bc

Faded Love

book_age18+
822
FOLLOW
4.3K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Hindi krimen ang magmahal at walang batas na nagbabawal magmahal ng tapat sa isang tao. Pero napiit ako sa bilanggoang walang rehas. At natikman ko ang lupit ng kamay ng isang berdugo na nagbibigay sakin ng sakit na lumalatay sakin balat, at lumalason sakin kaisipan na pumapatay naman saking pusong marubdob na nagmamahal sa kanya, ang tanging kasalanan ko lang ay mahalin siya.... Arabella Leia de Marco

.

.

Inabuso ko ang pagmamahal niyang akala ko'y walang hanggan. Pero sa paglipas pala ng mga araw ay unti-unting naglalaho at kumukupas din ang pagmamahal niya sakin.

Kung kailan handa na akung bumuo ng isang pamilya saka naman siya nawala. Ang dating sakin ngayon ay hindi ko maangkin. Nasa tabi ko lang siya pero hindi ko maabot. Nasa harap lang niya ako pero hindi niya ako nakikita.

Kung gaano niya ako kamahal nuon ngayong higit niya akung kinasusuklaman. Labis kung pinagsisihan ang mga nagawa ko. Kumupas man ang pagmamahal niya sakin pero dito sa puso ko taging siya lang ang itatangi habang ako'y nabubuhay......Hammer Thompson.

Totoo ngang lahat ng bagay dito sa mundo ay may hangganan. Na pagdumating ka sa dulo'y babawiin na niyang lahat ng meron tayo na pinahiram lang niya sa'tin. Kaya kung mahal mo ang isang tao ipakita at iparamdam mo sa kanya. Huwang kang mahiyang sabihing mahal mo siya.

.

.

. Kahit sino ka pa mamahalin kita yayakapin ko lahat ng nakaraan mo mabuti man ito o masama. Ang importante ang ngayon at bukas at hindi ang nakaraan dahil hindi tayo mabubuhay ng mga napagdaanan natin karanasan, sila ang masisilbil aral sa atin. Ang mga yon ang magbibigay tibay at lakas sa atin, upang maging matatag ang ating relasyon...... Matteo Buenaventura.

.

.

.

Handa akong kapasalan ka ano man oras, saan mo man gusto. At kahit ilang pang lalaki ang nagdaan sa buhay mo pakakasalan kita. Ang importante ikaw at ako, tayong dalawa hanggang sa wakas ng mundo. Ang pag-ibig mo ang tangi kong kaligayahan at buhay...... Dr. Grant Campbell.

"I'll shall pass through this

world just once.

So all the good things that

I can do and any kindness

that I can show,

Let me do it now, let me not

deeper or neglect it,

For I shall not pass

this way again."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"I Promise No Matter How Hard It Gets, No Matter How Much We Argue, I Will Never Leave You. I Will Risk Everything For You. No One Compares To You. I Love You." .......... ......... .......... ........... . . Congratulations to the newlyweds, Mr. and Mrs. Hammer and Arabella Leia Thompson... Best wishes...at kung anu-ano pang pagbati ang pinaabut nila sa amin. May mga regalo ding sari-sari ang laki na mga nakasalansan sa ibabaw ng lamesa na hindi ko alam kung ilan dahil may kadamihan. Inulan kami ng puro magagandang pagbati ng mga kamag-anak, kaibigan at maging mga kakilala ng napangasawa ko. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa dahil dream wedding ko ang binigay sakin ng asawa ko maging ang mamahaling traje de boda na suot ko'y gawa ng isang kilala fashion designer. Kaya walang akung mapagsiglan ng kasiyahan. Hindi nawala-wala ang naka-imprentang ngiti saking mga labi, dahil ang unang at kaisa-isang lalaking minahal ko ang napangasawa ko, at makakasama ko hanggang pagtanda namin. Mamahalin ko siya at pagsisilbihan habang buhay, ganuon ko siya kamahal. Maging ang pagkaing nakahain ay puro special at tulad ng request ng mga parents ko dito sa five stars hotel na pag-aari ng mga magulang ko ang receptions. "Congratulations anak. Maligaya ka ba sa naging disensyon mo na nagpakasal sa kanya? Hindi ka kaya magsisi sa bandang huli. Ayaw ka naming makitang nasaasaktan. Alam mong mahal na mahal ka namin ng Papa mo kaya pumayag kami sa gusto mo. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin kaya lahat ginagawa namin para sa iyo. Kaya mo bang isakrepisyo ang lahat?" Tanong ni Mama sakin dahil alam niya kung gaano ko kamahal ang lalaking pinakasalan ko. "Kung dumating man ang araw na hindi muna kaya hindi masamang sumuko. Kaya magtira ka kahit kunting pagmamahal at respeto para sa sarili mo dahil walang magmamahal sa sarili mo kung di ikaw lang. At kung saan ka man dalhin ng pagmamahal mong yan sana maging mabuti, sana maging maligaya ka. Ikaw lang ang magdadala niyan mapabuti man o mapasama." mahabang litaniya ni Mama. "Ma maligayang-maligaya po ako I'am the happiest woman in the whole universe dahil ang pinakamamahal kung lalaki ang naging asawa ko lahat gagawin ko para maging masaya din siya." Parang nag day-daydreaming ko pang turan kay Mama. "Simula palang ng mga bata kami minahal ko na siya at ngayon nga akin na siya. Kasal na kami. Asawa ko na siya and I don't wanna share may man to anyone. Akin lang siya." piping bulong ko. Habang pinagmamasdan ko siyang kausap ang mga kaibigan niya. Napaka-gwapo niya sa kanyang suot na tuxedo. "Hija nasaan ang asawa mo? Gusto ko sana siyang makausap kahit sandali." ani Papa kausap niya ang father-in-law ko. Pareho silang puro business lang pinag-uusapan. "Kausap po niya mga kaibigan niya" aniko at ibinaling ko tingin sa table kung saan nakaupo ang aking asawa. Simula ng dumating kami dito sa reception ay hindi ko na nakasama pa ang asawa ko, laging nasa tabi ito ng mga kaibigan niya. Nag-iinuman sila wala siyang pakialam sakin ni ayaw niyang mapalapit sakin. Alam kung ako lang ang nagmamahal sa kanya dahil alam ko ring may mahal siyang iba at hindi ako yun. Kahit hindi niya pa sabihin nararamdaman ko 'yun. Bata pa kami naging tampulan na kami ng tuksuhan ng mga magulang namin bagay daw kami, ipakakasal daw kami pagdating ng takdang oras. Ang biruan noo'y naging katotohan ng hilingin kung makasal kami. Alam kung labag sa kalooban ng asawa kung pakasalan ako pero wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ng Mommy niyang may sakit sa puso. Kaya lahat gagawin ko para matutonan niya akung mahalin. Ako lang at ang mga parents naming ang nag in-entertain ng mga guest namin. Tanging mga friends lang niya ang ini-entartain niya. Mga lalaki at mga babaeng kaibigan niya ang nakapalibut sa kanya na kainuman niya sa bilugang lamesa. "Pagbibigyan kita ngayon total asawa naman na kita at akin na ang lahat ng oras mo pagnatapos ito." bulong ko sa kawalan habang pinagmamasdan siya. "Bessh saan ba ang honeymoon n'yo? Dapat 'yung gift ko sayo ang isuot mo sa first night n'yo, para lalong ma-inlove sayo ang asawa mo nang makarami kayo." biro sakin ng best friend kung si Yara. Nawala sa isip ko ang honeymoon, wala pala kaming napag-usapang tungkol sa honeymoon. Kaya nag-init ang mukha ko. Ang first kiss ko kanina lang sa simbahan, dampi lang 'yun at sa pisngi lang ako hinalikan ng asawa ko. "Uyy! nagbla-blush huhm baka nauna na ang honeymoon nila." dagdag pang aasar naman ni Elora. "Baka naman may laman na 'yan kaya nagpakasal na kayo agad." sabad naman ni Dawn sabay turo pa sa tiyan ko. "Ano ba kayo wala pang nangyayari samin nuh." nakasimangot kung saad. Alam ni Yara lahat kung bakit ako nakasal sa isang Hammer Thompson. "Anoo! wala pang nangyayari sa inyo ng gwapong 'yun, eh balita ngang magaling ang asawa mo pagdating sa kama. Ang dami na kayang nakatikim sa kanya at grabe daw s..." hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Phayre at tinukup ko agad ang bibig niya ng palad ko. "Tama na masyado ng nai-iskandalo ang privacy ng asawa ko. Yang bibig mo itikum mo naman paminsan-minsan." aniko. Kaya nagtawan naman sila. "Bessh mukhang kanina ko pa mapapansing hindi ka nilalapitan ng asawa mo. Hindi pa man mukhang luluha ka na. Kung ako sayo hindi ko nalang siya pinakasalan kasi alam mo naman sa sarili mong one sided love affair lang meron kayo. Ikaw lang ang nagmamahal." sermon sakin ni Yara ng kami nalang dalawa dito sa table. "Gagawin ko ang lahat para matutunan niya akung mahalin. Ibibigay ko lahat ng gusto niya." aniko. "Naintindihan kita Arabella Leia. Alam ko kung gaano mo siya kamahal, pero lagi kung sinasabi sayo ang masyadong pagmamahal nakalalason. Yang sobra pagmamahal na 'yan ang magpapaluha sayo, at sana lang huwag mong maisipang mag-suicide tulad ng nagyari kay...hhmm.. " angil niya sakin, at hindi na niya tinuloy ang sasabihin. Para siyang matanda kung pangaralan niya ako. Tama naman ang sinasabi niya pero mahal ko si Hammer siya lang ang nag-iisang lalaking minahal ko bukod kay Papa. "Mahal na mahal ko siya Yara alam mo yang bata palang ako minahal ko na siya." litaniya ko sa kanya. Kung sakaling paiyakin ka niya andito lang ako. Tawagan mo ako." pagsuko niya. "Saan nga pala kayo titira ngayon" tanong ni Yara. "May iniregalong bahay samin mga in-laws ko doon na daw kami uuwi after this sabi ni Hammer." aniko. Dahil hindi ko pa nakikita ang bahay na sinasabi nila. Naglibut-libot pa kami sa mga table ng mga bisita namin kasama ko si Mama at ang mother-in-law ko. Dahil mukhang nagkakasarapan ng kwentuhan ang asawa ko at mga kaibigan nito. Hindi niya ako pinapansin kahit kaninang tinawag ko siya ni hindi niya ako nilingon. Mukha pa ngang akung napahiya sa mga kaibigan niya, lalo na sa babaing katabi niya na kulang nalang kumandong na sa kanya. Gusto ko ng magbihis masyado na akung nabibigatan sa gown na suot ko, pagod na din ako sa katatayo at kalalakad, nangangalay na ang mga binti ko, pero ang napangasawa ko nakaupo lang kasama ng mga kabarkada niya. "Yara samahan mo naman akong magbihis nahihirapan na ako dito sa suot ko." aniko at niyaya na siya sa penthouse nila Papa sa taas. Isa lang ito sa dalawa naming hotel. Pareho pang five star, malaki ang kinikita nito maging ang isa pa naming hotel at ilang lihim na negosyo na ipinagkakatiwala nila Papa sa isang tapat daw na kaibigan. Ayaw nila Mama na ilantad sa publiko ang tunay na istado namin sa lipunan dahil baka maging mitsa daw ng buhay ko, tulad ng nangyari sa mg magulang niya. Umiiwas din sila sa mga sosyalan magastos daw. Gusto daw nila ng simpleng buhay lang para tahimik at walang banta. Sobrang tipid din nila, ayaw nilang gumagastos sila kung hindi naman kailangan. Kaya maging ako sinanay nila sa simpleng buhay lang. Tanging ang dalawang hotel lang ang alam ng lahat na mga business nila Papa, dahil sila mismo ang nag-manage nito. Ang pamilya lang ng mga Thompson ang nakakalam ng lihim na mga negosyo nila. Nang maka graduate ako ng college lihim na nilang iti-transfers sa pangalan ko lahat ng ari-arian namin. Dalawang hotel at 'yung bahay namin. Maging ang trust fund ko ibinigay na niya sakin gamitin ko daw kung may gusto pa akung itatayung business. Pero hindi ko naman ginagalaw 'yun dahil wala pa akung maisip na magandang business. Sabi naman ni Mama isekreto ko daw na may malaki akung halagang nakatabi for my safety daw. Kaya wala kaming pinagsasabihan kahit isa, kami lang nila Papa at Mama ang nakakaalam. Nagmakabihis na ako'y nagyaya na din akung bumalik sa reception dahil wala naman mag-aasikaso sa mga bisita namin maliban nalang sakin at kila Mama. Nag-iisa-isa ng nagpapaalam ang mga bisita namin pero ang magaling kung asawa hindi parin tumitinag sa pagkakaupo sa tabi ng mga kaibigan niya. "Besh ano ba talaga kinasal ka ba? Bakit ikaw lang mag-isa ang humaharap sa mga bisita niyo? Dapat kayung dalawa. Tingnan mo siya sa halip na ikaw katabi niya ibang babae ang nasa tabi niya." litaniya ni Yara. Kaya ibinaling ko naman ang paningin ko sa gawi nila tama nga si Yara halos maghalikan na sila ng asawa ko at noong babae. Magsisimula palang kami bilang mag-asawa pero mukhang pinipiga na ang puso ko. Ito na ba ang sinasabi ni Yara na kalbaryo daw ang buhay may asawa ko, lalo sa sitwasyon namin ngayon. "Hammer samahan mo na ang asawa mo at umuwi na kayo." Dinig kung utos ng Mommy niya. "Saan ba honeymoon niyo hijo" tanong naman ng Daddy niya. Pero umiling lang siya ng ilang beses. Tumayo naman siya at nagpaalam na sa mga kasama niya nakita ko pang niyakap, at hinalikan siya sa pisngi nuong babae bago pa siya naglakad palalapit samin ni Yara. Pormal lang ang mukha niya, na parang wala siyang pakialam sa paligid, medyo namumula na ang mukha niya hanggang leeg, indikasyong marami na siyang nainum. Diretso lang siyang naglakad at nilampasan lang niya kami ni Yara, ni hindi man lang siya nagsalita ng kahit ano. "What are you waiting for hindi ba kanina ka pa uwing-uwi tapos tatanga ka lang d'yan" mariing wika niya nag hindi ako gumalaw sa kinatatayan ko, kaya napasunod naman ako sa kanya. Dirediretso lang siyang naglakad papuntang parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Habang ako'y nakasunod lang sa kanya. Ni hindi niya ako pinag-aksayahang ipagbukas ng pinto ng kotse niya. Parang hindi kami bagong kasal. "Huwag kang umasang tatratuhin kita bilang asawa ko dahil hindi mangyayari yun. Kung anung gusto ko yun ang masusunod dahil sinunod ko na ang gusto mong makasal sakin. Sinira mo ang buhay ko. Malandi ka." angil niya sakin pangkasakay ko palang ng sasakyan niya. Gusto kung maiyak pero hindi ko magawa dahil hindi ko kayang magalit sa kanya, mahal na mahal ko siya. Tatanggapin ko kung ano mang kahihinatnan ng buhay ko sa piling niya ang importante asawa ko na siya. Akin na siya. Tahimik lang ako nakaupo sa tabi niya habang bumibiyahe kami pauwi sa bago namin bahay na ngayon ko palang makikita. Ayaw daw niyang naririnig ang boses ko at naalibadbaran daw siya. kaya hindi ako nagsasalita. Ayus lang mapanisan ako ng laway basta kasama ko siya magkatabi kami. Paminsan-minsan nililigon ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa dinaraanan namin. Pumasok kami sa isang kilalang subdivision. Ipinakita lang niya ang ID niya, sinaluduhan pa siya ng mga security guard bago kami pinapasok. Malalaki ang mga bahay na nadadaan namin. Ang sabi ng biyanan ko malapit lang kami sa bukana. Isang up and down na kulay cream ang bahay na hinintuan namin. Mataas na kulay itim ang gate. Mataas din ang bakod na pader na mukhang bagong pintura. "Buksan mo yan gate dalian mo." pasinghal niyang utos sakin sabay hagis niya ng mga susi sa kandungan ko. Kaya dali-dali naman akung bumababa ng sasakyan. Nangmakapasok na ang kotse niya hanggang sa grahe inilock ko na ang gate alam kung hindi na siya lalabas. Nakita ko nalang siyang binubuksan na niya ang pinto ng bahay at dumiretso ng pumasok sumunod naman ako sa kanya. Hanggang sa umakyat siya ng hagdanan. "Anung sinusunod mo sakin. Nangangarap ka din bang magsasama tayo sa iisang kwarto huh? Wala akung planong makatabi sa higaan ko ang isang babaeng malanding tulad mo. At huwag na huwag kang magkakamaling pumasok sa kwarto ko kundi makakatikim ka sakin babae ka. At huwag ka rin pakalat-kalat kung nasaan ako. Umalis ka nga sa harap ko naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Slut." sigaw niya sa mukha ko. "Gusto mo bang igawa kita ng kape?" tanong ko sa kanya kahit nagagalit siya sa akin. Alam kung madami siyang nainum. "Hindi ba sabi ko sa'yo huwag na huwag mo akong kakausapin. Lumayas ka nga sa harapan ko." sigaw nanaman niya sakin. Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. "Layas" sigaw niya uli sabay tulak niya sakin kaya napasaldak ako sa sahig. Tinalikuran na niya ako at diretsong pumasok sa kanyang kwarto ng walang lingon likod. Tumayo nako at naghanap kung saan ang magiging kwarto ko may apat na kwarto dito sa taas. Inisa-isa ko ang bawat kwarto pero naka-lock ang dalawa kaya no choice kundi itong maliit lang ang magiging kwarto ko. Alam kung ini-lock ni Hammer 'yun dahil tatlong susi lang binigay niya sakin kanina. Sa gate, sa main door at sa kwarto ko. Sabagay kanya itong bahay, sa kanya ito iniregalo ng mga magulang niya. Matapos akung mag-ayus ng kwarto ko naligo na ako. Lumabas na ako sa kwarto at bumaba para magpunta sa kitchen gusto kung uminum ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw. Pero wala akung makitang mga stock na pagkain sa loob ng fridge kundi ilang bottle mineral water lang. Binuksa ko rin lahat ng cabinet wala talagang makakain kahit na ano. Patis, toyu, asin, suka at paminta lang meron. Meron din isang sako ng bigas sa may gilid ng fridge. Kaya bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng papel at ballpen maglilista nalang ako ng mga kailangan sa kitchen. Nangmakakuha na ako ng kailangan kung pwedeng pagsulatan bumababa ulit ako at nagpunta sa kitchen. Naupo ako sa bangko sa harap ng dinning table para magsulat ng kung anu-ano ang mga bibilhin ko. Buti nalang may alam din akung iluto dahil mahilig magluto si Mama minsan tinuturuan niya akung magluto. Ipagluluto ko si Hammer alam ko kung anu-ano mga gusto niyang mga ulam. Mamaya tatanungin ko siya kung may gusto pa ba siyang ipabili. Kausap ko sa sarili ko. Lahat gagawin ko para maging butihin may bahay ako ng isang Hammer Thompson. Aayusin ko ang bahay namin. Ipagluluto ko siya ng masasarap na pagkain na alam kung gusto niya. Àalagaan ko siyang mabuti. Alam kung balang araw magiging masayang pamilya din kami kasama ng magiging mga anak namin. . . . . . . ......................................................... .... please follow my account and .... add my stories in your library. ........"Lady Lhee"....... ....thanksguys...loveu...lrs.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook