bc

Night Sky

book_age0+
615
FOLLOW
3.1K
READ
time-travel
friends to lovers
badboy
goodgirl
drama
tragedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Ano'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapunta siya sa future. Pero may mas masama pa pala kesa sa nasira niyang love life. At meron lang siyang ten days para baguhin ang unacceptable future na 'yon.

chap-preview
Free preview
1st Chapter
DECEMBER 10, 2007 NAPABUGA na lang ng hangin si Gia nang magising na naman siyang may luha sa mga mata. Naka-slouch pa siya nang bumangon dahil kahit buong magdamag naman siyang tulog, pagod na pagod pa rin siya at hindi niya alam kung bakit. Marahan niyang tinapik-tapik ang dibdib habang nakatitig sa framed A4 sized acrylic 'night sky' painting na nakasabit sa katapat na dingding. Nabili niya 'yon sa art exhibit sa school last year. Sa ilalim ng malawak, madilim pero mabituing gabi, makikita ang ilang detalye sa ibaba gaya ng mabababang building at mahabang kalsada kung saan may maaaninaw na silhouette ng isang kotse. Pero minor details na lang ang kung anumang nasa ibaba ng kalangitan. The main star of the painting was the beautiful night sky, of course. Gustong-gusto niya ang hitsura ng madilim na langit na parang binudburan ng milyon-milyon at nagkikislapang stars kaya unti-unti rin siyang kumalma. Nanaginip na naman ako. Ang nakaka-frustrate lang, hindi niya maalala ang mga napapanaginipan niya. Ang sigurado lang siya, parati siyang umiiyak sa mga panaginip niya. Dahil tuwing magigising siya, pakiramdam niya, may kinuhang mahalagang bagay sa kanya na hindi naman niya alam kung ano. "Ate, gising na ikaw." Napangiti si Gia nang pumasok sa maliit niyang kuwarto ang five year old baby brother niyang si Gio. Nakasakay pa ang kapatid niya sa laruang tricycle na itinutulak nito gamit ang mga paa. Naka-puting sando ito at naka-briefs lang kaya ang cute-cute tingnan. Kung hindi lang siya nanghihina, baka tumayo na siya at pinugpog ng halik ang matatambok na pisngi ng batang lalaki. "Good morning, Gio!" Ngumiti ng maluwang si Gio kaya kitang-kita tuloy na wala na itong front teeth sa kakakain ng matatamis. "Ate, ligo na daw ikaw sabi ni Mama. 'Tapos kain na ikaw." "Pa-kiss muna si Ate," natatawang sagot niya, saka siya tumayo at nag-squat sa harap ng kapatid niya. Magaang na pinisil niya muna ang matatambok nitong pisngi bago niya hinalikan. "Hmm. Ang aga-aga, ang asim-asim na ng baby boy namin. Maligo ka na rin, ha?" "Ayaw!" nakasimangot na sagot nito, saka mabilis na umatras palayo sa kanya hanggang sa makalabas na ito ng kuwarto niya. Natawa siya habang iiling-iling. "Gio, hindi kita dadalhin sa Disneyland kapag maasim ka!" Tumayo na si Gia at inayos na ang mga isusuot, saka niya binuksan ang FM radio para mag-soundtrip habang naliligo. Pangarap niya ang maging band vocalist balang-araw kaya emote na emote siya sa pagsabay nang patugtugin ang Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparatus. Hanggang ngayon yata, national anthem pa rin 'yon ng high school students na gaya niya. Pagkatapos ng lima pang OPM rock songs na pinatugtog sa radyo, tapos na siyang maligo at nakapagbihis na rin sa school uniform niya na white blouse with red ribbon, mahabang red skirt na isang dangkal na lang ang layo sa magkabilang-sakong niya, at black shoes na may white socks. Iyon ang uniform nila sa Stella Academy– isang private school. Sa totoo lang, burden sa kanya ang mag-aral sa mamahaling school simula grade school dahil hindi sila mayaman. Bus driver sa Maynila ang papa niya at cook sa elementary school ng barangay nila ang mama niya. Okay naman ang kinikita ng mga magulang niya pero alam niyang mahal ang tuition fee niya kaya gusto sana niyang lumipat sa public school. Pero ayaw pumayag ng parents niya dahil ang gusto daw ng mga ito, masigurong mas magandang school ang papasukan niya hanggang sa makapasok siya sa malalaking university sa Maynila kapag nag-college na siya. Ayaw naman niyang madismaya ang parents niya kaya hinayaan na lang niya. Pero dahil gusto niyang makabawas sa gastusin, nag-apply siya sa scholarship program ng Stella Academy at nakapasa naman siya. Nasa junior year na siya at hanggang ngayon, miscellaneous fees lang ang binabayaran ng mga magulang niya. "Gia, bilisan mo!" sigaw ng mama niya mula sa sala. Maliit lang naman ang bahay nila kaya dinig na dinig niya ito hanggang do'n sa kuwarto niya. "Nandito sina Maj at Aron!" Natigilan si Gia sa pagtitirintas ng buhok niya dahil sa mga sinabi ng mama niya. Yayamanin ang circle of friends niya at pare-parehong sa subdivision nakatira kaya hindi niya alam kung bakit dadaanan pa siya ng mga ito bago pumasok sa school. "Wait lang, 'Ma! Nag-be-braids pa ko!" Twin braided pigtails ang signature hairstyle niya na inspired kay Shancai dahil hanggang ngayon, may Meteor Garden fever pa rin siya at hindi na yata siya makaka-recover. Kahit nababaliw na ang mga kaibigan at schoolmate niya kay Michael ng It Started With A Kiss, ipaglalaban pa rin niya ang pagmamahal niya kay Hua Ze Lei ng F4. Sorry, Dao Ming Si. "Gia Tolentino!" "Heto na ko!" natatawang sagot ni Gia sa pagbuo ng mama niya sa pangalan niya habang tumatakbo palabas ng kuwarto. Dahil maliit lang ang bahay nila at walang divider, paglabas niya ng silid ay sala na agad kung saan niya muna binaba ang malaki niyang backpack. Sa gawing kanan naman ay ang kusina nila kung saan nakita niyang nasa mesa na sina Maj at Aron na kumakain ng pandesal na may palamang pancit canton habang ang mama naman niya, nagsasalin ng juice sa baso. Wala na si Gio na siguradong 'hiniram' ng Tita Sally nila para makakilos muna ang kanyang ina sa bahay. "Hello, Maj and Aron!" Kumaway lang sa kanya ang chinitang si Maj at ang mestizong si Aron na parehong busy sa pagkain. Ang dalawang ito ang pinakamaganda at pinakaguwapong estudyante sa batch nila at kahit kumakain lang ang mga ito, ang sarap pa ring titigan. 'Magic cook' ang mama niya dahil kahit simpleng pancit canton lang, napapasarap nito kaya hindi niya masisi ang mga kaibigan niya kung hindi siya pinansin masyado. Extra toyo at soft boiled egg lang ang extra ingredient ng kanyang ina sa pancit canton pero nag-level up pa rin ang lasa niyon. "Napakabagal talagang kumilos ng batang 'to," iiling-iling na sabi ng mama niya nang makita siya, saka tumalikod para humarap sa lababo na puno ng maduduming mga plato at kaserola. "Bilisan mo nga't kanina mo pa pinaghihintay ang mga kaibigan mo." "'Love you too, 'Ma," natatawang sagot lang ni Gia dahil sanay na siya sa pagiging nagger ng mama niya, saka siya umupo sa harap nina Maj at Aron na magkatabi naman sa upuan. "What's up?" tanong niya sa mga kaibigan nang sumalo siya sa mesa. Nagsimula agad siyang magpalaman ng pancit canton sa pandesal. "Bakit sinundo niyo pa ko?" Napasinghap si Maj na parang may biglang naalala, pagkatapos ay tinapik nito sa balikat si Aron na bigla namang nabitawan ang hawak na pandesal. "Babe, we're not here to eat!" sermon nito sa boyfriend bago siya hinarap. Pinanlakihan siya nito ng mga mata na nakakatawa dahil singkit ito kaya todo-effort ito sa 'pagdilat.' Naiinis siguro ang babae dahil kalmado lang siyang kumakain. "Gia, nakalimutan mo bang may school program tayo today at kasali ka sa singing contest mamaya?" "Ohh," dagdag ni Aron na tumatango-tango pa at parang no'n lang naalala ang objective sa pagpunta sa bahay nila. "Right. That's why we're here to pick you up nga pala. Ate Amber will fetch us later since mas mabilis kung naka-car tayo." Si 'Ate Amber' ang nakakatandang kapatid ni Aron na isa nang college student. "Matagal kasing mag-makeup ang ate ko kaya iniwan na namin." "Hindi ko naman nakalimutan," sagot niya pagkatapos makaubos ng isang pandesal. "Mamayang hapon pa naman 'yon, 'di ba?" "I knew it," iiling-iling at frustrated na sabi ni Maj. "Hindi mo na-receive ang GM ni Jericho?" tanong nito na ang sinasabi ay ang kuwelang class president nila. "Wala na naman sigurong signal 'yang phone mo kagabi since hindi ka rin nag-re-reply sa clan natin." Tinawanan niya lang 'yon. Colored na ang Nokia phones ng yayamanin niyang mga kaibigan pero siya, stuck pa rin sa 3310 niya na parating walang signal. "Hindi nga. Ano bang meron?" "Naiba na ang oras ng singing contest," sagot ni Aron na dina-drums pa ang mga daliri sa mesa. "Instead of 1PM, 10AM na 'yon naka-sched." Tiningnan nito ang Rolex watch na suot. "And it's already 9:23AM so you should be prepping by now." "Huh?" Ipinaikot ni Maj ang mga mata, saka ito tumayo at lumigid sa mesa para lapitan siya. "I have to make you prettier," sabi nito, saka binalingan ang mama niya na tahimik nang naghuhugas ng mga pinaglutuan. "Tita Gina, okay lang po ba na lagyan ko ng makeup si Gia? 10% po kasi sa contest ang audience impact kaya po dapat presentable din siya just in case hindi enough 'yong voice niya to capture the crowd's attention." "Hoy, dahan-dahan naman," natatawang saway niya rito. "Maganda naman ang voice ko para ma-capture ang audience 'no." "Mas okay pa rin kung maganda kang tingnan," giit ng babae. "'Di ba, Tita Gina?" "Sige lang, Maj," halatang masayang sagot ng mama niya na nakatingin kay Maj. "Gawin mong tao ang panganay ko, please." Natawa sina Maj at Aron. Umarte naman si Gia na mag-wo-walk out pero pagtayo pa lang niya, hinawakan na siya ni Maj sa kamay at hinila papuntang sala na ilang hakbang lang naman ang layo mula sa kusina. "Babe, dito lang ako," malakas na sabi ni Aron na hindi umalis sa kinauupuan at muling hinarap ang pancit canton na nakahain sa mesa. "I can't resist Tita Gina's pancit canton, eh." "Sige lang, hijo," pag-encourage naman ng mama niya sa lalaki. "Wala naman ng ibang kakain kaya ubusin mo na 'yan." "Whatever, babe," sagot lang ni Maj na pinaupo siya sa matigas at butas-butas nilang sofa. "Nanghiram ako kay Ate Amber ng makeup kit since lip gloss pa lang ang meron ako," sabi nito habang may hinahalukay sa bitbit na malaking pink shoulder bag. "Don't worry because Ate Amber taught me how to put makeup on." Sumimangot ito habang nakatingin sa kanya. "Your hairstyle is so yesterday na, Gia. Ilugay mo na lang kaya ang buhok mo?" Mabilis siyang umiling at hinawakan ang twin braided pigtails niya. "No! Lucky charm ko ang mala-Shancai kong buhok kaya hindi puwedeng iba ang hairstyle ko mamaya!" "Okay, fine. Pasalamat ka't bagay sa'yo 'yang ganyang ayos." Ngumiti lang si Gia at may comeback pa sana pero sinaway na siya ni Maj na nagsimula nang 'pagandahin' ang mukha niya habang pinapaliwanag sa kanya ang mga ginagawa nito. Hindi na siya nagulat dahil simula elementary days nila ay kikay na talaga ito. Nilagyan siya nito ng eyeliner na muntik nang magpaiyak sa kanya dahil aksidente nitong natusok ang mata niya. Pagkatapos ay blush-on naman at pink lipstick. "Puwede bang naka-lipstick?" nag-aalalang tanong ni Gia. "Baka mapagalitan ako ng teachers." "Okay lang 'yan," sagot naman ni Maj. "Hindi ka naman nila pabababain ng stage kapag nakita ka nilang naka-lipstick. Saka hindi makapal ang nilagay kong makeup sa'yo because you're already pretty. We can pass as twins nga, 'di ba?" Natawa siya dahil hindi totoo 'yon. Chinita si Maj samantalang bilugan ang mga mata niya. Legit na may lahing Chinese si Maj na Maria Janelle Sy ang full name. Siya naman, maputi lang pero hindi naman mukhang chinita. Nakuha niya lang ang skin color niya sa kanyang ina na mestizo daw ang lolo. Nasasabi lang siguro ng kaibigan na puwede silang pumasa bilang kambal dahil pareho sila ng height, body built, at kulay ng balat. "Babe, Ate Amber is here na," pag-announce ni Aron na inakbayan si Maj bago siya nilingon at binigyan ng approving look. "Mukha ka ng tao, Gia. Not as pretty as my babe pero puwede na." Bumungisngis si Maj na halatang kinilig sa sinabi ng boyfriend nito. Binelatan lang ni Gia si Aron bago siya tumayo at sinukbit sa mga balikat ang backpack niya. Pagkatapos, hinarap niya ang mama niya na nagpupunas na ng mesa sa kusina. "'Ma, may service pala ako today. Ilalagay ko na lang sa alkansiya mamaya 'yong matitipid ko sa pamasahe. Alis na kami. Ba-bye!" "Ba-bye po, Tita," sabay na pagpapaalam nina Maj at Aron sa kanyang ina. "Mag-iingat kayo, mga bata," sabi naman ng mama niya. "Good luck, Gia!" Isang flying kiss lang ang sinagot ni Gia bago siya patakbong lumabas ng bahay. Naka-park na ang pulang Honda sa harap nila at nakita niya mula sa salaming bintana na nasa passenger seat na si Aron. Nasa backseat naman si Maj na kinakawayan na siya kaya nagmamadali siyang pumasok sa loob. "Hello, Ate Amber," masiglang bati niya sa babae na nagsimula nang mag-drive. Gaya ni Aron ay para rin itong labanos sa puti at light brown din ang buhok. Half-American kasi ang daddy ng magkapatid na parehong doktor ang mga magulang kaya yayamanin ang pamilya. "Na-miss po kita." "I've missed you too, Gia," malambing na sagot ni Amber. Sa Manila kasi ito nag-aaral sa course na BS Biology kaya bihira na lang umuwi sa Bulacan. "Buti nga at Christmas vacation na namin kaya nandito ako." "Ohh, ang aga ng Christmas vacation niyo, Ate," naiinggit na komento naman ni Maj. "Kami next week pa. May periodical test at Christmas party pa kasi kami this week, eh." "University students need a long break, children," natatawang sabi ni Amber. "Kapag nag-college kayo, you will understand na kulang pa ang almost three weeks na bakasyon sa dami ng dapat gawin. Lalo na for graduating students like me. Thesis pa lang, nakakabaliw na." Tumango-tango lang sila dahil honestly, hindi nila naiintindihan kung ano ang thesis. "Girls, emergency!" natatarantang sabi naman ni Aron mayamaya habang nakatingin sa Nokia 5300 nito. "Nag-text si Vincent. Kayo na raw ang susunod na mag-pe-perform kaya bilisan daw natin." "Ha?" gulat na tanong ni Gia. "Nagsimula agad ang contest?" "Wait lang, putol pa 'yong text ni Vincent, eh," sagot ni Aron at ilang segundo itong natahimik bago muling nagsalita. "Okay, dumating na 'yong kaputol na message. According to him, maiksi lang daw ang speech ng principal natin at sinimulan agad ang singing contest. Then, nagbunutan daw ang contestants kung sino ang mauunang mag-perform. Unfortunately, he picked number two from the draw. That stupid guy... may balat yata sa puwet 'yon." "Malas talaga 'yang si Vincent sa bunutan," naiinis na bulong niya. "At nakakapagtaka na ang iksi ng speech ng principal natin ngayon." "We'll be there in five minutes," sabi ni Amber. "Aabot ba?" "The current contestant will finish in three minutes," sabi naman ni Aron, saka siya nilingon. "Gia, pagbaba mo ng car, run as fast as you can." "That won't be enough, babe," kontra naman ni Maj. "I-text mo si Vincent. Sabihin mo sa kanya, utusan si Jericho na umarteng mahihimatay kapag tapos nang kumanta ang current contestant para ma-delay ang program. Frustrated actor naman si Jericho at takot siya kay Vincent." "Roger, babe," obedient na sagot ni Aron, saka ito bumalik sa pagtetext. Sumipol naman si Gia habang nakatingin kay Maj. "I really believe na magiging magaling ka ngang scriptwriter someday, Maj." Ngumisi sa kanya si Maj dahil alam nilang lahat na ang pagiging scriptwriter ang pangarap nito. "That's the plan, Gia." Pero pagkatapos ng five minutes, ibang plano muna ang ginawa nila. *** PAGKA-park ni Amber sa tapat ng school, lumabas agad si Gia at tumakbo papasok ng gate kung saan natatawang tinaas niya lang ang ID niya para ipakita sa mga guard na barkada na nila. Gaya rin ng plano, tumakbo siya ng pinakamabilis na paraan hanggang sa makarating siya sa auditorium hall. Ngumiti at kumaway agad siya sa kaibigan nilang si Wendy na nag-aabang naman sa tapat ng double doors. Pero kung kelan naman malapit na siya, saka pa siya natapilok at bumagsak sa madulas na sahig ng hallway. Aray! "Gia, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Wendy na nag-squat pa sa harap niya. In-adjust pa nito ang malaking frame ng eyeglasses bago muling nagsalita. "Of course you're not okay. Pero malala ba ang injury mo? Do we have to go to the clinic? Oh my god, did you break your ankle? Should I call Vincent and ask him to carry you–" "Okay lang ako, Wendy," natatawang pigil ni Gia sa kaibigan nilang madaling mag-panic dahil masyado itong thoughtful at caring sa iba. Bumangon siya at tumayo para ipakita dito na okay lang siya. "I'm fine pero 'yong sapatos ko, hindi." Inangat niya ang kanang paa at makikitang nakalaylay na ang takong ng doll shoes niya. Lalo tuloy siyang natawa. "Bumigay na 'to, o. 'Sabagay, sapatos ko na 'to since sophomore days natin, eh. In fairness, matibay kahit sa palengke lang binili." "Ikaw lang ang kilala kong matatawa pa sa ganyang situation." "Eh hindi rin naman mabubuo ang shoes ko kapag umiyak ako," magaang na katwiran niya, saka niya hinubad ang mga sapatos. Dinaan uli niya sa pagtawa ang pagkapahiya nang makitang butas na medyas pala ang nasuot niya. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri sa paa na lumabas mula sa mga butas. "Ang malas ko today. Baka hindi ako manalo sa contest." Sa pagkagulat niya, hinubad ni Wendy ang mga siguradong mamahaling doll shoes nito at tinulak iyon palapit sa kanya gamit ang naka-medyas nitong paa. "Wear my shoes, Gia. Hindi ka puwedeng tumuntong sa stage ng naka-medyas lang. You'll be uncomfortable and you might even slip again." Napatitig siya sa kaibigan sa sobrang pagka-touch. Alam niyang insecure si Wendy sa pagiging morena at pagkakaro'n nito ng maraming pimples na dahilan kung bakit madalas itong ma-bully. Pero para sa kanya, maganda ito at hindi niya 'yon sinasabi nang dahil lang sa magkaibigan sila. Sana ma-realize ni Wendy na gumaganda ito dahil nag-re-reflect sa mukha nito ang pagiging kindhearted nito. Ilang beses na niya 'yong sinabi sa babae pero tinatawanan lang siya nito at halatang hindi naniniwala sa kanya. Kaya nag-decide siyang hintayin na lang na ito mismo ang maka-realize na maganda ito para magkaro'n din ito ng matibay na confidence. "Thank you, Wendy," nakangiti at sincere na sabi ni Gia, saka niya ito binigyan ng mabilis na yakap. "Mauna na ko sa loob. Kailangan kong manalo para sa inyo." Ngumiti si Wendy at tinapik siya sa likod. "Good luck, Gia." Nag-flying kiss lang siya, saka siya pumasok sa loob ng auditorium hall. Napansin agad niya na maingay at nagkakagulo sa front row kung saan naririnig niyang sinisigaw ng mga kaklase niya ang pangalan ng class president nilang si Jericho. Nakita rin niya ang ilang teachers na pinapaypayan ang lalaki na nakahiga sa sahig. Nakakatawa at nakaka-guilty ang eksena. Dumeretso siya sa backstage kung saan sinalubong siya ni Vincent. May suot na black face mask ang lalaki kaya natatakpan ang kalahati ng guwapo nitong mukha. Pero base pa lang sa kunot ng noo nito at matalim na mga mata, halatang naiinis ito. Kung hindi niya lang alam na hindi ito bayolenteng tao, iisipin niyang gusto nitong ihampas sa kanya ang bitbit nitong acoustic guitar. "Late ako, alam ko," pag-amin agad niya sa seryosong boses at seryosong mukha dahil sigurado siyang malalagot siya kay Vincent kapag hindi siya nagseryoso. "Super sorry talaga." Dinukot niya sa bulsa ng skirt niya ang Cloud 9 na favorite snack nila. "Here. Peace offering." Kinuha ni Vincent ang Cloud 9 at binaba ang face mask nito para simangutan siya. "Pasalamat ka at may dala kang peace offering kundi binatukan na kita. Siguraduhin mo lang na mananalo ka dahil kapag hindi, talagang babatukan kita mamaya." Nag-mock salute siya rito. Gano'n lang ito magsalita pero hindi naman ito seryosong nananakit. Well, nambabatok talaga ito pero mahina lang. "Aye, aye, Vincent." Sinimangutan lang uli siya ng lalaki bago nito binalik ang face mask. Nagsusuot ito ng face mask dahil ayaw nitong humaharap sa maraming tao. Buti nga at napilit niya itong tumugtog ng gitara para sa acoustic version ng kakantahin niyang OPM rock mamaya. Moments later, may lumapit na teacher sa kanila at sinabing tuloy na ang program. Umakyat na sila sa stage kung saan may nakahanda ng high stool at may microphone din na nakapatong sa silya. Kinuha agad niya ang mic dahil nababawasan ang kaba niya kapag hawak niya 'yon. Humarap si Gia sa audience at umupo naman si Vincent sa mataas na stool habang marahang kinakalabit ang strings ng gitara. Do'n pa lang, nagsigawan at nagpalakpakan na ang schoolmates nila. Magbubuhat na siya ng sala set pero aware siya na sikat silang magkakaibigan sa campus. Lalo na sa junior at senior level na bumubuo sa audience nila ngayon. Ang kanya-kanyang student leader sa batch nila ang nag-organize ng program na iyon. Actually, may binayaran silang ticket para sa event na iyon pero mapupunta naman ang proceeds sa charity para mapasaya ang less fortunate children ng isang orphanage sa darating na Pasko. Oo, singing contest for a cause 'yon kaya mas lalo siyang ginanahang sumali. "Go, Gia and Vincent! Go! Go! Go!" malakas at halatang excited na sigaw ni Jericho na tumatalon-talon pa pero nang bigyan ito ng nananaway na tingin ng teachers, bigla itong umupo sa monobloc chair at humawak sa ulo. "Nahihilo uli ako..." Natawa lang si Gia sa kadramahan ng class president nila pero mabilis ding nawala dito ang atensiyon niya nang makita niya sa back row sina Wendy, Aron, at Maj na may hawak na cartolina na puro hearts ang design at may nakasulat pang "GIA AND VIN FOREVER" in big, bold letters. Walang kinalaman sa contest kaya lalo siyang natawa. Nilingon niya si Vincent na nahuli niyang ipinaikot ang mga mata sa mga kaibigan nila bago sinalubong ang tingin niya. Pagkatapos, tumango ito na parang in-e-encourage siya. Kahit masungit ang lalaki, ito pa rin ang permanent source of confidence niya. Ngumiti si Gia kay Vincent bago siya humarap sa audience. Nang magsimula nang tumugtog ng gitara ang partner niya, nilayo niya sa bibig niya ang mic para humugot ng malalim na hininga. Pagkatapos, ngumiti uli siya bago nagsimulang kumanta ng paborito niyang OPM rock: ang Nobela by Join the Club. Sinimulan niya ang acoustic rendition niya ng kanta sa pagkanta ng chorus gamit ang malamig at husky niyang boses. "At aalis... Magbabalik... At uuliting sabihin na... Mamahalin ka't sambitin... Kahit muli'y masaktan... Sa pag-alis... Ako'y magbabalik... At sana naman..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.5K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.2K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook