bc

Gentleman's Hellcat (Tagalog II Completed)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
12.1K
READ
love-triangle
sex
family
fated
drama
comedy
bxg
disappearance
like
intro-logo
Blurb

R-18 (SPG)

"Argh! Kainis, nasa huli talaga ang pagsisisi. Hindi ko na naisip sina Mama at Xyrus. Inuuna ko ang libog kaysa sa kanila." - Xyreb Vaniez

Anong pipiliin mo, ang babaeng nagmamahal sayo ng tunay o ang babaeng nagbibigay ligaya at init sa kama? Kaya bang matumbasan ng tawag ng laman kaysa sa tunay na pag-ibig.

Tunghayan natin si Xyreb Vaniez, ang nerd na nangunguna sa eskwelahan pero walang kamuwang-muwang pagdating sa babae. Mapili niya kaya ang nararapat na babae para sa kanya o hindi?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 ✓
Disclaimer:  Plagiarism is a crime. All of the scenes, names and dialogues are pure fiction and imagination of the author. If there is any resemblance in reality it is only a pure coincidental. This story contains scenes that are not suitable for very young readers. Trigger warning.  R-18 (Erotic Romance) All rights reserved © Anjzel Ica 2020  -- Chapter 1: Teenage Life Xyreb's POV NAGLALAKAD ako papunta sa Canteen ng aming paaralan at pansin ko na nagkukumpulan ang mga kamag-aral kong mga lalaki habang nagbubulungan na parang mga bubuyog. Napakunot naman ang aking noo at saka nagtaka dahil panay ang tingin nila sa 'kin sabay tawa. Nakakainis, ako na naman ata ang kanilang topic. Tampulan na naman ako ng kanilang mga panunukso. Napabuntonghininga naman ako. Wala naman akong magagawa at saka sanay na rin ako sa kanilang asaran. Talo ang pikon.  Hindi ko na lang sila pinansin at diretso na 'ko sa harapan para makabili ng aking pagkain dahil nagugutom na 'ko. Magbabasa pa kasi para makapag-advance study ako sa susunod kong klase. Ayaw ko kasing wala 'kong alam at saka nalalapit na rin ang Finals ngayong ikalawang semestre. Napapitlag naman ako nang may umakbay sa 'kin at pagbaling ko'y bumulaga sa 'kin ang nakangising aso na si Hugo, ang pinakapilyo kong pinsan. "Hey! Bakit hindi ka sumasabay sa 'min kumain? Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka na naman ba nagtago kanina?" kuryosong tanong ni Hugo.  Napakamot naman ako sa 'king ulo at paniguradong may ipagagawa si Hugo sa 'kin. Hindi naman ito lalapit nang walang dahilan.  "May ginawa lang ako kanina kaya medyo natagalan ako. Pasensiya na, Hugo. Nagmamadali din kasi ako," sagot ko at akmang aalis nang mas diniinan nito ang pagkakaakbay sa 'kin at saka bumulong.  "Reb, gawin mo 'yong mga assignments ko. Mamaya na rin ang bayad at alam mo naman na mayayari ako kay Mommy oras na bumagsak ako ngayong semestre. Hindi ka naman lugi sa bayad lalo na't makabibili ka o makaiipon." Napabuntonghininga naman ako at sumunod dito. Lumapit kami sa table ng mga kasamahan nito. "Nerdy boy, gawin mo itong Science Project ko. I will double the payment. Kailangan kong mapasa ito next week. I need to got a high score, kundi baka mayari ang grades ko at mas malala pa'y ma-grounded ako. Men! That’s doom! Party is life, ey!" bulalas ni Markoz.  Tumango naman ako at inabot na ni Markoz ang ipagagawa sa 'kin. Napabaling naman ako nang naramdaman kong may kumalabit sa 'kin at 'yon naman pala ay si Lux. "Me too, sa 'kin nama'y composition of poem with 300 words. Next Friday naman ang pasahan at gusto ko na 'ko ang high score para naman sagutin na rin ako ni Denise. F*ck! Pakipot naman kasi masyado pagkatapos kailangan ko pang magawa ang mga lintik na signs na 'yan."  Sumandal pa si Lux sa kinauupuan sabay kuha ng wallet at inabutan ako ng dalawang libong piso. Ako ang dakilang tagagawa ng mga school papers at projects at magbabayad sila sa 'kin. Syempre naman at sikreto lang ito dahil malalagot ako at baka matanggalan pa 'ko ng scholarship.  "Sige, ihahatid ko na lang sa bahay ninyo ang mga ipapasa ninyo. Mga weekend ko na lang ibibigay o hindi kaya’y iaabot ko na lang kay Hugo. Alis na 'ko," paalam ko at saka nagmamadaling umalis para dumiretso sa Library para magbasa at mag-research. Kahit nagugutom ako'y tiniis ko na lang dahil baka may humarang pa sa 'kin.  I'm an achiever. Lahat ay gagawin ko para lang mag-stay dito sa Les Honores University. Scholar ako ay maintaining grades akong dapat alagaan kundi mapapatalsik ako. Hindi naman ako katulad nila na sobrang yaman na kayang magliwaliw at hindi pinapahalagahan ang pag-aaral. Kahit tawagin nila 'kong nerd ay ayos lang basta't mataas ang grades ko at may pera rin ako sa luma kong pitaka.  --- KASALUKUYANG akong nagbabasa ng aking mga notes sa Math. Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil hindi naman ako nakabili ng pagkain dahil hinarang ako ni Huho kaya't tanging candy na nasa dila ko ang pumapatid. Nakarinig naman ako ng mga nag-uusap at agad namang napakunot ang noo ko sa topic.  "Uy, Pre! Grabe kilala mo ba si Winston, 'yong Baby Bro ni Sander? Nabinyagan na't hanep daw ang naranasan. Tuwang-tuwa nga kay Sander dahil sa birthday gift nito. Balita ko nga'y ang galing daw sa kama ng chix tapos sobrang daming nangyari kaya naging chikboy na si Winston," bakas ang inggit sa boses ng lalaki.  "Tsk! Alam mo naman ang golden rule sa mga gan'yan. Virgin lang ang kanilang binibigyang serbisyo at saka pribado sila at hindi basta-bastang nagpapasok ng ordinaryong mga lalaki na bibigyang aliw. Sa pagkakaalam ko'y napakamahal ng serbisyo nila. Saan nga ba siya nagpabinyag, Pre?" tanong ng lalaki nitong kausap. "Base sa narinig ko'y sa D'virnators daw tapos pipili ka kung sino ang gusto mong buminyag sa 'yo pero ang pinakamasarap daw ay ‘yong Top 1 Baby nila na si Queen of Seduction. Mga swerte lang na napipili niya na binyagan. The rest ng mga babies do'n ay talagang sexy," nauulol na sagot ng kausap nito. "Eh, paano naman nilang malalaman na virgin pa ang customer lalo na't maraming nagkakandarapa na makatikim sa kanila?" tanong ng lalaki at parang na-curious naman ako sa usapan ng mga ulupong na ‘yon. Medyo nag-init din ako. I know it's sounds weird, but I'm actually a virgin. Wala 'kong matinong kaibigan dahil natatakot ako na malaman nila 'yon at baka asarin ako. Disi-otso na 'ko pero hindi ko pa nalalasapa ang sarap ng isang baabe pero ang mga ka-edaran ko o mas bata pa sa 'kin ay may mga karanasan na't ipinagyayabang sa iba.  Marami akong priorities na dapat gawin katulad na lang nang makapagtapos ako ng aking pag-aaral. Pagkatapos ko kasi rito ay dumidiretso ako sa part time job ko sa isang coffee shop na pagmamay-ari ni Uncle Ben. Siya ang nagbibigay sa 'kin ng allowance at free meals. Alam niya ang kalagayan ko at isa rin siyang biyudo at walang kasama sa buhay. Napakabait niya at itinuturing niya 'ko isang tunay na anak. Patapos na rin ako sa pag-aaral ko sa Senior High School sa strand na STEM.  Tumunog na ang bell kaya naman dali-dali kong isinukbit ang aking bag at saka lumabas na mula sa Library. Habang binabagtas ko ang daan papunta sa 'king classroom ay napansin ko na may naghahagikhikan na grupo ng mga babaeng kinapos ng tela ang suot pero hindi ko na lang binigyan nang pansin dahil ayaw kong mahuli sa klase.  Pagkapasok ko sa loob ng room ay nando'n na ang ibang kaklase ko kaya't nagmamadali na 'kong umupo sa pwesto ko at nagulat naman ako nang may tumabi sa 'king babae sa bandang kanan ko. Titig na titig ako sa kaniya dahul halos masubsob na siya sa 'kin dahil sa pagmamadali. Pamilyar ang itsura niya at napagtanto ko na nakita ko na siya hallway kanina. Panay ang sulyap sa 'kin kaya't napaiwas na lang ako nang tingin. Naupo na 'ko at pilit na iniignora ang presensiya niya. Kinuha ko na lang ang gamit ko at ipinatong sa desk ng aking arm chair.  "Hi! Ako nga pala si Maria Grace Laylo pero puwede mo naman akong tawaging Maria na lang. Ahm. . . Transferee pala ako rito at sana'y maging magkaibigan tayong dalawa," pagpapakilala niya at lumingon ako sa kaniya at nakita kong nakangiti siya sa 'kin.  Sa unang pagkakataon ay may kumausap sa 'king babae at medyo na-awkward-an ako. "Xyreb Vaniez," tipid kong sagot sabay baling sa harap dahil pumasok na ang aming professor.  Hindi naman ako sanay na makipag-chitchat sa mga babae at medyo naiilang din ako sa kaniya. Tila pinagpapawisan ako nang malapot sa kaniyang tingin. Pansin ko rin na panay ang pagsanggi niya sa 'king braso o hindi kaya'y ang pagyuko niya sa tuwing nalalaglag sa pwesto ko ballpen niya. Hindi ko nga alam kung sinasadya niya 'yon o ano.  Hanggang sa natapos ang klase ay nagmamadali akong umalis dahil oras na para ako'y magtrabaho sa coffee shop ni Uncle Ben. Habang nag-aabang ako ng jeep nang biglang sumulpot si Maria. Napakislot naman ako sa gulat dahil parang kabuteng sumulpot siya sa pwesto ko. Ngayon ko lang napansin ang suot niya na agad naman nagpainit sa 'kin pero agad kong ikinubli dahil baka mapagkamalan pa niya 'kong manyak. "Sabay na tayo at mukhang pauwi ka na rin. Hindi ko kasi masyadong gets ang pasikot-sikot dito lalo na't transferee ako. Please, Xyreb?" nakangusong pagmamakaawa ni Maria. Napabuntonghininga naman ako. Ang ganda niya para dumikit sa 'kin. "Pasensiya na, may pupuntahan pa kasi akong part time job. Try mo na lang sumabay sa iba nating kaklase na babae. Sige na, mauuna na 'ko, Maria." Nagmamadali na rin ako lalo na't dumaan na ang jeep na sasakyan ko. Nang sumakay ako ay nakita ko mula sa labas na nakatanaw siya sa 'kin habang nakangiti. Napakamot naman ako ng aking ulo, mukhang hindi na magiging tahimik ang mundo ko sa unibersidad dahil sa transferee student na nagngangalang Maria.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
364.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

NINONG II

read
619.1K
bc

OSCAR

read
227.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
964.8K
bc

The Sex Web

read
132.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook