Chapter 1
Hating gabi nang magising ako sa isang nakakasilaw na liwanag. Pumikit-pikit ako para ayusin ang paningin ko at unti-unting nakita ang isang alitaptap na nakadapo sa ilong ko. Lumipad ang alitaptap sa buong kwarto ko ng may kagalakan. Bigla akong napabangon mula sa kinahihigaan ko upang sundan ang alitaptap na lumipad palabas. Ang labas ay napakadilim pero dahil sa liwanag na nagmumula sa alitaptap ay naglaho ang dilim.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tabi ng lawa na pinalilibutan ng malalaking puno nang dalhin ako ng alitaptap na pumaroon. Payapa ang tubig, nagliliwanag ito ng napakagandang kulay asul. Dahan-dahan akong naglakad sa damuhan na puno ng mga kulay lila na bulaklak. Sa bawat hakbang ko, ay nagliliwanag at namumulaklak ang mga ito na parang sadyang bumabati sa aking pagdating. Dahil sa galak, nahiga ako sa malambot nitong mga bulaklak. Kasunod niyon ang biglang paglipad ng maraming alitaptap sa paligid ko na mistulang naging kalawakan na pinalilibutan ng mga nagsasayaw na bituin.
Habang nilalanghap ko ang matamis na halimuyak ng bulaklak, biglang may narinig akong sigaw— isang malakas na alulong mula sa isang nakakatakot na nilalang na papalapit sa direksyon ko. Mula sa madilim na kakahuyan ay lumabas ang isang binata na hinahabol ng dambuhalang halimaw. Dali-dali niya akong kinuha atsaka isinakay sa harap ng kabayo. Bigla na lang nagkaroon ng mga pakpak ang kabayo at inilipad kami.
Napakaganda ng gabing iyon. Halos maabot na namin ang kabilugan ng buwan. Ang lalaking nagligtas sakin ay may magandang mukha na walang sinuman ang makakapantay. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba at saya habang tinititigan nya ako. Dahan-dahan siyang lumalapit, ang mga labi niya ay halos ilang pulgada na lang ang layo sa akin. Tanging t***k ng puso ko lang ang naririnig ko nung mga oras na to. Ngunit bago pa man magtagpo ang aming mga labi, biglang lumitaw sa harapan namin ang halimaw at biglang—
“TIKTILAOK!”
“Lola naman!” inis na sabi ko.
“T*nga! Bumangon ka na dyan! Late ka na! Kinikilig-kilig ka pa dyan habang tulog!”
“Kala ko totoo na. Sa panaginip ko na nga lang mahahalikan si crush, naputol pa.” reklamo ko sa isip ko.
Napansin ko agad ang oras sa wall clock na nasa taas ng pinto.
“Hala, 11 na! Napasarap tulog ko.” mabilis akong lumabas sa room ko.
Pumunta agad ako sa banyo para maligo pero bigla ko na lang nakabanggaan ang pinsan kong si Maya papasok ng cr.
“Teka, anong oras ka pa nakauwi?”
“Kakauwi ko lang.” masungit na sagot niya.
Mukhang maliligo na rin siya kaya agad ko siyang tinulak palabas ng banyo.
“Hoy! Ako yung nauna!” sinubukan nyang buksan yung pinto ng cr pero di umubra yung lakas nya sa lakas ko. Haha!
Ilang saglit lang, lumabas na agad ako.
“Anong ginawa mo?” nakakunot ang noo niya na tanong niya sakin.
“Naligo. Late na ako kaya tumabi ka dyan.” binangga ko siya.
“Tsk. Naligo? Mukhang di ka pa nagkawkaw ng mani mo.”
Di ko na siya pinansin, muntik pa akong madulas dahil sa kakamadali ko.
Once I was dressed (wearing a Japanese-style uniform with a white long-sleeved top, a brown short skirt, and high socks) I headed straight to the kitchen. Mukhang kagabi pa yung mga nakalagay na pagkain sa table. Pero walang nguyang nilunok ko ang rice na parang lugaw sa sobrang bilis kong kumain. Kinuha ko na ang brown backpack ko. Nagpaalam na muna ako sa urn ng kakambal ko bago ako nagpaalam kay Lola na papasok na. Pero paglabas ko—
“Wtf? Bat ang dilim?”
Lumingon ako kay Lola na tawang-tawa.
“LOLAAAAAA!”
******
Ito yung unang araw ko na papasok sa university kung saan nag-aaral si crush kaya sobrang excited ako. Bigla ko tuloy naalala yung unang araw ng pagkikita namin. Laban ng basketball ng bawat campus nun (bale university namin vs university ni crush). Pumunta ako para suportahan ang team namin. Kasama ko rin si Maya, madalas syang ginagawang tagabantay ko, tagasumbong na rin kay Lola.
Halos mapuno ng mga manonood ang basketball court. Biglang nagsitilian ang lahat nang dumating na ang mga players ng kabila. Lahat ng players ay sobrang gwapo. Pero sa iisa lang talaga napako ang paningin ko. Wait! No! ERASE! ERASE! I’m here to support our team! Nung mga players ng university namin na ang dumating, biglang nagsitahimikan ang lahat (awkward.) Kada nakaka-shoot yung mga kalaban, ang daming nagsisigawan na mga babae para sa kanila. I want to scream too, for that one guy I like. Ugh, I’m such a flirt.
Sa wakas, natapos na rin ang laban at panalo syempre, yung kabilang side. Yayayain ko na sana si Maya para umuwi pero bigla na lang syang nawala sa tabi ko. Hinanap ko sya kung saan-saan at nakita sya ng napakatulin kong mga mata doon sa baba habang nakikipagtilian kasabay ng mga baliw na kababaihan para sa kabilang team. Waaah! Kaya pala hindi sya tumanggi na bantayan ako kasi fan pala sya ng kabila.
Napakaraming babae ang gustong makipagkilala sa mga players. Nakipagsiksikan na ako para pilitin nang umuwi ang pinsan ko. Pero napakagrabe ang siksikan. Right in front of me, nakatayo ang isang dambuhalang babae na naliligo ng sariling pawis, Yung amoy nya? Sapat na para patumbahin ang isang batalyon. Sa sobrang desperado ko makahinga ng sariwang hangin, tumingin ako sa kaliwa… pero nalanghap ko ng buo yung mabulok na hininga ng baklang walang tigil sa kakatili. Napaduwal ako, kaya iniharap ko agad ang ulo ko sa kanan at Boom! Saktong nag-land ang mukha ko sa maitim at mabuhok na kilikili ng babaeng nakataas ang kamay. GRABE! Napaupo ako sa sobrang bulok ng kilikili nya dumikit pa talaga yung putok nya sa mukha ko! Pero pinagsisisihan ko na umupo ako, dahil may nag-aabang na pala sakin na pinakamabaho sa lahat— coming straight from the massive woman’s *ss in front of me!
FRUIIIIIIIIT! with hangin effect sa buhok ko.
Oh. My. Gosh. I can’t take it anymore! The air is so toxic it can probably be classified as biological warfare. In a full-blown panic, I started shoving my way out of the suffocating crowd until I crashed straight into someone. At hindi lang basta-basta someone kundi SI CRUSH! Mas lalong nakakaloka ang itsura nya sa malapitan. As in, sobrang gwapo! And here I am, hair looking like a bird’s nest, face still recovering from its tragic encounter with ‘The Armpit of Doom.’ Just great. I wanted the earth to swallow me whole, but all I could do was stand there, grinning like an absolute idiot.
******
Sa kasalukuyan, naglalakad ako papunta ng school. Sa kakaisip ko kay crush napatalon ako sa kilig and BAM! I accidentally punched the person walking beside me.
“Sorry, hindi ko sinasadya.” tinanggal ko yung kamay na naka-cover sa mukha nyang nasuntok.
My eyes widened as I took a good look at the person I just punched— Maya?!
“Bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako?” muling lumaki ang mga mata ko nung mapansin ko pa na pareho kaming suot na uniform. “Wag mo sabihing…” nakanganga ako.
“Akala mo ba ikaw lang pina-transfer ni Lola?” kinuha nya yung foundation nya na may salamin sa bag nya. “Hindi ko alam yung room, kaya sabay na tayo.” tiningnan nya yung pagmumukha nya sa salamin. “Hala ang pangit ko, baka makita ako ni Ash na ganito.” sa isip nya.
Sya yung pinag-ugatan kung bakit ako na-bully sa old school ko. Na dahilan kung bakit pinilit ko si Lola na magpalit ng school. Tapos pina-transfer din pala nya ang buset kong pinsan! Oh no! Sisirain na naman nya ang buhay ko!
Palihim ako na naglalakad palayo sa kanya habang busy sya mag retouch ng makeup nya sa hawak nyang foundation. Tumakbo ako ng mabilis at iniwan sya na sumisigaw nung makita nyang wala na pala ako sa tabi nya. Haha! Excited na ako na pumasok at makita si crush!
******
Pagkapasok ko pa lang sa entrance ng campus ay natulala lahat ng estudyante sa ganda ko. Yung isa, tumulo pa yung laway atsaka hinigop ulit pabalik nang mapansin nyang naglalaway na pala siya.
“Tabi!”
BAM! Four girls suddenly shoved past me, strutting down the hallway like they owned the place. Every student's gaze followed them, completely ignoring my presence. Kala ko sakin sila nakatingin, sila pala! Haha! Ang feeling ko talaga. Nevermind.
Hinanap ko na lang ang room ng grade 12, pero napahinto ako nang makita ko ang apat na lalaki na pinagtutulungan ang isang babae. Pinagpapasa-pasahan nila ang bag nito. I really hate bullying kaya hindi na ako nakatiis. Pinulot ko yung plastic bottle na may konting laman na tubig at binato sa isa sa mga lalaking iyon. SMACK!
“Who the f threw that bottle?” nanggigigil sa galit na sabi ng bully nung matamaan siya.
All four of them snapped their heads toward me, their sharp gazes drilling holes into my soul. And that’s when I noticed, they were actually good-looking. Not just that, but they seemed famous. Oh no! Did I just pick a fight with the campus heartthrobs? I can already hear the collective screams of their fangirls— Welp. I’m so dead!
“It wasn’t me.” umiling-iling ako habang nakaturo yung hintuturo ko sa sarili ko.
Tinitigan nila ako ng masama nung hindi ko sila nakumbinsi sa palusot ko. Lumingon-lingon ako sa paligid at na-realize na ako lang pala ang mag-isa doon. Kaya pala ganun na lang kasama ang tingin nila sakin.
I saw them take a step toward me, and panic hit me like a truck. Nope. Not today. Without thinking, I spun on my heel and bolted. But just as I thought I had a chance to escape, I heard a series of loud thuds behind me. When I looked back, the four bullies had hopped onto their skateboards, effortlessly gaining speed! Oh, come on! Are they action movie villains or something? My legs scream in protest, but I push forward. Run now, scream later. Wherever this chase is going, one thing is certain— I’m doomed!
Nakalimutan ko nga pala na magpakilala. Ako si Mae T. Liling. 18 yrs old. Mahaba ang buhok, payat na pandak at higit sa lahat ay magandang dalaga na walang hinaharap. Yes, I’m flat. It’s like I was shortchanged in that department. But it’s fine because my confidence? XXL!
I’m currently being chased by four insanely handsome guys. They’re so attractive that almost every woman would fantasize about them. Pero wala sa kanila ang natitipuan ko. Dahil si crush... ay makikilala nyo pa lang mamaya.
Ito ang Parker University o mas kilala sa tawag na Pak U.