bc

The Gangster's Nerdybabe 2

book_age16+
1.6K
FOLLOW
3.5K
READ
badboy
badgirl
mafia
gangster
queen
tragedy
bxg
campus
cheating
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Samantha became very happy when she became Ken's girl. Kontento an siya kung anong mayroon siya, mapagmahal na kaibigan, kasintahan at mga magulang. Paano kung dumating ang araw namuling darating ang nakaraan na siyang gugulo sa lahat?

"Do you really love me Ken Valdez? O baka naman panakip-butas mo lang talaga ako?"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ang sayang maging masaya at ang lungkot maging malungkot. Oo nga naman.... Ako, minsan lang ako maging masaya. Sayang hindi ko nararanasan palagi dahil sa mga matitinding problema na dumadating. Nakilala ako dahil sa pagkakaalam na talagang kaya ko ang lahat, walang imposible sa akin. Well, I'm not him. I'm not God.... dahil may kahinaan rin ako, lahat tayo may kahinaan. Walang taong exempted. Marami akong kahinaan pero mas masakit naman ay ang pagmamahal ko sa kan----- "Sam! What the hell? May balak ka bang magpa-late?" Sigaw sa akin ni kuya mula sa labas. Oh no! Oo nga pala.... "Oo na kuya!" Sigaw ko pabalik. "Pakibilisan mo lang kapatid at naghihintay na si Ken sa baba!" Dahil sa narinig ko ang pangalan niya, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang mga dapat kong gawin. Sinisilip ko siya mula sa hagdanan, kahit na nakatalikod yan sa akin alam kong nakakunot na ang kanyang noo. Dahan dahan akong bumaba 'yung hindi niya maramdaman ang presensya ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge dahilan para mapaharap siya sa akin. He looks so handsome. At tama nga ang hinala ko, nakakunot nanaman ang noo ni Kapal moks. "Why so slow?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot at ibinato nalang sa kanya ang aking bag na kaagad niya namang sinalo. Dumiretso kaagad ako sa kusina at nadatnan ko ang masipag kong kuya na nagluluto ng almusal. Aba! Topless pa ang mokong! Ewan ko ba kung bakit ang hilig-hilig nilang iparada 'yang magagandang katawan nila. Duh? Kahit na parang lalaki ako kumilos e pusong babae parin ako. "Tawagin mo na si Ken para sabay-sabay na tayo, bago ka pumasok." Mabilis naman akong umiling. 'Wag ngang piling hari iyang kapal moks na 'yan dito. "Hayaan mo siya kuya. May mga paa siya. Walang malaking dahilan para di siya magtungo dito kung nagugutom man siya!" Bakit? Totoo naman, maganda naman ang intensyon ko sa sinabi ko noh! Kagigil kasi yung lalaking yun e. Tinigilan ko na nga 'yong pagbibigay nang masamang aura ko siya naman pumalit. "LQ?" Tanong ni kuya, mabilis naman akong umiling. "Hindi kuya, EQ, yung diappers?" Saracastic kong sabi kaya naman mahina siyang napatawa at napailing. Naramdamann ko nalang biglang pumasok si Ken at umupo sa palagi niyang inuupuan kapag pupunta siya dito. Tignan mo tong kapal moks na 'to. I sat next to him para wala naman siyang masabi, nakakahiya naman kasi sa akin! Nabalot kami nang katahimikan habang kumakain. E sa walang magsalita e. Hanggang sa natapos na kami, nagpaalam na kami kay Kuya sa tangahali pa kasi pasok niya. Wala parin kaming kibuan ni Ken hanggang makarating kami sa kotse niya buhat niya ngayon yung bag ko na nakasampay sa may balikat niya. Hindi parin talaga siya nagsasalita hanggang sa nag-umpisa na siyang magmaneho. "Ken, ano na naman bang problema mo?" Tanong ko sa kaniya kasi kanina pa talaga to e. Nakakainis lang 'di ba ako nag e-exist sa paningin niya? 'Di niya ako sinagot. Fine! Calm down Sam. Moody lang ang kapal moks mo. "Alam mo Ken kung ganito tayo mas mabuti pa ibaba mo nalang ako dito! Stop the car!!" Sa sinabi ko. Itinigil niya na ang sasakyan palabas na sana ako nang bigla niya akong hatakin palapit sa kanya. The next thing I know lumapat na ang malambot niyang labi sa akin. He's crashing his lips into mine. I can feel the electricity all over my body because of his touch. Pakiramdam ko ay nadadaya niya ako dahil sobra-sobra ang epekto niya sa akin. Hindi na ako nag-alinlangan at tinugunan ang kanyang mga halik. Naka-adik talaga ang mga halik nang kapal moks na ito. Ilang minuto rin kaming naghalikan sa loob dahil sa taglay naming kalandian nang sasakyan nang maisipan niya nang kalasin ito. Mabuti naman at baka maubusan na ako nang hininga. "Your kiss on my cheeks is not enough! I'm not damn contented." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. 'Yun lang ba ang ikinagagalit nang kapal moks na ito? Ang babaw niya talaga. Tsk! I just rolled my eyes at him, this is always the scenario. Binuksan niya nang muli ang engine nang kanyang sasakyan at sobrang bilis nang kanyang pagpapatakbo na para bang nasa racing event kami. Naglalakad ako sa hallway. Marami ng tao kasi free time namin. Nakita ko si Frost, pangiti ngiti pa siya sa akin. He's always acting like this, what a weirdo! "Hi!" Bati niya. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Inunahan ko na siya sa paglalakad at hanggang makapunta sa garden ay sinusundan parin ako nang taong 'to. Problema nito? "Why are you following me?" Tanong ko sa kaniya ng maharap ko na siya. Ngumiti naman siya nang nakakaloko. "Because my parents told me to always follow my dreams." Natameme naman ako sa kanyang isinagot. Akaka ko ba ay ayos na kami? "Huh?" Hindi niya naituloy ang kanyang sinasabi nang biglang may tumawag sa akin. "NERDYBABE!!" Sigaw ni James at lumapit sa amin. Binigyan niya naman ng matatalim na tingin si Frost. "Ginugulo mo ba si Sam?" Tanong niya rito. Frost just shook his head. "No! Alam ko naman ang lugar ko." Aniya. "Mabuti naman at alam mo. Siguro alam mo naman kung saan ka babagsak if ever na binangga mo kami. Lalo na si Sam." Tumango nalang si Frost at nagpaalam na sa akin.. "Halika na!" Aya sa akin ni James. Huh? Saan naman kami pupunta? "Where are we going?" "Ken didn't tell you? Did he?" Nagtatanong nga ako sinagot niya naman rin nang tanong. Paano kami magkakaintindihan. "James. Wala siyang sinabi sa akin na kahit ano. Okay?" Tumango siya at hinila na naman ako. Isumbong ko to kay Ken na palagi nalang akong hinihila. Lagot siya doon. "Hay talagang yun si leader ang kulit, sabi nang sabihin sa iyo e!" Hindi ko maintindihan itong si James. "Ano ba talaga James?" "Hindi niya talaga sinabi sayo na ngayon ang balik ni Accel? Birthday niya bukas hindi ba?" Doon na nanlaki ang mga mata ko. Bakit 'di sinabi sa akin ng kapal moks na yun na ngayon ang balik ni Accel? "Nerdybabe. Tutulungan mo kami para i-surprise yun!" Okay! Tutulungan ko daw sila. Umalis si Accel dahil doon siya pinag-aral ng magulang niya sa States its been 2 years noong last ko siyang nakita. Kamusta na kaya 'yung mokong na yun? "Tara na nga!" Sumakay na ako sa motorbike niya at ipinaharurot niya naman ito kaagad kaya muntik pa akong mahulog. "Bwisit ka James!" Isusumbong ko talaga ito kay Ken. "Peace tayo NERDYBABE!" Nakarating na kami sa Airport at nakita na namin ang ibang mokong. Pati narin si kapal moks na nakalagay pa ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. "Bakit 'di mo sinabi sa akin na ngayon ang dating ni Accel?" Sermon ko sa kaniya ng makalapit na kami. Napakamot naman siya sa kaniyang batok. "Sorry, nakalimutan ko kasi e, pa-kiss nalang." Nginusuan niya pa ako. "E, ayaw mo lang sabihin kay Nerdybabe kasi nagseselos ka kasi siya yung palaging hinahanap ni Accel." Sabi ni James. Tinignan ko naman si Ken. Kaya naman pala e. "A-ako? Bakit ako magseselos? Iki-kiss naman ako niyan diba?" Ngumuso ulit siya. Parang tanga talaga 'tong taong ito. Hindi na nahiya. Kapal moks talaga! "Kapal moks ka talaga kahit kailan. Nakakainis!" Lumapit nalang ako kanila Bruks. "Ako nalang kasi sana ang pinili mo Nerdybabe, hindi ako ganyan masyado." Bulong sa akin ni Bruks. "Don't fool me Bruks, kilala ko na kayo." I said while chuckling. "Sam dito ka nga lang." Hinila ako ni Ken sa tabi niya at tsaka ako niyakap. PDA! Nakakairita talaga minsan si Ken dahil sa napaka-clingy niya, wala siyang pinipiling lugar. "Accel!" Napatigil siya sa kaniyang ginagawa nang sumigaw si James. Lumingon kami at nakita namin si Accel. He's gorgeously walking towarda our direction. Nakangiting kumakaway ito sa amin.. Na-miss ko itong mokong na to, hndi ko nga siya nakakausap online kasi ayaw ni kapal moks. Masyadong seloso sa totoo lang. "Hey mga dude." Bati niya isa-isa sa mga mokong pati kay kapal moks at isa isa silang nag man-hug. Hanggang sa makita niya ako, ngumiti kaagad ako sa kaniya. "My nerdybabe!" Sambit niya at yumakap sa akin. "Na-miss kita nerdybabe, bakit 'di mo man lang ako tawagan?" Tinignan ko si Ken na ang talim ng tingin sa akin. Ang sarap inisin ng lokong ito. "Na-miss rin kita mokong, mabuti naisipan mo pang bumalik?" Tanong ko sa kanya na ikinatawa niya, hanggang ngayon magkayakap parin kami. "Syempre babalik ako, nandito kayo e, lalo ka na." Sagot niya naman. Tumikhim kaagad si Ken na ikinatawa ng lahat. "'Wag ganyan Accel at Sam, may nagseselos dito!" Pang-aasar ni Carl kay Ken. "Tara na, gutom na ako." Sabi ni Kapal moks at tsaka ako hinila papunta sa motorbike niya. "Ano ba Ken,makahila ka naman!" Reklamo ko sa kaniya. "Kung 'di pa ako tumikhim hindi kayo titigil magyakapan 'don?" Kunot-noong tanong niya sa akin. "Psh! Sabihin mo lang kasi na nagseselos ka! Selos si kapal moks ko." Pang-aasar ko sa kaniya habang tinutusok ang kaniyang tagiliran. "Stop that!" Sabi niya kaya napatigil ako. Ken Valdez was really something, babae nga yata talaga ito. Papalit-palit ng mood, at nakakainis kapag ganoon siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook