bc

SWEET KISS ( PART 1 )

book_age16+
276
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
others
K-pop
drama
sweet
bxg
campus
first love
like
intro-logo
Blurb

Pag ibig nga bang masasabi ang nararamdaman ng isang tao kapag nakita mo na ang taong mamahalin mo?

Pag ibig nga bang masasabi kapag nasaktan ka na?

Pag ibig nga bang masasabi kapag nagbago ka?

Paano mo malalaman na gusto ka ng taong nagugustuhan mo?

Paano ba sabihin na mahal mo siya?

Paano umamin na nasasaktan ka?

Hanggang kailan mo siya mamahalin?

Magkakaroon ka ba ng pag asa?

Si Elin ay isang highschool student na hindi matalino na nagkagusto sa isang genious heartrob na si Gio.

Ngunit, sinabihan siya ni Gio na hindi ito pumapatol sa babaeng walang utak.

Pero, kahit na ganun itinuloy pa rin ni Elin ang paglapit sa binata.

Hanggang isang araw nagising na lang siya isang umaga na sa bahay na nila Gio siya nakatira.

Magkalapit kaya silang dalawa at magustuhan na rin kaya siya ni Gio?

chap-preview
Free preview
SWEET KISS 1
Nagising ako na naglalakad sa isang magandang kagubatan. Maraming bulaklak at paru-paro sa paligid. "Nasaan ako?" tanong ko. Pumitas ako ng bulaklak at inamoy ito. Napapikit at napangiti ako dahil sa bango ng bulaklak. Habang naglalakad ako may nakita akong lalaki na nakatayo sa tabi ng isang malaking puno. "anong ginagawa niya dito at sino siya?" tanong ko. Lumapit ako sa kanya. "excuse me? sino ka? Anong ginagawa mo dito?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita o humarap man lang sa akin. "Tss! Suplado naman nito." aalis na sana ako ng bigla niya akong hinila at isinandal sa malaking puno. Napatingin ako sa kanya na titig na titig sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit parang kilala ko yata siya? Parang nakita ko na siya. Inisip ko kung saan ko siya nakita. Naalala ko na. Siya si Gio Lee. Pero bakit siya nandito? "alam mo ba kung gaano ako katagal na naghintay?" sabi ng malayelong boses niya. "a-anong s-sinasabi mo?" nauutal kong tanong. Bakit niya ako hinihintay? "ang slow mo talaga." sabi niya at unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sakin. Napapikit na lang ako at hinintay ang susunod na mangyayari. --------------------------- "Miss Gardinia! Natutulog ka na naman sa oras ng klase ko!" Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Present, sir!" "Hahahahahahahaha" nagtawanan ang mga kaklase ko. "Huh?" tumingin ako sa paligid. Nandito nga pala ako sa school. Panaginip lang pala. "Hoy! Elin, tulog ka na naman. Patapos na mag lecture si sir anong sinasabi mong present? Hahahahaha!" sabi ni Diane na tumatawa. - siya si Diane Yun ang muse namin dito sa section 8. Humarap ako sa teacher namin at yumuko. "sorry po sir." hinging paumanhin ko. Ano ba kasing nangyayari sakin? Bakit ko napanaginipan si Gio Lee? "Hindi mo alam kung ano ang itinuro ko ngayon dahil tulog ka sa klase ko Miss. Gardinia. Kaya naman magbibigay ako sa inyo ng quiz bukas tungkol sa pinag aralan natin ngayon. " sabi ni Mr. Cruz "What?!" napatayo si Diane. "Sir naman! Bakit pati kami damay?" sabi ng mga kaklase ko. Tumingin ako sa mga classmate ko na ang sasama ng tingin sa akin. "sorry. " sabi ko na naka peace sign. "Sorry ka diyan. Tss! Kasalanan mo to e." sabi ni diane sakin. "Okay. Class dissmiss. Be ready tomorrow." paalam ni Mr. Cruz sa amin. Napayuko na lang ako sa desk ko. Quiz? Bukas? Hay! Ano bang tinuro niya kanina? Napapikit na lang ako sa inis. Naalala ko na naman ang panaginip ko. Gio Lee. Napahawak ako sa labi ko at napangiti. "Elin, hindi ka ba kakain?" tanong ni Anna sakin pagkalapit niya. Tumingin ako sa kanya habang hawak ang mga labi ko. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang wala ka yata sa sarili mo?" tanong sakin ni Elise. Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Nanaginip kasi ako." nakatulalang sabi ko. "Nanaginip? Ng ano?"- sabay nilang tanong. "Hinalikan ako ni Gio Lee." sabi ko habang kinikilig. "Hinalikan ka ni Gio Lee sa panaginip mo?! Yung gwapo at sikat na topnacher dito sa school?!" gulat na tanong nilang dalawa. "ano ba kayo wag kayong maingay baka may makarinig satin. Saka panaginip lang naman yun. Malabong mangyari yun sa totoong buhay." sabi ko sa kanila. "pero kahit na. Hihi .. masarap ba siyang humalik?" toanong ni Anna. "hays! Tumigil ka nga!" saway ko. "ano ba kayong dalawa? Gutom na ko. Kakain ba kayo o hindi? " naiinis na tanong samin ni Elise. "tara na. Gutom na ko." Tumayo na ako at nagpunta na kami ng canteen para kumain. - si Anna at Elise ang mga bestfriend ko since grade school. ---------------------- -SCHOOL CANTEEN- "anong meron? Bakit nagkakagulo sa labas?" tanong ko kila Anna at Elise. Nakaupo na kami at kumakain ng bigla na lang nagtakbuhan ang ibang mga student na kumakain palabas ng canteen. Tumingin ako sa labas ng canteen. "OMG! Si Gio Lee ba yang nakikita ko?" sabi ng isang student na nagmamadaling tumakbo palabas ng canteen. Gio Lee? Tama ba ang narinig ko? Napatingin ako sa mga kaibigan ko. "Elin, nandito si Gio. Diba siya yung nasa panaginip mo? Yung sinabi mo na humalik sayo?" sabi ni Anna. Nakatingin ako sa pinto ng canteen habang papasok ang isang matangkad at gwapong lalaki na pinagkakaguluhan ng mga babae. Wait. Bakit parang papalapit siya sakin? Nagulat na lang ako ng huminto siya sa harapan ko habang nakatulala akong nakatingin sa kanya. Bakit parang nag slow motion siya sa paningin ko? Ang gwapo niya. Matangkad. Makapal na kilay. Matangos na ilong. Mapulang labi. Para siyang isang makisig na angel na bumaba sa lupa. "it's mine!" sabi niya na tinuturo ang inuupuan ko. "H-ha?" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang lamig ng boses niya. "bingi ka ba o tanga ka lang?" sabi niya sakin. Anong sinabi niya? Bingi at tanga? Ako? Huh! Ang yabang naman pala ng lalaki na to. Akala ko pa naman isa siyang anghel na bumaba galing sa langit. Hindi pala. Isa pala siyang gwapong demonyo! Ang yabang! "Aalis ka ba o itatapon ko ang gamit mo?" sabi niya sakin. Ano bang problema niya? Hays! Kung di ko lang siya gusto baka kung ano ng nagawa ko sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at pagkain na nasa mesa. Tinignan ko si Gio ng matalim na tingin. "Lumipat na lang tayo ng mesa, Anna, Elise. Meron kasi dito na bigla na lang nang aangkin. Tss! Porke topnacher akala mo kung sino na. Ang yabang! " nilagpasan ko na siya at lumipat sa ibang bakanteng upuan. "Grabe, ang lakas ng loob niyang kalabanin si Gio. Ang tapang niya." sabi ng isang student. "siguradong hindi palalagpasin ng mga fans ni Gio ang ginawa ng babaeng yun." sabi ng kausap nito. Fans? Meron siyang fans? Ganun ba talaga siya kasikat dito sa school para magkaroon ng fans? Kaya naman pala ang laki laki ng ulo ng mokong na yun. May mga alipores na tagapagtangol. Tss! Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko para makaalis na at hindi na makita pa ang mayabang na yun. "uy, Elin. Di ba gusto mo siya? Bakit mo sinungitan?" tanong ni Elise sa akin. Tumingin ako sa direksyon ni Gio na kumakain. "oo. Gusto ko nga siya. Pero mayabang siya. Ang taas ng tingin niya sa sarili." sabi ko. "meron naman kasi siyang ipagyayabang. E ikaw? Anong maipagmamayabang mo?" sabi sakin ni Diane na bigla na lang lumapit kasama ang mga alalay niya. Sila ba ang tinutukoy na fans ni Gio? Hindi na nakakagulat kung sila man. Pero ano nga bang maipagmamayabang ko? Si Gio, matalino at nasa top. Samantalang ako nasa pinakamababang klase. Hays! "kaya wag ka ng mag ilusyon na mapapansin ka niya. Hindi ikaw ang babaeng magugustuhan ni Gio. Dahil hindi kayo bagay." nakapamewang na sabi ni Diane. "ano ka ba, Diane? Tumigil ka na nga." saway nila Anna at Elise kay Diane. "manahimik nga kayong dalawa diyan!" irap ni Diane. "Abat!" tumayo si Elise. "bakit? Sa tingin mo ikaw ang magugustuhan ni Gio? Huh! Hindi ka rin matalino kaya hindi rin kayo bagay! Nasa class 8 ka kaya hindi ka niya magugustuhan!" sabi ni Elise. Nakatingin na ang lahat sa amin sa lakas ng boses ni Elise. Kinuha ni Elise ang kamay ko. Habang nakatulala si Diane at di makapaniwala sa sinabi ni Elise. "makinig kayong lahat na nandito!" -Elise A-anong ginagawa niya? "simula sa araw na to! Hindi na magugustuhan ni Elin si Gio!" -Elise A-ano?! Ano ba tong ginagawa ni Elise? Nakakahiya. Sinabi niya na rin na gusto ko si Gio sa ginawa niya. Hays! Ano ba naman to. Napatingin ako sa direksiyon ni Gio na nakatingin sa akin at seryoso. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinila ko ang kamay ko na hawak ni Elise. "mabuti naman kung ganon." -Gio "Ha?" -Elise "ayoko kasi sa mga babaeng walang utak na gaya niya. Wala rin akong panahon para sa mga katulad niya." walang liguy-ligoy na sabi niya sa akin. Napayuko na lang ako sa hiya at lumabas na ng canteen habang tumutulo ang luha. Napakasama niya para sabihin yun. Wala siyang puso! Wala siyang pakealam kung anong mararamdaman ko! Napaupo na lang ako sa bench na katabi ng isang puno at umiyak. Ang sama sama ng ugali niya. "ang ingay mo naman miss." Nagulat at napahinto ako sa pag iyak at tumingin sa nagsalita. Isang lalaki ang bumangon sa may damuhan. "eto kunin mo." inalok niya sakin ang panyo na hawak niya. "s-salamat." kinuha ko ang panyo at pinunasan ang pisngi ko na basa. "hulaan ko problema mo. Boyfriend?" sabi niya. "Ha? W-wala akong boyfriend." sabi ko. "talaga? Edi pwede pala kitang ligawan?" "A-anong bang pinagsasasabi mo?" "ay oo nga pala. Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Prince. Your Prince Charming." sabi niya. Natawa ako. "Hahaha! Yun! Tumawa ka na!" -prince "Nakakatawa ka kasi." sabi ko. "mas maganda ka kapag nakangiti." -prince "salamat." nahihiya kong sabi. "kaya wag ka ng iiyak ha?" tumayo na siya. "sige maiwan na kita. Bye!" sabi niya at tumakbo na palayo. "T-teka lang! Yung panyo mo!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako narinig. Naglakad na ako pabalik sa classroom namin. "Elin! Saan ka galing?" tanong sakin ni Anna pagkaupo ko. "Diyan lang. Nagpahangin." sabi ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi niya sakin. 'Ayoko sa mga babaeng walang utak na gaya niya at wala akong panahon para sa mga katulad niya' Ganon ba kababa ang tingin niya sakin? Genious nga siya pero wala naman siyang puso! Ang sama sama ng ugali niya! Hinampas ko ang desk. "ang yabang mo! Sobrang yabang mo! Sana madapa ka!" sabi ko. "Miss. Gardinia! Anong sinasabi mo?" tanong ng teacher namin. "Hahahaha." tawanan ng mga kaklase ko. Umupo na lang ako at yumuko sa ibabaw ng desk ko. Naiinis ako sa kanya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
239.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
36.9K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.2K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook