bc

High School Life

book_age12+
667
FOLLOW
3.0K
READ
friends to lovers
goodgirl
brave
sporty
student
drama
bxg
highschool
first love
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang storyang ito sa isang babaeng laging pinagtitripan at pinapahiya ng mga sossy girls ng campus. Ashley Perez ang pangalan niya.

Dahil sa mga pambubully ng mga sossy girls, naencounter at nakilala niya ang Asset ng campus na si Jasper Lim. At ang hindi nya inaasahang pagtulong nito sa kanya.

Nakilala at napalapit si Ashley sa campus asset na si Jasper Lim ngunit nang dahil sa isang balitang kumalat ay nag iba ang treatment ni Jasper at nilayuan niya si Ashley. Mahalaga kay Jasper ang pagiging asset ng campus. Ayaw na ayaw nito na masira ang popularity niya kaya iniwasan niya si Ashley.

Naging masaya ang mga sossy girls ng campus at patuloy sila sa pambubully kay Ashley hanggang sa may isang lalaking naging savior niya. Tinulungan siya nito at kinaibigan, Lexter Lim ang pangalan nito. Pinsan ni Jasper Lim.

Nagkaroon ng maraming events ang campus. Kahit na masaya na si Ashley kasama ang kaniyang kaibigang si Lexter ay ganoon nalang ang kaniyang lungkot kapag siya'y nag iisa. Iba kasi ang naging epekto sa kanya ni Jasper simula una pa lamang.

Sino kaya ang pipiliin ni Ashley? Ang lalaking basta na lamang siyang iniwasan at naniwala sa balitang kumalat o ang lalaking umalalay sa kanya nung mga panahong iniwasan siya ng taong minahal na nya nung una pa lamang?

《Daily Updates starts January 2022》

《YUGTO WRITING CONTEST / Young Adult》

-Please support my entry. Do read, share and follow this story. Thank you in Advance.-

Start Date: January 2022

End Date: July 2022

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Meet the Sossy Girls
"Being popular is everyone's dream." Si Ashley Perez ay tinaguriang IMBA GIRL. Lagi siyang pinagtitripan at pinapahiya. Gusto niyang maging masaya at ma-enjoy ang last year niya bilang isang High School Student sa University of Manila ngunit paano niya iyon gagawin kung lagi siyang nakikita ng mga sossy girl ng campus na walang ginawa kung hindi ang mang-bully at mamahiya ng mga studyanteng walang kalaban-laban. Isang umaga, habang naglalakad si Ashley papuntang classroom ay napansin at nakita siya ng mga sossy girl ng campus. "Oh guys! Nandito pala itong imba girl na ito." wika ni Abigael Cai. Isa sa anak ng stakeholders ng campus at leader ng Sossy Girls Group. Nagtawanan naman ang ilang mga studyanteng nandoon. Napahinto si Ashley sa paglakad at napatingin kina Abigael, Donna, Daisy at Princess. "Yah! Oo nga guys. Ang lakas naman ng loob na dumaan pa rito kung saan tayo naroon." mataray na wika ni Donna Sanchez. Isa sa anak ng stakeholders ng campus at ang sumusunod sa yapak ni Abigael. May hawak pa itong baso na may lamang juice. Agad naman lumapit si Princess Devera kay Ashley at itinulak siya. "Ouch." napaupo si Ashley at hindi niya alam ang gagawin niya. Nakatingin ang mga studyante sa kanila at nagbubulungan. Itinaas ni Ashley ang tingin niya. "Ano bang kasalanan ko sa inyo?" agad na tanong niya habang nakaupo pa rin siya sa sahig, sa hallway ng campus. Sabay naman na nagpamewang sina Daisy at Princess. Si Abigael naman ay kinuha ang hawak na basong may lamang juice ni Donna at itinapon niya iyon sa mukha ni Ashley. Mas lalong umingay ang paligid. "Bagay sa'yo!" pagkasabi ni Abigael noon ay nagtawanan sila. "Let’s go na guys! Baka mahawa pa tayo sa loser na 'yan." pahabol pang sabi ni Abigael saka niya tinalikuran si Ashley. Sumunod na rin sina Donna, Princess at Daisy sa kanya. Napayuko na lang si Ashley at tanging pag-iyak na lamang ang kaniyang nagawa. Naririnig pa rin niya ang tawanan ng mga ilang studyante. Nanatili pa rin siyang nakaupo roon at nakatingin sa sahig. Basa rin ang uniform niya. Naiinis siya sa nangyayari ngunit hindi niya alam kung papaano siya titigilan ng mga sossy girl ng Campus. "Miss." Napataas ang tingin ni Ashley at nakita niya ang isang lalaking may hawak na panyo. Pagtataka ang naging reaksyon niya nang inabot sa kanya ang panyo. Matangkad at gwapo ang lalaki na nasa harapan niya. Nakatingin naman ang mga studyanteng nakatambay sa Shed ng Campus at mga nagbubulungan. "Oh." wika ng lalaki at hawak pa rin ang panyo. Kinuha naman ni Ashley ang panyo. Inabot din ng lalaki ang kamay niya kay Ashley upang tulungan siyang tumayo. Kinuha naman ni Ashley ang nakalahad na kamay ng lalaki upang siya ay makatayo. At nang nakatayo na siya. "Salamat." mahinang sabi ni Ashley. Ngumiti naman 'yong lalaki sa kanya. "Jasper Lim." pakilala niyang sambit kay Ashley at saka tumingin sa uniform ni Ashley na may basa ng juice. "Ayusin mo 'yong sarili mo at next time, huwag mong hayaang inaapi ka lang ng mga sossy girl ng Campus. You don’t deserve that. Nobody deserves that." pagkasabi niya noon ay nilagpasan na siya at nagpatuloy sa paglakad. Napahinga naman ng malalim si Ashley at, "Wait lang." pagkasabi niya noon ay huminto sa paglakad si Jasper. Tumakbo naman si Ashley sa harapan ni Jasper. "I'm Ashley Perez." pakilala niya at saka ngumiti sa lalaki. "Salamat." saka siya yumuko sa harapan ni Jasper at sa pagtaas niya ng tingin, ngumiti lang si Jasper sa kanya saka naglakad ulit. Pagkatapos ng eksena nila ni Jasper, dumeretso na siya sa Classroom. Sa pagpasok niya sa pintuan ng Classroom, nakatingin ang lahat sa kanya kabilang na ang apat na sossy girls. Mauupo na sana siya nang magsalita si Daisy. "Oh! umihi ka ba?" insultong tanong ni Daisy. Napahinto naman si Ashley at nanatiling nakatayo sa tapat ng upuan. Nagtawanan naman ang lahat. "Sana naman pumunta ka muna sa restroom. Nakakahiya ka!" sabat naman ni Princess. Sabay nag-apir ang dalawa. Nagtawanan naman ang buong klase at si Ashley ang pinag-uusapan. Biglang nagsitahimik ang lahat habang si Ashley ay nakatayo pa rin at nakayuko. "Good morning Class.” bati ng guro at sabay napatingin kay Ashley. “Iha, sit down." pagkasabi ng guro no'n, naupo naman si Ashley sa kanyang upuan. Nagsimulang magsalita ang guro nila. Tahimik at nakikinig ang lahat. "Ok class! Nutrition month is coming so get ready. I want all of you to participate in all the games of our Nutrition Month. Understand?" striktong wika ng guro nila. Aktibo ang guro nila sa lahat ng aktibidad sa paaralan. "Yes maam." sabay-sabay nilang sagot. Pagkatapos ng klase ay pumunta ang mga sossy girl sa Gym upang panoorin si Jasper 'Ang Campus Asset' at ang kaniyang team na mag-training para sa nalalapit nilang tournament. Pumunta rin si Ashley sa Gym upang ibalik ang panyong ipinahiram sa kanya ni Jasper. Habang nagte-training, napansin ni Jasper si Ashley kaya kumaway ito ng kaniyang kanang kamay at ngumiti kay Ashley. Ngumiti rin si Ashley sa kanya bilang pagganti. Nakita ni Abigael ang eksenang iyon kaya hindi maipinta ang mukha nito sa inis. Huminto muna sila saglit sa pagpa-praktis kaya naisipan ni Jasper na lapitan si Ashley. "Bakit ka narito? May kailangan ka?" bungad na tanong ni Jasper pagkalapit na pagkalapit kay Ashley. Umiling naman si Ashley. "Wala no." at nakangiti pa siyang umiling. Nakatingin naman si Jasper sa mukha ni Ashley na nakangiti. Inilabas ni Ashley ang panyo sa bulsa niya. "Gusto ko lang itong ibalik." sabay abot niya ng panyo. "Ah... 'yan ba? Sayo na 'yan!" ngumiti ulit si Jasper sa kanya. "So paano, balik na ako sa training." paalam nito at saka bumalik sa pagpa-praktis. Habang busy sa panonood si Ashley ay hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang mga sossy girl. "Hey you, Imba! Your face is so kapal no?" inis na wika ni Abigael sa kanya. Napatingin naman siya sa mga ito. "Kapal din ng mukha mong kausapin ang Jasper ko." nakataas kilay pa nitong sabi. "Oo nga, so kapal ha!" sabat naman ni Daisy. "Jasper mo?" takang tanong niya at medyo disappointed ang expression ng mukha niya. "Oo!" saka nagkrus ng mga braso. "Jasper ko, kaya huwag kang mag-expect na ang ginagawang tulong sayo ni Jasper at ang pakikipag-usap niya sa'yo ay dahil type ka niya. Nagkakamali ka! Alamin mo muna kung saan ka nababagay bago ka umarte ng ganiyan." inis na wika ni Abigael. Napakunot-noo naman siya sa mga narinig niyang sinabi nito. "Imba girl, better kung huwag kang maging assuming kasi may purpose 'yong mga kilos ni Jasper. Isa lamang iyong palabas para hindi masira ang reputasyon niya bilang isang asset ng Campus. Huwag kang feeling ha?" sabat naman ni Donna. "Ayoko ng gulò." wika niya saka tumayo. "Wala akong ginagawang masama sa inyo." dugtong pang sabi niya sa mga ito. "Wag ka nga pabebe!" inis na sambit ni Abigael. "Ang arte mo." at sabay tulak pa nito. Napaupo si Ashley at napatingin ang lahat sa kanila, nahinto ang pagpa-praktis at napatakbo si Jasper nang makita niyang nabuwal si Ashley. "Abigael?" patanong na sabi ni Jasper sa pangalan ni Abigael. Agad naman niyang tinulungan si Ashley na tumayo. "Are you okay?" concern na tanong ni Jasper. Samo’t sari ulit na komento ang maririnig sa palagid dahil sa pangyayari. Tumango naman si Ashley kay Jasper at napatingin sa palagid pagkatapos ay natama ang tingin niya kila abigael na sobrang sama ng tingin sa kanya. "Ano na naman ito, Abigael?" seryosong tanong ni Jasper. "Kailan ka ba titigil sa panggugulò mo?" pagkatanong ni Jasper no'n, ngumisi naman si Abigael. "Kapag nakuha ko na ang gusto ko." mariing sambit ni Abigael at saka lumakad paalis sa bench ng Gym. Umirap naman ang tatlo kay ashley bago sumunod kay Abigael. Nang hindi na sila ang sentro at bumalik na ang iba sa pagpa-praktis. "Okay ka lang ba talaga?" concern na tanong ni Jasper. Ngumiti naman si Ashley at tumango. "So paano, balik na ulit ako sa praktis." paalam niya at tumango nalang ulit si Ashley. Nang umalis na si Jasper, nasabi na lamang ni Ashley sa isipan niya na. "Ang bait niya." Habang may ngiti pa rin ang mga labi niya. Kinagabihan, nakaupo sa sofa ang mommy ni Ashley. Hindi naman mahirap sila Ashley. Sadyang simpleng babae lamang siya at hindi niya ipinapakita o pinapaalam na mayaman din sila. Gusto niya kasing ma-enjoy ang High School Life niya without a special treatment. Hindi naman niya akalaing 'yong paaralan na malilipatan niya ay may mga reynang katulad ng mga sossy girl na walang ginawa kun'di ang mang-bully. Nang makita ni Ashley ang mommy niya na nagbabasa ng newspaper. Lumapit siya rito. "Mommy." paglalambing niya at agad na niyakap ang mommy niya. Yumakap naman pabalik ang mommy niya. After hugging... "How’s your day, iha?" ibinaba nito ang hawak niyang newspaper at nakangiting tumingin sa anak niya. Unica ija niya si Ashley at lahat ng best ay hangad niya para sa anak. "Okay lang po mom. Masaya po." excited na sagot ni Ashley. Mas lalong napangiti si Misis Perez. "That’s great, iha. I want you to enjoy your teen stage life kaya hindi ako tumutol sa hiling mo na lumipat ng paaralan at mamuhay bilang simpleng studyante. Desisyon mo 'yan kaya nandito lang ako para suportahan ka." masayang wika nito. "Thank you, mom. The best ka po talaga. I love you, mommy." at pagkasabi ni Ashley noon. Nagyakap ulit sila. "Basta, gusto ko masaya ang unica ija ko." saad pa ng mommy niya at dahil do'n napakwento naman si Ashley. "Alam mo mommy, may nakilala po ako sa school. Super gwapo niya saka sikat po siya sa campus namin at sobrang bait pa niya." nakangiti niyang k'wento. Napataas ang kilay ng mommy niya at ngumiti ng bahagya. "Halika nga ulit dito at yayakapin kita." niyakap naman siya ng mommy niya "Dalaga na ang anak ko ah." dugtong na wika pa nito. "Mommy...” kumalas ito sa pagkakayakap. “Natutuwa lang po ako kasi ang bait po niya. Bihira lang 'yon sa isang sikat na lalaki na maging mabait at matulungin sa kapwa. Kadalasan po kasi mayayabang at puro hangin." explain niya. "Okay iha, naiintindihan ko." nakatinginan sila at sabay na natawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
239.9K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook