bc

The CEO’s Sweet Addiction (Tagalog) (R18)

book_age18+
3.6K
FOLLOW
37.5K
READ
billionaire
independent
boss
drama
sweet
bxg
lighthearted
city
enimies to lovers
affair
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG. S*x scenes are present in this story!!! ?

Dahil sa hirap ng buhay, napilitan si Joy na tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho para sa kanilang dalawa ng kaniyang kapatid. Mga bata pa lang ang mga ito ay ulila na kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang mag-apply biglang janitress sa Orion—isang Travel and Tourism Company. Doon niya makikilala si Danerie Del Rosario, isa ring janitor na kalaunan ay nalaman niyang anak pala ng may-ari ng kompaniya. Pinaranas ng mga magulang ni Danerie sa kaniya ang mahirap na trabaho upang magtanda ito at doon niya nakasama si Joy.

Sa pagsasama ng dalawa ay maraming mga bagay ang magbabago. Dalawang taong pinagtagpo ng tadhana at panahon. Dalawang taong magkaiba ang estado sa buhay. Hindi inakala ng dalawa na mahuhulog ang loob nila sa isa’t-isa sa maikling panahon nilang pagsasama. Ngunit lahat ay may katapusan, maraming magaganap na magpapabago sa kanilang mga buhay. Maraming balakid ang papagitna at maraming problema ang kakaharapin.

Magkakaroon pa kaya ng happy ending ang janitress at ang CEO na naging janitor? Makukulayan pa kaya ang mala-cinderella na buhay ni Joy pagkatapos ng mga mangyayari?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
EPISODE 1: ANG POGI AT MASUNGIT NA JANITOR Marahas kong dinampot ang backpack kong nahulog nang makalabas na ako ng Orion building. Naloka ako sa mga guwardiya na kahit pang-ilang araw ko nang duty rito, napagkakamalan pa rin nila akong outsider dahil hindi ko suot ang ID ng kompaniya. “Pwe! Ang sasama naman ng mga ugali n’yo,” giit ko nang medyo nakalayo na ako sa entrada ng building. “Kapag yumaman na ako, ipapatanggal ko kayong lahat sa mga posisyon ninyo!” Nagtatrabaho ako sa Orion bilang isang janitress. Isang Travel and Tourism Company na mayroog sandamakmak na mga Hotels at Restaurants sa saan mang panig ng mundo. Kailangan ko kasing tumigil sa pag-aaral at magtrabaho dahil kailangang makatapos ng kapatid ko sa Senior High School. Sa sobrang dami ng kompaniyang in-apply-an ko, ito lang ang tumanggap sa akin at masasabi kong isa ako sa pinakamasuwerting applicant. Isa kasi sa pinakasikat na kompaniya itong Orion—hindi lang dito sa bansa kung hindi sa buong mundo. “I told you, I’m the owner of this damn company! Let me in!” “Pasensiya na po, Sir, pero mga staff lang po ang puwedeng pumasok dito at wala po kayong ID na maipapakita.” Ibinaling ko ang sarili ko sa mga guwardiyang sumita sa akin kanina at isang lalaki naman ngayon ang hindi nila pinapapasok. At dahil ipinanganak akong sawsawera, lumapit na lang ulit ako roon sa kanila. “If you don’t let me in, you will all be fired in any second.” “Pasensiya na po talaga, trabaho lang po,” ani ni Manong Guwardiya na humawak sa backpack ko kanina. Itinaas ko na ang kilay ko at marahang hinatak ang matangkad na lalaki. “Pst! Huwag ka ngang gumawa ng eskandalo rito.” “Who are you?! Let me go!” Humarap na ito sa akin at mga ilang segundo rin akong nasilaw sa mala-anghel niyang mukha. “Are you deaf?! I said let go of me!” ulit pa nito sabay alis ng kamay ko sa kaniyang braso. Umirap na lang ako. “Sinasabi ko sa’yo, walang mapapala ‘yang pagsisisigaw mo.” “Umalis na lang po kayo rito, Sir.” Wala na itong nagawa at napasinghal na lang sabay lakad palayo. Sinundan ko na lang ito sa paglalakad at baka umiyak pa ‘to mamaya sa sobrang bad mood niya. “Uy, pogi! Pogi, hintay naman!” “What?” Lumingon na siya sa akin na nakakunot ang mga noo. “What do you want?!” Marahan akong napatingin sa bandang bulsa ng kaniyang itim na trouser at may nahagip ang mga mata ko na ID lace. Dinampot ko na ito at kaagad na tiningnan. “Mayroon na naman pa lang ID, ah. Bakit hindi mo pinakita—teka lang! Isa ka ring Janitor?!” “No, I’m not! Give it back to me!” mabilis niyang inagaw sa akin ang ID at itinago ulit sa kaniyang bulsa. Hindi ako makapaniwalang janitor din pala siya rito sa Orion. In fairness, hindi halata sa postura niya ha! “Pogi naman, may dala ka pa lang ID, bakit hindi mo kanina ipinakita sa mga guwardiya? Echosero ka, may pa owner-owner ka pang nalalaman, pareho lang naman pala tayo ng trabaho.” “I’m telling the truth, my parents own this company and I was just—” “Ops! Tigil muna, pogi.” Inilapat ko ang hintuturo ko sa kaniyang bibig sabay hawak sa kaniyang braso. “Samahan mo ako, dumating na ang paborito kong meryenda pagkatapos ng trabaho.” Kinaladkad ko na siya papunta kay Manong Edwin, ang magtataho na palaging natambay dito sa labas ng building kada alas-singko ng hapon. “Joy, himala may kasama ka ngayon.” “Bagong partner ko po ito, Manong. Nga pala, pabili po akong dalawa niyan.” Inabot na rin sa akin ni Manong ang dalawang order ko na taho. “Partner mo? Jowa mo na ba iyan, Joy?” “No way!” biglang tugon ni Pogi. “Ay, hindi po. Partner ko lang po sa trabaho.” Ibinigay ko na sa kaniya ang bayad ko. “Salamat, Manong!” Tahimik lang si Pogi na nasa tabi ko kaya iniabot ko na sa kaniya ang isang plastic cup na may laman na taho. “Para sa’yo ‘to. Siya nga pala, ako si Joy.” “I know. Now, let go of my arm,” masungit niyang pahayag. “Ay, sorry.” Hindi ko namalayan na nakahawak pa rin ang isang kamay ko sa braso nito. “I don’t eat that kind of food,” anito at tinalikuran na ako. “Thanks for ruining my day.” “Hoy! Saan ka pupunta? Hindi ko pa alam ang pangalan mo!” Kahit anong sigaw ko sa kaniya ay hindi pa rin ito tumitigil sa paglalakad palayo. Tinatamad na rin akong humabol kaya hindi ko na lang din ito pinansin. Hindi ko manlang kasi naisipang basahin ang ID niya kanina lalo na at kinuha niya rin ito sa akin. “See you na lang bukas sa trabaho, pogi!” huling usal ko bago nilisan ang lugar. Bago ako umuwi sa boarding house, dumaan muna ako sa shoe shop malapit lang din sa tinutuluyan ko. Mayroon kasi akong binabantayan na sapatos para sa kapatid ko na bibilhin ko kapag may extra na akong pera. Gustong-gusto niya kasi ito kaya araw-araw akong dumadaan para masigurado kong hindi pa ito nabibili. “Nandito ka na naman! Kaya siguro minamalas ang benta ko dahil araw-araw ka nang dumadaan dito!” Napangiwi na lang ako nang bigla akong sigawan ng may ari ng shoe shop. “Sungit n’yo naman ho, kaya ang bilis n’yong magka-wrinkles.” “May sinasabi ka!?” “Wala po, ito na aalis na!” Dumiretso na ako pauwi sa boarding house namin at kailangan ko pang labhan ang mga damit namin ni Mark. Ako na lang kasi ang gumagawa ng mga gawaing bahay dahil alam kong busy rin ang kapatid ko sa pag-aaral. Third year college na sana ako ngayon. Iskolar ako ng bayan sa kursong Political Science pero kailangan kong tumigil dahil kulang na kulang ang pera namin pangtustos araw-araw. Mga bata pa lang kasi kami ay ulila na kami, lumaki kami sa kapatid ng mama namin pero nang tumuntong na ako ng kolehiyo, pinalayas na rin nila kami kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magkayod para may makain kami ng kapatid ko. “Joy, remind lang ulit kita sa bill n’yo sa kuryente, ha? Bukas na ang ako magbabayad.” Napatigil ako sa paglalakad papasok nang sumalubong kaagad sa akin si Auntie Lylia, ang may-ari ng boarding house na inuupahan namin. “Sige po, Auntie. Ibibigay ko na lang po sa inyo ang pera mamaya.” “Sige, malapit na rin ang due ng renta ninyo kaya mas mabuti kapag advance rin ang pagbabayad,” dagdag pa niya. “Sige po, babayaran ko po lahat iyan.” Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Mark at inihagis ang sarili ko sa double deck naming kama. Ako sa baba habang siya naman ang nasa taas. Hindi naman kalakihan itong kwarto namin pero may sarili nang banyo. Sa labas nga lang kami nagluluto dahil common ang kusina pero wala naman iyong problema sa akin. Alas-syete na ng gabi nang matapos akong maglaba at tamang-tama naman ang pagdating ng kapatid ko. “Ate, sorry at ginabi na ako ng uwi. Gumawa kasi kami ng project namin kaya hindi kaagad ako naka-uwi, lowbatt din ang cellphone ko kaya hindi na kita na-text.” Tinapik ko na lang sa balikat ang kapatid ko sabay ngiti sa kaniya. “Ano ka ba, ayos lang iyon basta sa pag-aaral mo kaya ka ginagabi. Ikaw kaya ang future Engineer kaya kahit saan pa ‘yan ay papayagan kita.” “A-ah, o-opo, Ate.” “Oh, siya, kumain ka na riyan at isasampay ko lang ‘tong mga damit natin sa labas,” saad ko sabay turo sa mesa naming maliit. “Nagluto ako ng itlog at meat loaf kaya kumain ka na.” “Itlog na naman, Ate.” Tumaas kaagad ang kilay ko. “Aba, sosyal na nga ‘yang itlog at meat loaf. Hayaan mo, kapag yumaman na tayo ay spam na ang uulamin natin.” Tumawa na lang si Mark sa sinabi ko. “Sabi kasi sa’yo, Ate, mag-asawa ka na lang ng mayaman para hindi ka na naghihirap sa pagiging janitress.” “Ay, no!” giit ko. “Hindi ako aasa sa lalaki para gumanda ang buhay natin. Ako mismo ang gagawa ng paraan para yumaman tayo kaya kumain ka na at huwag nang magreklamo. Iyang itlog at meat loaf mamaya ay baka palitan ko pa ng asin at toyo.” Hindi na nagreklamo sa akin si Mark at kumain na lang din. Isinampay ko na rin ang mga nilabhan kong damit sa poso at nang makapagpahinga na rin ako dahil maaga na naman ang duty ko bukas. Laban lang, Joy. May hangganan din lahat ng paghihirap mo at makakatapos ka ng pag-aaral…sa tamang panahon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook