bc

The Face in the Tomb (BXB)

book_age16+
99
FOLLOW
1K
READ
body exchange
drama
bxb
mystery
campus
small town
soul-swap
classmates
naive
like
intro-logo
Blurb

What if sa pagjojogging mo sa isang sementeryo ay tila ba parang may boses na tumatawag sa iyo upang magtungo sa pinakadulong bahagi ng sementeryo?

Papakinggang mo ba ang boses na iyon at lakas loob mo bang pupuntahan ang bahaging iyon?

At anong gagawin mo kung sakaling sa pagpunta mong iyon ay makita mo ang isang napabayaan na nitso na kung saan ay mukha mo ang makikita mo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Love Confession
-=Calum’s Point of View=-   “Ano ba Calum, last day ng school, last chance mo na para magtapat ng nararamdaman mo.” Pag-uudyok sa akin ng best friend ko na si Christian. “Alam ko naman iyon, pero hindi ba nakakahiyang magtapat ako sa Professor natin?” nag-aalangan kong tanong dito. “Professor? Eh last year pa naman natin siya naging Professor, and besides last day na ito, wala na sigurong bearing kung sakaling magtapat ka pa sa kanya.” pagpapatuloy nito. Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan ko habang nakatingin sa  tinutukoy nitong dati naming Professor. Meron pa itong klaseng pinasukan, pero parang nakikipagkuwentuhan na lang ito sa mga estudyante nito, maaga naman kasi kaming dinismiss ng Professor naming, kaya nga nagkaroon ako ng pagkakataon na puntahan ito. Unang beses ko pa lang nakita ito ay sobrang gaan na ng loob ko dito, at habang tumatagal ay unti unti na nga nahulog ang loob ko dito, na hindi lilipas ang araw na hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko ito nakikita. “Ano na? Tutunganga ka na lang ba diyan? Alalahanin mo, ito na ang huling pagkakataon na magtapat sa kanya, graduation na natin next week at baka hindi ka na magkaroon ng pagkakataon na makausap o kaya makita siya.” Pangungumbinsi pa din nito sa akin. “Pero… paano kung…” hindi ko matuloy tuloy na sabihin dito. “Paano kung mareject ka niya? Paano mong malalaman kung hindi mo susubukan.” Sinabi nito. “Hindi lang naman iyon, hindi ko alam kasi kung magagalit siya kung sakaling magtapat ako sa kanya… samantalang pareho kaming lalaki.” Nag-aalangan ko pa din sinabi dito. Oo nainlove ako sa Professor namin na katulad ko ay isang lalaki din, mula pa naman high school ako ay alam ko na sa sarili ko na nagkakagusto ako sa parehong babae at lalaki at nang malaman nga iyon ng mga magulang ko ay hindi naging big deal sa kanila ang bagay na iyon. Second year high school ako ng magkaroon ako ng girlfriend sa dati naming school sa probinsya. Si Rebecca ang pinakamagandang babae sa school at lahat halos ng kalalakihan ay nagkakagusto dito, maski ako ay nagkagusto dito, kaya naman niligawan ko ito Inabot din ng dalawang buwan ang naging panliligaw ko dito, bago ko ito napasagot, mahigit dalawang taon din ang naging relasyon naming dalawa, ngunit kahit kami, ay hindi ko maiwasang maattract sa iba at ang mas nakakagulat ay naattract ako sa kapareho kong lalaki lalong lalo na kay Ralph, minsan itong nagbakasyon sa kapitbahay naming noong isang summer, at dahil magkaedad lang ay naging magkaibigan kami nito. Isang araw ay tumambay ako sa kanila, wala ang mga tito at tita nito, kaya solo namin ang buong bahay, at dahil doon ay naging experimental kami, we kissed and I actually enjoyed our kiss at matapos noon ay sabay kaming nagpalabas, doon ko mas lalong nakumpirma na bisexual nga ako. Hindi din naman nagtagal ang kaugnayan ko dito, dahil bumalik na ito sa Manila, nagkakatawagan naman kami nito. Fourth year high ng maghiwalay kami ni Rebecca, ito na din mismo ang nakipagkalas lalo na at mag-aaral na din ito sa ibang bansa after naming makapagtapos ng high school. After graduation ay sumubok akong mag exam sa isang state university sa Manila at mabuti na lang at nakapasa ako, kaya naman mababa lang ang kailangan kong bayaran, sakto naman dahil doon din nag-aaral si Ralph, at doon ay naging kami nito, tumagal din ng dalawang taon ang relasyon namin, kung hindi nga lang ito nagloko ay baka kami pa din. “Tapos na ang klase niya.” Nagising naman ako sa malalim kong pag-iisip ng marinig ang sinabing iyon ni Christian at nang tignan ko nga ay unti unti nang lumabas ang mga estudyante ni Professor Marco Aragon. “It’s now or never Calum!” pagpapalakas ko ng loob, tama si Christian ito na ang huli naming pagkikita at ito na lang din ang huling pagkakataon na makausap ito, kaya naman matapos huminga ng malalim ay lakas loob akong pumasok sa loob. Naabutan ko si Sir Marco na abala sa pag-aayos ng gamit nito, hindi nga nito namalayan na nasa loob na ako. “Good afternoon Sir…” tawag ko dito, saka lang naman nag-angat ito ng tingin, bigla naman kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng ngumiti ito. Sobrang guwapo ni Sir Marco na mahihiya ang mga sikat na artista at modelo kapag tumabi ito sa kanya, sa pagkakangiting iyon ni Sir ay lumabas ang pantay pantay at mapuputing ngipin nito na para bang modelo ito ng isang toothpaste commercial. “Ikaw pala Calum.” Para namang lumundag ang puso ko, dahil natatandaan pa nito ang pangalan ko. “Natatandaan ninyo pa din pala ako?” nakangiting tanong ko dito. “Oo naman, may kailangan ka ba sa akin?” tanong nito. Nakita ko naman ang pag-uudyok sa akin ni Christian, kaya naman isang malalim na paghinga muna ang ginawa ko, bago ako naglakas ng loob na magpatuloy. “Sir… gus..to ko lang sanang sabihin na…” gusto kong batukan ang sarili ko, dahil hindi ako makapagsalita ng maayos, ganito talaga siguro kapag kaharap mo ang taong hinahangaan mo. “Anong gusto mong sabihin sa akin?” tanong nito habang magkasalubong ang may kakapalan nitong kilay na mas lalong bumagay sa mapupungay nitong mga mata, mas lalo tuloy akong nataranta ng mapatitig ako sa kulay abo nitong mga mata. Para akong naestatwa habang nakatingin lang sa guwapo nitong mukha, mas lalo tuloy nagsalubong ang mga kilay nito. “I’m really sorry Calum, but I really need to go, meron pa kasi akong kailangan asikasuhin.” Saka lang ako natauhan ng marinig iyon, bigla tuloy akong nataranta ng makita koi tong kinuha ang gamit at akma na itong lalabas ng classroom. “Gustong gusto kita Sir Marco!” lakas loob kong sinabi dito, bigla naman itong napahinto sa paglalakad, nakatalikod ito sa akin, kaya naman hindi ko makita kung anong naging reaksyon nito sa sinabi kong iyon. “Unang beses pa lang na nakita kita Sir, parang kakaiba na ang nararamdaman ko sayo, noong una ay akala ko lang ay humahanga lang ako sayo, pero habang tumatagal ay nahuhulog na pala ako sayo.” Madamdamin kong pagtatapat dito. “I love you Sir Marco.” Puno ng pagmamahal kong sinabi dito, umaasa akong mararamdaman nito ang sinseridad sa sinabi kong iyon. Nanatili naman na nakatalikod ito at walang imik, kaya naman nagpasya akong maglakad sa harapan nito, ngunit parang sinuntok ang puso ko ng makita ko ang walang emosyon nitong mukha. “I’ll pretend I didn’t heart that.” Malamig nitong sinabi, sobrang sakit na marinig iyon sa taong mahal mo. “Pero… Sir Marco…” pagpipigil ko dito, hindi ko tuloy naiwasang hawakan ito sa palapulsuhan nito, ngunit marahas naman na binawi nito ang kamay sa pagkakahawak ko. “Enough Calum! I don’t want to hear any nonsense from you, do you understand?” may galit na nitong sinabi sa akin. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi nito, habang pilit kong nilalabanan ang mga luhang nagbabantang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko na ito pinigilan ng lumabas ito, para naman akong nanghihinang napaupo sa silyang naroon, agad naman akong nilapitan ni Christian at nang maramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak dito. Mas gugustuhin ko pang sabihin nito na wala itong gusto sa akin, makakaya ko pang matanggap iyon, hindi ganito na para bang pinaparamdam nito sa akin na mali ang mahalin ko ito at kasalanan ang nararamdaman ko para dito. Hindi ko inaasahan na sa ganito lang mauuwi ang pagtatapat ko sa taong matagal ko ng hinahangaan, mas higit ang sakit na nararamdaman ko ngayon kumpara ng malaman kong niloko pala ako ni Ralph. Nakakaintindi naman na inalalayan ako ni Christian hanggang sa makalabas na kami sa classroom na iyon, nakasunod lang ako dito hanggang sa makarating kami sa quadrangle sa school. “You know what?! Mabuting kalimutan mo na ang taong iyon, sino ba siya sa akala niya?! Akala mo ang bait bait pero homophobic naman pala.” Naiinis pa din nitong sinabi, habang nakatingin sa akin. “Hayaan mo na lang.” sinabi ko dito sa mahinang boses, pinilit kong ngumiti para iparamdam dito na ok lang ako, pero base sa reaksyon nito ay alam kong hindi ako nagtagumpay. “Sigurado ka bang ok ka lang?” nag-aalala pa din nitong tanong. “I’ll be ok, don’t worry.” Nakangiti ko nang sinabi dito, kahit na nga ba patuloy na nasasaktan ang puso ko. MInabuti kong umuwi na sa tinutuluyan kong apartment na malapit lang sa school, hindi na ako kumain at basta na lang ako dumiretso sa kama ko. Hindi ko talaga inaasahan na magagalit ng ganoon si Sir Marco na para bang sobrang laking kasalanan ng nagawa ko. “It’s all or nothing.” Sa loob loob ko, habang mapait na napangiti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

NINONG III

read
363.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook