bc

TWENTY THREE - TWENTY FIVE

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Callista Moore is a fine and charming woman, hindi maiiwasan na magustuhan siya ng mga nakakakilala sa kaniya dahil sa personality na meron siya.

Maganda ang buhay ni Callista, mayaman, matalino, magaling sa bawat sport at higit sa lahat nakukuha niya lahat ng gusto niya, pero may isang bagay siya na hindi niya kayang makuha- hustisya, sa pagsisikap niya, gusto niya na makamit ang hustisya pagkatapos niya makuha ang trabaho na gusto niya.

Masayahin siya callista kaya hinding hindi mahahalata ang bawat daing, sakit at iyak ni callista sapagkat mas pinipili niyang maging malakas tuwing may nakakakita sa kaniya.

Paano niya makakamit ang hustisya na gusto niya? kung bilang na lang ang araw niya sa lupa.

Paano kung may isang lalaki na handa na ipaparamdam sa kaniya ang maging malakas at mas pilitin na mabuhay siya? Paano kung ang lalaki na magiging lakas dapat niya ay magiging dahilan pa para bumagsak siya?

chap-preview
Free preview
chapter one
"Nagsasawa ka na ba!?"- sigaw ni mama habang nakahiga si papa. "Kung nagsasawa ka, umalis ka na dito!"- piyok na sigaw ni mama, hindi ko naman maiwasan na manahimik at inoff ang ipad ko. Galit na galit si mama at si papa naman ay mahimbing na natutulog dahil na rin lasing 'to, hindi ko mapigilan na mapahinga nang malalim, nagsumbong ang kapatid ko na umalis si papa kasama ang driver namin kaya naman si mama pumunta sa mga may videoke at hinanap kung saan naka-park yung kotse namin, ng makita raw niya si papa at kuya eugene na nasa loob, agad niya na sinampal si papa na ikinagulat ni kuya eugene, wala naman mga babae, puro kanta lang din ang ginawa ni papa pero syempre hindi maiiwasan na mag-isip nang kung ano-ano dahil nasa bar sila, kaya naiintidihan ko kung bakit galit na galit si mama. Tumigil naman na si mama sa kakasigaw kaya naisipan kong bumaba at kumuha nang pagkain, nakita ko naman si calix at caspian na nasa baba. "Calix, anong sinabi mo kay mama?"- curious na tanong ko "Sabi ko lang umalis si papa kasama si kuya eugene"- diretsong sabi nito, napahinga na lang ako ng malalim at bumalik na sa kwarto. Pagpasok ko binuksan ko ang laptop ko at naghanap ng pwedeng mapanood habang nagsusulat ako. Ilang oras lang tinabi ko na ang notebook at laptop ko tsaka inayos ang higaan ko. "mahal na mahal kita"- nagising naman ako dahil sa napanaginipan ko- isang lalaki na walang mukha ang nakahawak sa'kin habang naglalakad kami sa dagat. Naaalala ko kaya isa lang ang ibig sabihin- hindi 'to mangyayari. Pumikit naman na ako at inalis na sa isip ko ang napanaginipan ko. "anak papasok ka ba!? "- napaupo agad ako ng marinig ko ang boses ni papa. " Gumawa lang ako ng homework ko, maliligo na 'ko"- dahilan ko at pumasok na agad sa banyo, sinuot ko na ang uniform ko ng matapos ako maligo, nag-sapatos at nag-pabango, mabilis ko na kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay. Agad akong pumasok sa kotse, si papa naman ay pumasok na sa driver seat at nagmaneho na papuntang school. "sa susunod nga mag-commute ka na lang, ang lapit lapit naman ng school mo - biglang sabi ni papa "ayoko nandyan naman si kuya eugene pag ayaw mo ako ihatid"- sabi ko dito " Ayaw na nga papasukin nang mama mo"- sabi ni papa "Syempre pati raw ibang tao sinasama mo sa kalokohan mo"- sabi ko dito at tinaasan nang kilay si papa " nag-videoke lang naman kami doon"- paliwanag nito "haynako, suyuin mo na lang si mama, may videoke naman kasi sa bahay lalayo ka pa" - sabi ko dito at lumabas na nang kotse tsaka kumaway kay papa. Dumiretso ako agad sa room at napahinga nang maluwag dahil wala pa ang professor. "Sis, may pabango ka?"- tanong sa'kin ni ellie, umiling naman ako " Aga aga mo naman mangulit elyang"- sabi ni stella at umupo sa tabi ko, napairap naman si ellie at napailing na lang ako dahil hindi talaga matatapos ang isang araw na hindi sila nagbabangayan. "Oy alam niyo na ba ang chismis today? "- sabi ni ellie at hinampas pa kami " Hindi, ano ba 'yang chismis mo ngayon?"- tanong ko dito, napangisi naman ito "Basta talaga chismis, ikaw nangunguna lagi eh"- sabi nito na ikinatawa ni stella " Si allan, yung crush ni calli, navideohan na may kausap sa likod ng school"- sabi nito "Oh ano naman kung may kausap?"- tanong ni stella " Nag-uusap sila ni jake tungkol kay Camilla, diba nga parehas nilang nililigawan yun, ayun pala pinagpupustahan nila kung sino yung sasagutin ni Camilla syempre ayun yung mananalo sa pustahan"- sabi nito, nakaramdam naman ako ng inis dahil sa nalaman ko. "Sabi na nga ba, itsura pa lang hindi ka na magtataka eh"- sabi ni stella at tumingin sa'kin "Ang hilig mo talaga sa red flag no? halos lahat ng nagugustuhan mo red flag"- sabi nito na ikinatawa ni ellie, sinamaan ko naman 'to ng tingin " At least crush lang diba, wala pa naman ako nagiging boyfriend na red flag"- depensa ko "Ay malamang nbsb ka, sis"- sabi ni ellie at tumawa ang dalawa, napairap na lang ako at kinuha ang libro na nasa bag ko at nagbasa na lang. Ilang minuto lang ng dumating ang professor namin kaya tinabi ko na ang libro ko at nakinig, yung dalawa naman ay pumipikit na habang nakikinig sa professor, malakas ko naman na hinampas ang dalawa kaya napadaing sila. Nag-ring na ang bell kaya sabay sabay kami nila stella at ellie na pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad naman kami puro tungkol kay allan ang maririnig sa hallway. "Sino kaya yung nag-video kila allan, exposed na exposed talaga siya HAHAHA" "Grabe ginawa ni jake at allan, lagot talaga sila sa kuya ni camilla" Napailing na lang ako sa mga naririnig ko, napalingon naman ako ng makita ko si camilla na naglalakad at nakayuko lang hindi ko maiwasan na malungkot dahil sa issue niya ngayon, maganda si camilla, halos maraming nagkakagusto at nagtatangka na manligaw sa kaniya pero yung dalawa lang talaga yung pinayagan niya tas ayun pa pala yung paglalaruan siya. "Check niyo yung gpage ng school natin, may nag-reveal kung sino yung nag-exposed sa dalawa"- sabi naman ni ellie, inopen ko naman ang phone ko at hinanap ang gpage, hindi ito yung main gpage ng school, ito yung gpage para sa mga chismis na nangyayari dito sa school, hindi namin kilala yung gumawa nang gpage pero masyadong malaki ang tiwala ng ibang student doon kaya nagpopost sila bilang anonymous. " taga section f ang nag-video kila jake at allan, kitang-kita ko dahil magkasabayan lang kami na pumunta sa likod ng school " " Taga section f? sino naman doon?"- tanong ko kay ellie "Ewan baka yung parang gangster"- sabi nito "Impossible naman kung siya"- sabi naman ni stella, pumasok na kami sa cafeteria at umupo na ang dalawa, may sarili naman silang mga baon, pumunta naman ako sa cashier at nag-order na. "One chocolate croissant and one lemonade, miss"- sabi ko sa cashier "Nakita mo ba si camilla kanina? grabe yung iyak niya doon sa restroom, rinig na rinig" "Sino ba namang hindi iiyak pag nalaman na pinagpupustahan ka lang, grabe ginawa sa kaniya ni jake at allan buti na lang talaga may nakakita" rinig kong usapan sa likod ko "Here's your order, ma'am"- nakangiting sabi sa'kin at inabot ang tray sa'kin, naglakad naman ako papunta nang table kung saan nandoon yung dalawa. "Hindi ka man lang bumili nang kanin"- sabi ni stella pagkalapag ko ng tray " Hindi naman ako nagugutom "- sabi ko dito " Magkakasakit ka sa ginagawa mo, hindi ka pa naman kumakain pag umaga"- sabi nito napakamot naman ako sa ulo ko "Paano makakakain 'yan, tulog mantika ba naman, gigising lang talaga pag may kumatok sa pinto niya"- napairap na lang ako, alam na alam talaga nila, minsan kasi halos doon na sila tumitira, kaya halos lahat nakukwento ni mama, kinain ko na yung pagkain ko gano'n din sila " Gala tayo mamaya "- sabi ni ellie " Puro ka na lang gala "- inis na sabi ni stella " Anong puro, last na gala natin nung sabado pa kaya "- depensa naman ni ellie " 'te lunes pa lang, uso rin magpahinga "- sabi ni stella, napairap naman si ellie " Saan ba? "- tanong ko " Sa mall lang naman, may bagong dating na mga damit sa favorite boutique ko "- sabi naman nito at halos magningning na ang mata " Sige, bibili rin naman ako ng libro ko "- sabi ko " Kayo na lang muna, hindi pa ako tapos sa project "- sabi ni stella habang nanguya " Gawin mo na lang pag-uwi natin "- sabi naman ni ellie na ikinatawa ko "Ayoko nga, gagaya mo pa ako sayo"- sabi ni stella at tinakpan na ang lunch box niya, gano'n din si ellie, tumayo naman ako at binalik ang tray sa cashier " Mauna na kayo, pupunta lang ako ng restroom "- sabi ko sa kanila at naglakad palabas nang cafeteria Pagpasok ko naman, bumungad sa'kin si camilla na umiiyak. Agad kong nilabas ang panyo ko at inabot sa kanya, tumingin naman siya sa'kin at nakita ko naman yung mata niya na magang-maga " Umiyak ka lang. Umiyak ka lang nang umiyak pero sana ngayon mo lang pagurin sarili mo sa pag-iyak, kahit sinaktan ka nila, huwag mo sana hayaan na makawawa yung sarili mo. Sana bukas nakangiti ka na. "- sabi ko dito at umalis na sa restroom, dumiretso na ako sa room at umupo na. " nakakapagod na maging single "- nayayamot na sabi ni ellie " hanapan niyo naman ako ng sisira sa single life ko "- sabi nito " kami nga wala tas papahanap ka pa sa'min "- sabi ko dito " sa totoo lang ang sarap naman talaga maging single pero hindi mo maiiwasan na maisip na ano kayang feeling pag-inlove ka na" - sabi ko rito " tama ka riyan "- sabi ni ellie Nagulat naman kaming dalawa ni ellie ng tumili si ellie " the f*ck! mas maingay ka pa sa'kin "- inis na sabi ni ellie habang nakatakip ang things " oh my gosh! hineart niya md ko! "- kinikilig na sabi ni stella " luh 'te, napaka-delulu mo naman "- sabi ni ellie, napasapo na lang ako sa noo ko, minsan hindi ko maiwasan na maisip kung paano ko ba sila naging kaibigan, napaupo naman kami ng maayos nang dumating na ang professor. Ilang oras lang ay tumunog na ang bell kaya naman inayos ko na lahat ng gamit ko, sabay sabay kami na lumabas nang school at inantay ang mga sundo namin, nakita ko naman yung kotse ni papa kaya nagpaalam na ako sa dalawa " dadaan na lang ako sa inyo, callista "- sabi ni ellie, tumango naman ako at naglakad palapit sa kotse " welcome back, kuya eugene "- sabi ko rito, napakamot naman siya, nagmaneho siya at sinuot ko naman ang earphone ko at pumikit. " callista, nandito na tayo "- napaayos naman ako ng upo nang marinig ko si kuya eugene, kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na nang kotse. " casper ano ba maglinis ka nga riyan! "- hindi pa ako nakakapasok sa loob pero rinig na rinig sa labas nang bahay ang boses ni mama. Pagpasok ko agad bumungad sa'kin yung tatlo na naglalaro, lumapit naman ako kay mama at hinalikan ito sa pisngi. " aalis ako mamaya, ma "- sabi ko dito, napataas naman ang kilay nito " saan ka na naman pupunta? "- tanong nito " bibili lang ako ng libro kasama ko naman si ellie "- sabi ko kay mama " sige, huwag kayo magpapagabi ni ellie kung gusto mo isama mo si eugene "- sabi naman nito " hindi na, susunduin naman ako ni ellie "- sabi ko dito at umakyat na ako papunta sa kwarto, nilapag ko naman ang gamit ko at humiga, ilang minuto lang nag-ring ang phone ko, sinagot ko naman ito. " hey! mag-ayos ka na, susunduin na kita diyan "- sabi ni ellie at pinatay na ang tawag, kung nag-message na lang sana siya, tumayo naman na ako at naligo, nang matapos ako, blinower ko na ang buhok ko at nag-suot nang black wide leg pants, white rubber shoes at white off shoulder hem top, nagdala na rin ako ng shoulder bag para sa lagayan ng card at pera ko. " ate sama ako "- sabi naman ni caspian, napatingin naman ako rito " hindi pwede kasama ko si ellie, maiinip ka lang kakaantay doon matapos "- sabi ko naman dito kaya napabusangot 'to " ano bang gusto mong bilhin, ako na lang bibili "- sabi ko dito na ikinaliwanag nang mata niya " jco!!! "- napailing na lang ako sa pag-sigaw nito, bumaba na kami at lumabas na ako para antayin si ellie " that's sick, dude! " " grabe HAHAHA hindi ko ineexpect na gagawin mo " " umiiyak tuloy si camilla dahil sa nangyari "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
474.5K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
521.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
613.6K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook