bc

Ang Biyudo Kong Amo

book_age16+
2.9K
FOLLOW
18.1K
READ
billionaire
arrogant
dare to love and hate
CEO
comedy
bxg
humorous
city
office/work place
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Fate Sequel

Isang lihim na ibinunyag ng kapatid ni Greg na si Lauro ang nagpasarado sa puso nito upang magtiwala sa mga babae. Kung noon ay naniniwala siya sa tapat na pag-ibig, ngayon ay isa na lamang itong salita na kailan man ay hindi na niya pinaniniwalaan pa. Para sa kaniya ang tunay na pag-ibig ay hindi na nag-e-exist pa sa mundo. Para sa kaniya ay wala nang babae na tapat pa. Kahit na sino pa man.

Walang alam si Hazel sa tunay na nangyari sa buhay ni Greg. Ngunit isa lang ang alam niya, mahal niya si Greg. Mahal niya ang suplado na biyudong boss niya. At sisikapin niyang maging mabait ito sa kaniya. At kung papalarin ay mapa-ibig niya ito.

Magbubunga ba ang pagsusumikap ni Hazel na mapa-ibig ang boss niya o tuluyan nang sarado ang puso nito sa mga babae?

chap-preview
Free preview
Prologue
Tila isang malamig na hangin ang yumapos sa puso ni Greg sa nalaman. Napalitan ng poot ang kaniyang nararamdamang pagmamahal sa ikalawang babaeng inibig niya nang lubos. Ang buong akala niya ay ito na ang simula ng muling pagbangon ng puso niya sa masaklap na nakaraan sa kaniyang buhay. Ngunit hindi pala. Karagdagang bigat sa kalooban lamang pala ang maidudulot nito. Natanggap na niya ang pagkawala nito nang kunin na ang buhay nito ng Diyos. Masakit man ay ang nasa Itaas na ang siyang nagpahiwalay nito sa kaniya. Masaklap man ang ikinamatay nito ay tinanggap niya dahil sa wakas ay natapos na ang paghihirap nito. Ngunit may iba pa palang dahilan. Sa ikalawang pagkakataon ay nasaktan na naman siya. Ang mawala ito na sanhi ng pagkamatay ay tanggap niya. Ngunit ang lokohin siya nito ay tila tinarakan siya ng punyal sa gitna ng kaniyang puso. Nag-init ang mga mata ni Greg. Nilukot niya ang papel at ikinuyom ang palad. Mababakas ang pamumula ng mga mata niya nang dahil sa pagpigil sa kaniyang mga luha. Hindi niya dapat iyakan ang babaeng iyon. Hindi niya dapat pag-aksayahan ng kahit isang butil na luha man lang. Hindi siya makapaniwala sa confession ng kaniyang kapatid. Hindi siya santo para mapatawad pa si Steph sa ginawa nito. Ang buong akala niya ay siya lang matapos nitong iwan si Gino. Ngunit hindi pala. Ganoon nga siguro iyon. Ang inagaw mo sa iba ay maaagaw rin ng iba. O kung nakihati ka man sa iba ay may makikihati rin sa kaniya. Hindi niya naman ito inagaw ngunit ganoon na rin siguro iyon. Siguro nga ay mali na ang relasyon nila sa una pa lamang. Maling-mali na. Hindi niya alam kung kailan maghihilom ang galit na nararamdaman niya. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya. Hindi na niya muling bubuksan nag puso niya sa kahit na kanino pa mang babae. Sa halip na ayusin ang gamit ni Lauro ay pinaghahawi niya ang mga ito at nahulog sa sahig ang mga gamit. Pinagsusuntok niya ang salamin at pader. Halos mamanhid na ang kamao niya at mamula ang pader dahil sa dugong inilalabas ng kaniyang kamay. Hindi lang galos ang tinamo niya kung hindi ay may hiwa pa ang kaniyang kamao. "Sir, tama na po," awat ng kasambahay niya ngunit isang malakas na suntok pa ang iginawad niya sa pader bago siya tuluyang mawalan ng malay. Ilang araw na rin kasi siyang walang tulog at walang pahinga. Halos wala rin siyang kain dahil puro alak ang laman ng kaniyang sikmura. Tarantang agad na tumawag ng ambulansya ang kaniyang kasambahay at dinala sa ospital si Greg. Alalang-alala si Manang sa kaniya. “Magpahinga na ho muna kayo, Manang. Ako na ho ang bahala kay Sir. Mabuti ho at nasagot niyo ang tawag ko,” sabi ni Hazel sa matanda. Eksakto kasing nakarating ang ambulansiya nang tumawag si Hazel para sa report nito at agad namang nasagot ng matanda. “Salamat, Zel. Ikaw muna ang bahala kay Sir. Babalik na lang ako mamaya,” sagot naman ng matanda at agad na tumango si Hazel. Nang makaalis ang matanda ay naupo si Hazel sa tabi ng amo niya. “Ikaw naman, ampalaya ko. Bakit naman nagkasakit ka? Pahinga-pahinga rin kasi kapag may ti—,” halos masamid si Hazel nang biglang pumasok ang doctor. Hindi niya alam kung narinig siya nito. She clears her throat before she speaks, “Doc, kumusta ho ang pasyente?" Nahihiyang tanong ni Hazel at tinatantiya ang reaksiyon ng doctor. Nang tingnan niya ang mukha nito ay mukhang wala naman itong narinig kaya umayos siya ng tayo at confident na hinarap ang doctor. "Okay naman siya. Nawalan lang ng malay dala ng over fatigue,” sabi ng doctor sa dalaga. Tumango naman siya sa sinabi nito. Saglit na tiningnan ang pasyente at pagkatapos ay iniwan na sila ng doctor sa kuwarto ng ospital. Siya na ang nag-asikaso ng lahat dito. Hindi niya maiwasang titigan ang mukha ng boss niya. Gustong-gusto niya ang manipis na balbas nito na tila hindi naahitan ng ilang linggo na ngunit maiksi pa rin ang tubo. Ang mga pilik-mata nitong mapilantik at mahaba na dinaig pa ang kaniya na kailangan pang gamitan ng eye curler. "Ano ka ba naman, Sir? My ampalaya… Nawala lang ako sa tabi mo e hinimatay ka na kaagad. Bakit mo naman pinabayaan ang sarili mo? Alam mo namang mag-aalala ako. Alam mong hindi ako mapapakali kapag may nangyari sa'yong masam—,”Sunod-sunod na sabi ni Hazel nang mapahinto ito at makitang nakamulat si Greg. "S-sir Greg… G-gising ka na pala," alanganing ngiti ang ibinigay niya rito. "Nasaan ako?" agad na tanong ni Greg at hindi pinansin ang lahat ng sinabi ni Hazel. Ang totoo ay kanina pa siya gising at nakapikit lamang. Nang magkamalay siya ay hindi siya kaagad nagmulat at sa halip ay nagpahinga lamang ngunit hindi siya tulog. Kaya naman narinig niya ang lahat ng sinabi ni Hazel. "Sa ospital po, Sir. Ano'ng nangyari sa inyo?" usisa ni Hazel. Ngunit katulad ng nauna niyang mga sinabi ay hindi nito pinansin ang tanong niya. Malamig ito sa kaniya katulad ng isang malamig na kape na walang asukal sa pait ng tingin nito. "Magpapahinga lang ako maari ka nang umuwi. Kaya ko na ang sarili ko," walang emosyon na sabi nito. "Pero, Sir, okay lang ho na narito ak—," hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya nang putulin iyon ni Greg at sigawan siya. "Bingi ka ba? Kaya ko ang sarili ko. Makauuwi ka na!" halos lumukso ang ang puso niya sa pagkabigla. Dumating lang ito mula sa bakasyon ay tila naging mas mapait ang turing nito sa kanya. Kaya naman nagpaalam na siya. "S-sige po, Sir." Pagkasabi niya ay tumagilid na si Greg paharap sa direksiyon ng bintana ng ospital at tinalikuran siya. "Ang sungit. Tsk. Siya na nga ang inaalala. Ang inaasikaso. Suplado!" bubulong-bulong na sabi ni Hazel saka iniwan si Greg sa kuwarto nito. Nagi-guilty naman si Greg sa nangyari ngunit hindi niya kayang makihalubilo o makipag-usap sa kahit kanino. Nais niyang mapag-isa. At pahinga lang naman ang kailangan niya kaya hindi na niya kailangan pa ng bantay. Ilang minuto na nang makaalis si Hazel ay tulala pa rin si Greg sa kawalan. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Hiling niya ay magising siya na may amnesia para hindi na lamang maalala ang rebelasyon ni Lauro. Ngunit iyon ay isang bagay na imposibleng mangyari. Madilim pa ang labas ngunit sumisilip na ang mumunting sinag ng liwanang nang magising si Greg. Nang i-check ng doctor ang vitals niya ay maayos na ang lahat at maaari na rin siyang makauwi kaya naman nagpasundo siya sa driver niya matapos asikasuhin ang bill sa ospital. Dumiretso siya sa bahay niya at buong araw na nagkulong lamang sa kuwarto. Wala siyang nais makita o makausap. Hindi niya nais kumilos. Tila wala siyang buhay kahit pa normal naman na ang pakiramdam niya. Hindi na niya nais pang mabuhay ngunit hindi naman maaaring habambuhay siyang ganoon. Unti-unti na niyang iniiwasang isipin ang mga bagay-bagay na nangyari ngunit bumabalik at bumabalik ang mga iyon. Lalo pa kapag natutulog siya ay hindi iyon nawawala sa panaginip niya. Paano nga ba niya iyon makalilimutan? Gaano nga ba niya iyon kabilis malilimutan? Katulad ba ng paglimot niya sa una niyang pag-ibig? O katulad ng pagkawala niya ng interest sa pag-ibig? Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan. Sinikap niyang gawing normal ang buhay niya. Muli siyang nagtrabaho. Muli siyang bumangon. Ngunit iisa lang ang hindi na niya maaaring gawin. Ang muling pagkatiwalaan ang mga babae sa paligid niya. Lalo pa ang sino mang magtatangka na paibigin siya. Isinasarado na niya ang puso niya sa kahit na sinong babae sa mundo. Ang babae at pag-ibig ay sakit lamang sa puso na maaaring ikamatay. Iyan ang itinatak niya sa puso niya. Kahit kailan ay hindi na siya muling iibig pa. Hinding-hindi na. Abalang nakatingin si Greg sa kaniyang laptop nang may pumasok sa kaniyang opisina—ang secretary niya pala. Isang mabilis na sulyap lamang ang iginawad niya rito pagkatapos ay muling ibinalik ang mga paningin sa ginagawa. "Sir Greg, your meeting will start in about 30 minutes." paalala ni Hazel sa binata. Maghapon na itong uma-attend ng meeting. At ito na ang huling meeting niya for the day. Halos ibinubuhos na lamang niya ang kaniyang oras sa opisina. Bihira na rin siyang umuwi ng bahay. Kadalasan ay sa bar ang diretso niya kapagka-galing ng trabaho. Hindi niya sinulyapan ang secretary niya pagkatapos nitong magsalita. Ilang segundo rin bago ni ito sinagot. "Okay." tipid na sagot nito. Tinitigan siya ni Hazel pero hindi pa rin man lang niya ito tiningnan. Agad na tumalikod ito at nagmartsa na lamang papunta sa pintuan ng opisina para lumabas. "Hmp! Sobrang suplado talaga ni Mr. Laxamana. Akala mo naman kaguwapuhan." nakangusong sabi nito. “Ang tagal-tagal sumagot, pagkatapos e OKAY lang ang sagot? Tsk,” iritableng bulong pa ni Hazel. "Tseh!" sabi niya sabay harap muli sa pinto. Natigalgal siya nang makita niya ang binata na nakahalukipkip. At nakasandal sa pinto. "Are you saying something, Hazel?" seryosong tanong nito. Agad naman siyang nataranta at tumayo nang tuwid. Animo'y nasa military at binibigyan ng command ng nakatataas nito. "W-wala po, Sir. Aalis na po a-ako..." agad na sabi niya ngunit nauutal. Tumango ito ngunit seryoso pa rin. Mabilis namang naglakad si Hazel palayo rito. At nang makalayo ay huminga siya nang malalim. "Lagot... Narinig yata ako..." kagat ang labi na napapaisip kung narinig nga ba siya ni Greg. Matagal na niyang iniisip kung bakit suplado ang amo niya. Although alam niyang biyudo ito ngunit hindi naman ito dahilan para sungitan siya. “Hmp, intindihin na nga lang natin ang ampalaya ko,” bulong niya nang maisara ang pinto ng opisinang pinanggalingan niya. Isang sulyap pa sa butas niyon na may salamin. Busy pa rin ito sa harap ng laptop nito. “Hi, Hazel! Nakanguso ka? Baka umabot sa sahig iyan sige ka. Magkakagasgas iyan,” hindi na naman siya tatantanan ni Tantan—ang makulit niyang ka-opisina na walang ginawa kung hindi ay sirain ang araw niya. “Tigilan mo nga ako, Tantan. Ikaw nga riyan e parang dinilaan ang buhok mo ng kalabaw. Kulang na lang e tirahan na iyan ng mga kuto sa ilalim,” balik niyang pang-aasar kay Ethaniel Segovia. “Okay naman, a,” silip nito sa salamin sa wallet na agad nitong kinuha sa bulsa ng pantalon nito nang sitahin ni Hazel ang buhok niya. Sa halip na sagutin at matutuyuan lang siya ng laway sa binata dahil hindi iyon nauubusan ng sagot ay tinalikuran na niya ito. Nagtungo siya sa printer para kuhanin ang natapos niyang i-print kanina bago magtungo sa opisina ng boss niya. Nang makabalik sa puwesto niya ay agad siyang naupo at muling sumulyap sa boss niya sa salamin sa pinto. Katulad kanina ay nakatitig pa rin ito sa laptop nito. Sampung minuto na lang ay magsisimula na ang meeting na eksakto namang pagtiklop ng laptop nito. Tumayo ito at agad na lumabas sa pinto ng opisina. Hudyat naman iyon para tumayo na rin siya at sumunod dito papunta sa conference room. Ang huling meeting ay ang Investors meeting at siya ang magmi-minutes. Walang lingon-likod na sinabayan niya ang mabilis nitong paglalakad. At nang makarating sa conference room ay walang pasabi na agad itong nagsimula nang maaga sa itinakda nitong oras. “May lakad ka, ampalaya ko?” bulong ni Hazel. Lihim siyang nangngitngit dahil hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong huminga mula sa mabilis na paglalakad at makaupo ng maayos bago ito magsimula. Hindi pa rin talaga siya masanay-sanay rito. Although maganda ang naririnig niya sa mga ka-opisina tungkol sa ugali niyo noon ay malayong-malayo ito sa ugali nito ngayon. Marahil ay dahil nga sa yumao nitong asawa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hazel nang matapos maisulat ang huling sinabi ni Greg sa meeting. Eksaktong isi-save pa lamangn niya iyon nang iwan na siya nito at lumabas na ng conference room. Agad naman din siyang humabol dito. “Send me the minutes before you leave,” sambit nito na nakatalikod nang huminto ito sa paglalakad. Halos umusok ang takong ng sapatos ni Hazel namg isang mabilis na paghinto ang ginawa niya nang tumigil sa paglalakad si Greg. Ang buong akala niya ay susubsob na siya sa likuran nito. Mabuti na lamang at nakontrol niya ang sariling katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook