bc

Safe to Love

book_age16+
2.9K
FOLLOW
34.4K
READ
billionaire
aloof
CEO
single mother
drama
bxg
heavy
office/work place
cheating
slice of life
like
intro-logo
Blurb

(Mature Content)

Sa unang beses pa lamang na nakita ni Miguel Alfonso si Trisha Barameda ay alam niyang ito na ang tadhana niya. At dahil doon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at sinundan niya ito kahit pa alam niyang ikakasal na ito.

Ngunit ano nga ba ang laban niya? Haharap na ito sa altar samantalang kakikilala niya pa lamang dito. Nakatadhana nga ba sa kanya ang babae o mali ang inakala niyang para sa kanya ito?

Masakit kay Trisha na malamang may naganap sa pagitan ng fiancé niya at ng bestfriend nito. Ngunit wala nang mas sasakit pa sa pagde-desisyon kung pakakasalan pa niya ito o hindi na ganoong nasa harapan na sila ng altar.

Hahayaan ba niyang makasama habang buhay ang lalaking ito? O tatalikuran niya ang pangako niya rito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 – How We've Met?
It was exactly two years ago nang dumating ang pinakahihintay niyang moment. Ang ikasal kay Drake. He's long-time boyfriend. And exactly two years now nang bumalik ang alaala niya sa lalaking tumulong sa kanya nang maging runaway bride siya. How did they meet nga ba? "Hi... Let me help you with that." bungad ng lalaki na mula sa kung saan nang makita siya nito habang nakaupo sa sofa ng hotel lobby. Kung saan ay ito sana ang pagdarausan ng reception nila ng supposed to be groom niya. She's wearing her beige pumps na halos masira na nang dahil sa pagtakbo niya kanina. Ikakasal na dapat siya two years ago sa lalaking pinangakuan siya ng forever. But it was all a lie. Totoo pala ang kasabihan na walang forever. She always believes na mayroon ngunit pinatunayan ito ng lalaking iyon na wala nga. Hindi pa man siya nakatatango at hindi pa niya naiaangat ang kanyang paningin dito ay lumapit na ang lalaking naka-suit sa direksiyon niya. Inayos nito ang strap ng stilettos niya. Wala na siyang nagawa at hindi na rin siya nakatanggi. Kahit pa nga ang ibuka ang bibig niya para tumanggi o sumang-ayon man lang ay hindi na niya nagawa pa. "There you go." saad pa nito matapos ayusin ang strap ng suot niya sa paa sabay abot ng puting panyo sa kanya. Without looking at her or waiting for her to respond, the guy left. But the scent of that guy left her nose. Parang nakasiksik na sa loob ng ilong niya ang amoy ng pabango nito. Animo'y panandalian siyang dinala nito sa tabi ng dagat. Nalalanghap ang lamig ng simoy ng hangin. Ang amoy ng karagatan na tila inaakit siyang magtampisaw. Halos mapuno ng luha ang kanyang mga mata sa tagpong iyon. Nag-uumapaw ang sama ng loob niya sa hinanakit na nadarama niya. Kaya na yata niyang punuin ang isang drum sa luhang inilalabas nito. Kahit anong pigil niya ay kusang pumapatak ang mga ito na tila may sariling buhay. "That bastard!" she whispered to herself in anger, referring to the guy she was supposed to marry. She couldn't believe that all the preparations and sleepless nights had been put to waste. Had she known it sooner, she could not have attended her own wedding. She could've saved her day and sleep without worries. "Hey, Trish! Tulala ka na naman. Are you crying?" basag ni Sophia sa kaibigan na kanina pa tulala sabay tapik sa balikat nito. Kanina pa ito tulala reminiscing the heartache she had. Kaya naman hindi na niya napansin ang presensiya ng kaibigan. "No. Why would I?" she plainly said while browsing all the paperwork at her table as if she's very busy. "Huwag nga ako ang lokohin mo. I know when you're telling the truth and I know when you're lying." mariing saad ni Sophia habang nakapatong ang dalawang kamay nito sa harapan niya sa may mesa at nakatitig sa mga mata niya. "Oo na. Oo na." sigaw niya. Suko na siya sa pagtatago rito dahil hindi rin naman ito maniniwala. At hindi rin naman niya maitatago ang nararamdaman niya dahil kahit ang luha niya ay tinatraydor siya. Yes, I'm crying! Okay na?" sigaw niya at tuluyan na ngang namasang muli ang mga mata niyang mugto na sa kaiiyak. Lalo pang lumakas ang kanina pa niya itinatagong hikbi. Bumakas ang awa sa mukha ni Sophia sa kaibigan. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagdurusa. Ilan taon na nga ba silang magkaibigan? Since college pa. Alam nito kapag nagsisinungaling siya o nagsasabi ng totoo. Saksi rin ito sa matamis nilang pag-iibigan ni Drake. Ngunit huli na ang lahat nang matuklasan nila ang itinatago ni Drake. "Please naman, Trish. I know it's hard... But... Dalawang taon na ang nakalilipas. Hindi ka pa ba nagsasawang isipin ang nakaraan? Give yourself a break." mariin na sabi ni Sophia habang hinahaplos ang likod ni Trish. Hindi siya galit sa kaibigan. Naiinis lang siya na wala siyang magawa para rito. At hindi naman napansin ni Trish na nasa tabi na pala niya si Sophia. Ano nga bang napapala niya kaiiyak? Puro sama ng loob lang. At isang baul ng eyebags. "Siya nga pala maiba ako. May letter na dumating kanina. Galing yata sa banko." saad ni Sophia sabay turo sa envelop na nasa center table ng opisina niya. "Thanks, Sop." tipid na sagot niya. "Sa wakas ay ngumiti ka rin. But please lang... Huwag mo namang paiksiin pa ang name ko. Sophie will do. Kung ayaw mong buuin na Sophia. Para namang censored ng "SOP" eh." pagbibiro pa nito. Tuluyan naman na niyang napangiti si Trish nang dahil sa sinabi niya. "Puro ka talaga kalokohan." sabi pa ni Trish na bakas ang panadaliang ngiti sa labi nang dahil sa kalokohan ng kaibigan. Nang matapos nilang mag-usap ay inihatid niya ng kanyang mga mata ang lumabas na kaibigan sa pinto matapos siyang i-comfort. Agad niyang kinuha ang envelop na nabanggit nito. Tama nga ang kaibigan niya. Galing ito sa bangko. Excited na kinakabahan niyang binuksan ang letter. Sa hindi malamang kadahilanan ay kinakabahan siya kahit hindi naman dapat. Isang sulat lang naman ito sa bangko at sanay na siyang nakatatanggap nito. Bumalik muna siya sa kanyang itim na silya saka tuluyang binuklat ang sulat at binasa. "Ms. Barameda, we regret to inform you that your application for the loan is not approved." napakunot ang noo niya sa nabasa. Tila hindi makapaniwala sa nilalaman ng sulat. "Not approved?" inis na angil niya habang nanlalaki ang mga matang pag-uulit niya sa nakasulat sa letter na 'not approved' part na iyon. "Why the hell is it not approved?" gigil na sambit niya sa sarili. Base sa status ng company niya ay impossible na hindi siya ma-approved. "This can't be. Maganda ang standing ko sa bank na ‘yon and I never failed to pay my credit cards. I even have a big savings in my account." sa inis niya ay padabog niyang itiniklop ang sulat at muling isinilid sa sobre. Agad niyang ipinasok sa bag niya ang sobre at kinuha ang car key sa drawer. Nagmamadali siyang lumabas ng office niya at nagpaalam sa kanyang sekretarya. "Candy, kapag may naghanap sa 'kin paki-reschedule na lang. Aalis lang ako saglit." bilin ni Trish sa assistant niya. Pagkatango nito ay agad na siyang pumunta sa parking lot at pinaharurot niya ang kanyang puting sasakyan papunta sa bangko. Ilang kanto lang ang layo nito mula sa opisina niya kaya naman nakarating siya kaagad dito. Pagkarating niya ay agad siyang kumuha ng numero. Eksakto namang walang pila kaya ang numerong nakuha niya ang kaagad na susunod sa queue. "Hello! Good morning, Ma'am! How may I help you?" masiglang bati sa kanya ng abot taingang ngiti na empleyado ng bangko. "Yes, of course you may help me." sarkastikong sagot niya. Tila naramdaman naman ito ng empleyado ngunit umakto pa rin ito na magalang at willing to help. "I received this letter." mahinahon niyang sabi sabay abot sa employee ng letter. Agad naman nitong in-extend ang braso para abutin ang envelop. Agad nitong sinilip ang letter at binasa. "How can I help you po with this letter?" magalang na tanong ng empleyado muli na hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti. "You might have incorrectly put my name on it. It's impossible that I will not be approved for my loan." malumanay pero firm na sabi niya sa empleyado. "Ma'am, I'm so sorry to hear that your loan was not approved. But, I would like to let you know po na lahat po ng letter na sinisend po namin sa mga customers ay auto-generated po. And, ang name ay base po sa account ng customer mismo." paliwanag nito na sumeryoso ang mukha na parang nagsasabi na 'problem here it comes'. "Once again, I don't think this is right. I would like to request for you to have my data reviewed. It's not possible." sabi niyang muli na may kataasan na ang tono. Pakiramdam niya ay naiinsulto na siya sa sinasabi ng empleyado. "I'm sorry, Ma'am. Imposible po na magkamali ang system namin." nakangiti pa rin na muling sabi nito pero bakas ang pag-aalangan sa mukha nito kung tama pa bang ngumiti siya dito. "Are you insulting me? How dare you smile back at me while I ask you to do your work. I ask you to double-check my records and not give me those lame excuses!" hindi na napigilan pa ni Trish na tumaas ang boses nang dahil sa sinabi ng empleyado. "Please wait po. We will check your records po." sabi nito na tila natakot na sa pagsigaw ni Trish. "Good!" sabi nito at saka pumasok ang empleyado sa loob ng opisina na dala ang letter. Mga ilang minuto pa ay lumabas nang muli ang empleyado. Pero paglabas nito ay may kasama na itong lalaki. Hindi naman siya mapakali nang makita ang kasama nito dahil pamilyar ang amoy nito sa kanya. Ang amoy na nanunuot sa kasuluk-sulukan ng ilong niya. "Well... anyone can buy those scent anyway." bulong pa niya sa sarili niya. Hindi pa man nagsasalita ang lalaki ay napatingin siya sa mukha nito. Pakiramdam niya ay kanina pa siya tinitingnan nito. "Ms. Trisha Barameda?" tanong ng lalaki. Napaawang ang bibig niya nang makita ang mukha nito. Pati na ang boses nito na hindi niya maalala kung saan ba niya narinig. "Parang familiar siya... Sa’n ko ba siya nakita?" tanong niya sa isip niya. Tila naglalayag ang isipan niya na pinipilit alalahanin ang bagay na iyon. "Ms. Barameda?" tanong muli ng lalaki na tumikhim pa bago kausapin ang tila lumilipad ang isip na babaeng kaharap. Agad naman siyang natauhan nang mapansing kanina pa siya tinatawag ng lalaki. Pero tila naagaw ng empleyado ang atensyon niya. Paano’y tila kinikilig ito at abot-tainga ang ngiti sa katabing lalaki. Hindi niya alam kung bakit inis ang naramdaman niya. Marahil ay dahil sa inis niya sa pagkaka-decline ng loan niya. "Ms. Barameda, I'm---" akmang makikipag-kamay sana ang lalaki pero hindi niya ito pinansin. Bagkus ay pinutol niya kung ano man ang sasabihin nito at saka siya nagsalita. "So, have you reviewed my records? Am I right? You incorrectly send me the letter. Right?" sunod-sunod na sambit niya sa lalaking hindi na nakapagsalita sa kadaldalan niya. Napalunok na lamang ito bago nagsalita. "Ms. Barameda, I can guarantee and assure you that our records are perfectly fine. Our system is working well. I can see that you are not eligible to be approved for the loan. We are really sorry about that." seryoso ang mukha na paliwanag ng lalaki na nagsalita. "No! I can't accept this. I have been with you all since I started my own company. I have never been delinquent, and I have good records. I won't allow you to show that I am having a bad record here. I want you to review your data and get back to me as soon as possible." halos pasigaw na niyang sabi. Hindi siya papayag na magmukha siyang tanga sa bankong ‘yon at sabihan nila na hindi siya approved. Sa inis niya ay hinablot niya ang envelop sa kamay ng lalaki at naglakad papalabas ng banko. Hindi na niya hinayaan pa na maibuka nito ang bibig bago siya umalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

He's Cold Hearted

read
160.8K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.9K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.3K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
432.3K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook