bc

The Bad Nanny

book_age18+
98
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
BE
dominant
heir/heiress
bxg
affair
like
intro-logo
Blurb

Namasukan si Lucia bilang kasambahay hindi lang upang kumita ng pera, kundi upang manggulo ng pamilya.Isa lang ang nais ng 25 taong gulang na dalaga, ito ay ang pagbayarin at guluhin ang pamilyang dahilan sa pagkamatay ng kanyang mga magulang na dating manggagawa ng pamilya Alvarado.Sa pagpasok niya bilang si Maria (hango sa tunay niyang pangalan na Maria Lucia), kakaibiganin niya ang bawat myembro ng pamilya, lalo na ang may-bahay na si Aurora na nagdadalang tao sa ikalawang anak nila ng kanyang asawa. Kukunin niya ang kiliti ng batang si Lyka na mailap sa lahat ng mga tao sa mansyon nila. At, aakitin niya ang haligi ng tahanan na si Javier na sa mata ng lahat ay isang mapagmahal at responsableng asawa. Habang nagtatrabaho at nagbabantay ng bata si Lucia, may nakamasid at nagbabantay rin pala sa kanya ---- si Javier na nahuhulog na sa pang-aakit niya.Hanggang saan aabot ang plano niyang manira ng pamilya? Paano kung sa kanyang mga plano ay siya ang tuluyang masira?The Bad NannyInnocence Can Be DeceivingBy The Duchess

chap-preview
Free preview
Introduction
HAWAK ko ang isang screw driver na ginamit ko upang wakasan ang buhay ng babaeng nagngangalang Maria. Duguan ang mga kamay ko at ngayon ay nakatitig lang ako sa kanya habang nakatayo at siya naman ay nakahandusay sa damuhan habang naghihingalo at hinahabol ang kanyang hininga. "A-anong...gi-nawa kong ma-sama sa-sa'yo?' Utal-utal na tanong niya habang hawak niya ang kanyang dibdib na duguan sa ginawa kong pananaksak sa kanya. Nanatili akong nakatitig lang at walang pakialam sa sinasabi niya. Nagngangalit ang bagang kong kinuha ang malaking bato sa tabi ng punong Acacia at saka ko tuluyang tinapos ang buhay niya. Ngayong gabi ng Biyernes, habang nakiki-ayon ang panahon sa aking galit at nararamdamang poot ay sisimulan ko na ang aking misyon na matagal ko nang pinaplano. Magbabayad sila...mananagot sila...para sa aking mga magulang. ------ SAN NICHOLAS BUS STATION Sukbit ko ang kaisa-isa kong bag na naglalaman ng kaunti kong mga gamit at isang folder na naglalaman ng ilang mga orihinal at pekeng dokumento, sumampa ako sa paalis na bus at naghanap ng mauupuan. "Aray, magdahan-dahan ka naman miss," reklamo ng isang ale na nabunggo ko sa aking pagmamadali. Simpleng tingin ng paumanhin lang ang iginawad ko sa kanya at muling naghanap ng bakanteng upuan. Hanggang sa makarating ako sa dulo at mayroong nag-iisang bakante. Nang dahil sa nabasa ako ng malakas na ulan bago ako nagtungo rito sa bus station ay nakadama ako ng lamig, lalo pa at fully airconditioned ang bus. Kaya't niyakap ko ang bag ko at inilagay ang hood ng aking jacket saka ako tumingin sa labas. Paalis na ang bus ngunit hinarang kami ng mga pulis. Namuo ang nerbyos sa aking dibdib nang dahil doon. Bigla namang nag-on ang television ng bus at tyempong nasa kalagitnaan ng balita. BREAKING NEWS: Pinaghahanap ngayon ang isang babaeng suspek sa pagpatay sa babaeng hindi pa namumukhaan at nakikilala sa bayan ng San Nicholas. Natagpuan ang katawan ng babae na wala nang buhay sa banging malapit sa sakahan ng barangay Maligaya kung saan nakita ito ng isang magsasaka. Ayon sa nakapansin, isang babae di umano ang walang awang pumaslang sa biktima. Inilabas naman ng San Nicholas PNP ang sketch ng mukha ng suspek at pinaghahanap na sa ngayon. Napalunok ako at kumurap. Nakita ko ang sketch sa telebisyon at nabuhayan ako ng loob dahil malayo na iyon sa hitsura ko ngayon. Hindi na mahaba ang buhok ko at hindi na rin iyon itim. Mayroon na rin akong pekeng nunal sa pagitan ng aking bibig at ilong at naglagay na rin ako ng kaunting make up upang mabago ang aking hitsura. Hanggang sa umakyat sa bus ang mga pulis. Binuksan ko ang zipper ng jacket ko at tumambad ang suot kong tube at kita ang halos kalahati ng dibdib ko. Pula ang aking labi nang dahil sa in-apply kong dark red lipstick. Kaya't nang makarating na ang isang pulis sa pwesto ko ay tiningnan ko lang siya sa mata at inakit upang mawala siya sa kanyang pakay. Ngumiti ako ng nakakaloko at saka ko siya kinindatan. "Bakit po, sir?" Mahinhin kong tanong. "W-wala." Umiling ang matandang pulis bago siya umalis at nilamukos ang hawak niyang papel. Nang mawala na sila ay agad akong nagsara ng zipper ng jacket at nakahinga ng maluwag. Tuluyan na akong nakatas sa San Nicholas nang umandar ang bus at umalis patungong San Quintin, limang oras ang layo sa lugar na ito. MAKALIPAS ang ilang oras ay nakarating na ako sa San Quintin. Bitbit ang kaunti kong gamit, magsisimula akong muli hindi na bilang Lucia kundi bilang Maria. Ngayon, ay patungo ako sa mansyon ng mga Alvarado at habang naghihintay ako ng aking sundo, magpapalit na muna ako upang mas maging kapani-paniwala ang aking pagkatao. Ilang sandali pa lamang ay dumating na ang isang kotse na sa tingin ko ay ang aking sundo. Hawak ko ang cellphone ni Maria at ayon sa kanyang kausap sa kanyang telepono, itim na kotse na may plakang ZAC201 ang susundo sana sa kanya. Suot ko ang simple at mahabang palda na pang probinsya at isang lumang kamiseta na nakuha ko sa mga gamit niya. Hindi ako nagsusuot nito ngunit kailangan kong gawin ito. Lumapit ang sasakyan at pagbaba ng bintana ay ang isang driver na baka uniporme ang nagtanong. "Ikaw ba si Maria?" Kunot noo niyang tanong na parang hindi naniniwala. Kinuha ko ang dokumento ko sa aking bag at ipinakita sa kanya ang isang pinekeng papel ng agency na kung saan ay nakuha ko rin sa dokumento ng babaeng iyon. Wala nang ibang nasabi ang lalaki kundi ang pasakayin ako dahil sa papel na ipinakita ko sa kanya. "Mukha ka namang hindi makakatulong sa hitsura mo, miss. Simple nga ang damit mo pero mukha kang may kaya," nakangiti niyang wika nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Ngiti lang ang tangi kong naisagot sa kanya hanggang sa makapasok na ako sa loob. Maya maya lamang ay umalis na rin kami at ngayon ay handa na ako sa aking mga dapat gawin. Simple akong umirap sa kawalan at palihim na ngumiti dahil sa wakas, maisasakatuparan ko na ang aking matagal na binabalak. HANGGANG sa marating na namin ang mansyon ng mga Alvarado. Nalula ako sa laki nito kaya't nang bumaba ako ay tiningnan ko muna ang kabuuan nito. Huminga ako ng malalim at bago ako nagmulat ng aking mga mata ay naalala ko ang sinapit ng aking ama at ina sa kamay ng mga taong narito sa loob ng pamamahay na ito. "Magbabayad kayong mga Alvarado...magbabayad kayo." Mahina kong wika habang nagngingitngit ako sa galit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook