bc

Misinform

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
others
no-couple
serious
city
feminism
friendship
self discover
crime
slice of life
discipline
like
intro-logo
Blurb

Being a mayor is not easy, but Callie Castañeda chooses this profession because she wants to prove that it is a way to show that she can protect lives and fight too. She doesn’t want to be a hindrance to anyone, rather she wants to be useful. But it became tough for her when an unexpected dilemma came to their city.

***

In the year 2045, five friends decided to serve the country. Intelligent, wealthy, and skilled servants of the people. Their professions are different but their path will meet because of one mission: To save their city using their chosen profession.

FIVE EXCELLENT PEOPLE. FIVE STORIES. ONE MISSION.

BATTLE SERIES #2

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 "Callie, we are best friend until the end!" "Callie, kahit anong mangyari... hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo." "Callie, dapat ikaw maging president para ako ang po-protekta sa 'yo." Nagising ang dalaga pagkatapos ng isang panaginip...isang panaginip na para bang hindi na siya nilulubayan, paulit-ulit niyang nakikita at naririnig. Pagbangon niya, agad siyang naghilamos at nag-ayos ng mga gamit na dadalhin sa trabaho. Kagaya ng iba ay kumakain, naliligo, at naghahanda ng sarili si Callie bago siya pumasok sa trabaho. Sa araw-araw, wala namang bago sa ginagawa niya. Pagdating sa kanyang Opisina, tambak na gawain na naman ang nakaabang. "Good morning, Madame." Paulit-ulit na bati sa kanya ng bawat taong makakasalubong niya. "What's my schedule for today?" ani Callie, kausap ang secretary niya. Nakaupo na siya sa kanyang swivel chair at isa-isang tinitingnan ang mga papel sa mesa niya. "Ma'am, you have a lunch meeting with Vice Mayor at Palm Tree Hotel." Tumingin ang Mayora sa kausap. "Siya lang ba?" "Yes, Ma'am." "Okay, cancel it." "Ma'am?" "I said, cancel it." "But, Ma'am—" "Jessie, please. Ang aga pa, ayoko muna ng stress." "Right away, Ma'am." Pagkatapos isulat ang naging sagot ni Mayora, umalis ang babae sa loob ng Opisina. Tiyak na siya naman ang mai-stress sa kakapaliwanag sa kabilang panig kung bakit na-cancel na naman ang meeting. Limang beses na kasi itong na-cancel at hindi nagbibigay ng sapat na rason si Mayora kung bakit. Pag-alis ng kanyang Secretary, nagsimula na si Callie sa pag-review ng mga nakatambak na proposal, reports, and memo na nasa mesa niya. Ilang minuto pa lang siyang nagbabasa pero napahawak na agad sa sentido ang dalaga. Dito na umiikot ang buhay ni Callie, ang bantayan at alagaan ang kanyang nasasakupan. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang maupo ang dalaga bilang Mayor ng kanilang bayan. At mula noon, wala siyang ibang hinangad kundi ang mapabuti at palaging ilagay sa ayos ang buong siyudad. Batid ng dalaga kung gaano kahirap ang uri ng propesyong pinasok niya, isa siya sa milyung-milyong taong nakakaalam kung anong buhay ang puwede niyang danasin sa ganitong trabaho. Pero ni minsan, hindi iyon naging alalahanin sa dalaga. Positibo ang isip niya na kahit saang trabaho ka pa pumasok, nandiyan na talaga ang stress. Kahit saang lugar ka pa mapunta, nariyan ang panganib. Kahit sino pa ang makasama mong tao, hindi mawawala ang may pangit na ugali o mahirap kasama. Sa madaling salita—walang perpekto sa mundo at lahat ng hirap ay talagang dadanasin mo. Sa tuwing may interview na magaganap o mababanggit man ang tanong na, 'Bakit ka nagpasyang maging mayor ng bayang ito?' isa lang ang tumatakbo sa isip ni Callie na gusto niyang isagot... "Gusto kong patunayan na kaya ko ring tumayo sa sarili kong paa na hindi kailangang humingi ng tulong sa kahit na sino. At naisip kong ito ang pinakamagandang paraan para gawin iyon." Pero siyempre, hindi niya iyon sinagot kahit na kailan...kahit pa gaano niya kagustong magsabi sa iba kung ano ang nararamdaman niya, hindi niya iyon ginawa. Bilang mayor, siya ang dapat sinasandalan—siya ang dapat mauunang tatakbuhan ng tao kapag may problema. Kaya walang puwang sa kanya ang magreklamo o maglabas manlang ng sarili niyang hinaing. Nagsimula siyang magkaroon ng ganitong pag-uugali mula nang ma-realize niya na lahat ng problemang nakapaligid sa kanya ay hindi siya ang tumatapos...kundi ang best friend niya na si Asia. Mula bata pa sila, si Asia na ang laging kasama ni Callie. Mula sa kung anong paboritong pagkain ng dalaga hanggang sa pinaka tinatagong sikreto niya ay ang best friend niya ang tanging tao na nakakaalam nito. Siya na lang ang maituturing na pamilya ng dalaga. Sa tagal ng pinagsamahan nila, si Asia na ang palaging nagdedesisyon para sa kanya. Palagi siyang nakadepende sa sasabihin, sa gagawin, o sa kahit anong sitwasyon na kasali ang kaibigan niya. Hindi sapat ang salitang 'siya ang lahat sa akin' para masabi kung sino si Asia para sa kanya. Bukod sa halos dalawang dekada na silang magkasama, palaging nandiyan ang matalik niyang kaibigan para tulungan siya. Wala itong ginawa kundi solusyunan ang mga problema niya, ipagtanggol siya kung may mang-aapi man sa kanya, at kapag may bagay siyang hindi kayang gawin...gagawin ito ni Asia para sa kanya. Sa paniniwala niya, hindi sapat ang salamat o mga regalo para bayaran ang lahat ng iyon. Kaya naisip ni Callie na dapat niyang ipakita sa kaibigan niya na kaya na niya ang sarili niya. Naging daan ang eleksyon para magawa niya ang bagay na gusto niyang panindigan. Hindi niya ito ginawa para magmalaki o magmayabang, sadyang ayaw na niya nang maging pabigat pa lalo sa kaibigan lalo na ngayon na mas naging abala na si Asia sa trabaho. Limang buwan pa lang na nakaupo si Callie sa pwesto, ang alam ni Asia na rason kaya ito naupo bilang mayor ay para tuparin ng paunti-unti ang sinabi niya noon na gusto niyang maging presidente ng bansa ang kaibigan. Napangiti na lang sa kawalan ang Mayora nang maalala ang mga pangyayari noong bata pa sila...kung paano sila noon nangarap na magkakaibigan. Halos hindi na malinaw sa isip ng dalaga kung paano sila nagkahiwa-hiwalay noon. Hindi niya na rin maalala kung paano si Asia ay kasama niya pa rin hanggang ngayon. Madaming bagay ang hindi lubos maunawaan ng dalaga pero tinapos na niya ang paglalayag ng isip niya nang marinig niya ang katok mula sa pinto ng kanyang opisina. "Tuloy," aniya. Agad na pumasok si Jessie, isinara ang pinto at dahan-dahang lumapit sa kanya. Seryoso ang mukha nito at tila ramdam na ni Callie na hindi maganda ang ibabalita nito. "Ma'am, nakausap ko po ang secretary ni Vice at ang sabi niya...hindi na raw tumatanggap ng another cancellation of meeting si Vice Mayor dahil kailangan na niya kayong makausap as soon at possible." Agad na napairap si Callie at bagot na tiningnan ang sekretarya niya. "Sige nga, give me enough reason why should I attend that meeting?" Agad na napalunok si Jessie. Sa ilang buwan ni Mayora sa pwesto ay siya na ang araw-araw nitong kasama sa trabaho. Sa kanya naglalabas ng opinyon si Callie kapag may bagay siyang hindi nagustuhan at siya rin ang nakakaalam kung ano ang mga basehan ng dalaga sa mga desisyong ginagawa nito. Kaya kahit hindi na direktang sabihin ng kausap sa kanya ay alam niya kung bakit ayaw nitong makipag-usap kay Vice Mayor. "Ma'am..." aniya, hindi niya alam kung paano sasagot. Kahit pa may ideya siya sa talagang nangyayari ay alam niyang wala siya sa posisyon para magsabi ng kung ano-ano lang. Professional magtrabaho si Jessie, ayaw niyang haluan ng personal na opinyon ang kahit anong bagay na pag-uusapan nila ni Mayora. Isinandal ni Callie ang likod sa kanyang swivel chair. Humalukipkip ito at tinitigan ng seryoso ang kanyang sekretaya na hanggang ngayon ay nakatayo sa harap niya. Nakikita niyang hindi ito mapakali, ramdam niya rin na nape-pressure ito dahil sa tinanong niya. Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Alam ko naman na ilang buwan pa lang tayong magkakilala, Jessie...pero araw-araw tayong magkasama rito sa opisina. Hindi ka pa rin ba kumportable na kausap ako?" Agad na lumikot ang mata ng kausap. "Ma'am...hindi naman po sa ganoon..." aniya, lalo niyang ipinakita ang kanyang kaba. "Huwag ka nang mahiya. Tayong dalawa lang naman ang nandito sa loob, sa atin lang iikot ang usapan. Promise, hindi iyon makakalabas sa apat na sulok ng kwartong ito. Kaya sige na, answer me." Nasa ekspresyon pa rin ng mukha ni Jessie ang alinlangang magsalita pero alam niyang hindi ito matatapos kung hindi siya sasagot. "Ma'am, ang totoo...kaya hindi po ako makasagot...kasi...wala po akong maisip na magandang rason at—" Hindi na natapos ng dalaga ang kanyang sinasabi dahil sa biglang pagtawa ni Callie. Parang tumigil ang mundo niya dahil ngayon lang niya nakitang tumawa si Mayora gaya ng nakikita niya ngayon, biglang nawala sa kagalang-galang na ina ng bayan ang propesyonal nitong awra na palagi niyang nakikita rito. Sa tingin niya, parang sinaniban ng ibang tao ang kaharap niya. "Exactly! Alam kong naiintindihan mo ang point ko kaya ko iyon ayaw puntahan. Ang problema lang, siya ang hindi maka-gets. Mas capable ka pa kaysa sa kanya pagdating sa mga ganitong bagay, ang hina ang comprehension niya, swear." Napalunok muli si Jessie at agad na umiwas ng tingin kay Mayora. Ayaw niyang makita kung paano ito umasta ngayon. Sanay na siya sa pagbabato ng reklamo nito at sa pagbibigay ng mga opinyong minsang wala nang koneksyon sa trabaho, pero iba para sa kanya ang ganitong usapin—ang marinig ang mga reklamo ni Callie sa kanyang Vice Mayor. "Pero Ma'am, ano pong gagawin natin ngayon? Ang sabi po kasi sa akin ng sekretrya ni Vice...kung ayaw n'yo ng meeting, sila ang pupunta rito sa opisina ninyo." "Better! Kaysa aksayahin ko ang oras ko para puntahan siya, kumain kasabay siya, at pag-usapan ang walang kwentang concern niya." Pinigilan ng dalaga na matawa sa naging sagot sa kanya ni Mayora. Sang-ayon kasi siya na sayang lang talaga sa oras ang pagtugon ni Callie sa meeting na iyon. Walang masyadong alam si Jessie tungkol sa totoong ugali ni Vice pero bata pa lang siya ay kilala na niya ito dahil halos sa politika na nagka-edad si Vice Mayor Arthur Aquino. Labing-dalawang taon na ang nakakalipas, mayor ang unang naging posisyon nito bago mag-vice. Naupo siya ng anim na taon sa pwesto. At sa pagkakaalam ng dalaga ay tumakbo ulit ito pagkatapos ng kanyang pangalawang termino noon, kaya lang ay hindi na pinalad manalo ulit dahil madami ang nagsasabi na wala naman daw itong nagawa sa haba ng panahon na nakaupo siya. Dahil sino ba ang may gustong magkaroon ng lider na wala namang dulot, 'diba? Sa sumunod na eleksyon ay hindi na ito sumubok muli na tumakbo dahil na rin siguro sa balita na malakas ang pwersa ng kasalukuyang mayor noon na si Kristoff Santiago. Kaya ang ginawa na lang niya ay tumakbo bilang Vice Mayor na katambal ng kalabang partido. Kagaya ng inaasahan, nanatili sa pwesto si Mayor Kristoff at si Arthur naman ang nanalong Vice Mayor. Pero nakakaisang taong termino palang si Mayor Kristoff ay napatay ito sa isang ambush habang papunta na sa munisipyo. Si Vice ang pumalit sa pwesto niya, kaya naging mayor na naman siya ng dalawang taon. Pagkatapos 'non ay doon na pumasok si Callie sa politika, isang himala na hindi tumakbo sa posisyong mayor si Arthur kahit pa mataas ang posibilidad na matalo niya ang dalaga dahil nga bata pa ito at wala pang alam sa politika gaya niya. Dahil sa vice mayor muli siya kumandidato, si Callie ang nanalo. Sa ngayon, ipinagmamalaki ni Jessie na isa siya sa mga bumoto noon kay Callie. Kitang-kita niya naman na masipag itong magtrabaho at talagang may malasakit sa bayan. Hindi naging hadlang ang pagiging bata nito na pumasok sa mundo ng politika. Tila nasa kilos ni Mayora na bagay talaga siya sa posisyong kinalalagyan niya ngayon. Nagawang itago ni Jessie ang pagtawa niya sa pamamagitan ng isang ngiti at tanong. "Gusto n'yo po ba ay sabihin ko iyon sa kanila?" tanong niya. Ilang segundo siyang tiningnan ni Callie, pagbalik ng atensyon niya sa hawak niyang papel ay sumago siya, "Kung tapos na kayong mag-usap ng secretary niya, huwag na. Hayaan mong sila na mismo ang pumunta rito. Para naman kahit papaano ay makatapak muli sa opisina ko si Vice." Muling ngumiti si Jessie para iwasan na matawa ulit. "May iba pa po ba kayong iuutos, Ma'am?" "Wala na. Tatapusin ko lang review-hin ang mga ito at sabay na tayong mag-lunch sa baba." "Ma'am?" Huminto sa pagbabasa si Callie at hinarap ang kausap. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" "Ah, narinig po. Ang ibig kong sabihin..." Ngumiti si Mayora. "Sa limang buwan 'ko rito sa Munisipyo...hindi pa 'ko kumakain sa Cafeteria. Iniisip mong nakakagulat ang sinabi ko, tama?" Nginitian na lang din siya ng kausap kaya muling nagsalita si Callie. "Well...the reason is, inaasahan ko na ngayon bibisita si Vice sa opisina ko kung talagang ASAP ang meeting na gusto niya. Kaya para naman hindi maging rude para sa kanya, hihintayin ko siya dumating ngayong araw." Nakuha nang sumagot ni Jessie, "Okay, Ma'am. I'll inform the staff na kakain ka roon." Bago matapos ang lunch break ay napagpasyahan na ni Callie ang bumaba na ng opisina at kumain. Kasama niya si Jessie na pababa ngayon ng hagdan. Pagbaba sa hagdan na 'yon, sasalubong muna sa 'yo ang pinto palabas at papasok ng Munisipyo bago ka makapunta sa Cafeteria na nasa kabilang side. Kaya sa oras ding iyon, kagaya ng inaasahan ni Callie...nagkaharap sila ng kanyang Vice Mayor nang makita niyang nakatayo ito malapit sa pintuan kasama ang ilang miyembro ng kanilang partido at ang kanyang Secretary. "Mayor Callie! Alam kong busy ka, pupunta na sana ako sa opisina mo pero perfect timing ang paglabas mo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.3K
bc

Dangerous Spy

read
297.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.8K
bc

EASY MONEY

read
174.2K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.5K
bc

YOU'RE MINE

read
893.4K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook