bc

Wanting You Near Me

book_age18+
775
FOLLOW
2.9K
READ
arranged marriage
arrogant
CEO
drama
bxg
city
office/work place
realistic earth
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

I don't for how long I can keep her beside me. All I know is that I love her. It doesn't matter if she hates me. What matters is that I love her.

I know someday she's going to love me the way I love her. She's going to care of me like how I cared for her. As long as I'm alive, I will love her. I hope that she will too.

I hope it's not too late for her to realize that.

chap-preview
Free preview
Prologue - Wanting You Near Me
"Kumain ka na lang diyan. Kaya mo naman sigurong kumain mag-isa. Hugasan mo na rin after. Inaantok na ko e." sabi ni Ice sa 'kin. Ilang taon na kaming kasal pero ganyan pa rin ang trato niya sa akin. Malamig. Kasing lamig ng yelo. Akala ko noong ikasal kami ay magbabago siya pero hindi pala. "Okay, mahal." hindi naman na niya narinig ang sagot ko dahil umalis siya kaagad sa harapan ko at mabilis pa sa alas kwatro na naglaho sa paningin ko. Siguro nga ay nagkukulang ako sa kanya para manlamig ang trato niya sa akin. Noon pa man ay hindi na niya ako pinakikisamahan ng maayos pero ok lang. Mahal ko siya e. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang mesa at naghugas na rin ako ng plato. Sanay na akong asikasuhin ang sarili ko. Hindi rin kami nagsisiping. Wala kaming anak at wala rin kaming usapan na mag aanak kami. Matapos kong maghugas ng pinagkainan ko ay dumeretso na ako sa kwarto namin. Pero bago pa man ako makapasok ay naririnig ko na may kausap siya. Masaya siyang tumatawa sa kausap niya. Ilang araw o linggo ko na rin siyang naririnig na may kausap. I respect her privacy kahit mag asawa na kami. Hindi ko kailanman sinisilip o pinakikialaman ang cellphone niya. Pero minsan ay masakit na masaya siyang kausap ang iba pero ako ay deadma sa kanya. Kahit man lang ngiti sa akin ay hindi niya magawa. Pero sa kausap niya ay halos umabot sa sala ang tawa niya. "O kanina ka pa ba riyan?" bungad niya sa akin nang makita niya akong pumasok sa loob ng kwarto. Agad niyang isinara ang cellphone niya at tumagilid saka nagtalukbong ng kumot. "Mahal," saad ko. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siyang patalikod. Mahigpit na parang wala nang bukas. Kasing higpit ng yakap ko noong maikasal kami. Kasi sabi niya susubukan niyang mahalin ako. Pero sa loob ng limang taon naming pagsasama ay para pa rin kaming estranghero sa isa't isa. "Bakit? Inaantok na ako." sagot niya saka pinatay ang ilaw ng lamp shade na nasa table sa tabi niya. Ang totoo ay gusto ko na siyang komprontahin kung okay pa ba kami. Kung kaya pa niyang magtiis. Kasi ang sakit lang na lagi siyang umiiwas sa tuwing maglalambing ako sa kanya. Baka nga sadyang umiiwas talaga siya. "Labas lang ako saglit."? Paalam ko. Tutal wala rin naman akong mapapala. Nilingon niya lang ako at tuluyang inihatid ng kanyang mga mata sa pintuan. Sumilip ako sa fridge kung may stock pa ako ng beer sa ref. Pero wala na pala. Kaya naman kinuha ko ang susi ng kotse at pumunta sa malapit na convenience store sa subdivision namin. May upuan naman doon kaya roon na lang ako iinom. Pagpasok ko sa convenience store ay agad akong dumeretso sa beer section. Mga in cans lang ang kinuha ko. Habang kumukuha ako ng iinumin ay napatingin ako sa softdrinks section. Mumunting luha ang sumilip sa aking mga mata. May naalala lang ako. Matapos kong kunin ang mga lata ng beer nagtungo na ako sa counter para magbayad. Pagkatapos ay dinala sa loob ng sasakyan ang mga pinamili ko. Nagbago na ang isip ko. Sa terrace na lang ako iinom. Pagdating ko sa bahay ay nahihimbing na ngang natutulog ang asawa ko. Mabuti kung ganoon. Walang magdadrama habang umiinom ako. Paminsan kasi kapag gising siya ay nilalapitan niya ako para paulit-ulit na dramahan. Dumeretso ako sa terrace. Sinimulan kong buksan ang isang lata ng beer mula sa pinamili ko. Isang lagok para sa mapait na kahapon. Pangalawang lagok para sa pangakong hindi natupad. Pangatlong lagok para sa araw-araw na pagdurusa kapiling ng mahal ko. Wala pala akong pulutan. Ngayon ko lang napansin. Wala rin naman kasing pinagkaiba. Mapait pa rin ang lasa katulad ng pait ng kahapon na hanggang ngayon ay dinaranan ko. Pero pumunta pa rin ako ng kusina para silipin kung may puwede ba akong maging pulutan. Baka sakaling may magbago sa lasa ng beer katulad ng pagbabagong nais ko sa pagsasama namin. Ayos. May natira pang baboy. Kaya lang ay tinatamad akong magluto. May natira pa namang ulam kanina. Ang adobong niluto niya para sa akin. Ay hindi pala para sa akin. At lalong hindi para sa aming dalawa. Mas mabuti pang sabihin na para sa sarili niya. Para hindi siya magutom. Nagpasobra lang siya para may makain pa sakaling magutom siya. Pero ayos na ito. Akin na lang. Hindi naman siguro siya magigising para kumain. Parang pagsasama namin. Hindi ko alam kung kailan siya magigising para sabihing mahal niya ako. Agad akong bumalik sa terrace. Ayaw ko talagang umiinom dahil ang dami kong naaalala. Pero gusto ko ring uminom dahil ito lang ang karamay ko gabi gabi. Wala naman akong malalapitan. Nilayuan na ako ng mga kaibigan ko. Lalo na ng matalik kong kaibigan. Parang pagmamahal ng asawa ko na tuluyan nang lumayo. Masakit pero hindi ko sila masisisi. Kasalanan ko rin naman kasi. "Umiinom ka na naman?" angil niya nang magising siya sa lakas ng pagpapatugtog ko. Siguro ay lasing na ako kaya hindi ko namalayan na napalakas na ang tugtog ko. Kaya pala nagbukas ng ilaw ang mga kapit bahay. Lasing na nga ako. Wala nga pala kaming kapitbahay. "Puwede ba kung iinom ka huwag kang mang istorbo ng natutulog!" gigil na sigaw niya sabay patay ng tugtog. Napailing na lamang ako. Gusto ko siyang sisihin kung bakit ako umiinom pero huwag na lang dahil siguradong ako na naman ang may kasalanan. Kasalanan ko rin naman talaga. Dali dali siyang bumalik sa kwarto. Siguradong ini-lock niya ang pinto kaya't hindi na naman ako makakapasok sa loob. Parang ang puso niya na tuluyan na yatang naka-lock para hindi makapasok ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi na naman ako makakatulog sa tabi niya. Kung sabagay ay sanay naman akong hindi pinapatulog ng pag-iisip ko sa kanya. Hindi na bali. Kasalanan ko naman kasi. Hindi ko alam lung gaano ako kabilis nakatulog matapos maubos ang sampung lata ng beer. Basta ang alam ko ay nasa kwarto na ako. Marahil ay ginising niya ako para papasukin sa loob. Hindi ko lang namalayan. "Iinom inom kasi hindi naman kayang linisin ang kalat. Tss." inis niyang sabi paglabas niya ng banyo. Kakaligo niya lang. "Saan ka pupunta, Mahal?" tanong ko sa kanya. Wala naman akong naalala na lakad niya ngayon. "Pakialam mo?" sigaw niya. Palagi na lang siyang nakasigaw. Agad niyang sinuot ang uniform niya. Papasok pala siya. Teka lang. Sabado ngayon ah? Kaya ako nag inom kagabi kasi walang opisina ngayon. "May pasok ka? Bakit hindi mo nabanggit kahapon?" sa halip na sagutin ako ay agad siyang lumabas ng pinto pagkabihis. Kailan ba maaayos ang pamilyang pilit kong inaayos? May pag-asa pa kaya? Hanggang kailan niya ako matitiis? "Oo papunta na ako. Sorry nalate ako ng kaunti. Naglinis pa kasi ako ng bahay." rinig kong sabi niya nang silipin ko siya sa sala. Magpapaalam pa sana ako pero agad siyang lumabas ng bahay pagkadampot niya ng susi ng kotse. "Ano naman kayang gagawin ko maghapon?" napapakamot ko sa ulong sabi sa aking sarili. Tila ba hindi pa rin ako nasasanay sa set up namin. Pinagsisihan ko naman na ang lahat. Pero bakit hindi ko na maayos ang pamilyang ito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.2K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.7K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.6K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook