bc

I Love You, Goodbye

book_age16+
1.6K
FOLLOW
4.7K
READ
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo.

Yung taong sinasabihan mo palagi ng tanga, bobo, walangkuwenta, basura at kung ano anu pang masasakit na salita ay masahol pa pala sa tigre kung magalit kulang nalang magbuga ng apoy ang bunganga nito na parang dragon.

Ang taong akala moy walang alam ang siya palang gigising sa iyong kamalayan hindi lang sayo kung hindi sa iyong buong pamilya. Isang taong maglalagay sayo sa isang hindi katanggap-tangap na pangyayari.

Isang taong ipaglalaban kung ano ang tama susuungin niya ang lahat makamit lang ang minimithing katarungan para sa kanyang pamilya. May pamamahal pa kayang natitira kung suko hanggang langit ang galit niyo sa isat-isa.

Paano mo tatanggapin ang katotohanan na lahat pala ng nakita at narinig mo ay pawang kasinungalingan lang lahat. Ano ang iyong gagawing para mapaamo ang isang tigre? May pag-ibig pa bang natitira sa mga pusong binalot na ng matinding pout?

....kaya mo bang sabihin kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, na kaya mo itong ibasura......kiss and say... "I LOVE YOU, GOODBYE" then.

chap-preview
Free preview
Episode I
THE BILLIONAIRE, BUSINESS TYCOON MR. MARK DOMINIC BAXENDALE, ACCUSED k********g A BABY GIRL ..... Ang balitang gumulantang sa buong business industries. Usap-usap ngayon sa buong kumpanya niya ang kumalat na balita kung saan di umano pagkidnap niya sa isang batang babae. "Hala! totoo bang ginawa ni boss yan, baka naman fake news lang yan sinisiraan lang si boss ng mga taong may galit o inggit lang sa kanya." pahayag ni Amie ang personal secretary ng CEO ng kumpanya ng mga Baxendale, sa mga nagkakagulong empleyado ng kompanyang pag-aari ng mga Baxendale, naka-flash yun sa balitang pang-umaga sa isang tv channel ang pagkidnap daw ng kanyang boss sa isang batang babae. Maraming bulong-bulongan siyang naririnig maging siya ay hindi makapaniwala kung totoo bang ginawa ng boss niya ang pagkidnap, sa loob ng mahigit apat na taon niyang paninilbihan bilang secretary ng CEO ay hindi ito nasangkot sa kahit anong gulo, tahimik lang ito may pagka suplado, masungit at istrekto ito. Hindi nga niya alam kung totoo bang may asawa ito o wala ayun sa ibang mga empleyadong matagal ng nagtratrabaho dito may asawa daw ito, maganda daw ang babae at napakabait kabaliktaran daw ng ugali ng nagpapakilalang girlfriend nito nģayon. Kaya nagtataka siya kung sino talagang asawa ng boss niya dahil wala naman siyang nakikitang ibang babae nagpupunta sa office nila maliban nalang kay Sophia na fiancee daw nito at buntis pa ngayon. Pero sino yung batang babaeng kinidnap ng kanyang boss at bakit ito nangidnap? Kinuha nalang niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag bago pa siya masiraan ng bait sa kaiisip, kailangan niyang malaman ang katotohanan. "That's bullshit!" Mariing sigaw niya at naibalibag ang hawak na dyaryo. "Anak ko yan paano kung kikidnapin ang sarili kung anak, wala ba akung karapatan sa aking anak?." sigaw ni Dominic, dahil sa nabungarang balita pag-gising niya. Ang balitang kinidnap niya ang isang batang babae, ang kanyang anak. Kaya naman pati mga kasambahay nila ay natataranta na dahil kanina pa siya nagsisisigaw sa galit, naka headline siya sa isang sikat na pahayagan ganon din sa national television. Ayaw na Ayaw pa naman niyang nadadawit ang pangalan niya sa mga issues, ayaw nga niyang nagpapa-interview ni ayaw nga niyang nagpapa-picture para lang i-cover sa magazine ang buhay niya, gusto niya ng tahimik at pribadong buhay. Umiiwas siya sa mga ito. Kaya naman walang nakakaalam sa istado ng pribadong buhay may asawa niya, maging ang pag hihiwalay nila ng kanyang dating asawa bukod sa matalik niyang mga kaibigan wala ng ibang nakakaalam. At kung meron man iilan lang nakakaalam, wala din idea ang mga ito kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating asawa, inilihim nila ang tungkol duon at ayaw na niyang pag-usap pa. Isa pa sa ikinagagalit niya ay kung bakit nakapasok ang napakadaming media sa loob ng subdivision nila ganon private ito. Napakarami ng mga reporter sa tapat ng bahay nila kaya hindi niya ngayon alam kung paano siya makalabas ng bahay nila para sana pumasok ng umagang iyon, nag-aalala siya baka dumugin siya ng mga ito, maging sa labas ng opisina niya madami rin daw reporter na nagkalat, ayun sa secretaty niya. Tumawag na ito kanina para ipaalam ang kaganapan sa labas ng building na pag-aari nila kung saan siya nag-oopisina. Maging ang mga kaibigan niya ay kanina pa tawag ng tawag nag-aalala na ang mga ito sa kanya. He gritted his teeth. "Damn that woman, i'll kill her." sigaw niya na halos maglabasan na ang mga litid niya sa leeg. Kanina pa siya palakad-lakad sa malawak nilang sala, hindi siya makapag-isip mabuti, dahil alam niyang pag-uusap siya lalo na ang mga kalaban niya sa industriyang kanyang kinabibilangan. Dahil sa galit niya naibalibag na niya ang hawak niyang tasa ng kape na lumikha ng malakas na ingay sa loob ng kanilang tahanan. Nagkalat ang mga pira-pirasong bahagi nito sa marmol na sahig ng kanilang sala at nagtalsikan din kung saan-saan ang likidong laman noon. Tinawagan nadin siya ng kanyan Daddy, uuwi na daw ito mula sa bakasyon nito, na dapat dalawang buwan pero dahil na nasagap nitong balita na umabot hanggang sa Europa, kung saan nagbabakasyon ang mga magulang niya. Nagdisisyon na ang mga itong umuwi at huwag ng tapusin ang dalawang buwang bakasyon ng mga ito dahil sa gulong pinasok niya. Nag-aalala siya sa mga magulang niya pati ang mga ito ay nadadamay ng dahil sa kagagawan ng dating asawa. Panalangin nalang niya na sana walang mangyaring masama sa Daddy niya matanda na ito, at marami na itong nararamdam ayaw lang nitong ipaalam sa kanya, ayaw nitong nag-aalala siya. "Pag may nangyaring hindi maganda kay Daddy humanda ka pagbabayaran mo ng mahal babae ka". bulong niya sa isip niya. "Istupidang babae sayang lang ang pagmamahal ko sayo, lahat ginawa ko, lahat binigay ko sayo pero hindi ka nakuntento kaya dapat lang na kunin ko ang akin anak dahil wala kang kuwentang ina." kausap niya sa sarili niya. Galit na galit siya dito ngayon, pero kahit gaano pa kalaki ang galit niya dito mas nanaig parin ang pagmamahal niya dito ayaw lang niyang aminin sa sarili dahil nasaktan siya sa mga ginawa nito sa kanya. Ito lang naman ang nag-iisang babaeng kanyang minahal, malaki ang resperto niya dito pero naglaho ang lahat, nag-laho nga ba? .......Flashback.... "Hi! gusto mo sayo nalang ito? Regalo ko sayo," ani Dominic sa isang batang babae na sa tingin niya ay mas bata pa sa kanya ng dalawa hanggang tatlong taon. Inabangan niya talaga ang batang babae, lagi itong dumadaan sa tapat ng bahay nila, lagi siyang nakatambay sa tabi ng gate nila para lang abangan ang pagdaan nito. Alam niya ang oras at araw ng pagdaan nito dahil madalas niya itong makita. Ayon sa suot nitong school uniform na madalas niya makitang suot nito, sa isang pampublikong paaralan ito pumapasok. Nakita niya itong dumaan kanina naka short na maong at pink t-shirt na bulaklakin dahil araw ng sabado walang pasok, may dala itong supot na hindi niya alam kung anong laman kaya inabangan na niya ang pagbabalik nito. "Ano yan? bakit mo ako reregalohan wala naman okasyon? Hindi ko naman birthday ah? Hindi din tayo closed ang yabang mo nga pag dumadaan ako dito sa tapat ng bahay niyo porket mayaman kayo." mahabang litanya ng batang babae. Nagulat siya ng bigla nalang sumupot ito sa daraanan niya, nagtataka siya dito. Ayaw man niya kausapin ito pero naisip niya baka siya awayin nito at hindi na siya makadaan dito. Ito kasi ang pinaka malapit na daan papunta sa paaralan niya. Nakikita niya lagi ito nakasilip sa mataas at kulay itim nilang gate, mas matangkad ito sa kanya, matangos ang ilong nito, maputi ito at makinis ang kutis hindi maikakailang anak mayaman talaga ito, may dimple din ito sa kanan pisngi, nakikita niya yun pag-ngumingiti ito. Lagi siya nitong nginingitian pagdumadaan siya sa tapat ng bahay nito. Tulad nalang ngayon malawak na naka ngiti ito sa kanya kaya kita niya ang mapuputi at naka-braces nitong ngipin. "Sorry na kung nayayabangan ka sakin, pero hindi naman talaga ako mayabang gusto lang talaga kita maging kaibigan, nakikita kita lagi kang dumadaan dito. Ikaw nga mukhang masungit hindi ka man lang ngumingiti o kaya tumitingin, lagi kapang nagmamadali kulang nalang tumakbo ka pagdumadaan ka dito sa tapat ng bahay namin, pag sinisitsitan kita hindi ka man lang lumilingon sakin, suplada ka kaya" ani Dominic na may ngiti sa labi. "Bakit mo kasi ako sinisitsitan may pangalan naman ako, hindi naman ako aso" nakangusong sagot ng batang babae. "Hhhhmm.. ok, a-ahh..a-ako nga pala si Mark Dominic " nauutal niyang pakilala dito sabay taas ng kanyang kanan kamay para makipag kamay dito. Pero hindi nito pinansin ang kamay niya. Sinilip lang nitong mabuti ang loob ng kartong hawak niya bago ito muling nagsalita. "Ayaw ko ngang maging kaibigan ka, mayabang ka kasi mayaman kayo." ani ng batang babae humalukipkip pa ito sabay irap sa kanya. "Sorry na, hindi naman ako mayabang, sige na friend na tayo, kunin mo na itong regalo ko para sayo" ani Dominic "Ayaw ko yan pusa sabi ng Nanay ko may rabis daw yan, sayo nalang yan" sagot nito na pinatulis pa niya ang nguso. "Sige na kunin muna na please para friend na tayo." pamimilit pa ni Dominic na may ngiti sa labi. Pinipilit parin niyang ibigay sa batang babae ang kahon may laman pusa, humarang pa siya sa daraanan nito, pero ang ginawa lang nito ay tinabig ang kahon sabay takbo, umiiyak na ito pauwi sa bahay kung saan tumutuloy ang batang babae. Wala na siyang nagawa tinanaw na lang niya ito habang tumatakbong papalayo, bumalik nalang uli siya sa loob ng bahay nila nalulungkot siya sa inasal nito, naawa siya dito dahil sa pamimilit niyang kunin ang regalo niyang pusa umiyak pa ito. Nagmamadali pa naman siyang kinuha ang karton ng sapatos niyang bagong bili ng Daddy niya para paglagyan ng kuting na kulay puti anak yun ng alagang pusa ng yaya niya. Sa murang gulang palang niya at sa unang araw na nakita niya ang batang babaeng yun gandang ganda na siya dito. Alam niya sa sarili niyang may iba pa siyang nararamdam para dito, masaya siya pagnakikita niya ito, nag-iiba ang pintig ng puso niya, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang naramramdan. Gandang-ganda siya dito lalo na ang mahaba at alon-along buhok nito na kulay tsokolate. May katangusan ang maliit nitong ilong, may mahaba at malalantik na mga pilik mata ang bilogan at kulay abuhin nitong mga mata na gustong gusto niyang titigan, mga labing mapupula, maputi at makinis din ang balat nito, kung titingnan mo ito aakalain mong anak mayaman ang bata, pero ang sabi ng yaya niya anak daw ito ng driver sa isang pamilyang dito rin sa subdivision nila nakatira at duon din daw ang mga ito nanunuluyan. "Please kahit sandali lang po samahan niyo ako sa school ng friend ko may ibibigay lang po ako please" pakiusap ni Dominic sa yaya niya araw ng lunes, gusto niyang puntahan si Anne sa school nito, baka kasi nagalit ito sa kanya at lalong hindi siya pansin. Kaya ng nakumbinsi niya ang yaya niya ganun nalang ang tuwa niya, sabi pa ng yaya niya huwag nalang niyang sasabihin sa Mama Elena niya at baka malintikan sila. "Sige yaya sekreto nalang natin ito." aniya sa yaya niya. Pagdating niya sa school nito nakita niyang napakadaming bata hindi tulad ng school nila. Malawak din ang playground nito, marami din ibat-ibang uri ng halaman sa paligid. May malaking gymnasium ito kung saan may mga studyanteng naglalaro. "Ganito ba talaga dito ang daming bata" tanong niya sa sarili niya. "Saan na kaya yun saan ko kaya siya hahanapin yaya?" tanong niya sa yaya niya. Umikot-ikot pa siya para makita ito, inutusan na din niya ang yaya niyang tulungan siyang hanapin ito. "Sandali lang baka andun sa gawi dun" ani ng yaya niya at lumakad papalayo sa kanya. "Dominic ayun siya" sigaw ng yaya niya kaya naman ng makita niya ito nagtatakbo na siya papalapit dito. Nakita niya itong naglalakad patungo na marahil sa classroom nito, kaya lilapitan na niya agad ito. " Hi!" bati niya dito na may kaba sa dibdib. "Bakit andito ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Anne na may pagkagulat sa mukha nito. "Pinuntahan kita dito baka kasi nagalit ka sakin dahil sa ginawa ko kahapon. Dinalan kita ng sandwich para may pang snack ka, sana tanggapin mo na ito please." Sabay abot niya dito ng supot, hindi sana nito tatanggapin iyon pero kinuha na niya ang kamay nito at inilagay na niya ang supot na may lamang sandwich sa kamay ng batang babae. "Puwede ko nabang malaman name mo, please sabihin muna name mo para hindi na kita sisitsitan please, sige na para bati na din tayo." pakiusap ni Dominic pinapungay pa niya ang kanyang mga mata para makumbinsi niya ito. "Anastacia name ko happy kana?" sabay irap nito sa kanya. "Salamat sa tinapay, sige na alis kana baka ma-late kapa sa school mo" ani Anne, naka school uniform na kasi ito kaya alam niyang papasok na ito. "Ang ganda ng name mo bagay sayo, kasing ganda mo, sige alis nako, basta bati na tayo wala ng bawian, friend na tayo mula ngayon" ani Dominic na nakangiti. Masayang-masaya siya nakausap na niya ito hindi ito galit sa kanya, alam nadin niya pangalan nito, kaya naman hanggang tenga ang ngiti niya. Simula ng puntahan niya ito sa school nito, lagi na niyang inaabangan si Anne sa tuwing dumaraan ito sa tapat ng bahay nila. Lagi narin silang nag-kakausap, gusto niya itong samahan pag may lakad ito pero tumatangi ito, ayaw naman niyang pilitin ito baka kasi magalit ito sa kanya, yun ang ayaw niyang mangyari. ......End of the flashback..... Tunog ng kanyang telepono ang nagpabalik sa kasalukuyan kay Dominic, tumatawag na naman ang kanyang kaibigan alam ng mga ito ang kalagayan niya ngayon, nalalagay siya sa malaking kahihiyan. Kilala ng mga ito ang dati niyang asawa. Napapasalamat siya sa mga ito, susuportahan daw siya nito kahit anong mangyari. "Dom nagkausap naba kayo ni Anne tungkol sa anak niyo?" agad na bungad nito. "Kausapin mo nalang Dom para wala ng gulo, hindi ba't matagal mo na siyang hinahanap? Malay mo ito na yun chance na hinihintay mo para magkabalikan kayo" may pag-aalalang pahayag ng kaibigan niyang si Atlaz. "Paano naman kami mag-kakausap nun ni ayaw nga akong makita,." sagot niya dito. Isa ito sa mga kaibigan niya mula pa ng college sila kaya kilala din nito si Anne. Marami pa silang napag-usap nito bago niya tinapos ang tawag nito. Alam niyang nag-aalala ang mga ito. Ano pa nga ba ang aasahan niya ngayon matapos niyang ipagtabuyan ito nuon at pinagsabihang huwag ng magpapakita sa kanya. Pero ang gusto lang sana niyang mangyari ay mag-kausap sila ng dating asawa, ang pumunta ito sa bahay nila para bawiin ang anak nila at mapag-usapan ang tungkol dito, kaya niya kinuha ng sapilitan si Cassey kahit nagpumiglas pa ito. Pero iba ang nangyari dahil kabaliktaran ng inaasahan niya. Nag report agad ito sa mga pulis, nakakuha din agad ng copy ng CCTV at malinaw na nakuhanan siya dun, kitang-kita sa video ang mukha niya. Ipinakita pa yun sa national television, lumabas din yun sa mga pahayagan maging sa social media. Ang inaasahan niyang magiging daan sana para mag-kalapit silang dalawa ng dating asawa, hindi nangyari dahil hindi umayun sa kanya ang pagkakataong kanyang inaasahan dahil nagmatigas pa ito. Hindi nga nito sinabi na may anak sila. Sa haba ng panahon hindi man lang nag-aksayang ipaalam sa kanya ang tungkol sa kanilang anak. Itinago nito sa kanya ang anak nila. Kung sabagay hindi niya ito masisi kung itinago man nito sa kanya ang katotohanang tungkol anak nila may kasalanan din siya dito. Kung bakit nawala ng mahabang panahon ang mga ito. Ipinagtabuyan niya itong parang hayup, kinaladkad niya ito palabas ng kanilang tahanan na walang dala kahit na ano, pero sinundan niya ito makaraan ang mahigit tatlongpung minuto, ilan beses siyang nagpaikot-ikot pero nawala na itong parang bula hindi na niya nakita pa. Umupa pa siya ng mga tao para lang mahanap ito pero wala rin. Sa nakalipas na limang taon kahapon lang niya uli ito nakita. Mas lalo pa itong gumanda, kahit wala itong make-up, mamula-mula ang dati ng makinis nitong balat. Naka bestida ito ng halos umabot lang sa tuhod nito, kaya kita-kita ang maputi at makinis nitong binti. Hindi niya inaasahan makikita niya ito sa isang mall kung saan sinasabing kinidnap niya si Cassey, iniwasan siya nito ng makita siya, kung hindi pa tinawag ng "Mommy" ng batang babae ang dati niyang asawa hindi pa niya malalaman may anak sila, kaya lihim niya itong sinundan at ng malingat ang ating asawa sapilitan niyang kinuha ang kanilang anak. Maganda ang anak niya mahaba ang buhok nitong kulay tsokolate katulad ng sa dati niyang asawa, brown ang kulay ng mga mata nito tulad ng sa namayapa niyang Mommy, may katabaan din ito nakabestida ito katulad ng sa kanyang ina. Ilan na ba ang nagsabi sa kanya nuon na mga kakilala niya ang nakakita dito at sinasabing buntis daw ito, meron din bumabati ng congratulation sa kaya nuon pero binaliwala lang niya ang mga ito, dahil hindi siya naniniwalang kanya ang ipinagbubuntis nito, kung totoo ngang buntis ito. Pero ngayon nasa harap na niya ang katotohanan, ang anak niya. Palaisipan padin sa kanya ngayon kung bakit walang nakuhang impormasyon tungkol sa dating asawa ang mga imbestigador na-hired niya nuon. Ano ba ang nangyari nuon bakit walang nakakaalam tungkol sa dating asawa, sino ang nagtago dito? Mga katanungang hindi niya mabigyan ng kasagutan ngayon, nalilito siya sa mga nangyayari. Mukha rin hindi kapus sa buhay ito ngayon base sa hitsura at kasuotan ng mga ito. "May mga ngiti sa labi niyang pinagmanasdan si Cassey habang magana itong kumakain kasalo niya sa kapag nila. Ito una niyang makakasalo itong kumain kaya todo asikaso siya dito. Gusto niyang ibigay ang best niya para dito. Tinawagan na din niya ang kanyan personal secretary para bumili ng mga kailangan ng anak niya. Magaan ang pakiramdam niya kagabi katabi niya itong matulog nakayakap pa ito sa kanya. Gagawin niya lahat para sa kanyang anak, ibibigay niya lahat ng mga pangangailangan nito, at lahat ng pagmamahal niya para lang sa nag-iisang anak niya. Ibang-iba na ngayon ang dating niyang asawa hindi na ito ang dating Anne na tahimik at palagi lang nakangiti, at sunod sunoran lang sa lahat ng gusto niya. Ang magandang mukha nito ay may kakaiba ng awra, hindi niya maipaliwanag ang paraan ng pagtitig nito sa kanya may nababanaagan siyang puot sa abuhin nitong mga mata. Galit na halos patayin siya sa mga titig nito. Kaya nagtataka siya ano ba ang ikagagalit nito sa kanya, ito pa nga ang may nagawang kasalanan sa kanya, pero bakit ganon nalang makatingin ang dating asawa? Mga katanungan sa kanyang isip na hindi niya maipaliwanag. Sino ba ang may kasalanan? Sino ba ang sumira ng kanilang relasyon? Paano nga ba ito nasira? Sa loob ng labing apat na buwan nilang pagsasama, mahigit dalawang buwan lang yata sila naging masaya bilang mag-asawa. Nuong bagong kasal lang sila. Nasirang bigla ang masaya at puno ng pagmamahalan aming relasyon dahil lagi na kaming nag-aaway o mas tamang sabihing lagi ko siyang inaaway. Dumating pa sa puntong nag-uuwi ako sa bahay namin ng kung sinu-sinong babae para lang pasakitan siya. Kaya pang sinasagut niya ako at inaaway sa mga ginagawa ko sinasaktan at pagsalitan ko na siya ng masasakit. Hanggang pwersahan ko na siyang hiniwalayan kahit nagmamakaawa pa siya. Ipinagtabuyan ko siyang para basura, wala siyang dala kahit ano, hindi ako naawa sa kanya nun oras na yun. Ilang beses ko naba siyang nasaktan at puwersahan inangkin kahit nagmamakaawa pa ito, at pagnagawa ko ang lahat ng gusto ko sa kanya saka ko lang siya iiwan. Hindi ako uuwi ng mga ilan araw dahil ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan alam kung nagkakapasa siya sa kanyang katawa. Naging mesirable ang buhay namin mag-asawa. Nasira lahat ng mga pangako namin sa isat-isa. Napahilamos ako sa aking mukha sa pagbabalik tanaw sa naging buhay namin. "Sino ba saming dalawa ang may sala pakiramdam ko ngayon parang may mali" bulong niya sa kanyang sarili. Ngayon inaakusahan siya nito ng k********g. Kinidnap daw niya ang anak nito. Pero lalaban siya, ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang ama ni Cassey kukunin niya ang kanyang anak dito, kung ayaw ng dati niyang asawa na makipag ayus p'wes dadaanin niya sa legal na paraan lahat, kukunin niya ang para sa kanya at yung ang kanyang anak na si Cassey, gagawin niya lahat, kung kailangan maglabas siya ng malaking halaga ng pera gagawin niya, basta mapunta lang sa kanya ang anak niya. Tinawagan na niya ang kanyang abogado para mag file ng mga kakailanganin dokumento para makuha niya ang custody ng anak. Kinausap nadin niya ang mga kaibigan niya bilang suporta sa mga hakban na gagawin niya laban sa dati niyang asawa. Pero puro paalala lang ang sinasabi ng mga ito at baka daw pagsisihan lang niya ang mga decision niya pagdating ng araw. May dalawa pa siyang kaibigan alam niyang hindi rin ito papanig sa kanya. Galit din sa kanya ang mga ito mula pa ng hiwalayan niya ang dating asawa. Sunod sunod na suntok pa nga ang dumapo sa mukha niya nuon mula kay Kalev ng mag-file siya ng annulment para kasal nila ni Anne. Galit na galit ang mga ito sa kanya hanggang ngayon hindi pa sila nag-uusap kahit minsan nakakasama nila ito pero hindi siya pinapansin. Alam niyang may gusto din si Kalev kay Anne nun college pa sila, si Tyron naman best friend ni Anne since elementary palang sila, pero laging nasa Italy ito ngayon. Kaya nag-aalala din siya lalong magagalit ang mga ito pag-nalaman ang kalagayan nila ngayon, malamang kumampi ito sa dating asawa niya. Baka tulungan pa ng mga ito si Anne pag-nagkataon. Kinabukas nabulabog sila ng mga taong nagkakagulo sa loob ng bahay nila at ang sabi inaaresto na daw siya ng mga pulis ayun sa isa sa kasambahay nila. Pagbaba niya ng hagdanan mula sa ikalawang palapag ng kanilang mansion agad niyang nakita ang may anim na pulis. May dalang warrant of arrest ang mga ito at ang sabi pa sa himpilan na daw siya magpaliwanag puwede daw siyang kumuha ng abogado niya, kaya para wala ng marami pag usapan sumama na siya sa mga pulis. Ang Daddy na daw niya ang tatawag ng abogado, madaling araw na ng dumating ang Daddy niya kasama ang Mama Elena niya kaya hindi na niya ito nakausap alam niyang pagod ang mga ito. Gulo-gulo pa nga ang buhok ng Daddy niya ng sumugod palapit sa kanila nakasuot lang ito ng roba, samantala ang Mama Elena naman niya ay nag-hihisterikal na kaya pati mga kasambahay nila ay natataranta na. Habang siya naman ay pinosasan na ng mga pulis, at inalalayan na palabas ng mansion nila. Hindi nga siya nagkamali madami ng media at mga itchoserong mga tao sa labas ng kanilang mansion, nakita pa niya ang mga mapanuring mga mata ng kanilang mga kabit bahay. "So totoo ngang nangidnap ng batang babae si Mr. Baxendale." bulong ng isang babae. "Sayang guwapo pa naman siya kidnapper naman pala" ani pa ng isa. "Ang yamang tao nangidnap ng bata ano bang nakain niyang tao yan?" panglalait naman sa kanya ng isa pa. Ilan lang yan sa mga nadinig niyang mga komento ng mga taong nakapaligid sa harap ng bahay nila. Na pinagpipiyestahan siyang pag-tsismisan "Sir ano na po lagay ng batang babaeng kinidnap niyo? hindi po ba niya hinahanap ang kanyang mga magulang?" tanong ng isang media reporter na hindi na niya pinag-aksayahan tingnan. "Sir!...sir!..totoo po bang anak niyo sa dating niyong asawa yung batang babaeng kinidnap niyo?" ani pa ng isang reporter na may hawak ng mic. Mga tanong ng mga nagsisiksikang mga media sa kanya. Habang siya naman ay walang imik na sumakay na sa police mobile. Isang malaking kahihiyan sa pamilya nila ang nangyayari ngayon. Sino pa ang dapat sisihin sa nangyayari ngayon sa kanya, sa pamilya niya. Iisa lang naiisip niya ngayon. Ang samantalahin ng mga kalaban niya ang sitwasyon na kinakaharap niya ngayon para pabagsakin sila. Kaya kailangan niya ng tulong ng mga kaibigan niya habang nasa ganitong sitwasyon siya. Kailangan niyang protektahan ang mga negosyo nila sa tulong ng mga ito. Alam niyang hindi siya bibiguin ng mga ito. Kailangan niyang makausap ang mga ito sa lalong madaling panahon. ......................................................... please support my journey as a writer.. just follow my account and be my readers. thanks much..God Blessed us.. I Love You guys..?"Lady Lhee"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook