bc

Insigne

book_age16+
263
FOLLOW
1K
READ
adventure
friends to lovers
princess
twisted
bxg
another world
friendship
self discover
superpower
selfish
like
intro-logo
Blurb

In a monarchy nation, there is an unknown race who has a power to control fire.

They are peacefully living in their country but suddenly a changed come when the Queen gave birth to the successor of the throne, a twins that is a symbol of curse to their clan.

To avoid the curse, the King decided to abandon one of his child and let the other one to stay for inheriting the throne.

After eighteen years, that abandoned child is now Rhys Amara...

Even though she is a curse princess, Rhys wants to have a simple and peaceful life.

While she enjoying her normal life, her identity she's trying to hide forever been known by the entire country and a chaos came to the Kingdom as the King and Queen been abducted.

How can Rhys Amara response to it?

Is she going to save her parents?

Can she continue living her normal life after her secret been known?

Are the people may see her as a Princess despite of being a curse?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1: TOURNAMENT OF FLAMES Rhys's POV Simple at tahimik na buhay... Sino ba ang may ayaw do'n? Magagawa mo lahat ng gusto mo na walang nagdidikta sayo, malaya kang nakakakilos, wala kang iniisip na problema, enjoy lang! Maaga akong bumangon dahil importante para sa akin ang araw na ito. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko, at bumungad sa akin ang maaliwalas na tanawin sa labas. Ang tahimik at payapang paligid... Nasa gitna ng kagubatan ang bahay namin, malayo sa kabihasnan. Habang nakatanaw sa labas, napansin ko na basa na ang mga dahon ng halaman na nasa ibaba ng bintana ko. Ibig sabihin mas maaga na naman bumangon si In-ma kaysa sa akin. Nagawa na niyang magdilig ng mga halaman niya, at sigurado ko maya-maya lang ay maaamoy ko na ang niluluto niyang almusal. Dahil malayo kami sa mga tao, naging aliwan na ni In-ma ang magtanim ng mga bulaklak. Tapos minsan naririnig ko siyang kinakausap ang mga 'yun, napapaisip nga ko hindi kaya sumagot nalang sila bigla? Joke lang, In-ma. Pagkatapos kong lasapin ang sariwang hangin mula sa labas at sandaling tumulala, nagpasya na akong magligpit ng hinigaan ko. Muntik ko nang makalimutan na may pupuntahan pa pala ako. Mabilis akong naligo at nagbihis, pagkatapos ay pinuntahan ko na si In-ma sa kusina. Naabutan ko siyang naghahain ng pagkain. "Good morning, In-ma! Ang aga mo nagising, ah. Nakita ko nadiligan mo na agad 'yung mga bulaklak mo. Bakit, In-ma? Mas excited ka ba kaysa sa 'kin sa pag-alis ko?" Kahit busy sinagot niya ako, "Tigilan mo nga ako. Kahit hindi ka aalis maaga talaga ako bumabangon. Hindi gaya mo maaga lang kapag aalis." Umupo ako sa hapag-kainan, "In-ma naman, hindi na kayo mabiro. Bakit ba 'pag babatiin ko ang paggising niyo ng maaga sermon inaabot ko?" reklamo ko. "Kumain ka nalang para may lakas ka sa paglalakad, malayo pa pupuntahan mo." Napangiti nalang ako, sobrang swerte ko talaga na siya ang nanay ko. Halatang-halata kay In-ma kung gaano siya ka-busy para sa pag-aasikaso sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko, tumayo ako at niyakap ko si In-ma mula sa kanyang likuran. Kahit alam kong may chance na pagalitan niya ako dahil ayaw niya na ginugulo ko siya kapag may ginagawa. "Promise, In-ma. Ako ang mananalo. Uuwi ako na dala ang trophy at wala kahit isang pasa o paso." Tinigil niya ang kanyang ginagawa at humarap sa akin, napapikit pa ako ng bahagya kasi akala ko papagalitan ako, "Makita ko lang na masaya ka, sapat na sa akin iyon anak." Lalong lumapad ang ngiti ko, "Halika, In-ma. Sabayan mo na ako kumain." *** "Naglagay ako ng pagkain sa bag mo, ha. Kumain ka doon. Huwag ka rin magpapatuyo ng pawis. Naglagay rin ako ng towel at damit mong pamalit tapos—" Nakangiti ako, "Opo, In-ma. Alam ko na po. Gagawin ko po lahat ng bilin niyo." sabi ko. "Mag-iingat ka doon Rhys, ha?" Niyakap niya ko, ramdam ko talaga ang pag-aalala niya sa akin. Ito kasi ang unang beses kong sasali sa tournament na iyon. "Dalaga ka na talaga, dalaga na aking haie." Bumitaw ako sa pagyakap sa akin ni In-ma, ayokong sirain ang moment namin pero ayoko rin na tinatawag niya akong 'kamahalan.' "Aalis na po ako." *** Tournament of Flames... isang palaro dito sa lugar namin kapag Festival. Taun-taon mayroong Festival sa amin bilang pag-celebrate ng pagsilang ng aming lahi sa mundo kaya taun-taon din ang Tournament dito sa amin, typical na viyon o village pa rin naman ang Aporra; may kainan, may banda, may sayawan, kantahan at heto... mga palaro. Isang linggong kasiyahan ng buong Bansa. Ito ang unang Festival na pupuntahan ko dahil sa tournament. Ine-enjoy ko ang buhay ko kaya gusto kong ma-try ang sumali sa ganito. Ang totoo hindi talaga kami nakikihalubilo o nakikisaya kahit pa taun-taon ang celebration nito, lalo na si In-ma. At ang rason ay... dahil sa totoong pagkatao ko. Matapos ang mahabang paglalakad, nakarating din ako sa isang maliit na Arena kung saan gaganapin ang Tournament of Flames. Sobrang excited na talaga ako! Hindi pa ko nakakalapit sa mismong Arena nakakarinig na ko ng bulungan. Pansin ko na agad ang mga tinginan ng mga tao sa akin. Sobrang rare yata talaga makakita ng babae sa ganitong uri ng palaro. Nakakainis talaga ang discrimination, so dahil babae ka hindi mo na kaya gawin ang ginagawa ng lalaki? Baka sampalin ko pa sila ng kaliwang kamay ko na may insigne eh. Ah! Speaking of insigne, kailangan ko pala muna itong itago baka hindi ako pasalihin kapag nakita nila ito. Nang matakpan ko na ay lumapit ako sa mesa na nasa gilid ng pinto papasok sa Arena, nakita ko ang isang lalaki kanina na nagpa-register ng pangalan niya dito. "Rhys Amara Aventinus, babae, eighteen years old," sabi ko. Saglit akong tiningnan ng lalaking kumukuha ng details ng mga contestants pero binalik niya lang ulit ang tingin niya sa kausap niya. Naikuyom ko agad ang kamao ko, ayoko pa naman sa lahat pinapahiya ako. Agad na umakyat sa ulo ko ang inis, kung ayaw nila ng maayos na usapan handa akong sunugin ang buong Arena na ito. "Misphera!" Sigaw ko sa incantation ng fire ball at agad kong pinasabog ang basurahan na una kong makita. Nadinig ng lahat na nandito ang pagsabog, ang ilan ay nagulat pa. Matalim akong tumingin sa lalaking kumukha ng names ng contestants pagkatapos ng ginawa ko. "Uh... ano nga po ulit ang pangalan niyo?!" Nataranta siya bigla. "Gusto mo pala may sasabog muna bago mo ako pansinin, edi sana sinabi mo agad," sabi ko. Pagkatapos ko mag pa-register, pinabunot ako ng number. Ang sabi niya kasama raw na ililista ang number na nabunot namin tapos ibo-bola ng sabay-sabay para malaman kung sino ang magkakalaban. Inabala ko ang sarili ko sa pagmamasid ng paligid, habang naghihintay. Kanina habang naglalakad ako nadadaanan ko na ang ilang mga pwesto ng mga nagtitinda ng street foods at kung anu-ano pang makakain. Mayroon ding mga nagtitinda ng iba't-ibang uri ng souvenirs at may mga Circus na nag pe-perfrom sa mini stage. May palaro rin para sa mga bata, at mga larong pang perya. Excited na rin ako sa mabibili kong pasalubong para kay In-ma. Ilang minuto lang ang tinagal ng aking paghihintay, sakto lang pala ang dating ko kasi magsisimula na ngayon. Nakarinig kami ng announcement galing sa isa pang staff ng tournament. "Tapos na pong ibola ang mga numbers ng contestants, pwede na po tayong pumasok lahat sa loob ng Arena." Pagpasok ko, simpleng itsura ng isang establishment ang nakita ko sa loob. Puti ang pintura ng pader, may ilang design ng paintings, halaman, at naka-tiles ang sahig. Dinala ako ng agos ng mga tao sa bleacher seats. Narito kami sa pinaka itaas na bahagi. Kagaya ng nakikita ko sa mga taong nasa ibang side, bumababa rin ang mga nasa unahan namin para mapuno ang mga upuan sa unahan. Habang patuloy na naglalakad pababa ang mga tao, sinusulyapan ko na ang battle field. Nasa gitna ito ng nakapaikot na bleachers seat. Sa wakas ay nakaupo na rin ako, nakapwesto ako sa medyo gitna ng bleacher seats. Nakumpirma ko rin na hindi ng lahat ng nandito ay contestants, ang mga nakaupo sa ibang sides ang mga manonood at kami naman na nandito sa side na ito ang mga contestants. "HANDA NA BA ANG LAHAT?!" Isang malakas na sigawan ang umalingawngaw sa buong Arena nang marinig nila ang boses ng Announcer sa speaker. Dahil first time ko sa ganito, medyo nagulat ako sa reaksyon ng mga tao. "Magpapakita kami sa screen ng sampung pares ng mga numbers na maglalaban. Bago ito maubos ay magpapakita kami ulit ng another set of ten contestants. Kaya kapag nabasa niyo ang number niyo sa screen, agad kayong tumayo at sasamahan kayo ng ating marshal papunta sa isang waiting room." Nag-flash sa screen ang mga numbers ng mga magkakalaban: #7 vs. #67 #78 vs. #34 #35 vs. #58 #98 vs. #22 #29 vs. #9 #40 vs. #50 #47 vs. #89 #31 vs. #11 #80 vs. #36 #2 vs. #51 Binasa ko ang numbers at agad kong hinanap ang number ko. Ang nabunot ko ay #56 kaya ibig sabihin, hindi pa ako lalaban. Agad na may mga tumayong lalaki sa iba't-ibang direksyon. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ng mechanics ng Tournament ang Announcer, "Bibigyan ng ten minutes ang bawat contestants para sa laban. Kung sino ang huling nakatayo sa loob ng ibinigay na oras ay siya ang panalo. Kung wala namang matumba at natapos ang oras, judge ang bahalang kumilatis kung sino ang may kaunting natamong damage upang tukuyin kung sino ang panalo. Sa mga contestants naman, maari kayong mag-taas ng kamay kung kayo ay suko na sa laban at agad na ihihinto ito ng referee." "Ang lahat ay maaring gumamit ng kanilang apoy para sa laban. Anomang aksidente ang mangyari ay pananagutan ng ating Officials. Nakahanda rin ang ating mga medic sa gilid ng battle field para gamutin ang mga may injury. Mayroon din tayong ambulance kung sakaling kailanganing dalhin sa hospital." "Contestants, amin lang pinapaalala na ang labang ito ay parte lang ng ating celebration ng Festival at wala po sanang personalan." "Without further ado, let's start the Tournament of Flames!" Simula bata ako, wala pa akong nasasaksihang totoong laban. Kaya nakaka excite! Narinig ko muli ang sigawan ng mga tao kaya sumilip ako sa battle field. Nakita kong may dalawang lalaki na ang magkaharap doon at isang referee. Maliit lang sila tingnan mula rito sa pwesto ko dahil may kalayuan ang distansya pero kaya ko naman silang makita na parang kaharap ko lang. Inalis ko ng dahan dahan ang balot ng aking kaliwang kamay, gagamitin ko ang xishan o skill ng aking insigne para makita ko ng malapitan ang laban. Ang insigne ay may limang uri na kinuha ang itsura sa hayop, ginaya rin nito ang ilan sa ability ng hayop na kapareho niya. Ang simbolo ng insigne ko ay Toran Eagle, kaya ang ability ng hayop na eagle ang xishan na meron ako. Isa dito ay ang makita ng malinaw ang mga bagay kahit pa malayo ito. Mahina kong sinambit ang incantation... "Ossu or meis: spicio." Umilaw ang insigne ko patunay na gumana na ang incantation na binigkas ko. Naramdaman ko na gumana na ang kapangyarihan nito at pagtingin ko nga sa battle field ay medyo nagitla pa ako dahil biglang nakikita ko na sila na parang kaharap ko lang sila. "Ado anda!" sigaw ng announcer sa speaker na ang ibig sabihin ay maghanda. Sa pagtunog ng bell ay nagsimula na ang palitan ng atake ng dalawa. Nasa screen ang numero ng naglalaban pati na rin ang picture nila, kaya may pagkakakilanlan ang mga manonood sa kanila. Ang naglalaban ngayon ay sina #7 at #67. Nagsimula ang laban sa isang normal sparring. Nagbago ang uri ng laban nang magbato si #67 ng fire ball, nailagan iyon ni #7 kaya bumawi siya at binato niya rin ng fire ball ang kalaban niya. Hindi inaasahan ni #67 na babatuhin din siya ni #7 ng atakeng ginawa niya kaya hindi niya ito nailagan. Nagtamo siya ng sunog dahil sa atake pero hindi niya ito ininda. Lalong umingay ang buong Arena dahil sa naging tagpong 'yun. Nakita ko ang pagbuka ng bibig ni #67 tanda na nagsabi siya ng incantation, tapos lumitaw sa kanyang kamay ang isang fire sword. Ginaya siya ni #7, ngayon ay next level na naman ang laban. Isang sword to sword battle! Nagpapalitan lamang sila ng atake. Iwas dito, iwas doon. Sangga dito, sangga doon. Paulit-ulit lang. Parang naging pustahan pa ang naging laban, naririnig ko ang iba na may kanya-kanya ng pambato. May kanya-kanyang chi-ni-cheer. Hindi na pinatagal pa ni #7 ang laban, nang makahanap ng opening agad siyang nagpa-ulan ng madaming fire blade kay #67. At dito na nga ay may tumumba na! Tumindi na naman ang sigawan ng mga tao dahil sa nangyari. Lumapit ang referee sa gitna nilang dalawa at nakita ko ng senyas niya ng pagbilang. Hindi talaga nagsasawa ang mga tao dito kakasigaw, tuwang-tuwa ang karamihan nang i-announce na ang pagka-panalo ni #7. Napabuntong hininga ako, pigil pala ang hinga ko. Masyado akong nag-focus sa laban. Bago ko inalis ang tingin ko sa battte field, nakita ko na papalapit na ang mga medic sa dalawang contestants para i-check at gamutin ang mga injury nila. Napasandal ako sa upuan ko, ang saya manood ng laban! Parang isang live action ng eksena sa movie, para silang mga artistang nagpe-perform ng kanilang stunts. Astig! Sayang lang at wala silang insigne, mas exciting sana kung makakapanood ako ng laban ng dalawang contestants na mayroon para may idea rin ako paano ang tamang pag gamit nito. "Para sa susunod na maglalaban, maari na po kayong magpunta sa ating battle field." Narinig ko na may nagsalita sa speaker kaya napatingin ako ulit sa battle field. Ayon sa screen, sina #78 at #34 naman ang sunod na maglalaban. Hindi na ako makapaghintay sa magiging laban ko. Ngayon ko na-realize na ang tagal pala ng ten minutes. Nakaramdam ako ng antok, maingay ang buong paligid pero mas nananaig ito. Ang aga ko kasi nagising tapos nagsimula na kong ma-boring, siyam na pares pa ang maglalaban bago ang next set kaya mabuti kung umidlip muna ako... *** "Haie, gumising na po kayo." Napadilat ako ng mata nang may marinig akong bumulong sa akin. Teka... bumulong? Sino? Tumingin ako sa mga katabi ko pero lahat sila ay busy sa pag-cheer at pagsigaw sa nangyayaring laban kaya tingin ko hindi isa sa kanila 'yun. Nahiya naman ako lumingon sa likuran ko, kaya mas pinili kong hayaan na lang. Ah oo nga pala! Ang laban makakalimutan ko na naman. Agad kong sinilip ang numbers sa screen, sila na pala ang huling maglalaban. At swerte ako dahil sakto lang ang gising ko. "Bago natin simulan ang huling laban para sa first set of ten, amin munang ipapakita ang second set of ten! Kapag nabasa niyo po ang inyong number sa screen, agad po kayong pumunta sa ating waiting room. Maraming salamat po." Binasa ko agad ang second set nang lumabas na ito sa screen. Napangiti ako nang malapad, at last! Nakita ko na ang number ko sa screen!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.8K
bc

EASY MONEY

read
174.2K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.3K
bc

Dangerous Spy

read
297.9K
bc

YOU'RE MINE

read
893.4K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook