bc

Crazy Little Liar Called Kookie

book_age0+
1.2K
FOLLOW
7.6K
READ
one-night stand
second chance
playboy
kinky
aloof
bitch
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

"When you turn thirty next month and you feel like you already want to get married, don't hesitate to propose to me. I'll say 'yes' in a heartbeat."

For Oreo, it didn't matter if Kookie was a liar, until she told him she loved him after he caught her sleeping with another man. Matagal nang gusto ni Oreo si Kookie, pero alam niyang mahihirapan siyang makuha ang dalaga. She was wild, she was infamous for her boy toy collection, and she had a "s*x video." Pero nang araw na makita niya si Kookie sa grocery store kung saan pareho silang kumakain ng parehong brand ng lollipop, alam niyang magagawa niya itong tanggapin kahit pa napanood ng mga kaibigan niya ang s*x video ng dalaga. So he asked her to marry him. But of course, Kookie turned down his proposal, and even told him she only wanted to sleep with him. Tinanggap niya ang alok hindi para pagsamantalahan ang dalaga, kundi para gamitin ang pagkakataon na maligawan ito.

Oreo thought he was succeeding in making her fall in love with him when she agreed to be his girlfriend, until she left him... ...and when Kookie returned, she lied again and told him she didn't remember him.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Season One: The Mushroom Girl (This is a 'DUMB WAYS TO LOVE' spin-off) *** SERYOSO si Oreo habang nakatitig sa magic strawberry flavor ng Sweetypop—ang sikat na local brand ng lollipop na paborito niya. Pinag-iisipan niya kung bibilhin iyon. Ayon kasi sa napanood na commercial, kumukulay sa mga labi at dila ang lollipop kapag kinain. Magmumukha siyang naka-lipstick kapag nagkataon. Wala naman siyang problema sa magiging hitsura niya kung sakali. Nag-aalala lang siya kung magpapahalik sa kanya ang mga babae kapag nalaman ng mga ito na lollipop ang huli niyang kinain. Malagkit kasi ang lollipop at karamihan sa nakaka-date niya ay maaarte. Na natural lang naman sa mga babae. Habang nakatitig sa pack ng lollipop na hawak, biglang pumasok sa imahen niya ang TV commercial ng produkto. Ang nagmodelo niyon ay si Kookie—ang tinatawag na "celebrity endorser." Hindi artista ang dalaga, pero kilala ito dahil sa dami ng ineendorsong produkto mula beauty products hanggang local clothing line. Mas marami pa nga ang ginagawa nitong commercials kaysa sa sikat na mga artista. Una niyang nakita si Kookie sa unang TV ad ng Sweetypop anim na taon na ang nakalilipas. Hindi naman siya ganoon kahilig pa sa lollipop. Pero nang makita niya ang dalaga sa commercial na iyon, bigla siyang naengganyong kumain nang kumain ng lollipop hanggang sa maadik na siya roon. Ang pagkahilig niya sa lollipop ang naging dahilan para matigil ang bisyo noong nasa kolehiyo siya. At utang ni Oreo ang lahat ng iyon kay Kookie at sa Sweetypop. Kaya mula noon ay sinubaybayan na niya ang lahat ng TV ads ng dalaga. Tuwing may bago itong produkto na ineendorso para siyang proud boyfriend kung umasta. Sa bagong thirty-second commercial ng Sweetypop na napanood ni Oreo, walang ibang ginawa si Kookie kundi isubo ang lollipop, pagkatapos ay gamitin ang bilog at pulang candy na parang lipstick hanggang sa pumula ang mga labi nito. Then she pouted her lips and kissed the camera. That was the hottest TV ad he had ever seen yet. Kung ano-anong kamunduhan ang pumasok sa isip niya. With Kookie's luscious lips and smoky eyes, he couldn't help but wish she was licking and sucking his lollipop. Well, sorry if he got a little perverted. Sinong lalaki ba naman kasi ang hindi magnanasa kay Kookie? Napakaamo at inosente ng mukha nito, pero napakamakasalanan naman ng katawan. Minsan na ring nag-pose sa isang men's magazine si Kookie, at malamang ay isa si Oreo sa mga unang bumili niyon. Hindi siya nangongolekta ng men's magazine. He didn't need those kind of magazines because he could live out his fantasies. He could get any woman he wanted . Binili lang naman niya iyon dahil si Kookie ang cover girl. Sige, aaminin na siya. He had a huge crush on Kookie. Pero hindi niya makuha si Kookie dahil parati itong "nakakatakas." Tuwing nagkikita sila sa ilang social gathering na pareho silang imbitado, parati niyang pinaplano na lapitan para makausap ang dalaga. Kaya lang, sa isang kisap-mata, bigla na lang itong naglalaho. Inilagay ni Oreo ang supot ng lollipop sa basket na hawak niya, kasama ang tatlong iba pang flavors ng Sweetypop. Napangiti na lang siya habang iiling-iling. See? Kookie is really an effective endorser. No wonder she's in demand. "Can you help me with something?" "Sure," mabilis na sagot ni Oreo, saka lumingon sa babaeng kumausap sa kanya. At natulala. Sigurado siyang nalaglag ang panga niya nang sumalubong sa kanya ang napakagandang si Kookie. Hindi siya puwedeng magkamali dahil madalas niyang titigan ang picture ni Kookie sa magazine, at paulit-ulit din na pinapanood sa YouTube ang TV commercials ng dalaga kapag wala siyang ginagawang trabaho. So the woman right before him was definitely Kookie—who looked so hot in her skimpy outfit. She looked like a fairy in her silver little dress and her shoulders were glittering. Nakalugay ang pulang buhok ng dalaga na aalon-alon sa dulo na parang hindi sinuklay, pero bumagay nang husto rito. And she was barefooted. Hawak ni Kookie ang mga sapatos nitong may matataas na takong, habang sa isang kamay naman ay may hawak na isang supot na lollipop. "Hey," untag ni Kookie kay Oreo na bahagyang nakakunot ang noo. Napakurap-kurap naman si Oreo, nakabawi na mula sa pagkagulat. "Oh, right. Ano'ng maitutulong ko sa 'yo?" Bumungisngis si Kookie at inangat ang hawak na pack ng lollipop. "Puwede mo bang buksan 'to? Dumodoble kasi ang tingin ko sa mga bagay-bagay ngayon." Kumunot ang noo niya. Kookie smelled so sweet, but she also smelled like alcohol. Base rin sa pamumula ng mga pisngi ng dalaga, halatang lasing na lasing ito. "Hindi puwedeng buksan 'yan hangga't hindi pa nababayaran." "Boo!" parang batang sabi ni Kookie, saka lumabi. "Babayaran ko naman 'to. I just want to suck something right now." Napatanga siya kay Kookie, hindi makapaniwala sa narinig. Sigurado siyang doble ang kahulugan ng sinabi ng dalaga dahil sa nang-aakit na ngiting ibinibigay nito sa kanya. Bigla-bigla tuloy ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan, na unti-unting gumagapang sa pagitan ng kanyang mga hita. Shit. Bumungisngis uli si Kookie, at sa pagkakataong iyon ay tinapik-tapik pa si Oreo sa balikat. "Oh, I know what you're thinking, you naughty boy. I'm sorry to disappoint you, but I'm just really craving for a lollipop right now." Dala ng pagkapahiya, nawala rin agad ang pag-iinit na naramdaman ni Oreo kanina. Kinuha niya ang supot na hawak ni Kookie, kumuha ng isang lollipop na binalatan niya para dito, saka iyon iniabot sa dalaga. "There you go." Dinilaan ni Kookie ang bilog na candy nang hindi inaalis ang tingin kay Oreo. Habang si Oreo naman, pinilit na maging kalmado kahit na ang lakas at ang bilis na ng t***k ng kanyang puso dahil sa matinding pagpipigil. Kapag hindi pa tumigil si Kookie sa ginagawa nitong pang-aakit sa kanya, baka kung ano nang magawa niya sa dalaga. Gaya ng pagbuhat dito at pagdala sa bahay niya kung saan may ibang bagay pa itong gugustuhing dilaan. Ah, f*****g s**t! What the hell are you doing to me, Kookie?! Mukhang nagsawa na si Kookie sa kung ano mang ginagawa dahil bumungisngis ito bago isinubo ang lollipop, kinindatan si Oreo saka tumalikod at naglakad palayo. Napahigpit ang pagkakahawak ni Oreo sa basket, pilit pa ring kinakalma ang sarili. Paano ba naman, kahit malayo na si Kookie ay tila inaakit pa rin siya ng dalaga dahil sa nakakaakit na pag-imbay ng balakang nito habang naglalakad. At sa bawat hakbang nito ay umaangat ang suot na maiksing bestida, dahilan para lalong malantad ang mapuputi at makikinis at mahahabang mga hita nito. She really walked sexily! Lasing pa ito sa lagay na iyon. Dahil tuloy sa pinaggagagawa ni Kookie, mukhang kinakailangan niyang magbuhos ng napakalamig na tubig para lang mawala ang pag-iinit na nararamdaman niya. You have to get away from that seductress, Oreo, saway niya sa sarili. Or you'll be in trouble. Real trouble. Tatalikod na sana si Oreo, pero nakita niyang may lumapit na lalaki at umakbay kay Kookie. At masama ang kutob niya dahil mabilis na bumaba ang kamay ng estranghero sa puwit ng dalaga. Uminit ang ulo niya kaya lumapit siya at hinila si Kookie mula sa lalaking halatang may masamang balak sa dalaga. Mabilis niyang inakbayan si Kookie na nawalan ng balanse nang marahan niyang hilahin. Pagkatapos ay inihilig ng dalaga ang ulo sa kanyang dibdib. Then Kookie dozed off. Na para bang wala itong sinimulang gulo. "What the hell is your problem, pare?" maangas na tanong ng lalaki. Tinaasan lang ito ng kilay ni Oreo. Mukhang mas bata ang lalaki sa kanila ni Kookie. In fact, the guy looked like a college frat member because of his nonchalant attitude and the tattoos in his bulky arms. Pero hindi siya nasisindak dahil mas matangkad siya rito. At kahit mas malaki ang katawan ng lalaki, alam niyang mas malakas siya at kayang-kayang protektahan ang sarili. Lalong kayang-kaya niyang iligtas si Kookie mula sa lalaki. Pinukol ni Oreo ng masamang tingin ang lalaki. "This is my woman. f**k off." Ngumisi ang lalaki, mukhang hindi madaling masindak. "Huh, really? If I know, you just want to take advantage of her, too. Alam mo, pare, hindi naman ako maramot. We can share. If you like, we can have a threeso—" Pinitserahan niya ang lalaki dahilan para matahimik ito. Kinailangan pa niyang yumuko dahil di-hamak na mas matangkad siya rito. Hindi niya alam kung anong klaseng ekspresyon ang mayroon siya nang mga sandaling iyon, pero bumakas ang takot sa mukha ng lalaki. "If you finish that sentence, I'll f*****g kill you," buong-pait na pagbabanta niya. Mabilis dumilim ang paningin ni Oreo kapag may babaeng binabastos, lalo na kung sa harap pa niya ginagawa. Hindi siya mananahimik lang. At isa pa, si Kookie ang binastos ng gagong ito. Sa sobrang galit ay parang gusto na niyang patayin ang lalaki. Mabuti na lang at nakalimang lollipop siya kanina kaya mabilis niyang napakalma ang sarili. Marahas na itinulak niya ang lalaki. Pagkatapos ay binuhat na niya si Kookie na napakainosente at napakaamo ng mukha—na para bang hindi ito naging dahilan para kamuntikan na siyang makapatay ng kabaro niya kanina—habang natutulog sa mga bisig niya. Trouble, paungol na reklamo ni Oreo sa isipan. *** "WHY THE hell are we in a church?" tanong ng pupungas-pungas pa na si Kookie. Kagigising lang nito at mukhang kahit paano ay nahimasmasan na. Napabuntong-hininga na lang si Oreo at napatingin sa rebulto ng Diyos sa harap, saka taimtim na humingi ng guidance. Kaunting-kaunti na lang kasi, malapit na niyang patulan ang pang-aakit ni Kookie. At alam niyang masama ang manamantala ng babaeng lasing, lalo na kung siya naman ay nasa matinong kaisipan. Kaya para luminaw ang isip niya—at mapigilan ang nagwawalang hormones—ay sa simbahan, dinala si Kookie. Napapayapa kasi siya kapag nasa simbahan, na para bang gusto niyang maging mabuting nilalang. Kaya alam niyang kakalma siya kapag doon sila nagpunta. At hindi naman siya nagkamali. Kanina habang nagmamaneho si Oreo, walang ibang ginawa si Kookie kundi titigan siya, himasin ang braso at binti niya, at ngumiti na tila ba inaanyayahan siyang dambahin ito at tikman ang bawat bahagi ng pinagpala nitong katawan. At alam niyang kung sa condo unit niya dinala ang dalaga, tiyak na may mangyayari sa kanila na hindi dapat mangyari. Whether she was willing or not, s*x with an intoxicated woman was still considered rape. He didn't want that to happen, especially with his huge crush. Sa grocery store pa nga lang, ang sama na ng tingin sa kanya ng mga tao. Iniisip siguro ng mga ito na sinasamantala niya ang kalasingan ni Kookie. Mabuti na lang at tinawag ng dalaga ang pangalan niya, dahilan para pagkatiwalaan siya ng guwardiya dahil kilala naman siya ni Kookie. Kunot-noong nilinga ni Oreo si Kookie nang may maalala siya. "Tinawag mo ang pangalan ko kanina. Kilala mo ako?" Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Kookie. "Of course I know you. Hindi naman ako makikipag-flirt sa 'yo kung hindi kita kilala." Nakikipag-flirt si Kookie sa kanya? Natuwa siya sa nalaman, pero hindi pa rin siya nakontento sa sagot ng dalaga. "Paano mo 'ko nakilala?" Napangiti si Kookie habang iiling-iling. "Parati kang bukambibig ni Daddy sa 'kin tuwing tinatawagan niya 'ko. Na ikaw raw ang number one fan ng Sweetypop at kaunting pambobola mo pa raw, malapit ka na niyang bigyan ng free lifetime supply ng lollipop namin. O kaya raw, pakasalan na lang kita para pagtulungan n'yong patakbuhin ang business namin. I think my father likes you a lot." Napatanga si Oreo, hindi makapaniwala sa nalaman. "No way. Ikaw 'yong sinasabi ni Tito Ronaldo na black sheep ng pamilya nila? 'Yong anak niyang babae na lumayas daw sa kanila after college?" "My dad must really be proud of me dahil pati ang paglalayas ko, naikuwento na niya sa 'yo," sarkastiko pero natatawang sabi ni Kookie. Hindi pa rin makapaniwala si Oreo. Bata pa lang siya ay gustong-gusto na niya ang Sweetypop at ang iba pang candy na mina-manufacture ng Sweet Tooth Corporation na mas kilala bilang STC. Kakakulit sa daddy niya na isang businessman, ay napilit niya itong hanapin ang presidente ng STC at ipakilala siya. When he was twenty, he got to meet Rolando Hisugan. Pinasalamatan niya ito sa paglikha sa Sweetypop na ikinatawa nito. Mula noon, naging malapit sila ng matanda. Pero bihira lang silang magkita dahil parati itong nasa business trips sa ibang bansa. Habang siya naman, abala sa kanyang career bilang bagitong direktor. Gayunman, tuwing nagkikita naman sila ni Tito Rolando ay para silang mag-ama kung mag-bonding. Tinu-tour siya nito sa pabrika ng candy, at kinukonsulta rin pagdating sa business strategies na binabalak nito para mapataob ang competitors. Bihira lang mapag-usapan nina Oreo at Tito Rolando ang tungkol sa bunsong anak dahil "rebelde" raw ang anak na babae, at ayaw nitong pag-usapan. Kilala niya si Kai Ysrael, ang panganay na anak ng matanda na hahalili sa posisyon nito sa kompanya balang-araw. Pero ngayon lang niya nalaman na si Kookie pala ang bunsong anak ni Tito Rolando dahil sa pagkakatanda niya, ibang pangalan ang sinabi ng matanda noon. "I thought his daughter's name is Kaye Ysabelle." "That's my real name. Kaye Ysabelle Hisugan," bale-walang pag-amin ni Kookie. "But when I started modelling, people also started calling me 'Kookie' because they said I was a tough cookie. Iniba na lang nila ang spelling para daw maging unique gaya ko." Tumango-tango si Oreo. "Kaya pala ikaw ang kinuhang modelo ng Sweetypop." Umiling-iling si Kookie. "Hindi si Daddy ang pumili sa 'kin, kundi ang advertising agency na may hawak sa Sweetypop. Kung siya lang, siguradong hindi 'yon papayag dahil nagtatampo pa rin siya sa 'kin. Pinapauwi na kasi niya 'ko sa amin, pero ayoko pa. "Hindi na lang siguro pumalag si Daddy dahil ayaw niyang ma-question ang pagtanggi niya sa 'kin bilang modelo ng Sweetypop. After all, only a few people knew about our connection." "Itinatago n'yo bang mag-ama kayo?" "Hindi naman sa itinatago namin 'yon. Wala lang kaming makitang dahilan para ipagkalat na mag-ama kami." "This is really shocking." Natawa lang si Kookie, saka inilibot ang tingin sa simbahan. Napailing ito. "Ang sama na ng tingin sa 'kin ng mga tao dito dahil sa suot ko. Let's go, before they tell me to burn in hell." Nang tumayo si Kookie ay tumayo na rin si Oreo. Bale-wala pala ang isinuot na jacket sa dalaga kanina bago niya ito ipinasok sa simbahan dahil umabot lang iyon sa gitna ng mga hita nito. Hindi nabawasan ang pagiging sexy ni Kookie na mahirap naman talagang itago. Just the way she stood already looked sexy. Gaya ngayon. Hindi na nakalantad ang mga braso at balikat ni Kookie, pero humakab pa rin ang maganda nitong katawan sa jacket na suot. At nagkataong si Kookie pa pala ang anak na babae ni Rolando Hisugan, ang nagmamay-ari ng kompanyang lumikha sa pinakamamahal niyang Sweetypop. Ah, she's perfect. "Ngayon lang may lalaking nagdala sa 'kin sa simbahan," halos pabulong na sabi ni Kookie, habang inililibot ang paningin sa paligid. Pagkatapos ay bahagya itong napangiti. Iyong klase ng ngiti na totoo at hindi nang-aakit. Nagmukha itong anghel nang mga sandaling iyon dahil sa liwanag ng sikat ng araw na tumatama sa maganda nitong mukha. Which was pretty nice. Well, everything about Kookie was very nice. Mula sa pulang buhok—na peke man ay bumagay pa rin nang husto sa dalaga—maamo at inosenteng mukha, maganda at nakakaakit na hubog ng katawan, pati ang kaweirdohang ipinapakita nito sa kanya ngayon. Bonus pa na anak ito ng may-ari ng kompanyang lumikha ng pinakapaborito niyang lollipop sa buong mundo. Kookie was just the girl he was looking for. "Kookie?" Pumihit ito paharap sa kanya. "Yes?" Dinukot ni Oreo ang lollipop sa bulsa ng pantalon saka lumuhod sa harap ni Kookie, sa harap ng Diyos, at sa harap ng lahat ng nagsisimba nang mga sandaling iyon. "Will you marry me?" *** ""I'M SORRY, I can't marry you." Nagkibit-balikat lang si Oreo habang nagmamaneho. Hindi naman siya gaanong nasaktan sa pagtanggi ni Kookie sa "marriage proposal" niya. Nagawa lang naman niyang mag-propose kay Kookie sa simbahan kanina dahil gusto niyang kunin ang atensiyon ng dalaga. And he thought he needed to be grand to catch the attention of this very eccentric woman. Kakaiba naman talaga si Kookie dahil katanghaliang-tapat kanina nang makita niya itong nakayapak sa grocery store, lasing na lasing, at may hawak na pack ng lollipop. Nang mga sandaling iyon, alam na niyang kakaiba si Kookie sa lahat ng babaeng nakilala, kaya kailangan din niya na gumawa ng kakaibang bagay para makuha ang atensiyon ng dalaga. Nilingon ni Oreo si Kookie na nasa passenger's seat. Hindi na nito suot ang jacket niya, nakapatong na lang iyon sa mga balikat ng dalaga. Nakade-kuwatro ang dalaga habang may subo-subong lollipop, na itinutulak nito sa gilid ng bibig kapag nagsasalita, dahilan para lumobo ang kabilang pisngi. Which looked really adorable. Napangiti siya. "I really like you, Kookie." "Most men do." Hindi na siya nagulat sa kumpiyansa na nahimigan niya sa boses ni Kookie. She sounded a little arrogant, but he could not care less. He liked his woman fierce anyway. "Go out with me, Kookie. Tutal sinabi mo naman kanina na gusto ni Tito Rolando na magpakasal tayo." Natawa nang mahina si Kookie. "Hindi ako makikipag-date sa lalaking gusto ng daddy ko para sa 'kin. Gagamitin niya lang 'yon para mapabalik ako sa amin to work for our company." "Then why flirt with me in the first place? Ikaw mismo ang umamin n'on kanina." Bumuntong-hininga si Kookie habang iiling-iling. "Ang dami ko talagang nasasabi na hindi naman dapat kapag lasing ako." Tinapik-tapik pa nito ang bibig. "And yes, I admit I'm attracted to you. Kahit kasi ilang beses ka nang nabanggit ni Daddy sa 'kin, at kahit nagkikita naman tayo sa mga social event, ngayon lang kita natitigang mabuti. You look quite hot." Tumaas ang kilay ni Oreo. "Quite?" "Fine, you're really hot," natatawang pag-amin ni Kookie. Pagkatapos ay nilinga si Oreo na para bang sinusuri ang buong pagkatao niya. Tumagos kasi ang mainit nitong tingin hanggang sa kanyang buto. "I like your dishevelled hair; it makes me want to pull it. Those sleepy dark eyes that make you look like you don't effin' care, which is cool. You have a boyish grin, that makes you look younger. You're lean which suits your height. How tall are you, Oreo?" "Six feet, I guess." "Oh. I like tall men." "Good. I like you." Muli, natawa nang mahina si Kookie, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Oreo. "Baby faced ka, Oreo. Mukha kang basketball player ng isang sikat na university na tinitilian ng immature college girls. Ang sarap mong molestiyahin." Sa pagkakataong iyon ay si Oreo naman ang natawa nang mahina. Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng hindi nahihiyang sabihin ang tingin nito sa kanya, kahit pa iyon ang una nilang pormal na pagkikita at pag-uusap. "Stop, baby. You're really starting to turn me on." Nang-aakit ang ngiting isinagot ni Kookie. "I like s*x, Oreo." Woah! Ikinagulat niya ang pag-amin ni Kookie sa bagay na iyon. Karamihan sa mga babaeng nakilala at nakasama niya sa kama, kahit halatang gustong-gusto ang pakikipagtalik ay hindi iyon inaamin. Pero sa halip na ma-turn off kay Kookie dahil sa pagiging agresibo, lalo lang nag-init ang katawan ni Oreo para sa dalaga. "Go out with me, Kookie," pag-uulit niya. Kung may mangyayari sa kanila, gusto niyang gawin nila iyon nang may namamagitan na sa kanila. He had a fair share of one-night stands. Pero malakas ang pakiramdam niya na hindi siya makokontento sa isang gabi lang na kasama si Kookie. Because he wasn't only after s*x when it came to her. "I'm not into dating, Oreo," umiiling na sabi ni Kookie. "I just went through a bad break up with my ex. All I want with men right now is sex." Nagulat siya. Hindi niya gusto ang pinatutunguhan ng kanilang usapan. "You want a rebound sex... with me?" Tumingin sa kanya si Kookie, bahagyang nakakunot ang noo. "Are you safe?" "Of course I am," defensive na sagot ni Oreo. Well, hindi pa siya nakakapagpa-check sa doktor para sa buwan na 'yon, pero maingat naman siya kapag nakikipag-s*x. He always use protection. "Then why don't you want to do it with me?" Napahigpit ang pagkakahawak ni Oreo sa manibela, hindi makatingin kay Kookie. "I refuse to answer that question, baby." Paano naman niya ipagtatapat kay Kookie na gusto niyang higit pa sa pisikal na relasyon ang maging relasyon nila kung ganitong halatang wala itong ibang interes sa kanya kundi ang makasama siya sa kama? Baka pagtawanan lang siya ng dalaga. "Are you a virgin?" tila gulat na gulat na tanong ni Kookie. Kumunot ang noo ni Oreo, nairita sa tanong. "At my age? Of course not." Parang nakahinga naman nang maluwag si Kookie. "Good. I hate virgins. It will be awkward if I'll be the one teaching you bed tricks instead of the other way around." Sa pagkakataong iyon ay nadagdagan ang gulat ni Oreo sa mga naririnig mula kay Kookie. "I'm sorry, nabigla ba kita?" natatawang tanong nito. Tumango si Oreo. Mahirap magsinungaling sa babaeng ganito katapat. "Yes." "I'll tell you a secret, Oreo." "What secret?" "I'm a succubus, Oreo. Our kind loves s*x, kaya out of control madalas ang s****l drive ko. Kapag hindi kasi ako nakipag-s*x sa mga lalaki, mauubos ang life force ko at mamamatay ako. We don't want that to happen, do we?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook