bc

Monte Claro University II

book_age16+
261
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
badgirl
student
gangster
drama
bxg
campus
friendship
school
like
intro-logo
Blurb

After what happened inside the University, Zephaniah Hernandez eventually unravels the truth behind Tiffany's death.

She still believes that revenge is the only way to end everything... but the world won't stop just because she is doing her best to get the justice she wants...

While Zephaniah is going after the Pistol's Tribe—the gang who murdered her cousin—another gang showed up and want to crush the Poison Blade who happens to be the gang she protecting.

She can't lose that matter but also, she can't resist her desire.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1: BAGONG MCU Zeph's POV Dali-dali akong lumiko sa isang eskinita na tinakbuhan ng lalaking sinusundan ko. Masyado yata siyang nataranta sa paghabol ko sa kanya kaya hindi niya naisip na teritoryo ko ang kalyeng ito, hindi niya ako matatakasan. Pinabayaan ko siyang makaalpas sa kalyeng muling nilikuan niya. Mas matutuwa siya kapag nakita niya ko sa kanyang harapan, masaya ang nasu-surprise 'diba? Naglakad ako na animo'y namamasyal lang papunta sa isang daan kung saan magkakasalubong kami ng siraulo na 'yon. Meron pa rin talagang mga nilalang na hindi pa ako kilala. "Pagod ka na ba? Pahinga ka muna," sabi ko nalang para mapahinto siya sa pagtakbo. Ito ang bungad na bati ko sa kanya nang magkasalubong na kami. Nawalan siya ng balanse at agad na napaupo nang makita niyang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang gulat at takot. Palagay ko, alam naman niyang kabisado ko ang pasikot-sikot ng kalye rito, sinubukan niya lang talagang makatakas. "Q-queen—!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa pananakal ko sa kanya. "Patay na ang Reyna, nagkakamali ka yata?" seryoso ngunit may pagbabanta ang boses ko. "P-princess... p-patawad! Hindi ko gustong—aaaaaah!" Lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa kanyang leeg. "Sagutin mo ang itatanong ko kung ayaw mong mamatay sa maduming eskinita na ito!" Bago pa 'ko mawala sarili ko at maidagdag ko siya sa listahan ng napatay ko ay tinanong ko na agad ang pakay ko sa kanya, kung bakit ko siya hinabol... "Anong alam mo sa Pistol's Tribe?" Lalo niya akong iniinis! Imbis na sagutin ang tanong ko ay wala siyang ginawa kundi sumigaw sa sakit dahil sa higpit ng pananakal ko, kung hindi rin naman siya magsasalita dapat na siyang— "Tigilan mo na 'yan, Zephaniah!" Pagkarinig ko sa sigaw na iyon ni Zild ay naramdaman ko ang pag-hawak ni Roxanne sa 'kin mula sa likuran ko para ilayo sa lalaking sinasakal ko. Balak ko pa sanang magpumiglas pero mabilis na umagap si Ranz sa pagpigil sa akin. "Bitawan niyo nga ko!" sigaw ko. "Sorry, Zeph," malungkot na saad ni Rox. "Sumunod ka nalang, Zeph," dagdag naman ni Ranz. Bwisit. Mas mahirap talaga kontrahin ang kaibigan kaysa totoong kalaban. "Hindi ka nila bibitawan hangga't hindi mo naaalala kung ano ang reputasyong meron ka!" Natigilan ako sa sigaw na iyon. "Tyron..." iyon na lang ang nasabi ko, hindi ko gusto kapag nag-iiba ang awra niya gaya niyan. "Insan naman! Ikaw ang taga-disiplina, hindi taga-umpisa ng gulo," pagalit muli sa akin ng pinsan ko, mas gusto ko na ganyan siya magalit. Lumapit sa akin si Zild at Tyron. Nananatili ang paghawak ni Rox at Ranz sa magkabilang braso ko. "Hoy ikaw, umalis ka na kung ayaw mong ako ang pumatay sa 'yo!" Napalingon ako sa sigaw na iyon, si Rizza—sinabi niya iyon sa lalaking sinakal ko kanina. Bwisit talaga ang babaeng 'yon, pinaghirapan kong habulin ang lalaking iyon tapos patatakasin niya lang? Kainis. Kung nandito siya, ibig sabihin—bwisit... nakatikim na agad ako ng sampal mula kay Mace. "Pasalamat ka sampal lang 'yan. Serves you right, b***h!" inis na sambit niya. "Ba't kailangan mong sampalin?" mahinahong saway ni Kris. "Para—" "Kung naging isang tunay sana kayong kaibigan sa kanya sa pagkakataong may pinagdadaanan siya, sana hindi siya naging ganyan kadesperada." Natahimik ang lahat... Paglapit sa akin ni Claude, agad akong binitiwan ni Rox at Ranz. "Mag-usap tayo, Zephaniah." *** Sumandal ako sa pader pagpasok ko sa loob ng base ng Dark Spade na nandito sa loob ng Monte Claro University. Sumunod naman agad si Claude, sinara niya ang pinto at nagtuloy ng lakad papunta sa tapat ng bintana, nakatingin siya sa labas habang nakatalikod sa akin. "Madami nang nagbago, Zeph," panimula niya. "At madami pang dapat baguhin," sagot ko naman. Tama siya, madami na nagbago. Sa loob ng isang taon, pagbabago ang agad naming sinimulan. Nasa ugali ko na yata talaga ang mabilis na magtiwala sa kahit na sino, tinanggap ko ang paghingi ng tawad ni Claude at nakipagbati ako sa kanya. Siya ang nagbigay sa akin ng pag-asa na matupad ang gusto ko, pinanindigan niya lahat ng sinabi niya sa akin noong unang beses na nagkausap kami. "Alam kong ako ang may kasalanan ng paghihirap mo, sobra akong nagsisisi sa nagawa ko... kung puwede lang na sumunod na ako kay Xenon ay ginawa ko na, pero naisip kong mas kailangan mo ng makakaramay. Kaya sana, payagan mo akong samahan ka na singilin ang Pistol's Tribe. Mula ngayon, wala ng pilitan, hahayaan kita sa kung anong gusto mong gawin, basta nandito lang ako palagi para sa 'yo..." Mula ng araw na iyon, mag-isa siyang kumilos para kumalap ng impormasyon tungkol sa Pistol's Tribe. Nakita kong malaki rin pinagbago niya, hindi na siya 'yung Claude na nakaharap namin noong Gang War. Ako naman, hindi yata nagbago. Sa kabila ng tulong na ginagawa ni Claude, hindi ko kaya na maghintay na lang sa ibabalita niya sa akin. Wala akong inatupag kundi magpakalat-kalat sa kalye para maghanap ng taong makakapagturo sa akin kung saan ko makikita ang Pistol's Tribe, kagaya na lang ng ginawa ko kanina—lagi nga lang akong pinipigilan ng mga kaibigan ko. Pero hindi lang naman tungkol sa paghahanap sa Pistol's Tribe ang ginagawa ko, abala rin ako sa pag-asikaso ng mga dapat baguhin sa loob at labas ng Monte Claro University. Dahil sa dami ng nangyari at nagkaayos na rin naman kami ni Claude, napag-desisyunan namin na maging magka-alyansa na para mas maging malakas kami na harapin ang Pistol's Tribe. Madaming puwedeng maging dahilan para suportahan ang desisyon namin hinggil dito; isa pa, wala namang may lakas ng loob na kontrahin kami. Una sa listahan ng aming binago ay tungkol sa pamumuno ng Gang: kung sino ang bumuo ng isang gang ay siya lang ang maaring tawaging Founder; at Leader naman ang itatawag sa mamumuno sa gang na hindi naman siya ang bumuo. Napag-desisyunan ko na ring tanggapin ang katotohanan na dapat akong humawak ng isang gang, hindi para umasa sa kanila, kundi para alagaan at protektahan ang mga taong natitirang mahalaga sa akin. Kaugnay nito, nanatiling King and Queen of Street Fighter sila Nickel Monte Claro at ate Tiffany na tinaguriang Legendary Street Fighters, at ang mga Founder ng Dark Spade at Poison Blade. Nanatili si Claude bilang Leader ng Dark Spade, at si Mace pa rin ang Co-leader nito. Kasamang miyembro nito sina Kris at Rizza. Ako na ngayon ang Leader ng Poison Blade, si Tyron ang ginawa kong Co-leader. Natiwalag man si Zild sa gang ay muli ko siyang pinabalik, dahil rin sa akin kaya sumali si Roxanne, umalis naman si Ranz sa Dark Spade at sumali sa Poison Blade para makasama ang girlfriend niya. At dahil sa naging magulo ang Poison Blade, ginawa ko ang lahat para sumunod silang lahat sa akin. Siyempre, hindi pa rito nagtatapos ang tungkulin namin ni Claude; ngayong wala na sila ate Tiffany, kailangan may mangalaga pa rin sa ilang Street Fighters liban sa aming gang, kailangan may namumuno pa rin sa kanila, may sinusunod pa rin silang batas—at kami 'yon ni Claude: ang Prince and Princess of Street Fighters. Sa loob ng MCU pa rin matatagpuan ang base ng Dark Spade, samantalang nanatili sa kalye na teritoryo ng Poison Blade ang kuta nito. Sa posisyon namin na ito, kinailangan naming patunayan sa lahat na karapat-dapat nga kami sa titulong ito—para na rin sundin at galangin nila kami—kinalaban at tinalo namin ang bawat founder at leader ng ilan pang gang, kaya matagumpay kong nagamit ang reputasyon na meron ako para ipatupad ang lahat ng batas na ginawa ko. Maayos na sana ang lahat, isa na lang talaga ang problema—ang Pistol's Tribe. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nabubura ang gang na iyon sa kasaysayan ng Street Fighters, kailangan nilang mamatay lahat. Naputol ang pag-iisip ko sa mga nangyari nang magsalita si Claude, muntik ko nang makalimutan na kausap ko pa pala siya. "Wala nang ibang dapat baguhin maliban sa 'yo, Zephaniah. Ikaw na lang ang hindi pa natatahimik sa ating lahat," saad ni Claude. Agad kong tinutok sa kanya ang dagger ko, mabilis lang talaga 'ko mapikon kapag ganito ang usapan. "Madaming dugo na ang sumayad sa dagger ko, gusto mo bang idagdag ang sa 'yo?" inis kong tanong. Dahil sa ayoko nang maalala ang armas na pumatay kay Xenon, mula nang ako ang naging leader ng Poison Blade, binago ko rin ang simbolong armas ng grupo: mula sa kikil, ngayon ay dagger na ito—habang nananatili pa rin ang lason na nakalagay sa talim nito. Ako na ang batas, puwede kong baguhin kung ano man gusto kong baguhin. "Paano 'ko magsasalita kung nakatutok sa 'kin 'yan? Pakinggan mo muna 'ko," aniya. Nilayo ko sa kanya ang dagger ko. "Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang sasabihin mo." "Zephaniah, alam kong nangako ako sa 'yong tutulungan kita sa gusto mong paghihiganti sa pumatay sa ate mo, alam kong hustisya na lang ang kulang at matatahimik ka na rin." Hindi ako nagsasalita, pinapakinggan ko lang ang sinasabi niya. "Kaya nga, ginawa ko ang makakaya ko para malaman ang lahat ng tungkol sa Pistol's Tribe, dahil gusto kong patunayan sa 'yo na handa 'kong baguhin lahat ng maling nagawa ko n'on." Sumariwa sa isip ko ang lahat ng nakita kong ginawa niya para sa 'kin. "Pero, Zephaniah... sa isang taon kong paghahanap ng kahinaan ng gang na iyon na maari sana nating magamit para mapabagsak sila, wala talaga akong makita. Kahit anong tingin ang gawin ko, mas malakas at mas marami sila kumpara sa atin. Palagay ko, wala rin silang pakialam kung sino tayo. Isa pa, ang nasasakupan at sumusunod lang sa atin ay ang mga natalo nating gang, hindi sila kasali sa gang na iyon, kaya—" "Sa haba ng sinabi mo, alam ko na ibig mong sabihin. Nakakadismaya lang dahil sinayang mo lang ang isang taon ng buhay mo. Sana pala sumunod ka na lang talaga kay Xenon, wala rin naman palang kwenta ang mga pinaggagawa mo." "Zephaniah, hindi ganoon kadali ang gusto mo. Ayan ka na naman, nagpapakain ka sa galit mo at puro na lang paghihiganti ang laman ng utak mo! Mag-isip ka, hindi mo sila kaya. Kahit pa pagsamahin natin ang Dark Spade at Poison Blade, wala pa rin tayong kakayahang talunin sila." "At dahil sa sinabi mo, akala mo ba titigil na ako? Wala akong pakialam kung hindi ko sila kaya at wala rin akong pakialam kung mas malakas sila kaysa sa akin. Mas mabuti na 'yung kumilos ako at lumaban hanggang mamatay kaysa nandito lang ako at hayaan na mabuhay ang mga taong pumatay sa ate ko." "Zephaniah—" "Tinaya ni Xenon ang buhay niya para sa akin, nagpakamatay siya para lang ipaglaban ako sa iyo, ginawa niya ang lahat at namatay na lumalaban... kaya itutuloy ko ang sinimulan niya. Kung mamamatay man ako, mamamatay ako na masaya dahil nagawa ko silang harapin." Hindi umimik si Claude, alam ko namang tikom siya kapag nababanggit ko si Xenon. "Kung kinausap mo 'ko para lang pigilan sa balak kong maghiganti at balaan na hindi ko kaya ang kalaban ko, hindi mo nalang sana 'ko pinapunta rito." Lumabas ako sa base ng Dark Spade na masama ang loob ko kay Claude. Sabi ko dati, hindi sasama ang loob ko kung hindi man ako tinutulungan ng mga kaibigan ko sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni ate Tiffany, hindi rin ako nagtatampo na wala sila palagi sa tabi ko kapag kailangan ko ng taong iintindi sa akin, at mas lalong hindi big deal sa akin na ako lang ang kumilos sa paghahanap sa Pistol's Tribe. Ayos lang kahit ako lang mag-isa kasi sanay naman ako na mag-isa at ayoko rin naman silang masangkot sa gulo ko dahil wala naman silang kinalaman dito, laban ko lang 'to... pero 'di ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon matapos kong madinig ang mga sinabi ni Claude. Siguro talagang umasa 'ko na sa kanya ko madidinig ang sagot na matagal kong inaasam-asam. Bwisit, ayoko talaga ng ugali kong mabilis magtiwala agad. Tuluyan akong nakalabas sa base ng Dark Spade. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung ano dapat gawin ko, masyado kong nadismaya sa mga sinabi ni Claude. Kaya ko naman talaga mag-isa, pero bakit ba ako umasa sa kanya? Bakit ang sakit? Huminto ako sa paglalakad, kiniyom ang aking dalawang kamao at marahas na iniling ang ulo, "Huwag kang iiyak, Zephaniah. Kaya mo 'yan, gawin mong mag-isa, hindi mo sila kailangan," sabi ko saka pinahiran ang luha sa aking mata. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naisip ko tuloy bigla si Xenon, kung nandito siya, malamang tatawanan na ako n'on kasi umiiyak ako sa maliit na bagay, sasabihin niya puwede naman tawanan bakit iiyakan... kahit nakakaasar 'yon, mapapangiti niya ko, mapapagaan niya loob ko. Tapos kung si ate Tiffany naman makakita sa 'kin na umiiyak, tutulungan niya kong i-solve ang problema ko at papakinggan niya ang hinaing ko. Napangiti tuloy ako bigla, miss na miss ko na si Xenon at ate Tiffany. Sana nandito sila, sana kasama ko sila... puro na lang ako sana... Nakakasawa na umasa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
297.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.8K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.3K
bc

EASY MONEY

read
174.2K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.5K
bc

YOU'RE MINE

read
893.4K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook