bc

Blow Me A Kiss, Baby

book_age0+
1.9K
FOLLOW
14.5K
READ
opposites attract
band
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

"I just love it when you look at me thinking that I don't notice."

Rai's was the country's hottest rock band, and Bee was one of their thousands of fangirls... until they kicked her most favorite member out of the band. Nagluksa si Bee nang tanggalin ang paborito niyang si Ryford sa banda nang walang paliwanag. But a mere six months later, everyone had moved on from Ryford's sudden disappearance and welcomed Radcliffe-Rai's new front man-with open arms.

Except for Bee. Hinding-hindi niya matatanggap ang Radcliffe na iyon bilang kapalit ni Ryford. At lalo lang nadagdagan ang galit niya kay Radcliffe nang sa unang pagkakataon na panoorin niya itong mag-perform ay tinamaan pa siya ng binato nitong bottled water sa fans. Dahil sa nangyari, parati na lang sumusulpot ang lalaki kung nasaan siya at niyayaya siyang makipag-date para daw makabawi sa kanya.

She was prepared to give Radcliffe a piece of her mind- hanggang sa sabihin nitong dadalhin siya sa pinakapaborito niyang fast-food chain. Paano siya makakatanggi kung nangako siya sa sarili na makikipag-date lang sa lalaking unang magyayaya sa kanya sa fast-food chain na 'yon?

chap-preview
Free preview
1st Chapter
NAKASIMANGOT si Bee habang nakapila sa labas ng Kia Theatre habang hinihintay magsimula ang concert ng Rai's. "Ano bang sinisima-simangot mo d'yan, Bee?" tanong sa kanya ni Jolly, ang best friend niya at isa ring Rai's Girl – iyon ang tawag sa fangirls ng Rai's. "Hindi ba't ikaw ang number one fan ng Rai's? You should be happy and proud sa second major concert nila na 'to." Totoo ang sinabi ni Jolly. Nasa college pa lang siya ay sinusubaybayan na niya ang Rai's – ang banda na binubuo ng magkakapatid na Rykard, Rydell, at Ryford McDonough. Sunud-sunod ang edad ng tatlo. Rykard was twenty-four, Rydell was twenty-three, and Ryford was twenty-two. The three were also known as the 'McDonough Brothers'. Si Ryford ang kasing edad ni Bee, at naging kaklase pa niya noong high school. Dahil do'n, hindi pa sikat ang Rai's ay sinusubaybayan na niya ang banda hanggang sa naging magkaibigan na sila ni Ryford. Iyon ang dahilan kung bakit si Ryford ang "bias" niya sa banda, at kung bakit isa siyang Ryford's Girl. Idagdag pa na siya ang presidente ng Ryford's Girls Philippines – ang tawag sa fandom ni Ryford sa Pilipinas. Umabot na rin kasi sa ilang estado ng Amerika ang kasikatan ng Rai's bilang half-Irish ang magkakapatid, at tumutugtog sa Florida, at Ireland kapag may pagkakataon. Nagta-trabaho si Bee bilang writer sa Baby Pink Magazine, ang magazine na nagfi-feature sa mga "boy-next-door" na hinahangaan ng mga teenager. Ang mga fini-feature nilang lalaki sa magazine nila ay puro wholesome ang image para maging inspirasyon at modelo ng kabataan. Dahil sa trabaho niya, lalo siyang napalapit sa Rai's. Maganda kasi ang imahe ng Rai's sa kabataan dahil kahit pop-rock band ito, may iba pang trabaho at pinagkakaabalahan ang magkakapatid. Rykard was a chef. Rydell was a college professor. And Ryford was into charity works. Iyon ang dahilan kung bakit minsan nang na-feature ng Baby Pink ang McDonough Brothers. Ang article tungkol kina Rykard, Rydell at Ryford ang naging big break ni Bee sa Baby Pink, at iyon din ang dahilan kung bakit kahit fresh graduate lang siya ng panahong iyon ay naging regular writer agad siya ng magazine. Naging emosyonal na si Bee. "Paano naman ako magiging happy? Hindi na sila ang Rai's na kilala ko." Bumuga ng hangin si Jolly, saka siya tinapik sa likod. "Bee, hindi ka pa rin ba nakaka-get over sa nangyari? It's been half a year already." Napasinghot si Bee. "Kahit half a millennium pa ang lumipas, hindi ako makaka-get over na tinanggal nila sa banda si Ryford ko para palitan lang ng kung sino." Nagulantang ang buong Rai's Girls Fandom nang ianunsiyo ng banda ang pag-alis ni Ryford anim na buwan na ang nakakalipas. Walang ibinigay na paliwanag sina Rykard at Rydell bukod sa nagbabakasyon umano si Ryford sa Florida. At bigla-bigla ay ipinakilala na lang sa publiko ang bagong front man ng banda. Pagkatapos ay parang bula nang naglaho si Ryford – nawala rin ang binata sa social media. Ginawa ni Bee ang lahat para ma-contact at mahanap si Ryford, pero hindi siya nagtagumpay lalo't ayaw siyang tulungan nina Rykard at Rydell. Pero ang pinakamasakit para kay Bee ay ang mabilis na pagmu-move on ng Rai's Girls. Mabilis nakalimutan ng karamihan ang pag-alis ni Ryford sa banda, at mabilis at mainit pang tinanggap ng mga ito ang bagong miyembro ng Rai's. Pati ang mga bagong fans ng Rai's, hindi na kilala si Ryford. Heto nga at kahit nawala si Ryford, ipinagpatuloy pa rin ng Rai's ang second major concert ng banda para i-promote ang bagong album. Pakiramdam ni Bee, siya na lang ang hindi makatanggap sa pagkawala ni Ryford sa Rai's. "Bee, listen to me," seryosong sabi ni Jolly, kaya napilitan siyang harapin ito. "Writer ka ng Baby Pink. Binigyan ka ng free VIP ticket ng concert na ito hindi para ipagluksa ang pagkawala ni Ryford sa banda kundi para gawan ng review ang magiging performance ng "bagong" Rai's ngayong gabi. Ang sarap nga ng trabaho mo, best friend. Makakapanood ka na ng concert ng libre, babayaran ka pa. Kalimutan mo muna ang pagiging Ryford's Girl mo, okay?" Inabot nito sa kanya ang supot ng Jollibee na naglalaman ng burger at fries. "Here. Comfort food mo para naman ma-good mood ka." Dahil sa mga sinabi ni Jolly at sa Jollibee na comfort food niya, unti-unting kumalma si Bee. Maganda na sana ang mood niya, pero may asungot na tumawag sa cell phone niya, na dahilan para i-off niya ang cell phone niya. "O, bakit in-off mo 'yong phone mo? Si Hans ba uli?" sabi nito na ang tinutukoy ay ang modelo na kinukulit siyang makipag-date. "Oo, si Hans nga," naiinis na sagot ni Bee. "Hay, Bee. Ang hot kaya ni Hans. Bakit ba hindi mo pa pagbigyan?" Nagkibit-balikat si Bee. "He failed my test, kaya bakit ako papayag makipag-date sa kanya?" Napailing si Jolly. "Hanggang ngayon, naniniwala ka pa rin na ang sign kung ang isang guy na ang soulmate mo ay kung aayain ka niyang makipag-date sa Jollibee himbis na sa mamahaling restaurant?" Tumango si Bee. 'Yon ang ginawa niyang sign para malaman kung sino ang soulmate niya dahil alam niyang alam ni Ryford na mahilig siya sa Jollibee. Naroon pa nga ito noong nag-eighteenth birthday siya sa Jollibee Kiddie Party. Pero sa tuwing magkasama sila ng binata, panay sa restaurant at mga high-end bar siya nito dinadala. At hindi daw 'yon date kundi "hanging-out" lang. Tinapik siya ni Jolly sa balikat. "Best friend, kung si Ryford nga na closest guy na sa'yo, hindi pa mahuli 'yang sign na ginawa mo. Ibang guy pa kaya? Mag-focus ka na lang sa work kaysa kung anu-ano iniisip mo, okay?" Lumabi si Bee "Fine. I will do my job. But I still hate that Radcliffe McDonald!" *** RADCLIFFE McDonald, a twenty-three year old dude with a "good boy" vibe... and gorgeous flexing biceps. Hindi makapaniwala si Bee sa nakikita. Kilala niya si Radcliffe McDonald – ang pinsan nina Rykard, Rydell at Ryford sa mother side na naka-base sa Florida – dahil six years ago, nagbakasyon ang McDonough Brothers sa America. Habang naroon ang magkakapatid ay gumawa ang mga ito ng video documentary ng bakasyon na iyon. And the McDonough Brothers had featured their cousin Radcliffe McDonald in that documentary. Ayon sa basic Math skill ni Bee, seventeen years old lang si Radcliffe nang mapanood niya ang video na iyon na in-upload ng Rai's sa YouTube. Back then, Radcliffe was too skinny and shorter compared to the McDonough Brothers, even if the four of them was just around the same age. Pero cute naman si Radcliffe, parang twelve years old nga lang kung kumilos. Half-Filipino si Radcliffe dahil sa Filipina nitong mommy, na kapatid ng mommy ng McDonough Brothers. Pero ang Radcliffe na kumakanta at tumatakbo sa stage habang kinakalabit ang electric guitar, hindi na bata. Fitted V-neck black shirt ang suot nito, dahilan para mamutok ang muscles sa mga braso nito, at humakab ang malapad na dibdib. And God, black looked so good on him. It gave him the "rock star" vibe. Ang guwapo-guwapo at ang sexy-sexy na ni Radcliffe ngayon. Hindi iyon napansin ni Bee six months ago dahil mas pinagtuunan niya ng atensiyon ang pagluluksa sa pagkawala ni Ryford sa Rai's. Pormal na ipinakilala si Radcliffe bilang bagong miyembro ng Rai's sa ASAP. Bumalahaw agad ng iyak si Bee at hindi kinaya ng damdamin niya ang balita kaya pinatay agad niya ang TV. Hindi rin niya sinubaybayan ang kahit anong balita tungkol sa "bagong Rai's". Hanggang sa ibigay sa kanya ng EIC ng Baby Pink ang free VIP ticket para sa concert ng Rai's at inutusan siyang gawan ng review iyon para sa online magazine nila. Trabaho iyon, kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay pumayag siya. At gaya nga ng sinabi ni Jolly, ang sarap-sarap ng trabaho niya dahil makakapanood na nga siya ng concert, babayaran pa siya. Sino siya para mag-inarte pa? "I love you, Rydell!" malakas at kinikilig na sigaw ni Jolly. Her best friend was a Rydell's Girl. At para bang narinig ni Rydell ang sigaw ng kaibigan niya, lumapit si Rydell sa puwesto nila at tumalungko sa kanilang harapan, saka kinindatan si Jolly. Nasa gilid lang sila ng stage kaya kitang-kita nila ang buhay na buhay na pagpe-perform ng Rai's. Lalong lumakas ang tili ni Jolly. "Anakan mo ko, Rydell!" Napangiti si Bee. Naalala niyang gano'ng-gano'n din siya kay Ryford noon. Nakakahawa ang pagiging masaya at maingay ng mga manonood ng concert kaya pansamantala niyang nakalimutan ang kalungkutan niya. Bee loved Rai's music, and the heartbreaking fact that Ryford wasn't part of the band anymore still wouldn't change her feelings. At mahal din naman niya sina Rykard at Rydell at sobrang saludo siya sa galing ng dalawa bilang mga performer. "I love you, Rykard!" sigaw ni Bee mayamaya, nang nag-e-enjoy na siya sa concert. Bukod kay Ryford ay gustung-gusto niya ang husky at sexy na boses ni Rykard, ang panganay ng McDonough Brothers. Nagkatinginan sina Bee at Jolly, saka nagbungisngisan. Gano'ng-gano'n din sila no'ng first major concert ng Rai's – parang mga teenager na kilig na kilig. Well, teenagers naman sila no'n. "And now, for our next song," sabi ni Rykard, bahagyang hinihingal pagkatapos nitong magtatatakbo sa stage habang kumakanta. "I am proud to present to you, Radcliffe McDonald with his self-composed song, 'Madly'." Biglang nagdilim ang stage. At mayamaya lang, tumutok ang spotlight sa lalaking nasa tuktok ng hagdan na nasa gitna ng entablado – si Radcliffe. He made the whole crowd go wild again with his crazy good guitar skills. Natulala si Bee, hindi makapaniwalang gano'n kagaling tumugtog ng gitara si Radcliffe. Para sa tulad niyang mahilig sa rock songs, heaven ang gano'ng kalakas at kagandang musika sa pandinig. Solo lang ni Radcliffe ang kanta, kaya naman dinig na dinig sa buong Samsung Hall ang malamig, mababa at buung-buo na boses ng binata. Nalungkot bigla si Bee. Pakiramdam niya ay nagtaksil siya kay Ryford dahil sa naisip niya. "Are you having fun, Manila?" tanong ni Radcliffe sa audience nang mag-instrumental sa gitna ng kanta, habang binubuksan ang cap ng hawak na bottled water. Hindi nakapagtatakang nauhaw ito sa kalagitnaan ng pag-pe-perform dahil kanina pa ito naglililikot sa stage. And no girl would probably complain. Kahit pawisan si Radcliffe, ang hot pa rin nitong tingnan, lalo na habang umiinom ng tubig! "Sana ako na lang ang boteng 'yan!" malakas na sigaw ng babaeng nasa pinakaharap na row. Narinig yata ni Radcliffe ang babae na napakalapit sa stage, kaya marahil napangiti ang binata habang sinasara ang cap ng bottled water. Pagkatapos, nakataas ang kilay na tinaas ni Radcliffe ang ininumang bote, na para bang tinatanong nito kung sino ang may gustong makakuha niyon "Me!" malakas at halos sabay-sabay na sigaw ng mga babae. Natawa ng mahina si Radcliffe. And boy, he had a nice boyish grin. Lalong naging playful ang aura ng binata nang nag-flying kiss ito sa lahat ng direksyon ng concert hall – sa kaliwa, sa kanan, sa likuran, at sa harapan. Muling nagwala ang crowd, lalo na ang mga babae. "Here you go!" natatawang sigaw ni Radcliffe, saka hinagis ang bottled water. Na hindi inaasahan ni Bee na tatama sa kanyang noo! Narinig niyang napasinghap si Jolly, at napamura si Radcliffe na rinig na rinig dahil sa mikropono, kasabay ng sigawan ng mga babae sa paligid niya na biglang pinagkaguluhan ang boteng nasa kandungan niya. At naramdaman na lang ni Bee ang malakas na pagsiko sa kanyang mukha, hanggang sa magdilim na ang lahat. *** UNTI-UNTING minulat ni Bee ang kanyang mga mata nang maramdaman ang kung anong malamig sa kanyang noo. Nananaginip yata siya ng masama dahil ang unang sumalubong sa kanya ay ang guwapong mukha ni Radcliffe McDonald. Isa 'tong pagsubok. Marahil ay binabagabag na siya ng konsensiya niya dahil sa pagtataksil niya kay Ryford. Masyado siyang nag-enjoy sa concert ng Rai's at kanina, naisip pa niyang guwapo at magaling si Radcliffe na para bang tinanggap na niya ito bilang kapalit ni Ryford. Bee was a Ryford's Girl so she should be loyal, no matter how handsome Radcliffe was, or how hot he looked on black, or how crazy good he was with guitars. "I hate you, Radcliffe McDonald," buong disgusto na sabi ni Bee. Nagulat siya nang gumuhit ang sakit at pagtataka sa mga mata ni Radcliffe. May damdamin ba ang mga guni-guni? "Bee!" saway ni Jolly sa kanya. Napabalikwas ng bangon si Bee, saka lumingon sa paligid. Nahulog sa tabi niya ang ice compress na nakapatong marahil sa noo niya kanina. Napansin niyang nasa backstage siya, partikular na sa dressing room, at nakahiga sa sofa. Kung gano'n, hindi pala panaginip ang lahat. Naaalala ni Bee na tinamaan siya ng bote sa noo kaya masakit iyon, pero hindi niya alam kung bakit pati ilong niya ay masakit. Dahan-dahan niyang kinapa ang tungki ng kanyang ilong. "Aw, dang. What happened?" Bumulong si Jolly sa kanya. "Best friend, tinamaan ka ng bottled water kanina, 'tapos nakuyog ka nang pag-agawan ng mga luka-lukang fangirls 'yong bote." Napailing na lang si Bee. "Pumaling ba ang ilong ko?" "Hindi naman, best friend. Dumugo lang." Napaungol si Bee. "Maganda pa ba ko? Asset ko pa naman ang ilong ko!" "Yes, you're still very beautiful, Bee." Natigilan si Bee nang marinig ang boses na dahilan kung bakit muntik na siyang magtaksil kay Ryford kanina. Kinalma niya ang sarili, at dumeretso siya ng upo bago hinarap si Radcliffe. "Yeah, thank you so much, Mr. Radcliffe McDonald," sarkastikong sabi niya. Halatang nagkonsensiya si Radcliffe. He got down on one knee, and held her hand. Pagkatapos ay tumingala ito sa kanya, kitang-kita ang sinseredad sa mga mata. "I'm really sorry about that, Bee. Hindi ko sinasadya." Natutunaw ang inis ni Bee dahil sa puppy dog eyes na 'yon ni Radcliffe. Naiinis siya sa sarili niya dahil do'n, pero nabunton niya ang galit sa binata. Binawi niya ang kamay niya rito. "Sana naisip mo 'yan bago mo ihagis ang bottled water na 'yon. At please lang, huwag mo kong tawagin sa pangalan ko na para bang close friends tayo." "I'm sorry, Miss Bee," buong-pusong paghingi ng paumanhin ni Radcliffe. Tumabi si Jolly sa kanya, saka muling bumulong. "Best friend, don't be too hard on Radcliffe naman. Nang nakita ka niyang nakukuyog, bumaba siya ng stage at binuhat ka niya – princess style! May video at pictures ako, gusto mo makita?" Kahit hindi pa sumasagot si Bee, walang pakundangang ipinakita ni Jolly sa kanya ang video na kuha sa SLR camera nito. Doon, nakita ni Bee si Radcliffe na bumaba ng stage. Agad na pinagkaguluhan ng mga fans si Radcliffe kaya halos hindi na ito nakagalaw, pero mabilis din namang dumating ang malalaki at matatangkad na bodyguards nito. Iginiya ng mga iyon si Radcliffe papunta sa direksyon marahil nila Bee, habang pino-protektahan pa rin ang front man ng Rai's. Nagkikislapan ang camera sa paligid ng binata. Salamat sa mga bodyguard, nakalapit si Radcliffe... kay Bee. Nagulat na lang si Bee nang makita sa video ang sarili na buhat-buhat na ni Radcliffe. Pinoprotektahan sila ng mga bodyguard para makadaan si Radcliffe nang hindi nahaharang ng mga fans. Tinapunan ni Bee ng masamang tingin si Jolly nang matapos ang video. "Nahimatay na ko, vinideo-han mo lang ako?" Nakagat ni Jolly ang ibabang labi. "Sorry, best friend." Gusto pa sanang konsensiyahin ni Bee si Jolly, pero naisip niyang nagmumukha na silang comedy duo ng kaibigan niya. Kaya hinarap na lang niya uli si Radcliffe. "Mr. McDonald, sana sa susunod, mag-ingat ka." Pagkasabi niyon ay tumayo na si Bee, pero biglang nanginig ang mga tuhod niya kaya muntik na siyang mabuwal, kung hindi lang siya nasalo ni Radcliffe. At no'n niya napatunayan na hindi lang pang-display ang mga muscle nito. They were the real deal! At bakit ang bango-bango pa rin ni Radcliffe kahit pawis na pawis ito sa stage kanina? "Hey, careful," malumanay na sabi ni Radcliffe habang inaalalayan siyang umupo uli. "You need to rest more." Gusto sanang singhalan ni Bee si Radcliffe dahil naiinis siya sa kabutihan at pagiging gentleman nito. Kaaway ito dahil ito ang may kasalanan kung bakit natanggal sa Rai's si Ryford, pero hindi niya magawang mainis dito kung gsabi nitong mabait ito sa kanya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Radcliffe. "Don't touch me," sigaw ni Bee na ikinagulat niya, na mukhang ikinagulat din ni Radcliffe. "Bee!" saway ni Jolly sa kanya. "No, it's okay. It's my fault anyway," mahinahon pa rin na sabi ni Radcliffe, saka nginitian si Jolly bago siya muling binalingan. There was that kind of gentleness in his eyes that seemed to melt whatever ill feeling she had towards him. "You're right, Miss Bee. Mag-iingat na ko sa susunod. I'm deeply sorry for what happened. Let me take a look at the damage again." Hindi na nakakilos si Bee nang ikulong ni Radcliffe ang mukha niya sa mga kamay nito, pagkatapos ay may kung anong tiningnan sa kanyang noo. Oh, God, he was so close. Nagkaroon tuloy siya ng laya na tahimik na pagmasdan ang guwapo nitong mukha. Kulay-abo pala ang mga mata ni Radcliffe. Nakakatuwa, para itong prinsipe sa mga fairy-tale, o Hollywood actor na gumaganap na knight-in-shining-armor. Napasimangot si Radcliffe, na pumutol sa pagmumuni-muni ni Bee. "You have a huge bump on your forehead. I'm sorry." Awtomatikong napahawak si Bee sa kanyang noo, at napasinghap siya nang makaramdam ng sakit. "Aw, aw." Napangiwi si Radcliffe. "Sorry, sorry." At bago pa malaman ni Bee, naramdaman na lang niya ang mga labi ni Radcliffe sa kanyang noo, sa gilid ng kanyang bukol. Nag-init ang mga pisngi niya, at nataranta ang buong sistema nang maramdamang nagustuhan niya ang ginawa ng binata. Pero mamamatay muna siya bago niya iyon aminin sa kaaway. Tumayo si Bee, himas-himas ang parte ng noo na hinalikan ni Radcliffe. Nang tumingala sa kanya ang binata na nakaluhod pa rin ay sinimangutan niya ito. "Anong akala mo sa kiss mo? Magic na maaalis ang bukol ko?" "Bee–" Tinapunan ni Bee ng nagbabantang tingin si Jolly. "Let's go home." Itinaas ni Jolly ang mga kamay. "Okay, fine." Tumayo si Radcliffe, mukhang hindi pa rin apektado ng kagaspangan ni Bee. "I'll drive you home, ladies." Napuno na si Bee kay Radcliffe. Bakit ba kahit inaaway niya ito ng walang dahilan ay hindi pa rin ito kakikitaan ng iritasyon? Nakahalukipkip na hinarap niya ang binata. "I'll let you do that, in one condition." Nagkibit-balikat si Radcliffe, maaliwalas pa rin ang mukha. "Fire it." "Sagutin mo ang tanong ko. Ano ang totoong dahilan kung bakit nawala si Ryford?" deretsong tanong ni Bee. Halatang nagulat si Radcliffe sa tanong niya. Sa unang pagkakataon ng gabing iyon simula nang taray-tarayan niya ito, napakunot ang noo ng binata. "Rad, you don't have to answer her question." Sabay-sabay na napalingon sina Bee, Jolly at Radcliffe sa mga bagong dating sa kuwarto na iyon – sina Rykard at Rydell na parehong nagpupunas ng pawis sa mukha at leeg gamit ang kanya-kanyang face towel. "That girl," pagpapatuloy ni Rykard na siyang nagsalita kanina, saka tinuro si Bee. "is a reporter. Naghahanap lang 'yan ng scoop." "Hindi kaya!" tanggi ni Bee. Iyon ang madalas ibintang ni Rykard sa kanya sa tuwing tinatanong niya kung bakit umalis ng banda si Ryford. "I'm just concerned." Ipinaikot ni Rykard ang mga mata, saka dumukwang sa harap niya habang iniinspeksiyon ang kanyang noo. "That's a nasty bump, Bee." Pagkatapos ay dumeretso ito ng tayo, at walang lingon na itinuro ng hinlalaki si Jolly. "Umuwi na kayo ng batchoy na 'yon." Ngumiti lang si Jolly. "I missed you, too, Rykard." Tinapik naman ni Rydell si Rykard sa balikat. "Stop bullying Jolly, Kuya." Nilingon si Bee ng binata. "And hey, Bee. You have a backstage pass. Nandito ka para interview-hin kami for Baby Pink magazine, right?" Tumango si Bee, saka tinuro ang malaking bukol sa noo niya. "Oo sana, pero injured ako. Maiintindihan naman ng Baby Pink kung hindi ko na kayo ma-i-interview. Gusto ko na kasi sanang magpahinga." Pero ang totoo, gusto lang niyang makaiwas kay Radcliffe. "Magpahatid na kayo kay Rad tutal siya naman ang may kasalanan," sabi ni Rykard. "No, it doesn't have to be him," matigas na tanggi ni Bee, saka nilingon si Rydell na nakikipaghuntahan na kay Jolly. "Rydell, puwede mo ba kaming ihatid ni Jolly?" Tumango si Rydell, pagkatapos ay inakbayan si Jolly. "Sure. Malakas kayo sa'kin, eh. Lalo na 'tong si Jolly." Bumungisngis si Jolly. "Kaya nga pakasalan mo na ko." "Umuwi na nga kayo!" sigaw ni Rykard, na hindi na nila ikinagulat dahil alam naman ng lahat kung gaano ito kapikon. "Let's go," nakangiting aya ni Rydell kina Bee at Jolly, binabale-wala ang iritasyon ni Rykard. Pagkatapos ay binalingan nito si Radcliffe. "Ako nang bahala sa kanila." Napipilitang tumango si Radcliffe, saka nilingon si Bee. He gave her a somewhat bashful smile. "Take care, Bee." Inirapan lang ni Bee si Radcliffe. Ang kaaway ay kaaway, kahit gaano pa ito kaguwapo, ka-hot at ka-gentleman. Well, buti na lang at iyon na ang huli nilang pagkikita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.2K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.7K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.7K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook