bc

MIREYA, The Miracle Heiress

book_age18+
147
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
heir/heiress
drama
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

( HIDING THE MIRACLE HEIRESS BOOK 2 )Mireya Ballarta ay isang miracle heiress. Isa siyang mabuting anak at kapatid. Mayaman ang pamilya nila pero mas pinili niyang humiwalay manirahan sa isang maliit na apartment. She wants a simple and peaceful life. Mas pinili niyang maging mag-isa dahil nais niyang maranasan na mamuhay ng normal kagaya ng karaniwang mga tao.Pangarap niyang maging isang mahusay na doktor. Nakatakda rin siyang ikasal sa kanyang kasintahan. Ngunit niloko siya nito. At doon niya makikilala si Alexandro Santillan na isa sa mga driver nila at siyang ring magbabago sa buhay ni Mireya.Isa ba siyang kakampi o isang kaaway?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MIREYA'S POV "Mom, okay lang po ako dito. Don't worry about me. Kaya ko po ang sarili ko. I will take care myself." Kausap ko ngayon si mommy. "Namimiss na kita, anak. Alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang magpapagutom." Paalala niya sa akin kaya napangiti naman ako. "Opo, uuwi ako this weekend kaya 'wag na po kayong malungkot—" "Miss, matagal kapa ba? Ang haba na nga pila bibili ka ba o makikipag-usap ka lang d'yan sa phone mo." "Bye mom, call you later." Nagpaalam na kaagad ako kay mommy. Napalingon ako doon sa lalaking nagsasalita sa likuran ko. Halatang nagagalit na ito sa akin. Kaya mabilis akong bumili at umalis na kaagad. I'm living in a small community. I'm renting a small aparment and I worked in our company factory. Many people say that I am a heiress. Yes it's true dahil nag-iisang babae lang ako sa pamilya namin. But for me I want to live a simple life, a peaceful life. Malayo sa gulo at gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko. My parents are very supportive. Sa kahit na anong decision ko sa buhay. Hindi nila ako pinagbabawalan sa mga gusto kong gawin. Kagaya na lang ng plano kong pagpapakasal sa boyfriend ko. Yes, i have a boyfriend. Two years na kami and I think it's time for us to settle down. He's a nice man, lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalaki ay nakita ko sa kanya. He also proposed to me. Kaya nag-yes ako kaagad sa kanya. Papasok ako ngayon sa trabaho ko. Habang naglalakad ako ay kinakain ko ang pandesal na binili ko sa bakery. I chose to live like this ang magsimula sa pinakamababa. Gusto ko na maranasan ang hirap dahil alam ko malaking parte 'yon kung bakit kami kumportable sa buhay namin ngayon. Habang papasok ako ay nakita ko ang boyfriend or should I say fiancee ko na pababa sa kotse niya. Siya ang president ng company namin at ang daddy ko naman ang chairman. Ang kapatid ko na si Zio ang CEO. Kaagad akong lumapit sa kanya. He kissed me in my forehead. Kagaya ng palagi niyang ginagawa. Kaya napangiti ako dahil alam ko na malaki ang respeto niya sa akin. "Good morning, hon." Nakangiti na bati niya sa akin. "Good morning too," nakangiti na bati ko rin sa kanya. "Ang aga mo yata ngayon?" Tanong niya sa akin. "Maaga kasi akong nagising kaya maaga akong pumasok. Ikaw, why are you here? Ang aga mong pumunta dito." Tanong ko sa kanya. "Nandito ako para dalawin ka," nakangiti na sagot niya sa akin. "Ang sweet mo naman po." Kinikilig na sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin. Nagtataka ako dahil parang may hinahanap ito pero hindi ko na lang siya tinanong dahil baka nagmamasid lang siya. Palagi kasi siyang pumunta dito for inspection. Masasabi ko na masipag at tapat siya sa trabaho niya. "Good morning sis," masaya na bati sa akin ng kaibigan ko na si Andrea. Kakarating pa lang niya pero masyado rin siyang maaga ngayon. "Good morning, Andy. Ang aga mo yata ngayon?" "Magkikita kasi kami ng boyfriend ko kaya inagahan ko talaga. Ay nandito pala si President. Good morning po, Mr. President." aniya sa amin ni Eric. Seryoso lang ang fiancee ko at hindi niya ito binati pabalik. "Hon, mauna na ako sa 'yo. Para maaga ako matapos may review pa kasi ako mamaya." Paalam ko kay Eric. "Okay, hon." "I love you," malambing na sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Nauna na akong pumasok kaysa sa kaibigan ko dahil half day lang ako dito sa factory. Tuwing hapon ay pumupunta ako sa review center. I want to become an obstetrician-gynecologist. Naka-graduate na ako at kailangan ko pang magtake ng board exam. Para maging ganap na OB-GYN. Kaya ako nandito sa factory dahil stress reliever ko ito. Masaya ako kapag nandito ako kaya kahit na marami akong ginagawa ay pinipili ko pa rin pumasok sa trabaho. Mabilis na lumipas ang mga araw. Palapit ng palapit ang araw ng kasal ko. Masaya ako pero naroon rin ang kaba. This past few days ay hindi kami gaanong nag-uusap ni Eric. I already took a bar exam. Kaya naging abala ako at alam ko na naiintindihan naman niya ako. Palabas ako ngayon sa factory at kumunot ang noo ko dahil paalis na ang kotse ni Eric. Bakit siya nandito? Tanong ko sa sarili. Wala siyang sinabi sa akin na pupunta pala siya dito. Inisip ko na lang na baka nakalimutan niya. Friday ngayon kaya nagpasya na lang ako na umuwi sa bahay namin dahil namimiss ko na ang parents ko. Pero habang nasa byahe ako ay nakatabi ko ang lalaking galit sa akin tuwing bibili ako ng pandesal sa bakery. Ewan ko ba pero sinusungitan niya ako palagi. Ano kayang problema niya sa akin? Gwapo pa naman siya pero napakaseryoso niya. Mukhang pasan niya ang mundo at parang palaging nag-aamok ng away. Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na lang akong nagbukas ng phone ko. Hanggang ngayon ay wala pa ring message sa akin si Eric. Sobrang nakakapanibago lang. Nang matanaw ko na ang labas ng subdivision namin ay kaagad akong pumara. "Para po!" Saad ko kay kuyang driver. Nang bumba ako ay kasabay kung bumaba ang lalaking masungit. Habang naglalakad ako papasok sa subdivision ay nakasunod ito sa akin. Hinayaan ko lang dahil kapag may ginawa siyang masama ay lalaban ako. Pero kilala siguro siya dahil pinapasok siya kaagad ng mga guard. "I'm home!" Sigaw ko pagpasok ko pa lang sa pintuan namin. "Baby?" Halatang nagulat si mommy sa pagdating ko. Kaagad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. My mom is one of kind. Walang makakapantay sa kanya. "Hindi ko inaasahan na ngayon ang dating mo. Sakto dahil parating na rin ang mga kapatid mo." Nakangiti na sabi niya sa akin. Halatang masayang-masaya siya. Nag-usap pa kami ni mommy at nang dumating na ang tatlo kong mga kapatid at si daddy ay sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Nagulat pa ako dahil nandito ang lalaking kasabay ko kanina sa biyahe. Driver pala siya ng isa sa mga kapatid ko. Lihim ko siyang sinusulyapan. Sa totoo lang ay hindi siya mukhang mahirap. Siguro kung mabibihisan siya ay talagang magmukha siyang mayaman. Pagkatapos ng dinner ay kaagad rin akong umakyat sa room ko para magpahinga. Panay ang tingin ko sa phone ko. Pero wala pa rin text sa akin si Eric. Hindi na ako nakatiis kaya tinawagan ko na siya. Pero hindi man lang niya ako sinasagot. Nang tumingin ako sa orasan ay alas otso pa lang ng gabi. Mabilis akong nagbihis para magpaalam sa mommy ko. Pasalamat naman ako dahil pinayagan niya ako pero sa isang kondisyon. Kasama ko si Alexandro. Pumayag naman ako, habang nasa biyahe kami ay pareho kaming tahimik. Hindi yata ito marunong magsalita. Naiwan si Alexandro sa kotse at ako na lang ang bumaba para pumunta sa condo unit ni Eric. Pagkarating ko sa tapat ng unit niya ay naka-bukas ng kaunti ang pinto kaya sumilip ako. Natuod ako sa kinatatayuan ko sa nakikita ko ngayon. Paano niya ito nagawa sa akin? Kailan pa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook