sa ulo ang mga 'yan." "Wow! Ang bitter ah? Parang sinasabi mo na rin na hindi ka pa nakamove on sa ex mo." Punong-puno ng pagkain ang bibig ni Joyce habang sinasabi ang mga salitang iyon. Napatigil ako sa pagbanlaw ng hinuhugasan ko. Saglit na bumalik sa isip ko ang lalaking halos 7 years kong nakarelasyon. Ngunit natapos lang dahil sa panloloko niya. "Naka-move on na ako, Joyce," I declared saka kumuha ng tissue para punasan ang tupperware ko. Isinilid ko kaagad iyon sa plastic. "Then prove it. Sumama ka sa akin sa Deep Blue." Napairap ako kasunod ng pagbuntong hininga. I gave up. "Ok ok. Sasamahan na kita." *** "Ang sexy mo pala kapag nakashorts ka Ava," nakangiting komento ni Joyce sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Eh, kung hindi mo sa akin pinilit na suotin to. Hindi talaga ako magsusuot ng ganito. Alam mo naman na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit." Sleeveless croptop na pinatungan ng lether na jacket ang top ko. Habang sa baba naman ay shorts na hindi naman ganoon kaiksi sa suot ni Joyce pero para sa akin ay kitang kita na ang singit ko. Pinahiram niya sa akin ang mga damit na iyon kasi wala naman akong ganoong klaseng mga damit. Nakaponytail lang din ang abot bewang kong buhok habang nanatiling nakaone side ang bangs ko na noon ay abot tenga ko na ang haba. "Ano ka ba! Ayokong pagtawanan ka doon kung makikita ka nila na naka oversized tshirt at pantalon. VIP ang lugar na iyon kaya kailangan natin sumabay para hindi tayo mahalata na mga poorita doon." "At saka bente otso na tayo para magfeeling concervative parin tayo. Malapit na tayong mawala sa kalendaryo noh!" dugtong pa nito Bahagya na lamang akong natawa kasabay ng pag-iling dahil sa sinabi ni Joyce. "Oo na. Halika na." Alas 10 y medya nang makarating kami sa labas ng Deep Blue. Bumaba kami sa isang madilim na kalsada para daw hindi halata na nagbook lamang kami ng Grab para makapunta doon. Napapailing na lang ako kay Joyce sa mga ginagawa niya. Halos lahat daw kasi ng pumupunta sa resto bar na iyon nakakotse at nakakahiya daw kung makikita kami ng mga tao doon na nag-commute ay baka kung ano ang sabihin sa amin. Hay, minsan hindi ko din talaga alam ang utak ng babae na ito. Pumasok kami sa VIP lane. Pinakita lang ni Joyce ang card na binigay daw ng kaibigan niya. Dalawa kasi ang linya doon. Meron sa pinakamahaba kung saan tatambad agad ang maingay na dancefloor at itong VIP na may mahabang pasilyo at red carpet pa. May aircon sa loob at may mga waiter na nakaabang na para abutan ng wine ang mga pumapasok. Sobrang elegante ng treatment kumpara sa ordinary lane. Ang sabi pa ni Joyce. Dalawang klase ang dancefloor dito. 'Yong isa para daw sa mga not so rich pero rich parin na mga tao at iyon ay 'yong nasa first floor at 'yong isa naman ay para sa mga Billionaire kung saan maraming stripper na binibenta ang kaluluwa nila kapalit ang malaking halaga ng pera. Nasa second floor naman iyon ng resto bar. Alin man sa dalawa ay hindi parin namin afford ang pagpasok dito. Entrance fee palang kasi ay triple na sa sahod na kinikita ko sa isang buwan sa convenience store. Pagkapasok namin ay dumeretso kaagad kami sa celebrant. May pwesto naman sila kung saan makakapagupo kami ng maayos at makakapagkwentuhan. Ang tanging kalaban lang namin ay maingay na tao na nagsasayawan at ang maingay na musika sa paligid. Well, usual naman iyon sa isang resto bar na ganito. Ilang oras din ang ginugol namin para makakwentuhan ang ibang bisita doon. Nakailang shots na rin ako ng alak nang makaramdam ako ng pagiihi. Nagpaalam ako kay Joyce na pupunta sa restroom saglit. "Ay, tara. Sama na rin ako. Naiihi na rin ako eh." wika ni Joyce. Nagpaalam kami sa kaibigan niya at sabay na kaming pumunta sa restroom. Pagkatapos namin umihi ay sabay din naman kami lumabas. Pagkalabas ko ay walang sabi-sabing may nakabunggoan ako sa pasilyo. "Sorry..." sambit ko kaagad at tiningala ang nakabunguan ko. Nilingon din ako ng lalaki. Bahagya naman na umawang ang bibig ko nang saglit kaming magkatitigan. Mula sa seryosong mukha ay nakita ko kung paanong bahagyang kumunot ang noo niya. Habang ang mga mata niya ay naningkit na hindi ko alam kung confuse ba o sadyang nang-aakit lang habang nakatingjn sa akin. Agad din siyang umiwas ng tingin lalo na nang akbayan siya ng isang lalaki sa likuran niya. Agad naman bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang hawakan ni Joyce ang braso ko. Nagpatuloy sila sa paglalakad na tila ba walang nangyari. Habang ako ay saglit na tumigil ang mundo sa kagwapohan taglay ng lalaking iyon. Ang ganda kasi ng shape ng mga mata niya. Lalo pa't pinaresan pa iyon ng mahahabang pilik mata na kahit hindi niya gawin ay parang palaging nangaakit. "Gosh! Ang gwapo niya girl!" impit na sabi ni Joyce kasabay ng mahinang pagtili. Napatingin ako likuran ko para sundan ulit sila ng tingin na ilang metro na rin ang layo mula sa kinatatayuan namin. Likod na lamang nila ang nakikita ko at wala silang balak lumingon dahil sino ba naman kami para lingunin nila? Napailing ako para iwaksi ang mukha ng lalaki sa isip ko. Sa itsura palang nito ay sobrang taas na nito... I mean paniguradong mahirap siyang abutin dahil porma palang nito ay halatang mayaman na. Umiling ako. "Tss, suplado naman." "Ano?" tanong ni Joyce na halatang hindi narinig ang boses ko dahil sa malakas na music na galing sa dancefloor. "Ni hindi man lang nga nag-sorry kahit siya naman talaga ang hindi tumitingin sa dinadaanan." Irap ko sabay hawak sa braso ko dahil bahagya akong nakaramdam ng kirot sa pagkabunggoan namin. Kung hindi pa nga talaga ako aware ay baka naapakan niya pa ang paa ko. "Ehhh... natural naman talaga 'yon sa mga mayayaman na lalaki. Panigurado ako na papunta sila sa second floor kung saan naroon ang nagtitipon tipon ang mga bilyonaryong tulad nila." Nilingon ko si Joyce. "Paano mo naman nasabi na papunta sila doon?" "Seriously? Henry Miranda?" Muli akong napalingon sa lalaki na siyang nagsalita na noon ay lumiko na sa kanan bahagi ng hallway. "Henry Miranda?" mutawi ko. Mabilis na tumibok ang puso ko. "Oh bakit?" tanong ni Joyce sa akin. Naglakad ako para sundan ang dalawang lalaki. "Oy, teka teka... Saan ka pupunta?" tanong ni Joyce. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. "Sa tingin mo sino ang nagsabi ng Henry Miranda? 'Yon bang nakabungguan ko o 'yong umakbay sa kanya?" Sa halip ay tanong ko kay Joyce. "I think 'yong umakbay sa kanya." Napasinghap ako at muling naglakad para sundan sila. Ngunit muli akong pinigilan ni Joyce. "Siguradong pangalan iyon ng lalaking nakabunggoan ko." "Teka... anong meron sa pangalan na 'yon? Kilala mo ba 'yon?" confuse na tanong ni Joyce. "Hindi, pero..." Tumigil ako. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko. "Henry Miranda kasi ang pangalan ng lalaking nakarelasyon ni Aria." "Wait... wait... 'yong kakambal mo?" Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Joyce. "Paano mo naman nasisiguro?" "Nakausap ko siya ilang linggo bago kami nawalan ng kumunikasyon. Iyon ang pangalan na sinabi niyang fiance niya. At sigurado akong iyon ang lalaking nakabungguan ko." Muli akong naglakad and this time mabilis na para mahabol ko ang lalaki. "Sigurado ka ba, Ava? Baka kung mapaano ka sa loob. Mga bigatin pa naman ang nariyan," wika ni Joyce na noon ay nakasunod sa akin. "Ano naman? 'Yong lalaki lang naman ang gusto kong kausapin at tanungin kung ano talaga ang nangyari sa kapatid ko." Tumigil at hinarap si Joyce. "Hintayin mo na lang ako dito. Saglit lang ako." "Naku... hindi mo alam kung anong mga klaseng tao ang nariyan sa second floor ng Deep Blue." Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero alam ko lang ay mga mayayaman ang naroroon. Kumuha ako ng hangin. "Basta, hintayin mo na lang ako dito sa labas." Dumeretso ako sa hallway kung saan dumaan ang dalawang lalaki. ****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook