bc

My Super Shy Boyfriend

book_age0+
1.1K
FOLLOW
8.2K
READ
friends to lovers
goodgirl
K-pop
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

My boyfriend and I have been dating for a year now. Pero ang progress ng relationship namin, mas mabagal pa sa wifi sa bahay. Blame it on his ~extreme~ shyness.

chap-preview
Free preview
1st Chapter: He's Here [NEW]
---SEASON ONE--- *** [NOVEMBER 2018] "BOMI, where's your boyfriend? I thought susunduin ka niya?" "He's already here," nakangiting sagot ko naman habang nilalagay na sa sling bag ko ang notebook at colorful pens ko. "Ramdam ko na ang intense gaze ni Tray." Obvious na na-confuse ang mga groupmates ko. Si Maggie na katapat ko, ilang beses pang kumurap. Si Olen naman na boyfriend niya, tumingin sa paligid ng coffee shop na parang hinahanap ang boyfriend ko. "If he's already here, bakit hindi pa siya lumalapit sa'yo?" kunot-noong tanong ni Olen nang tumingin siya sa'kin. "Oo nga," dagdag naman ni Maggie, saka siya sumipsip muna sa latte niya bago muling nagsalita. "We want to meet your boyfriend, Bomi." Classmates ko sina Maggie at Olen (nasa sophomore year na kami ng course na CommArts) pero hindi pa nila na-mi-meet ang boyfriend ko. 'Yong mga high school friends ko lang ang nakakakilala kay Tray. After all, he's only comfortable with people he has met in the past and he's not really good at meeting new acquaintances. The only thing that my classmates know about Tray is that he's an Engineering student in his junior year. Yep, my boyfriend is one year older than me. Nasa freshman year pa lang kami, hinahanap na nina Olen at Maggie si Tray pero lagi kong nakakalimutang ipakilala sa kanila ang boyfriend ko. Kasi sa totoo lang, gusto ko rin siyang itago sa ibang tao. Kung mas kaunti ang nakakaalam ng relationship namin, mas kaunti ang makikisawsaw. I'd like to keep our relationship as private as possible since we don't owe anyone an update about what's happening between us anyway. Kaya nga medyo amused ako sa mga groupmate kong 'to na hindi pa rin sumusuko sa pangungulit sa'kin tungkol sa boyfriend ko. And Tray kind of hates introductions. Siguradong mamamatay na naman 'yon sa hiya. Kaya siguro hindi pa siya nagpapakita. Ah, that makes me want to tease him. "Olen, hold my hand," nakangiting sabi ko na halatang kinagulat niya. "Tray will definitely show up if you touch me. Pero siyempre, it's up to you and Maggie kung game kayo sa "magic trick" na 'to." "I won't touch another girl's hand especially in front of my girlfriend," sabi ni Olen na biningyan pa siya ng apologetic smile. "Sorry, Bomi." Natawa naman si Maggie na binunggo pa ang balikat ng boyfriend nito. "Do it, Olen. We've heard the rumors about Bomi's boyfriend naman, eh. Let'ssee kung totoong weird siya." Napangiti na lang ako. Hindi insulto ang tingin ko sa pagtawag nila ng weird kay Tray. Hindi lang nila kilala ang boyfriend ko. Plus, medyo kakaiba naman talaga ang quirk niya, eh. "Alright," pagsuko naman ni Olen, saka pinatong ang kamay niya sa kamay ko. "Like this?" "Yep," sagot ko, saka ako sumimangot bilang parte ng pag-arte ko. Nag-explain ako no'ng makita kong nagtaka sina Maggie at Olen. "Siguradong lalabas si Tray kapag nakita niyang upset ako dahil hinawakan mo ang kamay ko." Hindi nga ko nagkamali dahil mayamaya lang, lumapit sa'min ang malusog at matangkad na staff ng coffee shop– si Josef na best friend ni Tray simula kinder. May awkward smile siya nang huminto sa harap ng table namin. Halata rin na may nagtatagong kung sino sa likuran niya. Guess who? Yes, you probably guessed it right. Kinagat ko ang lower lip ko para mapigilan ang sarili kong matawa. Oh, Tray. At lumabas mula sa likuran ng staff ang boyfriend ko na nakasuot ng gray hoodie, face mask, denim jeans, at sneakers. Bagay na bagay sa slender at tall figure niya ang gano'ng porma. He also looks like a male Kpop idol because of his chinky eyes and flawless milky white skin. "D-Don't touch my girlfriend," halatang hiyang-hiya na deklara ni Tray pero hindi naman siya makatingin kay Olen. In fact, nakatingin ang boyfriend ko sa mesa habang nakapasok ang mga kamay niya sa front pouch ng hoodie. "I-It's making her u-uncomfortable." Tumayo na ako at binigyan ng apologetic smile sina Olen at Maggie na nakatingin lang sa boyfriend ko na parang amused na amused. "Olen, Maggie, this is my boyfriend Tray Trinidad," pagpapakilala ko sa boyfriend ko. Pagkatapos, nilingon ko naman si Tray na naka-eye to eye ko dahilan para mamula ang mga pisngi niya, saka siya nag-iwas ng tingin sa'kin. Napangiti na lang ako sa ikinilos niya. "Tray, they are my groupmates– Olen and Maggie." "Hi," halatang hiyang-hiya na pagbati ni Tray sa mga groupmate ko. "Bye," mabilis at mahinang sabi niya bago pa makasagot sina Olen at Maggie, saka siya tumalikod at nagmamadaling lumabas ng coffee shop. "He's not rude, I'm sorry about that," nakangiti at apologetic na sabi ko naman nang tingnan ako nina Maggie at Olen. "He's just really shy." Alam kong hindi enough na excuse 'yon sa behavior ni Tray pero for now, it will do. I know he's trying his best to change for the better so I will support him all the way. Nagpaalam na ko kina Olen at Maggie, gano'n din kay Josef na nginitian at kinawayan ko na lang. Saka ako lumabas ng coffee shop. Nang makita ko ang red Honda ni Tray, lumapit ako do'n. Bukas naman ang pinto kaya sumakay agad ako sa passenger side. "I'm sorry, Bomi," halatang puno ng guilt na sabi ni Tray habang nakayukyok ang ulo niya sa manibela. "Pinahiya na naman kita sa friends mo." "They understand," pag-console ko sa kanya. Gusto ko sanang hawakan siya sa balikat pero hindi siya comfortable sa biglaang physical contact kaya hindi ko na lang itinuloy. "Don't feel bad about it." "Bomi?" "Yeah?" "Don't do it again," halata namang nagtatampo na sermon ni Tray sa'kin. "Don't let other guys hold your hand just to make me come out. From now on, hindi na rin ako mag-i-stall para lang makaiwas sa pag-introduce mo sa'kin sa new friends mo." Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Wala na ang face mask niya kaya kitang-kita ko na ang guwapo niyang mukha. "Is that okay with you?" "Absolutely," sagot ko, saka ko inabot sa kanya ang kamay ko. "You have to disinfect my hand, Tray." He blushed, but he eventually took my hand and held it for a minute. If he held it any longer than that, he might have died from embarrassment. Yep, that's how shy my boyfriend is.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

A Night With My Professor

read
498.2K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.8K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook