bc

BABAE, Ina... Anak... Asawa

book_age18+
466
FOLLOW
2.9K
READ
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Reinette Ocampo, isang babae may pambihirang angkin ganda at talino. Isang inang handang magsakrepisyo alang-alang sa mga anak. Isang anak na masunurin at mapagmahal. Isang asawang gagawin ang lahat para sa ikaliligaya ng kabiyak.

.

.

Mykel Treyton Legaspi, negosyante, mayaman, makapangyarihan at tinitingala ng halos lahat ng tao. Kinaiinggitan ng kapwa niya lalaki. Isang lalaking may malaking sekretong tinatago. At upang mapagtakpan ito kailangan niyang pagpakasal sa mga babae.

.

.

Paano sila paglalapitin ng tadhana kung suko hanggang langit ang galit nila sa isat-isa.

chap-preview
Free preview
Episode - 1
Sunod-sunod na kalembang ng kampana ng kilalang simbahan ang masayang maririnig sa halos buong bayan ng Santa Marta. Hudyat ng pag-iisang dibdib ng dalawang magsing-irog na sina Mykel Treyton Legaspi, mula sa tinitingala at iginagalang na ankan ng maimpluwesya at mayamang pamilya, isang kilalang matagumpay na negosyante at Reinette Ocampo, isang elementaryang guro sa isang pampublikong paaralan. Dangal, ganda at talino lang ang tanging maipagmamalaki.Tutol man ang ina sa dalagang napupusuan nito pero wala itong nagawa sa kagustohan ng nag-iisang anak na si Mykel Treyton na pakasalan ito. Mula sa tarangkahan ng simbahan hanggang sa altar makikita ang mahabang kulay pulang nakalatag na alpombra na siyang lalakaran ng ikakasal at lahat ng dadalo sa naturang kasal. May mga palamuti rin ang buong palibot ng simbahan ng sari-saring mga bulaklak at laso na kulay puti bilang simbulo ng busilak at dalisay na pag-iibigan ng dalawang pusong wagas na nag-mamahalan. Mga kilala at respetadong politiko at negosyante ang mga pangunahin Ninong at Ninang, ganun din sa mga aabay sa mga ikakasal. Magagara at mamahalin mga sasakyan ang mga nakahelera sa loob at labas ng bakuran ng nasabing simbahan. Maging ang kasuotan ng mga bisita hindi matatawaran ang kalidad at halaga ng mga ito. Idagdag pa ang mga nagkikinangan at malalaking mga alahas na suot ng mga ito na sa tuwing tatamaan ng sikat ng araw may kakaibang kislap ang mga ito na ng papahiwatig na mamahalin ginto at diyamante ang mga ito. Paghanga at inggit ang mababakas sa mukha ng halos lahat ng sumasaksing kababaihan sa idinaraus sa tinagurian nilang Fiestang kasal. Sapagkat halos lahat ng mga tao sa buong lugar imbitado at sa dami ng iba't-ibang putaheng mga pagkain ang handang nakalatag sa bawat mahahabang lamesa para kang nasa pistahan. May mga musikero rin tumututog ng nakahahalinang himig na kahit sino mapapaindak. Isang mahabang kulay puting limousine ang pumarada sa harap ng simbahan. May mga kumikinang itong mahahabang lasong palamuti sa ibabaw, may mga puting bulaklak din ito sa pinakabungad tanda na dito nakasakay ang ikakasal na babae. Ilang din sa mga tao sa paligid ang umaaninag sa loob ngunit wala silang makita sa dilim ng mga salamin ng bintana nitong nakapalibut sa sasakyan. Lahat nasasabik na makita ang napapabalitang mala-reynang mahabang pangkasal na kasuotan nito, na nagmula at pinatahi pa sa mga kilalang modista sa gitnang Europa. Ilang minuto pa itong naghintay ng hudyat ng isang taong nasa ikatlong kasarian na siyang organisador ng kasal. Ang pagtaas ng isang kamay nito ang unang hudyat kaya bumukas ang pinto sa bandang kanan nito. Isang unipormadong lalaki ang bumaba. Nakasuot ito ng purong puti maging ang balanggot at sapin sa paa nito ay nangingintab na kulay puting sapatos. Marahan itong naglakad pakabila sa tapat ng pambasaherong sakay at dito tumayo ito ng tuwid na parang sundalo. Sa ikalawang hudyat binuksan na ng taga silbi ang pinto. Kasunod ng pagbaba sa pulang alpombra ng isang kumikinang na puting sapatos na may maliliit na kumikislap na mga bato at ang laylayan ng puting kasuotang pagkasal. Mga pagsinghap at sari-saring anasan ang mauulinigan mula sa mga taong nais masulyapan ang mamahalin traje de boda. Ang mala reynang damit pangkasal na napapalamutian ng maliliit na nagkikislapang mga bato ang nag binigay buhay dito. Marami rin ang nagsasabing milyong dolyares ang halaga nito. Isang malamyus na tugtogin ng isang organo mula sa loob ng simbahan ang naging hudyat upang magsimula ng lumakad ang ikakasal. Dalawang batang lalaki rin ang may suot na purong puti ang mag hawak ng mahabang kapa ng damit pangkasal. May korona ito na parang sa isang reyna sa tuktok ng ulo na napapatungan ng manipis na belo na siyang tumatabing sa buong mukha nito. Mabini siyang naglakad patungo sa entrada ng simbahan. Ilang sigudo pa siya tumayo sa tapat ng nakapinig na pinto at hinintay ang hudyat na bumukas ito, upang dumiretso siya ng lakad papasok sa loob ng simbahan kung saan naghihintay ang kanyang makakaisang dibdib na lalaki. Si Mykel Treyton Legaspi. Mabini siyang naglakad kaagapay ang kanyang ina, tulad niya nagpapahid din ito ng mga luha sa pisngi. Iniangat niya ang mukha upang masilayan ang lalaking naghihintay sa kanya sa harap ng altar. Katabi nito ang matalik na kaibigang si Braylon. Parehong puting puti ang mga kasuotan ng mga ito, ang kaibahan lang may maliit na calla lily sa bulsa si Treyton ang kanyang nobyo. Pansin din niyang may hawak itong panyong puti na ipinapahid sa mga mata paminsan-minsan. At mukhang nagpipigil sa mga luhang gustong tumakas sa mga mata. Bagamat ang guwapong mukha nito'y mababakas ang kaligayahan, matamis din itong nakangiti sa kanya. Mga walang hanggang sumpaan ng pagmamahalan at pangako sa isa't isa ang mga binibitawan nilang pangungusap sa harap ng mga taong sumaksi, at sa loob ng tahanan ng Diyos sa kanilang pag-iisang dibdib. Mahihinang paghikbi at sinhot ng ibang sumasaksi sa kanila ang maririnig kasabay ng madamdaming mga salita nila sa isa't isa. Isang maalab na halik sa mga labi ang kaagad niyang iginawad sa ngayon kanya ng asawa at tatawagin ng Gng. Mykel Treyton Legaspi. Ang nag-iisang babaing buong puso niyang pinaghandugan ng kanyang pangalan. Si Reinette Ocampo Legaspi. "Mahal na mahal kita Reinette, ikaw lang wala ng iba." Saad niyang humihingal matapos pawalan ang mga labi ng asawa. "Mahal na mahal din kita Mykel Treyton at mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay." Madamdamin din nitong tugon sa asawa. Kasunod ng walang humpay na palakpakan at pagbati sa mga bagong kasal. May ilang nagsasaboy ng bigas at mga talulot ng puting bulaklak habang magkahawak kamay silang naglalakad palabas ng simbahan. Kasunod ang mga taong may kanya-kanyang binibitawan mga komento at panalangin para sa kanila. Mga payo at mga pangaral para sa ikabubuti daw ng maganda nilang pagsasama. Mga kantiyawan at tuksuhan ng mga kamag-anak at mga kaibigan na hindi talaga maiiwasan lalo sa tulad nilang bagong kasal. Kaagad din silang sumakay sa naghihintay sa sasakyan para magtungo sa pagdarausan ng handaan ng kanilang kasal. Isang bukas at malawak na hardin itong pampubliko, may mga dekorsayong sadyang ikinabit ng mga tao. At lahat ng taong bayan maaaring makipaghalubilo sa isa' isa. Makikain, bata man o matanda. At ang lahat nagdiriwang sa saya. May mga kumakanta at may nagpapamalas ng katutobong sayaw. Kaagad namin pinangunahan ang salo-salo upang makapag-umpisa ng kumain ang aming mga bisita. Sa isang mahabang mesa sa bandang gitna ang amin mesa kasalo ang mga magulang namin. Malalapit na kamag-anak at mga Ninong at Ninang. Ang matatamis na mga ngiti at galak sa mga labi namin ni Treyton ay pirmi ng nakaukit, at hindi mabura-bura habang magkahawak kamay kaming nagpapasalamat sa mga taong dumalo at sumaksi sa pinakamahalagang araw sa buhay namin bilang mag-asawa. Nag-uumapaw din ang aking puso sa tuwa dahil makakasama ko na ang pinakamamahal kung lalaki. Bubuo ng masayang pamilya, kasama ang magiging mga anak namin. Sa dami ng taong inimbitahan namin hindi ko na alam kung sino ba ang lalapitan namin. Ayaw ko naman may hindi magandang masabi ang mga tao sa amin ng aking asawa. Mga magulang at estudyante niya ang karamihan sa mga bisita namin na sadyang ipinaimbita ko para walang magtampo sa aking asawang si Reinette. Maraming nagmamahal sa kanya dito sa lugar nila at kilalang-kilala siya bilang magaling at magandang guro. Isinasali sa kung anu-anong patimpalak ng kagandahan. At karamihan sa mga sinasalihan niya nagwawagi siya. Madalas din ako ang kinukuha niyang konsorte niya. Kaya kilala siya sa buong Santa Marta na may pinaka-magandang mukha na babae. Ang kaligayahan niya, kaligayahan ko rin. At lahat ng ikasasaya niya gagawin ko ng walang pagaalinglangan. Upang ipakita at ipadama ang aking marubdupob na pagmamahal sa kanya. Magiging tapat at mabuting kabiyak ako sa kanya. At ayaw kung sayangin ang tiwala at pagmamahal niya sa akin. - Treyton. Hinapit ko si Rainette ng isang bisig ko sa kanyang bewang at pinatakan ng halik sa labi upang pagbigyan ang hiling na panunukso ng mga kaibigan namin. At muling umikot sa bawat mesa ng mga bisita upang magpasalamat sa mga ito. "Napaka ganda talaga ni Reinette, ang suwerte niya maging sa nakaisang dibdib niya." "Para siyang isang prensesang nakapag-asawa ng maharlikang prinsipe." "Ang ganda niya ang siyang ginamit upang makapag-asawa ng isang mayamang lalaki." "Ang suwerte nga naman, kahit isang pangkaraniwang guro lang nakapag-asawa pa ng isang bilyonaryong guwapo." "Sa yaman at gwapo ng lalaki hihiwalayan din siya niyang pagnagsawa na sa kanya." "Baka nga anakan lang siya niyang tapos iiwan ding luhaan." "Sa guwapo at yaman niyang paniguradong marami rin babae yan. Baka isang araw magising nalang siyang hindi na umuuwi ang lalaki at nasa kalunya na niya." "Baka isang araw may dumating na isang babae at sabihing naanakan niya. Siguradong maghihiwalay din ang mga yan." "Ganyan naman ang mayayaman lalo at gwapo kabi-kabila ang mga babae. Kawawang guro, paluluhain lang siya ng napili niyang asawa." Mag bulong-bulongan ng mga taong may inggit at makakating dila na hindi nakaligtas sa kanilang pandinig. At bawat isa may masasabi at masasabi parin hindi maganda kahit pakainin mo ng bundat. Kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Wala rin naimbag na kahit ano sa buhay mo. Nananalangin din ng hindi maganda para sa kapwa. Mga taong walang kasiyahan at ayaw ng nakakakita ng taong umaangat o maligaya sa buhay. "Reinette ayus ka lang ba asawa ko? Huwag mo ng pansinin kung anung naririnig mo, hindi yan mahalaga sa akin at hindi totoo ang mga sinasabi nila. Hayaan mo na sila sa mga kuro-kuro nilang walang basehan at katutohanan. Ang mahalaga nagmamahalan tayo at ikaw na ang aking kabiyak ng puso at karugtong ng buhay ko. Mamahalin kita habang ako'y nabubuhay at hanggang sa kabilang buhay ikaw lang ang nag-iisang babaing iibigin ko." Mahabang litanya niya sa akin. Kaya naglubag ang aking kalooban sa mga tinuran niya. At sana huwag naman magkatotoo ang mga sapantaha nila. Ilang taon din kaming naging mag-nobyo at wala kaming naging pagtatalo o nag-away sa isang bagay, maganda ang naging samahan namin kaya kami nagpasyang lumagay na sa tahimik. "Ganuon din ako sa iyo mahal ko. Mahal na mahal kita Treyton wala ng papalit sa iyo dito sa puso ko mangpakailan pa man. Ikaw lang hanggang sa kabilang buhay wala ng iba." Pangungumpisal ko sa kanya.Tulad ng mga binitawan kung mga sumpang pangungusap sa harap ng altar mahal ko siya. Siya ang una at huling lalaking mamahalin ko. Ang lalaking pag-aalayan ng aking buhay. "Paumanhin mahal ko sasagutin ko lang ang tawag baka importante." Saad niya at kinalas ang isang braso sa pagkakahawak sa aking bewang. Dinukot niya sa bulsa ng pantalon niya ang munting aparatong kanina pa tumutunog. Ilang hakbang din palayo sa aking ang ginawa niya bago ito sagutin. Pinagmasdan ko lang siyang kunot noong kausap ang kung sinong tao sa kabilang linya. Mukha na siyang aburido habang nakikipag-usap. Gusto ko man siyang lapitan at alamin kung may problema ba pero hindi ko naman magawa dahil parang may pumipigil sa akin na hindi ko mawari. Kaya nagkasya nalang ako sa pasulyap-sulyap sa kanya. Sa namimigat na mga paa naupo nalang ako katabi ang aking inang kausap ang mga kaibigan niya. "Napaka-swerte mo sa napangasawa mo Reinette. Bukol sa guwapo na mayaman pa at mabait. Sana'y biyayaan kayo ng mga supling na katulad ninyo." Ani ng isang kaibigan ni Mama. Ngiti at pag-tango lang ang ganti ko sa mga komento nila. Mga payo na dapat gawin upang maiwasan daw ang hindi pagkakasundo ng mag-asawa. Animo perpekto ang takbo ng mga buhay nila kung makapagsalita. Bakit hindi nila nagamit sa pagsarili nilang buhay ang mga sinasabi nila. Kung sabagay marami na silang pagsubok na pinagdaanan sa buhay, ako papunta palang sila pauwi na, ika nga. Napatayo ako ng makitang papalapit na sa gawi ko si Treyton. Gulo ang buhok, gulo rin ang kurbatang niluwagan. Seryoso ang kanyang mukha. Kaya agad kung inayus ang buhok niya sinuklay ko ito ng aking mga daliri. Kasunod ng pag-ayus ko sa kanyang kurbata at damit. "Bakit ba ganya na ayus mo para kang nakipag-away? May problema ba?" Tanong ko sa kanya, seryoso ang kanyang mukha. "Kailangan ko ng maunang umalis, ikaw ng bahala sa mga bisita natin. May pupuntahan lang akung mahalagang bagay. Pasensya na mahal ko. Tandaan mo kahit anung mangyari ikaw lang ang mahal ko. At mamahalin habang buhay." Usal niya at mahigpit akung niyakap at hinalikan sa noo. "Ano bang nangyari? Sinong kausap mo? May nangyari bang hindi maganda?" Tanong ng kanyang ina. Kaya kaagad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Mom, may aayusin lang ako. Ikaw na muna bahala sa asawa ko. Isama mo si Reinette pauwi. Magkita nalang tayo sa bahay." Nagmamadali niyang ani sa kanyang ina. Maging ito walang nagawa sa anak ng halos magtatakbo itong tinalikuran kami. "Ate kanina pa po nag-iingay ang selpon ninyo." Tinig ng isang babaing naghahawak ng aking hand bag. Kaya kaagad kung kinuha sa kanya ang aking bag at dinukot ang selpon kung patuloy paring nag-iingay. Isang hindi kilalang numero ang aking nakita. Kaya nag-dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba. Muli itong tumunog, may kaba man sa'king dibdib sinagut ko rin. "Hello" Bungad ko. "Magandang araw po ma'am. Ito po ba si Gng. Reinette Legaspi? "Ito nga po sino po sila? Ano pong maipaglilinglod ko sa kanila?" "SPO 4 Manlapuz po ma'am nais lang namin ipagbigay alam na si G. Mykel Treyton Legaspi naaksedente po at kasalukuyan ng nasa hospital." "Mommy si Treyton po naaksidente daw dinala na ng mga pulis sa hospital." Hindi magkandatuto niyang pahayag sa biyanan. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa labis na takot at pag-aalala sa asawa. . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook