bc

The Wedding Ring

book_age16+
1.0K
FOLLOW
3.4K
READ
drama
twisted
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Sa murang edad napilitan magbanat ng buto ni Kristina upang matugunan ang pag-araw-araw nilang pangangailangan.Tanging paglalako ng kakanin sa lansangan ang naging hanapbuhay niya simula ng maulila sa ina. Idagdag pang pasanin niya ang kanyang Kuya Samuel na walang alam kung hindi bumarkada.

.

.

Sa uri ng hanapbuhay niya nasanay siyang makipag-brasohan sa mga tao. Makipag-patentero sa mga pulis. Pero hindi ganuon kadali ang laban ng buhay. Ibinenta siya ng Kuya Samuel niya sa mga barkada nito sa araw ng debut niya. Nakatas man siya sa mga barkada ng kapatid pero hindi sa kamay ng mga kumidnap sa kanya. Dinala siya ng mga ito sa isang casa para i-auction sa mayayaman mahilig sa laman.

.

.

Paaano niya malalampasan ang isang gabing bangungot sa buhay niya. Paano niya haharapin ang hamon ng buhay kung napasok nanaman siya sa isang pagsubok. Ang akitin ang baklang anak ng isang bilyonaryong si Don Carlos Antonio de Fontanilla kapalit ng hindi matatawarang ginhawa sa buhay.

.

.

..

*******

..

.

"Stay away from my husband or else i'll scratch your ugly face." Mariin kung anas sa mukha niya at nilampasan na siya. Walang pwedeng lumapit o dumikit kay Maro hanggang andito pa ako. Hanggang kasama ko pa ang aking asawa. Kung gusto nila maghintay silang mawala ako sa tabi nito.

"Ako ang nauna sa'yo." Dinig ko pang angil niya. Kaya hinarap ko siyang muli. Kung hanap niya ang tarayan kaya kung ibigay sa kanya. Sanay akung sa buhay kalye. Sa squatter ako nakatira at lahat yata ng taong halang ang kaluluwa nasa lugar namin.

"Naunang ano?.. Tumihaya o tumuwad?" Taas kilay kung turan. "We were legally married at ayaw ko ng may kumakabit or sumasabit, baka tahiin ko lahat ng butas mo para wala ka ng maipagmalaki. Try me desperated woman. O baka gusto mo salaksakan ko nalang ng asin lahat ng butas mo para huwag mamaho. Which one do you like better? Huh!" Mataray ko pang asik at iniwan na siyang nakanganga. .......

chap-preview
Free preview
Episode - 1
"Kakanin Darling? Biko, suman, sapin-sapin, palitaw, maha mainit pa. Bagong luto lang. Halika na darling bili na." Nakangiti kung kumbinsi sa isang malusog na babae may kasama siyang dalawang batang babae tulad din niyang malusog. Mukhang sagana silang mag-iina sa vitamins. Sa edad niyang disisyete sanay na siyang maglako ng mga paninda sa lansangan. Dito na umiikot ang mundo niya. Umula't umaraw laman siya ng kalye araw-araw. Makipag-brasohan sa mga tao. Makipag-patentero sa mga pulis. Ilang taon narin siyang nagtitinda ng kakanin sa gilid ng bangketa. Palakad-lakad, patayu-tayo. Nuong una nakapang-aaral pa siya gamit ang kaunting kinikita sa pagtitinda, ngayon pahirapan na. Sa mahal ng tuition fees kailangan muna niyang mag-ipon para pangmatrikula. Halos sa pang-araw-araw lang na pangangailangan nila ng Kuya Samuel niya napupunta ang kininita niya. "Kristina saan ka nanggaling? Bakit ginabi ka nanaman? Magkano kinita mo ngayon maghapon? May pera ka pa ba d'yan?" Sunod-sunod na tanong ng Kuya Samuel niya. "May natira pa namang kaunti Kuya Samuel." Usal ko. "Pupunta mga barkada ko dito mamaya." Aniya, kaya napa simangot ako. Dahil parang mga asong ulol na tumutulo ang mga laway ng mga ito sa tuwing nakikita siya. Tila gutom na mga hayup sa kagubatan na ano mang oras gusto siyang lapain. Kung wala lang siguro ang kuya niya baka napahamak na siya sa kamay ng mga ito. Hindi naman siya makatutol sa gusto ng Kuya Samuel niya. Ito lang nag-iisang pamilya niya at kasa-kasama sa bahay nilang barung-barong mula ng maulila siya sa ina. "Ito nalang natira." Aniya dito. "Binili ko na kasi ng bigas at ulam natin." Dagdag pa niya dito at inilahad ang kamay na may 135.00. "Eto lang?" Singhal nito ng makita ang pera sa palad niyang nakalahad. "Nasaan 'yung iba? Bakit ito lang?" mariing asik nito sabay hablot ng sling bag niya at itinaktak 'yun. "Mahina kasi ang benta ngayon, walang madaming tao." Pangangatwiran niya. Buhat ng mamatay ang kanilang ina naging miserable na ang buhay nila. Sa murang edad natuto siya tumayo sa sariling paa at pasanin ang mga problema ng pamilya. Nang magkasakit kasi ang kanilang ina unti-unti ng bumagsak ang kabuhayan nila hanggang sa naibenta ng Kuya Samuel niya ang lupa at bahay nila para pantustos sa mga pangangailangan ng kanilang ina pero wala rin nangyari namatay din ito at walang naiwan sa kanila. Naubus lahat ng naipundar ng kanilang ina. Kaya wala silang pagpipilian kung hindi makitira sa isang squatter area kasama ang mga taong karamihan halang ang kaluluwa. Kaya ngayon sa isang pinagtapi-taping lumang yero at plywood ang kanilang tahanan kung tahanan pa bang matatawag ito. At sa tulong ng mga dating kakilala ng ina natuto siyang maglako ng kung anu-anong paninda sa tabing kalsada kung saan maraming taong dumaraan. "Ano 'to ha? Ano 'to?" Sikmat nito ng may makita pang isang daan piso sa loob ng sling bag niya. "Pinagtataguan mo na'ko ngayon, babae ka." singhal nito. "Ibabayad ko yan sa kuryente natin." pangangatwiran niya. "Baka kasi putulan tayo ng ilaw nila aling Rosing." Dagdag pa niya pero parang walang narinig ang kuya niya at diretsong lumabas ng tagpi-tapi nilang bahay dala ang pera niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundan ng tingin ang nakatatandang kapatid. Matangkad ang kanyang Kuya Samuel may kalakihan din ang katawan nito at maraming nagkakagustong kababaihan sa lugar nila dito dahil hindi maikakalang magandang lalaki ang Kuya niya pero batugan at walang alam gawin kung hindi bumarkada. Malaki ang ipinagbago nito simula ng mamatay ang kanilang ina. Ayaw man niya sa buhay na meron siya ngayon, pilit parin niyang niyayakap ito. May mga pangarap siyang gustong maabot, pero paano niya ito masisimulang gawin kung ang Kuya Samuel niya ang unang humahahatak sa kanya mabulosok pababa sa kumunoy ng kahirapan. Naluha nalang siya ng maalala ang ina. Siguro kung hindi lang maagang namatay ang kanilang ina baka nag-aaral pa sila ngayon. At kung sana kilala niya ang kanyang ama baka iba ang naging buhay niya. Ang problema ni hindi nga niya alam ang buong pangalan ng ama. Ang alam lang niya tagahanga ng Mama niya ang kanyang ama, nakarelasyon nito. Singer sa isang club sa bansang Inglaterra ang kanyang ina. Magaling itong kumanta at marami ang humahanga dito. Ang ama naman ng Kuya Samuel niya isa daw itong Seaman na sa ikalawang pagsakay nito ng barko hindi na umuwi at tuluyan ng iniwan ang Mama niya. Kaya naisipan nitong magtrabaho sa ibang bansa at duon nito nakilala ang kanyang ama pero hindi pinanagutan ang kanyang ina kaya napilitan itong umuwi ng ipinagbubuntis siya. Hanggang nag-asawa ulit ang kanilang ina sa isang Arturo Figueroa at dito isinunod ang kanyang apilyedo. Kristina Figueroa. "El, ilan taon na kapatid mo?" Tanong ng kabarkada ng kuya niya pagpasok palang niya ng barung-barong nila habang nag-iinuman ang mga ito. Pabulong lang yun pero umabut parin sa pandinig niya. Kaya idinikit niya sa manipis na plywood na pinaka dingding ng bahay nila ang tenga niya. "Magdi-disiotso na sa ikalawang buwan." tugon ng kuya niya. "Tol pwede na." wika ng isa. Dahil sa narinig bigla siyang kinabahan. Alam na alam niya ang likaw ng mga bituka ng mga tao sa paligid nila dahil kung anu-anong klase ng trabaho meron ang mga kapit-bahay nila. Sa katunayan may mga humihikayat sa kanyang mga kapit bahay nila na pumasok nalang daw siya sa pinagtratrabahuhan ng mga ito, maganda daw siya at tiyak malaki ang kikitain niya, isang trabahong pang-gabi na alam naman niya kung anung uri ng trabaho mayroon ang mga ito. Alam din niya magkakaroon ng commission ang mga ito kung sakaling tatanggapin niya ang trabahong inaalok ng mga ito sa kanya. Dahil sa mga maririnig nakabuo siya ng plano. At agad na naisip ang mga kaibigan niya. Kailangan niyang makausap ang mga ito. "Oy! Tina mukhang maaga ka ngayon ah." Bunga nito ng makita siyang papalapit sa inaangkatan niya ng mga kakanin na ilalako. "Magandang umaga po." Bati niya dito ng makalapit na siya sa pwesto nito. "Nakahanda na po ba ang para sakin?" Dagdag tanong niya dito ng makitang may mga laman na ng iba't-ibang uri ng kakanin ang mga bilao. "Oo, eto ang para sayo. Kumain ka na ba? Mukhang ikaw ang nauna ngayon." Anito na ikinatawa niya ng mahina. "Nag-kape lang po ako. Mamaya nalang ako kakain." tugon niya dito, kailangan niyang makarami ng benta dahil sa mga binabalak. "Oh, siya sige lakad na ng makabenta ka agad." pagtataboy na nito sa kanya. Gusto niyang makaubus ngayon dahil mamaya pupuntahan pa niya ang mga kaibigan niya, marami siyang gustong itanong sa mga ito. "Kakanin kayo d'yan! Kakanin mainit pa!" Sigaw niyang paluti-ulit sa pagitan ng mga taong kumpol-kumpol na naglalakad. Eto ang tinda niya tuwing umaga, at sa tanghali naman malamig na mineral bottled water na may kasama pang mga candies at biscuits at pag panahon ng sweet corn may tinda rin siyang nilaga nito. Dahil kunti lang ang nailuto ng kinukuhan niya ng mais kaya nilagang itlog ng pugong may kasaman kaunting asin ang nilalako niya kasama ng tubig. Sa ganitong gawain niya araw-araw nairaraus ang pangangailan nila ng kuya Samuel niya. Hirap man siya pero masaya na din dahil kahit papaano may pinagkakakitaan pa siya. Katwiran niya kaunting diskarte, lakas ng loob at tibay ng dibdib lang ang kailangan para mabuhay ng marangal. Nang maubus ang mga paninda nag-intrega na siya ng pinagbentahan sa mga inaangkatan niya. "Sige po bukas ulit." paalam niya. "Sige ingat ka." ganting usal nito. "Sandali Tina. Kunin mo na ito bigay lang din sakin yan." anito sabay abot ng isang supot ng kamatis. "Salamat po Nanay Belen itlog lang po katapat nito. " aniya dito na ikinatawa ng babae. Nagmamadali na siyang lumisan papunta sa mga kaibigan para humingi ng tulong dito. Alam niya maraming alam ang mga ito. "Anoooo!" Panabayang bulalas ng mga ito matapos niyang maikuwento ang mga nadinig na pinag-uusapan ng Kuya Samuel niya at ng mga barkada nito. "Huwag ka na kayang umuwi sa inyo dito ka nalang." suhesyon naman ni Abie ang dati niyang kaklase nuong elementary hanggang high school. "Hindi pwedeng hindi ako umuwi baka lalong nagduda sila kuya." aniya. "Mag-iingat ka nalang. Kung kailangan mo ng tulong namin andito lang kami." Ani naman ni Roselle. "Basta yun mga sinabi namin tandaan mong mabuti, itago mong mabuti yang binigay namin sayo. 'Yan ang makasasalba sayo sa plano ng kuya mo at mga kabarkada niya." bilin pa nito bago siya nagpaalam sa mga kaibigan. "Galigan mo ang pag-arte para hindi ka mahalata." Pahabol pang wika ni Norie. Kaya nag thumb ups nalang siya at nagmamadali ng sumakay ng pampasaherong jeep at baka gabihin siya mapagalitan nanaman siya ng kuya niya. Tiyak masesermonan nanaman siya nito. Bitbit ang dalawang kilong bigas at isdang binili sa palengke ng matanawan ang kuya niya sa harap ng bahay nila, mukha itong balisang-balisa at palakad-lakad. pero agad din nagbago ang awra ng mukha nito ng makalapit siya. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" Sunod-sunod na tanong nito na mukha na siyang lalapain. "Matumal kasi ngayon kaya hirap magpaubus ng paninda." Pagdadahilan nalang niya at nagtuloy-tuloy pumasok sa maliit nilang kusina. "Siguraduhin mo lang totoo yang sinasabi mo dahil kung hindi makakatikim ka sakin." Pagbabanta pa nito sa kanya. "Kung nagtratrabaho ka ba naman at tinutulongan mo ako, di hindi sana ako ginagabi sa pagtitinda sa lansangan." singhal na niya dito. "Huwag mo nga akung sermonan at wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan." asik din nito sa kanya. "At anung gusto mo magbuhay reyna ka dito. Hoy, Kristina dapat lang na maghanap buhay ka, dahil matanda ka na, huwag na huwag kitang mababalitaan kung saan-saan nagpupunta at makakatikim ka talaga sakin. Ingatan mo yan sarili mo para naman may pakinabang ako sayo." Sigaw na nito na para bang may kakaibang kahulugan na nagbigay kilabot sa kanya. Tahimik lang siyang nagluto dahil nakakaramdam na siya ng pagkalam ng sikmura. Nagpapasalamat na din siya at hindi naghingi ng pera ang kuya niya kahit may inilaan na siya para dito. Nagtabi din siya para sa sarili. Dinig pa niya ang ugong ng motor nitong papalayo kaya nakahinga siya ng maluwag. Bagamat hindi na maalis-alis ang kaba at takot sa dibdib niya mula ng marinig niya ang pinag-usapan ng kuya Samuel niya at mga kabarkada nito. Alam niya may hindi magandang binabalak ang mga ito sa kanya. Alam din niyang lahat gagawin ng Kuya Samuel niya sa ngalan ng pera para matustusan lang ang bisyo nito. Tama ang mga kaibigan niya kailangang magdoble ingat siya, para maprotektahan ang sarili. At sa kunting kaluskos lang matalas siyang nakikiramdam, dahil alam niyang ano mang oras ikapapahamak niya kahit nasa tabi lang niya ang Kuya niya. Isa ito sa banta sa kapahamakan niya na magdadala sa kanya sa madilim na buhay. Agad niya dinampot sa ibabaw ng mesa ang isang maliit na kutsilyo at mahigpit na hinawakan. Dahan-dahan at walang kilatis siyang naglakad patungo sa may kwarto niya kung saan may nadinig na kaluskos at maingat na hinawi ang tagpi-taping karton na pinaka pinto nito. Nakahinga lang siya ng maluwag ng makita ang pusa ng kapit bahay na nahiga sa ibabaw ng talaksan ng mga damit niya at may isa pang pusa ang nakaupo naman sa pasimano ng maliit niyang bintana na agad din tumalon ng makita siya. "Tsuu! Tsuuuu!" sigaw taboy niya dito na agad naman nagtatakbo patalon sa bintana. Hindi na mapanatag ang kalooban niya simula ng marinig niya ang masamang plano ng kuya Samuel niya at ng mga barkada nito.Tingin niya mas ligtas pa siya kung nasa lansangan lang siya kaysa sa loob ng bahay nila. Mas dilikado siya dito, kaya mas maaga na siya umaalis ng bahay nila at halos pagabi na din kung umuwi. Katwiran niya sa Kuya Samuel niya matumal at mahirap magtinda dahil marami na siyang kakompitensiya. Buti nalang at pinaniniwalaan siya nito pero madalas din siya nitong pinagbabanta ng nakakakilabot na salita. "Siguraduhin mo lang pagtitinda ng kakanin at tinitinda mo dahil kung iba na ang ibinibenta mo baka mapatay kita. Alalahanin mo wala pa akung napapakinabangan sayo." Mariing asik nito na nabibigay kilabot sa buong pagkatao niya. Alam na niya kung anong ibig sabihin nito. Inosente lang siya pero hindi naman siya tanga para hindi maintidihan ang ibig ipahiwatig ng Kuya Samuel niya. Pero ayaw niyang ipahalata na alam niya kung ano pinaplano nito at ng mga kabarkada ng Kuya niya. Kailangan niyang magkunwaring walang alam at inosente. Isang linggo nalang kaarawan na niya. At sa ayaw at sa gusto niya hindi na niya mapipigil ang pag-inog ng mundo para patagalin pa ang araw na kinatatakutan niya. Kung dati masaya siyang hinihintay ito ngayon kilabot ang nadarama niya. Ang debut niya kung saan ganap na dalaga na siya. Gustuhin man niyang bumili ng bistida pero hindi naman niya magagamit 'yun sa pagtitinda kaya naging praktikal nalang siya. Maong na pantalon at t-shirt na lang ang bibilhin niya bilang regalo sa sarili, na pwede pa niyang magamit sa pang araw-araw na pagtitinda. "Hija, malaki-laki na itong ipon mo saan mo ito inilalaan?" tanong nito ng magbigay ulit siya ng tatlong daan piso dito. "Para po sa debut ko yan Nanay Belen ibibili ko po ng damit bilang regalo sa sarili ko." aniya dito. "Kailan ba birthday mo?" takang tanong nito dahil ngayon lang nito nadinig ang mga katagang 'yun sa mga labi niya. Natawa naman siya sa naging reaksyon nito. "Ako na bahala sa mga damit mo. Ako na mareregalo sayo. Cellphone nalang bilhin mo dahil ikaw nalang walang selpon. Hindi kita makontak pagkailangan kita. Hindi naman accessories ang cellphone necessity yan, kaya huwag mo ng panghinayangan." Mahabang wika nito na ikinaliwanag ng mukha niya. Tama ito pagkailangan niya ng selpon nakikigamit lang siya sa mga kakilala. "Tama na ba sayo ang dalawang pantalon at anim na t-shirt? 'Yun mumurahin lang kaya kung bilhin para sayo. Wala akung pambili ng mga original." Dagdag pa nito na mas lalong nag pasaya sa kanya. "Maraming salamat po Nay Belen. Kaya labs na labs ko kayo eh." Pambobola pa niya dito bago lumisan. Buti pa ang ibang tao nagmamalasakit sa akin, si Kuya Samuel naman inililibing ako ng buhay. Bulong niya sa kawalan. . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook