bc

The Ruthless Billionaire’s Hidden Angel (Crown Series #2)

book_age18+
429
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
goodgirl
maid
bxg
heavy
realistic earth
affair
punishment
shy
like
intro-logo
Blurb

SEBASTIAN VILLAFUERTE

Bilang panganay, si Sebastian ang pumalit bilang Chief Executive Officer sa kanilang kompanya pagkatapos nitong maka-graduate from Harvard. He got everything. The looks, intelligence, charm—except for humor. Tinagurian siyang Mr. Cold dahil sa taglay nitong pagka-cold sa lahat. He was also a pioneer in transforming their E-commerce company into various industries like food processing industry and he has chosen soft beverages dahil ito ang nakikita niyang profitable in the market for the next five to ten years. He is the real genius.

Doon niya nakilala si Margarita. A florist at anak ng isa sa may pinakamalaking flower and fruit plant sa buong timog. Dahil sa nangyaring kalamidad at bagyo ay malapit nang sumuko ang ama ni Marga sa kanilang negosyo ngunit nang makita nito ang advertisement tungkol sa kompanya ni Sebastian, she grabbed the opportunity at doon na sila nagkita. Hindi inakala ni Marga na sa pagkikitang iyon magbabago ang kaniyang buhay. Due to some circumstances, Sebastian hired Marga para maging fake girlfriend nito sa publiko dahil kung kani-kanino na lang siyang babae pinapares at nakaka-apekto ito sa performance ng kompanya. At dahil si Marga lang ang pwede niyang lapitan, he made that rush decision at wala nang magawa ang babae kung hindi ang sumunod.

Saan kaya patungo ang fake dating nilang dalawa kung unti-unti na nilang nakikilala ang isa’t-isa? Will a mere deal become something special?

chap-preview
Free preview
SIMULA
May 21, 2017 Habang pinagmamasdan ko ang malawak na hacienda sa harapan ko ay hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit na wala na ang mga magulang ko ay may magandang buhay pa rin akong nararanasan ngayon. “Pearl? Pearl?” Dali-dali akong napalingon nang marinig kong tinatawag na ni Manang Nora ang pangalan ko. “Andiyan na ho!” Sana naman ay hindi ako mapagalitan dahil kanina pa ako nakatunganga rito sa hacienda habang walang ginagawa. “Bakit po, Manang?” “Bumalik ka na sa mansyon at pinatatawag ka nila Senyora,” aniya. “Bakit, ano ho bang meron sa mansyon?” “Ah, basta pumunta ka na lang ro’n at marami pa akong gagawin sa kusina.” Natawa na lang ako dahil mukhang naiinis na si Manang sa mga tanong ko. “Sige na nga ho!” Nang makabalik ako sa mansyon ay napatigil ako nang madatnan si Senyora Olivia na nasa salas kasama si Kenzo na may bitbit na malalaking bag. “Ano’ng nangyayari ho rito?” “Nandito ka na rin sa wakas, Pearl. Ang Kuya Kenzo mo ay ngayon na luluwas ng siyudad para doon mag-aral. Magpaalam ka na,” ani Senyora kaya napatingin na ako kay Kenzo. “Aalis ka na Kuya?” “Sorry, bunso. Ngayon kasi dumating ang result ng exam ko at nakapasa ako sa paaralang gusto ko. Huwag kang mag-alala, baka makabisita naman ako rito paminsan-minsan.” Lumapit na siya sa akin sabay tapik sa balikat ko. “Don’t worry, hindi naman ako tuluyang mawawala, e.” Kahit na ilang buwan lang na mas matanda ay Kuya pa rin ang tawag ko kay Kenzo. Masyado niya kasi akong bini-baby simula noong mga bata pa kami, pero hindi niya alam na may gusto talaga ako sa kaniya at ayoko namang sabihin ‘yon lalo na at masaya na ang pagkakaibigan naming dalawa ngayon. Kahit naman anong mangyari ay nakababatang kapatid lang talaga ang tingin niya sa akin. “Akala ko ba sa susunod na linggo ka pa aalis, Kuya?” nakasimangot kong tanong. Masyado naman kasing mabilis ang mga pangyayari ngayon na hindi manlang ako nakapaghanda. Tumayo na si Senyora at lumapit sa aming dalawa. “Nako, iyan nga ang sinasabi ko riyan kay Kenzo, Pearl, pero ayaw magpa-awat. Hindi manlang tayo nakapaghanda ng magarbong handaan para sa pag-alis niya.” “Hayaan n’yo na, Mama. My classmates are coming over sa condo natin doon ngayon at kailangan ko silang puntahan. Don’t worry, kayong dalawa lang ni Pearl ang babae ko, huwag na kayong malungkot.” Bigla namang kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Kenzo, pero napangiwi na lang ako na hindi naman pala sa iniisip kong paraan ang ipinahihiwatig niya. Ngumiti na ako at tinapik siya sa balikat. “Siya, mag-ingat ka na lang doon, Kuya. Dapat pag-uwi mo rito ay may diploma ka nang dala para sa amin.” “Ikaw rin, bunso,” aniya. “Dapat kapag bumalik ako ay isa ka na ring registered teacher at iyon talaga ang pangarap mo, hindi ba? Kapag nakabalik na ako ay patatayuan kita ng sarili mong paaralan para hindi ka na mahirapan.” “May sasabihin nga pala ako—” Napatigil naman ako nang bumusena na ang sasakyan sa labas. Bumungad sa amin si Senyor Moncito, ang papa ni Kenzo. “Go ahead, Kenzo. The car is ready,” anito sabay tapik sa balikat ng kaniyang anak. “Make us proud, okay son?” “Yes, pa. I won’t let you down.” Niyakap na ni Kenzo si Senyor at agad na ring lumapit kay Senyora, pagkatapos ay napatingin na siya sa akin at napangiti. “I’ll see you again, soon, bunso.” Niyakap na niya ako nang mahigpit at kumawala na. “Ano nga pala ang dapat mong sasabihin sa akin?” “A-ah, wala Kuya, sabi ko mag-iingat ka sa byahe. Huwag mo ring kalimutan si Belt,” tugon ko. Si Belt ang sloth stuffed toy na laruan namin simula pa noong mga bata kami, ang akin naman ay si Sash. Hindi pwedeng matutulog kami na hindi namin ‘yon kasabay sa kama. Pinigilan ko ang mga luhang gustong tumulo sa mga mata ko dahil sa halos sampung taon naming pagsasama ay ngayon lang kami magkakahiwalay. “Bye! I’ll see you guys, soon!” Naglakad na siya palabas ng mansyon kaya sumunod na lang kaming tatlo. Ingat ka, Kenzo. Sana sa pagbalik mo ay masabi ko sa ‘yo ang tunay na nararamdaman ko. At sana, sa pagbalik mo, hindi na nakababatang kapatid ang turing mo sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook