bc

Nag-iisa Pa Rin

book_age12+
1.2K
FOLLOW
3.6K
READ
goodgirl
bxg
lighthearted
highschool
coming of age
first love
school
engineer
classmates
shy
like
intro-logo
Blurb

May kuwentong first love ka rin ba?

Natatandaan mo pa ba kung ano ang pakiramdam ng una kang magmahal?

Ang tamis ng unang halik, ang kilig sa tuwing hahawakan niya ang mga kamay mo at ang unang yakap na natanggap mo, malinaw pa ba sa puso't isip mo?

Para kay Reyshan ibang-iba ang damdamin na naramdaman niya nang makilala niya si Hayden. Kahit bata pa sila noon, kahit wala pa silang muwang sa ganoong mundo'y sumugal sila. Nagmahal sila. Nakipagsapalaran sila sa pag-ibig.

Subalit may tunay na pag-ibig nga ba sa murang edad?

x x ❣️ x x

Magaan lang po ito. Kung naghahanap po kayo nang kuwentong ganoon, heto po iyon. :) Kuwentong highschool crush po tayo. Hehe. Maraming salamat po agad sa mga magbabasa at mag-a-add nito sa kanilang library. Sana po ay maibigan n’yo. :)

chap-preview
Free preview
SIMULA
Nanginginig ang mga kamay na nag-dial sa kanyang cellphone si Hayden. Alalang-alala na siya para sa kanyang asawa. Magna-nine o' clock na kasi ng gabi pero magpahanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya ito ma-contact. Hindi pa rin ito umuuwi ng kanilang bahay at ni ha ni ho ay wala rin siyang natatanggap. Ang sabi ng kanilang mga kapitbahay ay umalis daw ito kanina pang hapon pero walang pasabi kung saan ito nagpunta. “Ano pare, sumagot na ba?” ang tanong ni Aven. “Hindi pa nga eh,” aniya habang sinusubukan pa ring i-dial ulit ang numero ng misis. “Baka naman low bat na kaya hindi mo na matawagan?” kunot-noo namang saad ni Rick na pinasundan naman ni Kurt. “O ‘di kaya‘y walang signal sa pinuntahan niya?” Naisuklay ni Hayden ang mga daliri sa kanyang buhok dahil sa labis-labis na pag-aalala at sa nadaramang frustration. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi na rin siya mapakali at panay na ang kanyang buntong-hininga. Hangga't maaari din ay hindi siya magpapadala sa bugso ng damdamin. Sumagi na rin sa isip niya na baka nagpunta lang ito sa mga kaibigan at napahaba lang ang kuwentuhan kaya nakalimutan na siya. Pero kahit ganoon pa man sana ay nagsabi pa rin ito para man lang alam niya at hindi siya nag-aalala. Hindi tuloy niya alam ngayon kung saang lupalop ito hahanapin. Mula nang ikasal sila ay ngayon lang nangyari ang ganito. Ngayon lang din siya nawalay sa asawa ng ganito na walang pasabi kung saan ito pupunta. Hindi naman ito noon ganito dahil lahat ng ginagawa at lakad nito ay laging pinapaalam sa kanya—at gayon din naman siya rito. Parehas silang updated sa isa’t isa sa lahat ng kanilang gagawin at ginagawa. Maayos naman din ang kanilang pagsasama at wala silang naging problema. Bigla’y naisip niya na kahaharapin na ba nila kaagad nang ganoon kaaga ang isa sa mga pagsubok ng buhay may asawa? Sa isiping iyon ay lalong binundol nang matinding kaba ang kanyang dibdib. Parang mas lumala rin tuloy ang nadarama niyang nerbyos at takot. First wedding anniversary pa man din nila ngayon. At hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa asawa niya. Natampal ni Hayden ang noo saka malalim na napahinga. Hindi dapat siya mag-isip ng hindi maganda dahil nagdudulot lang iyon sa kanya ng pagkabalisa. At kapag hindi pa rin talaga niya alam kung nasaan ito ay baka kung ano na ang kanyang gawin sa sarili. Aaminin niyang kasalanan na niya ang lahat—at aakuin na niya ang pagkukulang na iyon. Hindi na rin dapat niya ito inimik kapag biglang umiinit ang ulo nito sa kanya sa walang dahilan. Dapat din ay hindi na niya kinakausap ang asawa sa tuwing napag-iinitan siya kahit sa napakaliit na bagay lamang kahit ba hiniling nito na kausapin niya ito. Kung sana rin ay inunawa niya ang palagian nitong pagkakaroon ng topak, pagiging masungit at makulit ay hindi sana sila malalagay sa ganitong sitwasyon. Pinaglaanan rin sana niya ito ng sapat na oras at panahon para naman magkaroon sila ulit ng bonding kahit alam niyang para sa kanilang magiging mga anak ang kanyang ginagawang pagsisikap. Kilalang-kilala pa man din niya ang ugali nito kapag ganitong nagtatampo. Kaso nga lang iba ang sitwasyon ngayon dahil umalis ito nang wala man lang pasabi. Ayos lang naman sana kung magtampo ito at hindi siya pansinin. Ang mahalaga sa kanya ay magkasama sila sa bahay at kapiling niya ito ngayong araw ng kanilang anniversary. Kasalanan talaga niya ang lahat! Masyado na rin kasi niyang isinubsob ang sarili sa latest project na nakuha niya ngayon at nakalimutan na ang obligasyon bilang asawa. Disin sana'y hindi na rin unabot pa sa malakihang tampuhan ang kanilang relasyong mag-asawa. At heto pa nga at mukhang nilayasan na rin siya! “Kurt,” Nagtaas ng kilay ang tinawag. “O?” “Tawagan mo nga ang fiancée mo.” Napapalatak si Kurt dahil sa pakiusap niya. “Bakit?” mukha pang iritado nitong sabi. “Bakit war din ba kayo?” nakatawang sabi ni Aven. Matalim ang mga matang tinignan niya ang huli. “Lagi namang sumasabak sa digmaan ‘yan si Kurt eh. Nasa highschool pa lang tayo gano'n na sila.” dagdag biro ni Rick. “Manahimik kayo!” “Kurt,” Walang ganang inabot niya mula sa loob ng bulsa ng pantalon ang cellphone. “Oo heto na.” Ilang saglit na katahimikan din ang dumaan bago muling umimik si Kurt habang si Hayden naman ay naiinip na kahihintay sa sagot ng fiancée nito. “Hindi raw sila magkasama,” sa sinabi nito’y lalong na-stress si Hayden. “Haaay, pati ako nadamay pa sa galit sa ’yo. Lagot ka raw sa kanya kapag may hindi magandang nangyari sa bestfriend niya. Pati ako lagot din sa kanya.” stressed na rin na nasapo nito ang noo bagay na siyang ikinahagalpak naman sa tawa ng dalawa nilang kaibigan. Litong-lito na muling nag-dial si Hayden sa kanyang cellphone. Nilalakad na rin niya ang entrance ng restaurant ng kaibigang si Kurt; at sa kanyang likod naman ay nakasunod ang tatlo. Nakapamaywang na idinikit niya sa kanyang kanang tainga ang cellphone ng bigla siyang mapahinto sa paghakbang. Nabitin din ang akma sana niyang pagbubukas sa glass door nang marinig ang isang pamilyar na tugtog mula sa kasalukuyang banda na may gig doon. Tuluyang napatda si Hayden at hindi magawang makaimik dahil pamilyar na pamilyar sa kanya ang awiting tinutugtog ng banda. Dumadaloy rin sa awiting iyon ang samu't saring alaala nang nakalipas at mga pamilyar ding damdamin. Marahas niyang binuksan ang glass door sa pagtataka ng mga kasama niya. Alam niyang mula iyon sa awitin ni Mandy Moore na From Loving You. Napaawang ang kanyang labi at hindi niya maalis ang mga mata sa babaeng naroon sa unang mesa at tahimik na nakaupo. Kasabay nang pagbigkas ng vocalist sa unang lyrics ng awiti'y nagkasalubungan ang kanilang paningin nang bigla itong napalingon sa kanyang gawi. Awang ang kanyang labi na napatitig dito. Hindi niya inaasahan na rito niya ito makikita. Natatandaan pa niya ang unang araw na nagtagpo ang kanilang mga mata—unang araw nila sa high school noon. Siksikan ang buong corridor. Nagkakatulakan at maingay ang bawat isa. Akma na sana niyang iaangat ang kanyang braso upang suyurin ng mga daliri ang listahan ng mga pangalang nakadikit sa tabi ng ikalawang pinto na napuntahan sa ESF building. Nang animo'y may malakas na kuryente ang mabilis na dumaloy sa kanyang mga ugat nang magkadikit ang kanilang balat ng kung sino man. Bahagya niyang naibaba ang kanyang braso at binalingan ang taong iyon. At dahil medyo matangkad na siya sa edad niyang dose'y para siyang dumungaw sa maliit na babae sa kanyang tabi. Mukhang maging ito man ay nabigla rin sa pagkakadaiti ng kanilang mga balat. Awang ang labi nito at hindi niya maiwasang mapatitig sa mga mata nitong maamo na nakatunghay sa kanya. Ngunit mabilis itong nagbaba nang tingin na tila napapaso sa kanyang balat at sa kanyang mga mata. Kumibot ang kanyang bibig at muling ibinaling ang paningin sa listahan ng mga pangalan habang nararamdaman niya ang panggigitgit ng mga kapwa nila estudyante. Napahugot siya nang hininga at hindi maiwasang mapansin ang bumibilis na takbo ng puso niya lalo na at nararamdaman pa rin niya ang kanilang pagkakadikit ng babae. Lumayo siya rito matapos niyang mahanap ang pangalan sa listahan. Nakagat niya ang labi. Iniisip niya kung magiging kaklase ba niya ito. Parang nais niyang tanungin ito kaso ay nagpigil siya at kapagkuwan ay napanguso. Hindi niya mabatid kung ano’ng klaseng interes ang tumubo sa kanya at naghahangad siya sa bagay na iyon. Nang may lumapit na guro sa nakabukas na pinto ay agad siyang tumabi rito at hinintay na mabuksan nito ang pinto ng room kung saan iyon ang kanyang magiging silid. At kung hindi lang sumakto ang guro sa pagdating malamang ay hindi na siya nakatakas sa weirdo-ng damdamin na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Mabilis siyang pumasok sa loob at hindi na lumingon pa. Subalit sa ginanap na introduce yourself ay hindi niya mapigilang mapalingon sa nagpakilalang Reyshan. Ang babaeng may cute at mahinahong boses. Para lang din malaman niya na ang babae kanina at ito ay iisa. At kaklase niya ito. Noon lang din siya nagkainteresadong lumingon mula sa mga babaeng naunang nagpakilala kanina. Nagtagpo muli ang kanilang mga mata. At hindi niya maiwasang mabighani sa cute at maamo nitong mukha. Nakita pa niya ang panlalaki ng mga mata nito at pagba-blush. Kumibot ang kanyang labi at bago pa iyon mag-form na ngiti ay umiwas na siya nang tingin. Napatungo siya at doon pinakawalan ang ngiting pinigilan. Naaalala rin niya ang unang beses na awitin nito ang kantang iyon. Ang unang beses na nalaman niyang marunong din itong tumugtog ng gitara. Ang malamyos at malamig na haplos ng hangin sa dalampasigan, ang papasikat na araw, ang kanilang mga pangarap at maging ang init ng balat nito nang yakapin niya ito mula sa likod, ang mga ngiti at tawa nito. Ang lahat ng iyon ay mabilis na nagbabalik sa kanyang mga alaala...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.4K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.1K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.1K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.2K
bc

Fight for my son's right

read
146.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook