bc

Codename: Sinister

book_age16+
211
FOLLOW
1K
READ
murder
revenge
killer
dark
independent
brave
drama
no-couple
city
crime
like
intro-logo
Blurb

Shaika 'Sinister' Luna set only one mission for her entire life... it is to annihilate all the dirty politicians and the person who murdered her parents.

After she accepts the job of killing a mayor named Zeldris Tan, Sinister got shocked when she encounters another assassin who has the same goal as hers. That man is Owen Abalos, who happens to be a member also of the organization she joined: the Dark Knight.

As Owen took the task of assassinating Zeldris, Shaika got another mission. But while she carrying out her job, she discovered some malicious deeds of the organization leading her to oppose them.

Now she got lost on the thought of how she will continue fighting for her mission in life when the group she believes will help her are now her enemy.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1: SINISTER Sa mundo, mayroong dalawang uri ng tao. Isang inaapi, at isang nang-aapi. Bata pa lang si Shaika ay alam na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Alam niya, na kahit anong gawin niya, naroon pa rin siya sa uri ng inaapi. "Walang friends!" "Ang pangit kasi!" "Ang baho mo, hindi ka naliligo!" Sa murang edad, hindi pa alam ni Shaika ang salitang 'bully', ang tanging alam lang niya ay wala ni isa sa mga kaklase niya ang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Lahat sila ay pinagtatawanan ang kaawa-awang bata, at ang masakit, hindi niya alam kung bakit. Marami siyang naranasang pang-aapi: kagaya na lang ng batuhin ng eraser board sa mukha, tapunan ng basurahan sa ulo, pakainin ng papel, at i-lock sa loob ng classroom. Ang lahat ng 'yon ay nagawa niyang tiisin, pero kahit minsan, walang luha na tumulo sa mga mata niya. "Be a good girl sa school, baby Shai, ha?" "Opo, Mama." Ngiti at tango ang palaging sagot ng inosenteng bata sa ina tuwing magpapaalam ito sa kanya bago siya sumakay sa school bus na sumusundo mismo sa tapat ng bahay nila. Walang ideya ang mga magulang niya sa dinaranas niya simula sa umpisa ng pagpasok niya sa school, kahit kailan ay hindi sumagi sa murang isipan ni Shaika na magsumbong sa kanila tungkol sa ginagawa sa kanya ng mga kaklase niya. Gusto niya kasing makita palagi ang ngiti ng kanyang mama at papa kapag papasok na siya, alam niya na kapag pumapasok siya ay nagiging proud ang mga ito sa kanya. Naniniwala siya na matatapos din ang nangyayaring ito kapag natapos na rin ang school year, wala pa sa kaalaman niya ang salitang 'laban lang' pero iyon ang ipinapakita niya. Isang araw, dumating ang kaarawan niya... "Happy birthday, baby Shai! Five years old na ang princess namin," bati ng kanyang ama. Isang halik mula sa kanyang mama at papa ang gumising sa kanya sa umaga. "Dahil birthday ng aming baby, may regalo kami ni Papa para sa 'yo!" Malapad na ngiti ang isinukli ni Shaika sa mama at papa niya nang tanggapin niya ang isang paper bag na naglalaman ng napakagandang damit. "Ito ang isusuot mo pagpasok mo sa school, baby. Kasi... ikaw ang pinakamaganda at pinakamabait na baby sa buong mundo!" "Talaga, Mama? Puwede ko po isuot 'yung dress ko?" "Yes baby, kasi it's your day!" Masayang-masaya siya dahil naramdaman niyang espesyal ang araw na iyon. Sa wakas, maipapakita niya sa mga kaklase niya na maganda siya, na maganda ang suot niya. Nagkaroon siya ng pag-asa na ito ang magiging paraan para magustuhan na siya ng mga kaklase niya at magkakaroon na rin siya ng mga kaibigan... Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Shaika pagpasok sa room nila, naabutan niya ang mga kaklaseng naglalaro at nagkukulitan. Pagdating niya, sandaling natahimik ang lahat... Buong akala niya, kapag nakita siya ng mga kaklase niya na nakasuot ng pulang bistida ay matutuwa sila at magagadanhan sa kanya. Akala niya, babatiin siya ng mga ito ng 'happy birthday.' Pero kabaliktaran ang nangyari... Dahil sa kaakit-akit na gandang taglay ng damit na suot ni Shaika, lalo siyang napagdiskitahan ng mga kaklase, pinagtawanan na naman siya dahil kakaiba ang suot niya. Hinila siya ng limang batang lalake papasok sa kanilang CR... Doon ay walang awa siyang sinabuyan ng maruming tubig, inilulob pa siya sa inidiro. At mula ng oras na 'yon... tuluyan nang gumuho ang masayang mundo ni Shaika. Sa kabila ng malalakas na tawa ng kanyang mga kaklase dahil sa sinapit niya, nagawa pa rin niyang tumayo. Pinanood lang siya ng mga ito habang naglalakad palayo, akala nila ay pupunta lang sa isang sulok para umiyak. Pero hindi... Nabalot ng takot ang kanilang mga mukha nang isa sa kanila ay tinadtad ng saksak ni Shaika gamit ang gunting na nakuha niyang nakapatong sa lababo. Tama, isang batang babae, edad limang taong gulang, pumatay ng isang kaklase... Madumi at mabaho na ang kanyang bistida pero lalo itong namula sa dami ng dugong tumalsik doon. Walang kibo si Shaika kahit paulit-ulit siyang tinatanong kung alam na ba niya ang kanyang nagawa. Alam niya nga ba ang terminong, 'nakapatay ka ng kapwa mo bata?' Hindi. Ang alam niya, ginawa niya 'yon kasi nagalit siya na dinumihan nila ang pulang bistidang niregalo sa kanya ng kanyang mga magulang. "Mali ang ginawa mo, Shaika!" Sa halip na malungkot sa narinig na pagalit ng kanilang principal, sa unang pagkakataon, sumilay sa munting labi niya ang isang matamis na ngiti... naramdaman niyang ito na ang wakas ng pang-aapi nila, hindi na niya kailangan pang hintayin na matapos ang school year... Ilang araw pagkatapos ilibing ang batang napatay ni Shaika, akala niya ay natuldukan na ang lahat, wala nang mang-aaway sa kanya, wala nang tatawa ng nakakainsulto sa kanya. Pero hindi pa tapos ang bangungot ng kaawa-awang bata... Pag-uwi sa kanilang bahay, pagkatapos ng kanyang klase sa school, hindi alam ng isang bata kung paano niya titingnan ang kanyang mama at papa na naliligo sa sarili nilang dugo. "Mama... Papa..." mahina niyang sabi. "Mama... Papa..." paulit-ulit lang niyang sinasabi ito. Sa unang pagkakataon, may tumulong luha sa kanyang mata... hanggang sa pumalahaw na siya ng pag-iyak. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tawaging ang kanyang mama at papa sa pagitan ng bawat pag-iyak. Mapait. Masalimuot. Masakit. Mahirap. Lahat 'yon, naramdaman ng isang batang paslit. Sa mga oras na iyon, walang ibang laman ang isip ni Shaika kundi sisihin ang sarili niya dahil sa nangyari. Akala niya, dahil sa ginawa niya sa kaklaseng lalaki ay ito ang naging kapalit. Dahil sinasabi sa kanya ng mga teacher na mali ang ginawa niya, kaya pinarusahan siya ng ganito. Tumakbo ang kaawa-awang bata pabalik sa school, gusto niyang puntahan ang kanilang principal at humingi ng tawad sa ginawa niya sa pag-aakalang maibabalik nito ang kanyang mama at papa. "Anak." Bago pa siya makalayo sa kanilang bahay, isang lalaki na naka-damit na puro itim ang tumawag sa kanya. Nilapitan ng lalaki ang kaawa-awang bata, agad na niyakap at sinabing, "Mula ngayon, ako na ang iyong papa." Hindi na nakapagsalita si Shaika, hinayaan niya na lang lalaki na buhatin siya at isakay sa itim na kotse. *** Makalipas ang labing-limang taon... Sa loob ng Opisina, isang may edad na lalaki ang nakaupo at naghihintay sa inaasahang bisita. Wala pang isang oras mula nang tawagan niya ito para puntahan siya, pero nakarinig na siya ng pagkatok sa kanyang pintuan. "Come in," anyaya ng may edad na lalaki. "Good morning, 'Pa. Bakit mo ako pinatawag?" Isang magandang dalaga ang dumating, alam niya ang rason bakit siya pinatawag pero pormal pa rin siyang nagtanong bilang pagbati sa kausap. Ngumiti ang may edad na lalaki sa kanya at sinenyasan siyang maupo, kasabay n'on ay naglabas ito ng ilang papel. "Sinister, I want this guy... dead," aniya saka itinuro ang picture ng isang lalaki. Umupo ang dalaga bago sumagot, "Anong background nito, 'Pa?" Sinuri niya ang mga impormasyong nasa papel, alam niyang wala sa hawak niya ang sagot sa tanong niya. "Prostitution." Agad na tumayo si Sinister matapos marinig ang naging sagot sa kanya, kinuha ang mga papel saka sumagot, "Ako na ang bahala, Supremo." Pagak na tumawa ang kausap. "Sinister, anak, tayo lang naman ang nandito... hindi mo na kailangan pang maging pormal sa akin, wala naman ibang nakakakita at isa pa, anak naman kita." Natawa na lang din ang dalaga. "Sige po 'Pa, aalis na 'ko." Sa tuwing may ipapatrabaho sa kanya ang Supremo ay maaga itong ipinapaalam sa kanya para magkaroon siya ng mahabang oras na pag-aralan ang target. Umuwi agad si Sinister. Simple lang ang bahay na tinitirhan niya at siya mismo ang umisip ng disenyo nito base sa kung paano niya gustong kumilos sa loob nito na para bang mayroon siyang comfort zone. Pagtapat sa pinto ng kanyang kwarto, napangiti ang dalaga nang makita ulit ang gunting na nakasabit dito. Ito ang ginamit niyang pagpatay sa unang taong umapi sa kanya, ito ang simbolo ng kanyang katauhan. Bago simulan ang misyong ibinigay sa kanya, ibinabad muna ng dalaga ang kanyang sarili sa malaking bath tub at doon niya binasa ng maigi ang laman ng papeles na binigay sa kanya. "Isang Congressman na naman ang mamamaalam sa kanyang political career," komento ng dalaga nang masimulang mabasa ang personal information ng target niya. Nabasag ang tahimik na pagbabasa ni Sinister nang tumunog ang cellphone na nasa tabi niya. Kaswal niya itong kinuha at sinagot ang tawag ng kanyang pinakamatalik na kaibigan, "What?" [Shai—] "Stop calling me that, she's already dead fifteen years ago." [Whatever, Sinister,] aniya na may diin sa pagtawag sa pangalan niya. "Anong kailangan mo?" Ibinaba niya ang hawak na papeles at humiga muli sa bath tub. [Wala naman... gusto ko lang naman mangamusta sa lutang kong best friend na nangako sa akin na sasamahan akong mag-shopping pero hindi tumupad sa usapan.] Napangiti ang dalaga at agad na napahawak sa kanyang noo nang maalala ang tungkol sa usapan nilang iyon. "Sorry, Herlene. Tinawagan kasi ako ni Papa para sa sunod na mission, nakalimutan na kitang sabihan." [Bessy, wala akong natatandaan na magandang rason para unahin mo si Supremo kaysa sa akin.] Alam ni Sinister na nagtatampo lang ang kaibigan kaya nakapagsalita ito ng gano'n, hinayaan na lang niya ito dahil sigurado naman siyang biro lang ni Herlene 'yon. "Sorry na kasi, promise ko sa 'yo pagkatapos mamatay ni Congressman, pupuntahan kita agad diyan. Okay?" [Yeah, whatever.] Ibinaba na ng kausap niya ang tawag. *** Madaling araw ang oras na napili ng dalaga para gawin ang trabaho, kalimitan ay lilipas muna ng araw, linggo o buwan bago niya gawin ito dahil kumakain pa ng oras ang pag-obserba sa target, pero ngayon ay gusto niyang madaliin para sa kaibigan niyang nagtatampo. Gumayak ang dalaga ng pananamit bilang isang bayarang babae, nagsuot siya ng short na kulang na lang ay ipakita niya ang panloob at isang crop-top. Itinago niya sa suot niyang panloob sa itaas ang gagamitin niyang weapon. Natigilan ang dalaga nang makita ang kanyang picture noong limang taon pa lang siya, ito ang picture na kasama si Supremo—ang araw kung saan naging opisyal siyang miyembro ng kanilang organisasyon. Naalala niya pa, dahil sa kanyang nakaraan, ipinangalan sa kanya ang 'Sinister' dahil sa ginawa niyang pagpatay sa kapwa niya bata. Inalis niya ang tingin sa picture dahil ayaw niyang may maalala pang iba, mas importanteng matapos niya agad ang misyon niya. Naka-kotse ang dalaga papunta sa lugar ng target, ipinarada niya ito na malayo sa mismong location. Isa itong bahay-aliwan, sikretong negosyo ng kagalang-galang na Congressman. Kaswal siyang naglakad sa kalye, alam niyang walang maghihinala sa kanya dahil maraming bayarang babae ang gumagala sa paligid ng lugar na iyon lalo kapag ganitong madaling araw pa lang. Malayang nakapasok sa bahay-aliwan si Sinister. Detalyado ang impormasyong ibinibigay ng organisasyon, nakalagay doon kung saang kwarto gumagawa ng kababalaghan ang Congressman. Napangisi pa nga ang dalaga dahil nakatago ang kwartong 'yon, mas mahigpit ang seguridad at doble ang nakatutok na CCTV, mas exciting itong pasukin para sa kanya. Nasa third floor ang kwarto ng target, ang iba siguro ay maiisip na pasukin iyon ng patago para madali nilang magawa ang trabaho nila, pero iba si Sinister, mas gusto niya ang thrill kaya ang delikadong paraan ang gagawin niya. 'Ano bang kinakatakot nila sa CCTV?' Tanong ng dalaga sa isip niya, ang iba kasi na may masamang balak din ay tiyak na iiwas makita rito pero siya... pag-akyat dito ay umarte pa siya na akala mo nasa tabing dagat dahil sa mabagal na paglalakad nito sa hallway na kabi-kabila ang camera. Bukod sa CCTV ay madami rin ang nagkalat na guards dito, hanggang third floor lang naman ang bahay-aliwan na ito at hindi pinapagamit itong pinakataas dahil nga sa may tinatago silang malaking isda rito. "Hoy! Alam mo bang pinagbabawal ang—!" Hindi na natapos ng lalaki ang sinasabi niya dahil dinuduro niya pa lang si Sinister, nakasipa na agad ito sa pagmumukha niya dahilan para mawalan na agad siya ng malay. Hanggang sa sunod-sunod na siyang inatake ng mga mahihinang guard ng Congressman, wala manlang ni isa sa kanila ang nakapagbigay ng galos sa dalaga, sobrang bilis lang ng mga pangyayari. "I am not Sinister for nothing", sabi ng dalaga nang makitang tumba na ang lahat. Agad niyang pinasok ang kwarto ng target. "S-sino k-ka?" ani Congressman. Nakahubad pa ang may edad na lalaki at may katabing babae na sa tingin ni Sinister ay mas bata sa kanya. Hindi na lumapit ang dalaga sa target, masyadong mataba ang katawan niya kaya madali lang para sa kanya na inihagis at ipatama dito ang isang injection na may matapang na uri ng lason, napasigaw ang katabi nitong babae nang tinamaan ang Congressman sa leeg. Habang tinititigan ni Sinister na bumubula ang bibig nito, napangiti siya nang nabawasan na naman niya ang uri ng mga demonyong nagsusuot ng barong. Bago tuluyang malagutan ng hininga ay sinagot siya ng dalaga. "I am Sinister, an assassin, at your service."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

Dangerous Spy

read
297.5K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.2K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook