bc

When Revenge Went Wrong

book_age18+
2.8K
FOLLOW
10.0K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Paano kung nagkamali ka pala sa mga naging disesyon mo.

Paano kung ang taong akala mo'y masama ay siya palang may ginintuang puso.

Paano mo ihihingi ng tawad ang mga nagawa mong pagkakamali sa taong wala na.

Paano kung malaman mong siya pala ang nasa likod ng pag hihirap mo.

Paano na kung puro tanong nalang ang nasa isipan mo dahil alam mo namang walang kasagutan ang mga tanong mo dahil wala na sila.

Wala na ang taong iningatan mo ang masakit pa ikaw ang dahilan ng pagkawala nila.

Paano mong tatanggapin ang nagawa mong malaking pagkakamali.

Huli na ang pagsisi mo dahil wala na sila at kahit kailang hindi na sila babalik pa sayo.

chap-preview
Free preview
Kabanata Isa
Bang!..Bang!..Bang!... Mga sunod sunod na putok ng mga baril ang umalingawngaw sa kahabaan ng Hi-way, kasunod noon ay isang humahagibis na sasakyan ang bumanga sa isang puno ng akasya. "Dapa!.. dapa!.. dapa!... kayo baka matamaan kayo ng ligaw na bala." sigaw ng isang lalake habang may nagpapalitan ng mga putok ng baril di kalayuan sa lugar nila. "Ikaw Joaquin dumapa ka't wag kanang mag-video dyan bata ka baka mahagip ka ng ligaw na bala" babala pa nito. "kayo.. kayong mga bata magsi uwi na kayo at huwag lumabas ng bahay niyo" pasigaw ng utos nito sa mga batang naglalaro sa kalsada. "Hoy!..Joaquin halika dito tulungan mo ko dito ilabas natin 'tong tao sa loob ng sasakyan niya dali na." tawag nito matapos makita ang tao sa loob ng sasakyang bumanga malapit sa tapat ng bahay niya. Habang mabilis ang kanyang mga kilos matapos niyang mabuksan ang pinto ng sasakyan binabaklas niya ang airbag na nakatabon sa driver ng sasakyan, buti nalang at hindi ito naipit kung hindi mas lalo silang mahihirapang ilabas ang driver. Nakita niyang may mga sugat ito sa noo tumatagas din ang kulay pulang likido duon patungo sa may ilong nito marahil tinamaan ng mga bubog dahil basag ang harapan salamin ng sasakyan, tukop din nito ang dibdib basa na ng pulang likido ang asul na polong suot nito. "Eto halika gamitin mo 'tong telepono ko tumawag ka ng ambulansya bilis na ng madala na sa hospital 'tong tao. utos uli nito sabay abot sa cellphone niya kay Joaquin. "Halika halika dito kaibigan dito ka dumaan para makalabas ka ng kotse mo. Naku may tama ka pala. Kasamahan mo ba yun mga nagbabarilan sa hi-way ha kaibigan" tanong niya sa taong sugatan habang tutup parin nito ang dibdib. "Hindi ko sila kilala nadaan lang ako. Kaibigan heto kunin mo ang baril ko barilin mo sila masasama sila bakit pati akong walang malay sa alitan nila nadamay. Kunin mo itong baril ko marami pang laman yan, ipaghiganti mo ako."mahabang pakiusap ng taong sugatan sa kanya kahit nahihirap itong magsalita hinugot pa nito ang dalang baril sa bewang at pilit na inaabot sa kanya, umiling iling lang siya tanda na tutol siya sa gustong ipagawa ng lalaking sugatan. May tama ng bala ng baril ito sa may dibdib, umaagos ang pulang likido sa roon basa na ang suot na polo nito. Tinanggal niya ang tuwalya sa balikat at inilagay ito kung saan may sugat ang lalaki. "Kaibigan hindi natin kailangang maghiganti ngayon dahil nasa panganib ang buhay mo. Ang mahalaga ngayon ay madala ka agad sa hospital." malumanay niyang pahayag dito. "Huwag kang matutulog pare lumaban ka alam kung matapang ka. Alalahanin mo madaming nagmamahal sayo, naghihintay sa pag uwi mo, yun mga anak mo, yun asawa mo, yun mga kapatid mo pamilya mo pare naghahantay sila sayo kaya laban lang wag kang matutulog ha." pakiusap niya dito. "Isang lalaki lang anak ko pare wala nakong asawa." wika nito na pautal. "Naku pare pareho pala tayong wala ng asawa meron din akung anak, isang babae nag aaral sa Maynila. Anak ko nalang ang nag iisang kayaman ko. Ako nga pala si Franko Zamora dati akung sundalo pero buhat ng namatay yun asawa ko nagbitiw nako saking tungkulin bilang sundalo at nagbukid nalang para maalagaan ko yun nag iisang kung anak. Ikaw ba pare anong pangalan mo? taga saan kaba? mukhang dayo kalang dito." aniya "Pare kung nahihirapan kang magsalita wag mo nag sagutin tanong ko basta wag ka lang matutulog ngumanga ka ng kunti at bubugahan kita ng hangin basta magsasalita ako para hindi ka makatulog." litanya niya dahil nakita niyang namumungay na ang mga mata nito. "Naku huwag mo ibigay sakin yan baril mo ang mahalaga ay mabuhay ka, hali akina nga yan baril mo. Aba maganda itong baril mo ah, mukhang mahal ito pare, sa ibang bansa mo pa siguro ito binili." aniya dito ng magawakan niya ang baril nito, nakita niyang ngumiti at tumango ito ng bahagya, hinagis na niya yun sa may kotse nito. "Nganga pare at bibigyan kita ng hangin.. wag kang mag-alala malapit ng dumating ang tulong. "Kapit lang pare hayan na naririnig ko na ang sirena ng ambulansya madadala kana sa hospital pare, hindi na kita masasamahan pare pero susunod ako, gusto kitang makilalang maigi, gusto kitang maging kaibigan kaya lang may usapan kasi kami ni vice mayor ngayon. Malapit na sila pare nganga pare, isa pa." Makalipas ang dalawang araw nagpasyan si Franko na dalawin ang bagong kaibigan. Naging busy siya nitong nakaraang araw dahil sa naging usapan nila ng vice mayor nila. Nagluto siya ng sinampalokang native na manok, dadalhin niya sa bagong kaibigan. Sumakay na siya sa owner type jeep niya patungong hospital. "Good Morning pwede ko bang malaman kung saan ang kwarto nung lalaking nabaril na dinala dito noong isang araw?" tanong niya sa information desk. "Sorry sir dinala na siya sa manila ng anak niya kagabi." ani ng nurse. Kaya bagsak balikat siya sa narinig. Hindi man lang niya nakilala ang bagong kaibigan. "Pwede ko bang malaman kung anung buon pangalan niya?" tanong niya muli. Nakita niya may tiningnan ito sa monitor ng computer. "Sorry sir Mr. X lang po nakalagay dito." sagot ng nurse. Nanlumo siya sa nalaman hindi na niya makikita ang bagong kaibigan gusto pa naman niyang kilalanin ito dahil magaan ang lòob niya sa lalaki "Ganun ba, sige maraming salamat Miss." aniya dito na tinanguan naman ng nurse. Mabigat ang mga paa niyang humakbang palabas ng hospital kaya ng may madaanan siyang dalawang batang babae at isang matandang babae sa labas ng hospital nasa tingin niyang nangangailangan ng tulong inabot niya dito ang dalang paper bag na may laman pagkain. Bago pa siya makarating sa bahay niya hininto pa niya ang owner type jeep niya sa tapat ng isang puno kung saan nakilala niya ang baong kaibigan, ni hindi niya naitanong ang pangalan. Wala na ang mamahaling sasakyan duon tanging mga bakas nalang naiwan, ang tumagas na krudo sa manipis na damuhan ang uka sa puno ng akasya na hanggang ngayon ay medyo sariwa pa. Napabuntong hininga nalang siya. Ilang metro lang ang layu nito mula sa tapat ng bahay niya, bakante ang lupang iyun dahil matagal ng nasa abroad ang may ari kaya napabayaan na. "Doc how's my Dad?" tanong niya agad pagkakita niya sa Doctor na umopera sa Daddy niya. Ilan araw na siyang nagbabantay sa hospital wala pa rin siya maayus na tulog at kain, natanggal na ang balang bumaon sa dibdib ng ama niya. Isang bala lang yun pero katumbas nun ang isang buhay ng isang tao, ng Daddy niya, ang nag-iisang tao na meron siya na tanging nagmamahal at nag-aruga sa kanya. "Nasa critical parin siya iho wala pang kasiguruhan kung kailan siya magkakamalay. Tinatanggap naman ng katawan niya ang mga gamot, alam kung lumalaban siya, matapang ang iyong ama. Sadyang malalim lang talaga ang baon ng bala sa dibdib niya buti nalang at hindi tinamaan ang puso niya wala ding ungat na na-damage. Ipag-dasal nalang nating sana magising na siya." mahabang wika ng Doctor bago ito lumabas ng silid ng Daddy niya. Pagka-alis ng Doctor lumapit agad siya sa kama nito, pinaka titigan niya yun maraning tubo ang nakakabit sa Daddy niya. "Dad wake up Dad graduation ko na next week andyan kapa din nakahiga sabi mo ikaw magsasabit ng medal ko Dad please Daddy gumising kana dyan, huwag mo akong iiwanan, hindi ko kakayaning mag-isa ito Daddy please gumising kana bago pa ang graduation ko Dad. Dad ikaw lang ang meron ako. please gumising kana please." kausap niya sa Amang nakaray sa kama, hawak hawak niya ang isang kamay nito habang siya'y nagpipigil na mapa hagulgul. Ng mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang ama parang gumuho ang mundo niya, hindi siya makapaniwa sa sinapit nito napakabait ng kanyang Daddy, wala itong kaaway pala kaibigan din ito na hindi niya namana. Ngayon pakiramdam niya nag-iisa nalang siya sa mundo, buti nalang at na-train siya ng maaga ng Daddy niya sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo. Eighteen years old palang siya ng bigyan siya ng posisyon ng Daddy niya sa isa sa mga negosyong pag-aari nila katuwiran nito sa kanya din naman lahat mapupunta yun dahil nag-iisa lang siyang anak nito. Kaya buhat noon madalas wala na siyang oras para magkaroon ng night out tulad ng ibang kabataan dahil iskwelahan, opisina at bahay nalang naging routine ng buhay niya. Kaya kahit kung minsan gusto niya mag relax kasama ng mga classmate at kaibigan niya hindi niya magawa, dahil sa tambak na trabaho sa opisina at mga school projects isama pa ang thesis niya. Hindi rin siya makapanligaw kahit may nagugustuhan siyang babae, kaya nga sinusundan nalang niya ito kung minsan tinatanaw sa malayo, sa ganuong paraan masaya na siya, nangako rin siya sa sarili niya na kapag naka-graduate na siya liligawan na niya ang babae. Pero paano pang mangyayari yun ngayon, mas lalong wala na siyang oras dahil siya na ang magma-manage ng lahat ng negosyo nila here in abroad. Nang makita niyang pumasok nasa kwartong inaakupa ng Daddy niya ang private nurse na hired niya, kailangan na niyang umalis, may meeting pa siya mamaya. "Bantayan mong mabuti ang tatay ko at wag kang aalis sa tabi niya gusto kung mag-report ka sakin ng kaganapan kay Daddy oras oras. Understand." aniya dito, pero parang hindi nakikinig ang babae sa sinasabi niya. "Are you seducing me miss?" singhal niya dito nakita niyang bukas ang dalawang botones ng uniform nito at yumukod pa ito para makita niya ang mayamang dibdib nito. "Hindi kita binayaran dito para lang landiin ako. Sa lahat ng ayaw ko yun malanding babae na halos maghubad na sa harap ko mapansin lang, leave." mahina pero may diing wika niya sa nurse, nanglilisik din ang mata niya sa galit, wala siya sa kondesyon ngayon para makipaglandian, kaya naman nagmamadali ng umalis ang nurse. Bago pa siya umalis dumaan muna siya sa opisina ng director ng hospital kilala ng Daddy niya ito. "Zusette pinatatawag ka ni Doc. Santos." ani secretary ng Director "Bakit daw" balik tanong niya. "Punta ka nalang may sasabihin yata." anito. Pagbugad palang niya sa opisina ng Director nila masama na ang tingin nito sa kanya. "Have a sit" agad na anito "Gaano kana katagal na nagtratrabaho dito" tanong agad ng Director "Almost four years na Doc." sagot niya. "Sinayang mo lang ang tiwala ko sayo. Hindi ko alam na may tinatago ka palang kalandian, at ang linandi mo pa ay anak ng isa sa mga mayor stock holder nitong hospital. Sorry Miss Zusette but pack all your things, your fired." anito na may final ng decision. Kaya maluha-luhang lumabas ng opisina niya ito. . . . .............................................................. please follow my account add my stories in your library ........."Lady Lhee"....... ....thanksguys...loveu....lrs...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook