bc

Something Hot (R18/SPG)

book_age0+
22.9K
FOLLOW
140.8K
READ
revenge
alpha
sex
one-night stand
kinky
boss
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

What Vanessa wants, Vanessa gets. Pero mukhang iba ang sitwasyon sa oh-so-hot-and-gorgeous niyang kapitbahay na si Fern Fletcher. Isa itong kilalang chef pero mukhang mas masarap pa ang lalaki kesa sa mga niluluto nito. Too bad, she got the hots for him. Hindi lang yata iilang beses niyang na-imagine ang binata na pinapaligaya siya. And not the kind of smiling-with-twinkling-eyes happiness, but the moaning-and-screaming-his-name kind of happiness. Gosh, nagiging pervert na siya dahil dito! At mukhang umaayon kay Vanessa ang pagkakataon. Magaling lang palang umarte si Fern. Nalaman niya na kung gaano kablangko ang mukha nito tuwing magkaharap sila, ganoon din pala katindi ang pagnanasa ng lalaki para sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang ni Vanessa na meron na silang "no-strings-attached-I-just-want-your-body relationship." At may "exclusive rule" sila sa isa't isa: No falling in love. You fall in love, you lose.

chap-preview
Free preview
1st Sizzle
"YOU'RE a drifter, Vanessa." "What made you say so, Jack?" natatawang tanong naman ni Vanessa. "Dahil sa trabaho ko, stuck ako dito sa city. The last time I went abroad for a vacation was like, two years ago? Ni hindi ko nga mabisita ang parents ko sa Laguna dahil sa dami ng accounts na hawak ko ngayon." "Hindi 'yon ang sinasabi ko," nakangisi at iiling-iling na sagot naman ni Jack. "By drifter... I mean you're the kind of person who finds it easy to leave when things start to get ugly. You pack your things and move forward, never looking back, never caring about the people you leave behind to save yourself from any kind of pain. You only stay for the good times." Well, kung may balak si Jack na sirain ang appetite ni Vanessa, successful ang ex-boyfriend niya. Ganadong-ganado pa naman siyang ubusin ang best pesto penne na natikman sa buong buhay niya. Pero dahil sa mga sinabi nito, nawalan na siya ng gana. Sumandal siya sa kinauupuan at nag-slow clap. "Gumaganti ka, 'no? You want to get back at me for dumping you. That's why you're making me feel bad about myself right now, when I'm having the best pesto penne ever," biro ni Vanessa. Natawa lang nang mahina si Jack, pagkatapos ay bumaba ang tingin sa Italian sausage panini nito. "I'm planning to propose to my girlfriend this weekend, Vanessa." "Ikaw? Seryoso, Jack? Sigurado ka?" "Well, not now. Thanks," sarkastikong sagot ni Jack at binigyan siya ng masamang tingin. Pero halata namang nagbibiro lang ito dahil natawa rin agad. "Alam ko ang iniisip mo, Vanessa. If you conduct a survey, I'm sure everyone who knows me will agree that I'm not fit to be a decent husband. Gaya nga ng madalas mong sabihin dati, sa paggamit ng condom lang ako nagiging responsable. I don't give a s**t about anything else. Kahit ako mismo sa sarili ko, hindi rin sigurado sa gagawin ko." "Eh, bakit magpapakasal ka? Nabuntis mo ba ang girlfriend mo?" "No. I'm in love with her." Tumaas ang kilay ni Vanessa. "That's lame." Natawa lang uli si Jack. "Hindi ka pa rin nagbabago. Iwas na iwas ka pa rin pagdating sa mga ganitong bagay. We both know you hate things that have something to do with love. Marriage, courtship, commitment. Daig mo pa ang lalaki sa pag-iwas sa mga bagay na 'yon." "Hindi kaya," kaila naman ni Vanessa. "Sinuportahan ko nga si Champagne sa pagkabaliw niya kay James Grande, 'di ba? Naniniwala ako sa true love... kapag sa ibang tao nangyayari 'yon." Tumalim ang tingin niya kay Jack para biruin ito. "Sinasaktan mo naman ang feelings ko. You make it sound like I'm a heartless woman. Bakit ka ba talaga nakipagkita sa 'kin?" Sumandal si Jack sa kinauupuan at humalukipkip habang matamang pinagmamasdan siya. Ganoon din ang ginawa ni Vanessa. Masarap naman kasing titigan si Jack dahil guwapo ito. Well, kung mahilig ka sa mga lalaking mahahaba ang buhok, balbas-sarado, at may tattoo sa mga braso, matitipuhan mo ang binata. Art Director si Jack sa isang malaking magazine. Isa itong "artist" pero hindi gaya ng iba na may sariling mundo, masasabi niyang outgoing ang binata at madaling pakisamahan. Idagdag pa na parati itong nakangiti kaya parang parati ding kumikislap ang mga mata nito. Despite his rugged appearance, he was actually gentle and sweet. "Nakipagkita ako sa 'yo ngayon para masiguro kong wala na talaga akong nararamdaman para sa 'yo," seryosong sagot ni Jack. "Siguro nga isang taon lang na naging tayo, pero iyon ang pinakamatagal kong naging relasyon sa buong buhay ko. You were special to me, Vanessa." Ngumiti lang si Vanessa. Hindi niya masabi na ganoon din si Jack sa kanya dahil kahit totoong isang taon silang naging official, wala itong ipinagkaiba sa mga lalaking nakarelasyon niya. Nagustuhan niya si Jack dahil gaya niya, easygoing ito. Kahit ito lang ang pangalawang lalaki na tinawag niyang boyfriend (una ay iyong nakarelasyon niya noong nasa college siya at naniniwala pa sa fairy tales) ay hindi siya na-pressure na seryosohin kung anuman ang mayroon sila dahil hindi naman ito demanding. Pero naging faithful siya sa binata. Iyon ay kung hindi bibilangin ang mga pagkakataong nakipag-flirt siya sa random guys na nakilala niya sa mga bar tuwing girls' night out nila ng mga kaibigan o kaopisina. Still, she only slept with Jack during the full year that they were together. Maybe she did like him a lot, but not enough to make her keep him. Hindi ito ang lalaking gustong makasama ni Vanessa nang matagal kaya wala siyang pagpipilian kundi ang pakawalan ito. Nakagat niya ang ibabang labi nang may na-realize sa sarili. Ouch. Medyo heartless nga ako, 'no? "I was miserable for the next eight months after you dumped me," putol ni Jack sa katahimikan. "Pero ngayong nakikita kita, mukhang hindi ka naapektuhan sa paghihiwalay natin." "I missed the times you tried to teach me how to cook," bawi ni Vanessa. Hindi naman ganoon katigas ang kanyang puso. "Totoo." Ngumiti si Jack. Alam nitong hindi siya nagsisinungaling sa bagay na iyon. "Pampalubag-loob?" "For the last two months, I'm assuming na masaya ka na," nakangiting pagbabago ni Vanessa sa usapan. Sampung buwan na silang hiwalay ni Jack (kung hindi siya nagkakamali) kaya kung walong buwan itong naging miserable, siguradong masaya ito sa huling dalawang buwan. "Sa two months na 'yon mo ba nakilala ang 'The One' mo?" Naging maaliwalas ang mukha ni Jack, halatang masaya na pag-usapan ang babaeng gusto nitong pakasalan. "Her name's Sophie. She's wonderful. Gusto ko na siyang itali sa baywang ko para hindi na kami magkahiwalay. That's how much I like her, and how much I want to be with her. Siya rin ang dahilan kung bakit nagpapakatino na 'ko ngayon." Mahinang natawa si Vanessa, masaya para kay Jack. "Well, there, you have your answer. Kasama mo 'ko pero mukhang si Sophie pa rin ang nasa isip mo. Congratulations, Jack. You're completely over your 'heartless' ex-girlfriend now." "Mukhang masaya ka talaga na wala na 'kong nararamdaman para sa 'yo. Did you want to get rid of me that bad?" halatang nagbibirong tanong ni Jack. "Alam mong ayokong may lalaking nagkakaro'n ng seryosong feelings para sa 'kin," depensa naman ni Vanessa. "I know I'll sound conceited for what I'm about to say, but who cares? You know how haughty I get most of the time." Bumuntong-hininga siya habang iiling-iling. "Nagi-guilty ako kapag may lalaking nagkakagusto sa 'kin nang seryoso dahil bukod sa hindi ko kayang i-reciprocate ang feelings nila, I feel bad for them for wasting their time on me instead of using it to find someone else to like. Someone who will actually like them back and treat them better than I could." "That's why you dumped me, pagkatapos kong i-demand sa 'yo na seryosohin mo ang relasyon natin kaysa itrato mo 'ko na parang casual hookup lang." "Nakilala mo si Sophie after our breakup, right?" "Point taken." Nakangiting inilahad ni Vanessa ang kamay. "Do we have a decent closure now, Jack?" Natatawang tinanggap ni Jack ang pakikipagkamay niya. "We finally have, Vanessa. Thank you." Binawi na ni Vanessa ang kamay at napasulyap sa wristwatch niya. "Oops. I have to go. Skype time na namin nina Mommy at Daddy. Magagalit sila kapag nalaman nilang nasa labas ako, knowing that this is our family time." Tumango si Jack. "Ah, oo nga pala. Sorry for keeping you here." Dumako ang tingin nito sa kanyang pagkain na hindi na nagalaw. "At kung nawalan ka na ng gana dahil sa mga sinabi ko. Just a little payback for breaking my heart before." Tinawanan lang iyon ni Vanessa dahil alam niyang nagbibiro lang si Jack. "Mukhang kailangan ko ang comfort food ko after you made me feel awful about myself." Umiling-iling ang binata na parang sinasaway siya. "You may want to stop that bad habit of yours." Naging pilyo ang ngiti nito. "I heard you're not seeing anyone right now. How do you plan to lose the calories you'll definitely get from your so-called comfort food when the activity you need for that requires another person?" Lalong natawa si Vanessa. Private joke nila iyon ni Jack. Pero sa pagkakataong iyon, wala siyang naramdamang malisya o ibang implikasyon sa paggamit nito sa biro nilang iyon. Mukhang gusto lang talaga siya nitong tuksuhin. "I think I can manage, Jack." "Whatever the drifter says." *** ANO NAMAN ang masama sa pagiging "drifter?" Iyon ang tanong ni Vanessa sa sarili habang solo niya ang elevator at busy sa pagkain sa fries na nasa hawak niyang paper bag. Inaamin niya na totoo ang lahat ng mga sinabi ni Jack kanina tungkol sa kanya. Hindi niya sineseryoso ang kanyang mga relasyon. Alam niya kasi na kahit gaano ka-perfect o ka-fit sa isa't isa ang dalawang tao, darating pa rin ang oras na masisira ang lahat. Ano naman ang masama kung gustuhin na niyang umalis agad bago pa iyon mangyari? Ayaw lang naman niyang magbaon ng bad memories mula sa mga lalaking nakarelasyon. She wanted to part ways with the guy she was seeing before things got uglier between them. That was exactly the reason why she was still friends with most of the men she used to date. "Ayaw mo bang magkaro'n ng steady relationship with a decent guy? Kaysa naman papalit-palit ka ng lalaki na para bang nagpapalit ka lang ng panties mo," madalas na sermon sa kanya ng hopeless romantic niyang kaibigan na si Eleanor. Tatawanan lang ni Vanessa si Eleanor at sasabihing, "What's the point of investing your emotions in a person na hindi mo naman sigurado kung mag-i-stay sa 'yo o iiwanan ka rin, 'di ba?" "That's the point. You only invest feelings in the person you want to get serious with. At gagawin mo lang 'yon kapag nakilala mo na ang lalaki na sigurado kang matino at seryoso sa 'yo." "I don't invest anything in the guys I date," katwiran naman ni Vanessa. "So, wala naman talagang mawawala sa 'kin. I just want to have fun, Eli. Like guys, we girls also have our needs. The only difference between us is you have a steady partner. I don't." Well, for her friend, that was in the past now. After twelve years of an almost perfect relationship, Pierre and Eleanor broke up. Sa totoo lang, aminin man ni Vanessa o hindi, naapektuhan din siya sa paghihiwalay nina Eleanor at Pierre. Siyempre, nasaktan siya para sa mga kaibigan niya. Isa siya sa mga witness ng napakahabang relasyon ng dalawa, kaya nalungkot talaga siya sa paghihiwalay ng mga ito. Pero ang pinaka-impact niyon sa kanya? Nawalan siya lalo ng tiwala na magkakaroon pa siya ng "steady relationship" sa isang lalaki. Alam niyang hindi sa lahat ng tao ay totoo iyon. Ang mga magulang nga niya, forty years nang magkasama at sigurado siyang hindi na maghihiwalay ang mga ito. Ang kanya lang, hindi yata applicable sa kanya ang ganoong klase ng relasyon. Nakita niya kung gaano nasaktan at naging miserable si Eleanor pagkatapos ng hiwalayan nito at ni Pierre. Sigurado siyang hindi niya kakayanin kung sa kanya iyon nangyari. Twelve years 'yon, twelve years. Kaya kontento at masaya na si Vanessa na nakukuha niya ang gusto sa mga lalaking nakakasama. 'Mag-eempake' na siya kung sakaling mag-demand ang mga ito ng higit pa sa kaya niyang ibigay. Ganoon lang naman siya kasimple mag-isip. Kaya nga ayon kay Champagne, siya raw ang pinaka-"logical" na tao sa kanilang magkakaibigan. Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Vanessa nang bumukas ang elevator. Sa pagkagulat niya, sumalubong sa kanya ang isang mala-teledramang eksena. Sinampal ng isang umiiyak na babae ang isang matangkad na lalaki. Mabilis na lumabas siya ng elevator nang patakbong lumulan doon ang umiiyak na babae. Padabog pa nitong pinindot ang close button. Bago tuluyang sumara ang mga pinto, nakita pa niyang napaluhod ito sa sahig habang patuloy sa paghikbi. Tinakpan pa ng mga kamay ang mukha nito, dahilan para mapansin niya ang singsing na may malaking bato sa daliri nito. Nakakasilaw. "That was ugly," iiling-iling na sabi ni Vanessa, saka niya nilingon ang lalaki na parang na-estatwa na. Wala itong emosyon, kahit na dumudugo ang gilid ng mga labi. Baka tinamaan iyon ng malaking singsing ng babaeng sumampal dito kanina. Napapalatak siya. "Ano ba'ng ginawa mo para umiyak nang gano'n ang girlfriend mo, Fern?" Tiningnan lang siya ni Fern, nakakunot ang noo at halatang iritable. "Okay, hindi na 'ko makikialam. Sorry," depensa naman ni Vanessa. Itinuro niya ang gilid ng mga labi para imuwestra iyon kay Fern. "At dumudugo ang gilid ng lips mo." Nanatili lang na nakatitig sa kanya ang binata, pagkatapos ay marahas nitong pinunasan ang gilid ng mga labi gamit ang likod ng kamay nito at tiningnan siya na para bang sinasabi sa kanya na, "Ano? Okay na? Masaya ka na?" Natawa si Vanessa habang iiling-iling. "You're in a foul mood, I get it. Hindi na kita pakikialaman. Pero bilang kaibigan mo, ipapaalala ko sa 'yo na kailangan mong linisin 'yang sugat mo. Hindi 'yan madadala ng papunas-punas lang. Paano kung ma-infect 'yan?" "Vanessa." Napaderetso ng tayo si Vanessa. Bihira magsalita si Fern. Kapag ganitong nagsasalita ang tahimik na lalaki, hindi puwedeng hindi ka makinig at maging alerto. Lalo na ngayon na binanggit pa nito ang pangalan niya na bihira lang nitong gawin dahil madalas ay tango lang ang pagbati nito sa kanya. So, every time Fern called her by her name, it never failed to fire her up. He had what she would like to call as "bedroom voice"—low, soothing, very masculine. And "bedroom" in her book always made her think of crumpled sheets, naked bodies, and tangled limbs. Fern Fletcher being a hot specimen of manhood who looked like a rockstar in his black T-shirt and jeans didn't help at all in downplaying her raging hormones. What, she was just a woman who appreciated men like him. A woman who haven't had s*x in months, so... yeah. "Your dinner is unhealthy again," iiling-iling na sabi ni Fern habang nakatingin sa hawak niyang paper bag kung saan nakatatak ang pangalan ng fast-food chain kung saan binili ang "dinner" niya, saka siya tinalikuran ng lalaki at naglakad na papunta sa unit nito na katabi lang ng kanya. Kung ibang tao ang nagsabi kay Vanessa niyon, siguradong na-offend na siya. Pero dahil sanay na siya sa binata, napangiti na lang siya. Lalo na't nag-e-enjoy siyang panoorin ang paglalakad nito. She couldn't help but smile at how tightly his jeans were hugging his firm butt. She could only nod and giggle in approval. Well, sinusubukan naman niyang hindi tingnan si Fern sa ganoong paraan dahil kaibigan ito ng fiancé ni Champagne na kaibigan naman niya. So technically, magkaibigan na rin sila dahil ilang beses na rin namang nakasama ng barkada niya ang barkada ni James. Pero nahihirapan siyang gawin iyon. Kumunot ang noo ni Vanessa nang may maalala siyang nakakapagtaka sa sinabi ni Fern kanina. "Paano niya nalamang hindi na naman healthy ang dinner ko?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.0K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.7K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
964.6K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
501.6K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook