bc

Carrying the Child of MR. HOFFMAN

book_age18+
17.0K
FOLLOW
124.5K
READ
billionaire
one-night stand
HE
arrogant
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

Macy Collien Macapagal ay isang graduating student bilang isa sa mga scholar ng Hoffman foundation. Isang gabi ay tumakas siya sa bahay nila para sana i-surprise ang kanyang boyfriend sa kaarawan nito. Ngunit siya ang mas nasorpresa dahil nahuli niya ang pagtataksil sa kanya ng kanyang boyfriend at ng kanyang kaibigan.Nagpakalasing siya at may nakilala siyang isang gwapong lalaki that they ended up into a hot steamy night. Pero paano kung biglang magbongga ang isang gabing pagkakamali? Paano niya ito tatanggapin lalo na kapag nalaman niya na ang magiging boss niya sa trabaho ang ama ng anak niya? Aaminin ba niya sa boss niya na ito ang ama ng ipinagbubuntis niya? O ililihim na lang niya ang katotohanan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WARNING: MATURE CONTENT! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! (R18+) THIS STORY IS A ROMANCE-COMEDY STORY.. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK! KATHANG-ISIP LAMANG PO ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO... LET'S BE KIND TO EACH OTHER...WELCOME TO MY STORY... MACY COLLIEN POV Tumakas ako sa bahay dahil makikipagtagpo ako sa boyfriend ko na nasa bar ngayon. Graduating student na ako sa kursong Bachelor of Science in Secretarial Administration. Next week ay graduation ko na. Isa akong scholar sa Hoffman foundation kaya kapag naka-graduate na ako ay doon ako papasok sa kumpanya ng mga Hoffman. Isa iyon sa rules ng foundation. For me mas mabuti iyon para pagka-graduate ay kaagad na may mapapasukan na trabaho. Kahit alam ko na magagalit sa akin si inay ay pinilit ko pa rin na pumunta kahit na sinabi ko sa boyfriend ko na hindi ako makakapunta. Kaarawan niya ngayon at dahil may kaya ito sa buhay ay pinili nito na sa isang kilalang bar magparty. Sa totoo lang nag-aalangan akong sagutin siya dahil iniisip ko na hindi kami bagay na dalawa dahil isa lang akong hamak na mahirap. Pero dahil sa mahal ko siya kaya ko ibinigay ang matamis kong oo. Nang makarating na ako sa tapat ng bar ay namangha ako sa ganda nito. Sobrang ganda kasi at halatang pangmayaman lang ito. “What fvck!” Halos tumalon ako sa gulat dahil sa lalaking bigla na lang akong binangga pero siya pa ang may ganang magalit sa akin. “Sorry po,” hingi ko sa kanya ng paumanhin kahit hindi ko naman kasalanan. Hindi ito sumagot kaya nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita ko itong papalayo na sa akin. Matangkad itong lalaki at maganda ang pangangatawan. Pumasok siya sa loob ng bar. Ako naman ay tumingin muna sa sarili ko bago ako nagpasya na pumasok rin. Sigurado ako na magugulat ang boyfriend ko sa pagdating ko. “May membership card po ba kayo dito, Miss?” Tanong sa akin ng bantay sa pintuan. “Wala po, pero nasa loob po ang boyfriend ko. Birthday po niya ngayon at gusto ko po siyang i-surprise.” “Sorry, Miss pero hindi ka puwedeng pumasok ng wala kang card. Exclusive lang kasi ito sa mga may card. Kung gusto mo ay tawagan mo na lang ang boyfriend mo sunduin ka niya dito sa labas.” Sabi sa akin ni kuya. “Wala po kasi akong phone, kuya kaya hindi ko rin siya matatawagan.” Malungkot na saad ko kay kuya. “Wala na akong magagawa, Miss. Kapag kasi pinapasok kita ay baka matanggal ako sa trabaho ko.” Sabi niya sa akin. “Ganun po ba, kuya. Sige po dito ko na lang po siya hihintayin sa labas, salamat po.” Saad ko sa kanya. Tumabi ako dahil walang tigil ang paglabas masok ng mga tao sa loob. Gusto ko rin sana na makita ang loob pero ayoko naman magpumilit dahil baka magalit sa akin ang taga-bantay. Higit sa lahat ay ayaw ko naman na mawalan sila ng trabaho ng dahil sa akin. May nakita akong bench kaya mabilis akong umupo sa may bandang madilim. Panay ang tingin ko sa relo ko dahil medyo lumalalim na ang gabi. Pero hindi ko pa nakikita na lumabas si Marvin. Hanggang sa nakita ko ang kaibigan ko na si Lei. Tumayo na ako para sana lapitan siya pero bigla akong natuod sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan ko. Ang kaibigan ko at ang boyfriend ko ay naghahalikan. Hindi lang basta halik dahil may kasama ng pagpisil sa dibdib ni Lei. Nag-unahang bumagsak ang mga luha ko dahil hindi ko inaasahan na lolokohin ako ng taong mahal ko. At talagang kaibigan ko pa ang naging kalandian niya. Naikuyom ko ang mga palad ko sa galit. Gusto ko silang lapitan, gusto kong hilain ang buhok ng kaibigan ko at sampalin ang mukha ng manloloko kong boyfriend. Pero hindi ko ginawa kahit na sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. Hinayaan ko muna silang makaalis bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Naglalakad ako ng nakayuko dahil panay ang pagpatak ng mga luha ko. Oo umiiyak ako ngayon dahil hindi ko kaya ng sakit. "Fvck! Are you blind? O tanga ka lang!" Sigaw sa akin ng isang pamilyar na boses ng lalaki. "Oo na tanga na ako! Kasi hinayaan ko lang na paglaruan ako at lokohin ako ng g*go na 'yun!" Umiiyak na sigaw ko doon sa lalaking nakabanggaan ko. "Tanga ka nga kasi hinayaan mo lang na saktan ka." Dagdag pa niya. "Oo na, tanga na. Kaya please lang Mr. 'Wag mo ng ulit-ulitin na tanga ako." Umiiyak na sabi ko sa kanya. "Tsk! I don't care about your drama." "Tsk ka rin!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Mabilis akong pumasok sa loob ng convenience store. At hindi ko man lang magawang balingan ng tingin ang lalaking may pagka-arogante. Naghanap ako ng alak. Mababa ang tolerance mo sa alak pero wala akong pakialam. Brokenhearted ako ngayon kaya gusto kong uminom. Kumuha ako ng tatlong beer. Ginamit kong pambayad ang naipon kong pera galing sa baon ko. Nang nakapagbayad na ako ay lumabas na ako at umupo ako sa gilid. Mabilis kong tinungga ang beer na hawak ko. Nakatikim na ako dati ng alak pero kaunti lang naman 'yun. Hindi na talaga ako umulit dahil panay daw ang iyak ko habang sumasayaw. Kaya naman hiyang-hiya talaga ako tuwing naalala ko. Mabuti na lang talaga at nasa bahay lang kami noon. Makulit kasi ang mga kuya ko. Pero ngayon hahayaan ko ang sarili ko na malasing. "Nakakainis ka, Marvin ang pangit mo! Huhuhu! Apacababaero mo!" Parang bata na ako dahil talagang umiiyak na ako. "Kaya ka siguro iniwan dahil isip bata ka pa." Biglang may nagsalita sa tabi ko. "Ikaw, sino ka naman?" Lasing na tanong ko sa kanya. "Alam mo uminom ka na lang nakakarindi ang boses mo." "Grabe ka naman sa akin. Alam mo ba kuya na tumakas pa ako sa bahay para lang pumunta dito. Pero ang manloloko ko na kaibigan at boyfriend. Pinagtaksilan nila ako, siya kasi ang una kong minahal kaya nasasaktan ako. Ginagawa nila akong tanga," umiiyak pa rin na sabi ko. Alam ko na kahit sabihin ko pa kay kuya ang lahat ay hindi naman niya ako pakikinggan. Kahit malabo ang mukha niya ay tumingin pa rin ako sa kanya. Wala sa sariling naglakbay ang mga kamay ko sa mukha niya. Ang lambot at ang kinis ng mukha niya. At nang dumako ang daliri ko sa ilong niya ay ang tangos. Tipsy na ako kaya talagang hindi ko na makita ng malinaw ang mukha niya lalo na medyo madilim dito sa puwesto namin. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil may naramdaman akong nakalapat sa labi ko. Oh my gosh! May first kiss na ako at ang bango ng hininga ni kuya. Sobrang lambot rin ng labi niya. "Ohhh… Kiss me back, baby girl." Utos niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hanggang sa bigla na lang niyang kinagat ng bahagya ang pang-ibabang bahagi ng labi ko na ikinagulat ko. Paano ba kasi humalik? Tanong ko sa sarili ko. Because I really want to kiss him back.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook