bc

Royal Secret/Engagement

book_age0+
2.6K
FOLLOW
31.1K
READ
arranged marriage
badboy
goodgirl
kickass heroine
prince
princess
royalty/noble
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Prince Roarke of Elestia has a royal mission to bring back his twin sister to the kingdom. But Princess Cassiopea won't leave the Philippines because of one boy. So, siya na ang nag-decide na personal sunduin ang kakambal. At sa napakainit na bansang 'yon, nakilala rin niya ang hotheaded (pero magandang) "scammer" na si Cassy.

Man, that pretty girl is a brute. Eh kasi naman, ang unang Filipino word na tinuro nito sa kanya? "G*go!" And then later on, he finds out that Cassy is actually his twin sister's friend. Really?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Devious Prince
"Misery loves company so why not suffer together?" *** "PRINCE ROARKE, you can't just leave the monarchy to have a "normal high school life" in a third-world country." "The third-world country you're speaking of is my mother's homeland," malamig na sabi ni Roarke nang hindi nag-aangat ng tingin kay Creed– ang Knight niya. Nakatitig kasi siya sa blangkong papel na nasa ibabaw ng mahogany table sa opisina niya. Nang muli siyang nagsalita, French na ang ginamit niyang lengguwahe. "Iniinsulto mo ba ang kalahati ng dugong dumadaloy sa katawan ko?" "Of course not, Your Highness." Nakita niyang yumuko ito habang nakapatong ang kamao sa kaliwang dibdib kung saan nakatatak ang simbolo niya: three golden pebbles. Ang ibig sabihin niyon, kasama ito sa personal Knight security team niya. "I've been careless. Please forgive me." Hindi na siya nag-comment dahil alam niyang inaalala lang ng Knight ang kaligtasan niya. Hindi naman kasi kilala sa Elestia ang Pilipinas sa pagiging safe sa mga foreigner, lalo na't no'ng isang taon lang ay na-kidnap ng mga terorista sa bansang 'yon ang pinsan niyang si Prince Ross. Mainit lang naman ang ulo niya dahil blangko na naman ang papel na pinadala sa kanya ng kakambal niyang si Cassiopeia. Buti sana kung normal na pangangamusta lang ang pinadala niyang message rito– pero hindi. Hindi inaasikaso ng magaling niyang kapatid ang future nito! "Forget it," kunot-noong sabi niya lang sa Knight. Nang mag-angat siya ng tingin dito, deretso na uli ang tayo nito pero nakababa ang tingin na parang nahihiya pa rin sa mga nasabi nito kanina. Muli, French na ang ginamit niya sa pagsasalita. "Creed, wala na bang ibang pinadalang letter si Princess Cassiopeia para sa'kin?" Moderno naman ang pamumuhay sa Elestia at gumagamit din sila ng modern technology. Active din sa social media ang mga Elestian. Pero pagdating sa mga importanteng discussion sa pagitan ng dalawang miyembro ng royal family, formal letter ang ginagamit na mode of communication. "Wala na, Mahal na Prinsipe," sagot nito sa French language din. "May problema ba sa natanggap mong sulat mula sa prinsesa?" Inangat niya ang blangkong papel na kanina pa niya ka-eye-to-eye. "Ito ang pinadala sa'kin ng magaling kong kakambal." Nanlaki ang mga mata ng Knight. "Mahal na Prinsipe, baka nagkamali lang sila ng ibinigay na sulat sa'yo. Itatanong ko uli sa mga tauhan mo–" "Hindi na kailangan," putol niya sa sinasabi nito. "May seal ng prinsesa ang envelope." Naiinis na nilamukos niya ang hawak na papel, saka niya 'yon hinagis dahilan para tumama 'yon sa dingding at mahulog sa carpet na nakalatag sa maliit na sala ng opisina niya. "Sigurado akong sinadya ni Princess Cassiopeia na blank paper ang isagot sa'kin. Mukhang wala siyang plano na samahan ako sa pagkuha ng entrance exam sa University of Elestia." "Ayaw ng prinsesa na mag-enroll sa University of Elestia?" "The University of Elestia is arguably considered as good as any Ivy League school, for Pete's sake!" iritadong sabi niya, sabay hampas ng mga kamay niya sa mesa. Pagkatapos ay sumandal siya sa lazyboy chair habang sapo-sapo ang noo. Sumasakit ang ulo niya sa pagiging stubborn ng kakambal. "Wala akong makitang reason para hindi niya gustuhin na do'n mag-college. Saka chance na niya 'yon para makabalik dito sa Elestia. What is wrong with my sister?" "Posibleng hindi na maiwan ng prinsesa ang buhay niya sa Pilipinas." Mariin siyang pumikit para kalmahin ang sarili. 'Yon pa ang isang bagay na hindi niya maintindihan. Bakit si Cassiopeia, pinayagan ng mga magulang nila na magkaro'n ng normal na buhay sa ibang bansa? Bakit siya, naiwan dito sa Elestia? Ang ironic nga ng daddy niya na tumakas noon sa royal life nito pero ngayon, ayaw siya nitong payagang maging normal teenager. It was so unfair. Hindi puwedeng si Cassiopeia lang ang magkaro'n ng normal high school life na malayo sa nakakasakal na sistema ng Elestia. "Creed, alamin mo kung bakit ayaw umalis ni Princess Cassiopeia sa Pilipinas," utos ni Roarke sa Knight niya. "Gusto kong makita ang reaction niya kapag sinabi ko sa kanya na alam ko na kung bakit ayaw niyang bumalik dito sa Elestia." "Pa'no mo naman sasabihin sa kanya..." Unti-unting natigilan si Creed, pagkatapos, nanlaki ang mga mata nito. "Mahal na Prinsipe, itutuloy mo talaga ang plano mong magpunta sa Pilipinas?" Ngumisi lang siya. Nabubuo na kasi sa isipan niya ang plano niya para payagan siya ng daddy niya na sa Pilipinas mag-senior high. "Hindi ka papayagan ni Prince Reynold," iiling-iling na kontra ng Knight. "King Royale just ascended the throne. His Majesty needs all the support from his loyal supporters. Kasama ka na ro'n, Prince Roarke." "His Majesty might be the King that rules Elestia but he's also a caring older cousin to us," katwiran ni Roarke sa confident na boses. "Plus, my sister and I are the youngest members of the extended royal family so I'm sure His Highness will have mercy on us."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.6K
bc

His Property

read
947.0K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook