bc

The Empire (Laurence)fall in love with my enemy

book_age18+
79
FOLLOW
1K
READ
doctor
billionairess
twisted
sweet
office/work place
high-tech world
enimies to lovers
first love
crime
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

si laurence ay leader ng isang kilalang grupo na kilala bilang The Empire at bawat isa sa kanila ay binansagang the King...dahil narin sa galing nila sa maraming larangan....si laurence ay kilalang pinaka magaling sa pagiisip or utak ng grupo marami ang kinatatakutan sya at kilala syang kalmado at matalino

ngunit isang araw ay nakatagpo nya ang babaeng sisira ng buong pagkatao nya...

walang iba kundi si roxanne na girlfriend ng isa sa kanila na si zack...

papaano nya kokotrolin ang nagwawala nyang puso na sumisigaw ng pagtangi sa babae at paano nya ipaglalaban ang grupo kung magiging susi sa pagkasira nito ay ang babaeng minamahal nya...lubos...

mas pipiliin ba nya ang tayuan ang responsibiledad bilang pinuno ng grupo at kalimutan ang babaeng mahal o ipaglaban ang pagmamahal nya kahit marami syang masasaktan...

chap-preview
Free preview
(Laurence) The Empire History
matindi ang sikat ng araw ng umagang iyon, tahimik kong pinag mamasdan ang magandang lugar mula sa lilim ng mga nagsasayawang mga puno, dito sa aming baryo, tahimik ang pamumuhay ko at payapa, pero minsan naiisip kong parang may kulang. I'm Laurence Lee at first I'm just a normal highschool student in st. monique. sa st, monique kami nagkakilala nila Zack at Cedrick, were best friend since first year, kilala kami ng lahat sa st. monique bilang di matibag na grupo, at walang kumakalaban sa grupo namin, di din naman kami gumagawa ng gulo, pero kapag hinahamon kami asahan mong di namin ito uurungan, at kailan man ay hindi kami nag papa talo, well, wala naman kasi sa vocabulary ko ang magpatalo nuon pa. meron akong isang kapatid na babae, si Lorraine, she's the apple of the eye of our family, kaya kahit sa akin ay spoiled ito, ang parents ko ay supportive sa akin hindi kagaya ng ibang mayayamang magulang na matapobre, kahit pa ang family ko ang isa sa nagmamay ari ng isang sikat na 5 star hotel sa bansa. they always told us to be humble and make a right desicion in every circumstances, that is why i want to be like them in the future. for me, every thing was perfect, not until I decided to go to U.S to take my college, In Lincoln University, this is the place, where, my world turn up side down. ......... 'are you sure son, you wanto go abroad." saad ni Lex sa anak. 'yes dad." pinal na sagot ni Laurence sa ama. wala naman magawa ang inang si lea kundi pag masdan lamang ang siryosong mukha ng anak, 'well, tiwala ako sayo anak, you won't disappoint me ever since, so its up to you son." saad ni Lex sa anak. halos pandilatan naman ng mata ni Lea si Lex ng pagpayag nito sa kagustuhan ng anak. 'ok dad, can I go now, I'm going to meet Zack, they're waiting for me." paalam ni Laurence, agad naman tumango si Lex bilang tugon dito, nanatili namang tahimik ang inang si Lea, bilang pagpapakita ng patutol nito sa gusto ng anak. ............ 'what." halos pasigaw na saad ni Zack at Cedrick ng malaman ang plano nitong mag aral abroad, kasalukuyan silang nasa kubo na ginawa nila sa tabi ng ilog, gustong gusto kasi nila ang lugar na iyon kaya naman nag disisyon silang gumawa ng kubo duon at ito ang nagsisilbi nilang quarter. nakasimangot naman si Cedrick na ibinato ang maliit na bato sa ilog, 'labo mo naman bro, iiwan mo kami." pagmamaktol ni Cedrick nanatili naman tahimik lang si Laurence, napabuntong hininga na lamang si Zack ng makitang di na talaga magbabago ang disisyon nito. 'fine, I got it, hindi naman namin mababali ang disisyon mo kahit anong gawin namin diba." matamlay nitong saad. 'pasensya na talaga, pero ito talaga ang gusto kong gawin and ayokong magkaregret kapag di ko ito ginawa." pagpapaliwanag ni Laurence. kapwa naman walang nagawa si Zack at Ced sa disisyon niya, 'I got you bro, kung yan talaga ang gusto mo, sige, susuportahan ka namin." saad ni Ced. inakbayan naman ni Zack si Laurence at humalik pa sa pisngi nito bilang pagbibiro dito, 'yuck bro." singhal ni Laurence dito na kapwa tinawanan ni Zack at Ced, mamimis ka namin bro, kaya baunin mo na ang kiss ko ngayon palang para di mo kami makalimutan." natatawa nitong saad. 'baliw ka talaga." usal ni Laurence na walang magawa sa kalokohan ng kaibigan. .......... 'kuya, sasama ako sayo." pagmamakaawa ni Lorraine habang umiiyak, ngayon na kasi ang flight ni Laurence papuntang U.S. 'hindi pwede Lorraine, don't worry, I'll always contact you ok." pang aalo niya dito, nantili naman walang imik si Lea na hindi parin tanggap ang desisyon nito, lumapit naman si Laurence sa ama at yumakap dito, 'don't forget that we're always here for you son, whenever you need ok." pagpapaalala nito sa anak ngumiti naman si Laurence habang magalang na tumango dito bilang tugon. bumaling naman ito sa inang nagpipigil ng luha dahil sa pag alis nito, mahigpit parin itong niyakap ni Laurence kahit ayaw siya nitong tignan, di naman napigilan ni Lea ang pagtulo ng luha, at di na napigilan pang yakapin ng mahigpit ang anak, 'Laurence, anak umuwi ka kung mahihirapan ka ha!." saad nito sa kabila ng mga luha, 'don't worry mom, I'm your son, trust me." pagbibiro ni Laurence dito, napangiti naman si Lea sa sinaad nito. nagumpisa ng maglakad si Laurence papasok ng airport, bahagya pa siyang tumitingin sa paligid na umaasang makikita ang mga kaibigan ngunit bigo siya, malungkot na lamang na dumiretso si Laurence. ilang oras din ang itinagal ng flight ni Laurence at sa wakas ay nakalapag na ang eroplano, marahan naman kinuha ni Laurence ang mga bagahe niya bago tuluyan lumabas ng eroplano, ngunit hindi maalis sa isip niya ang kalungkutan na hindi manlang nakapag paalam ng personal sa mga kaibigan, naisip tuloy niyang baka nagtatampo ang mga ito sa kanya, at hindi lamang sinabi ng mga ito, nalulungkot man ay nagdirediretso lamang sa paglalakad si Laurence, papalabas na siya ng airport ng biglang may umakbay sa kanya, dahilan para mapahinto siya, 'ang tagal mo kahapon pa kami dito." saad ni Zack, halos hindi naman makapaniwala si Laurence na pinagmamasdan ang mga nakangising mukha ng mga kaibigan, 'anong ginagawa niyo dito." usal niya. nagtinginan naman si Zack at Ced na may ngisi sa mukha, 'ano paba edi sasamahan ka namin, paano kana kapag wala kami." natatawang saad ni Ced, napakunot naman ng noo si Laurence na naguguluhan sa mga ito, 'bakit akala mo ba ikaw lang ang makakapasa sa Lincoln University." saad ni Zack saka ipinakita ang hawak na papel, ito ang admission Letter na nagpapatunay na natangap sila, di naman napigilan ni Laurence ang mapa iling habang nakangiti, dahil sa kalokohan ng mga kaibigan, di niya inakala na sasama ang ito sa kanya, 'we're brothers right, kaya walang iwanan." saad ni Zack saka mahigpit na umakbay kay Ced, kahit medyo hirap, mas matangkad kasi ng di hamak si Ced sa kanila, natawa na lamang si siya habang pinagmamasdan ang mga kaibigan na nagkukulitan papasakay ng cab, 'hey Laurence ano pa inaantay mo, di ko bubuhatin yang bagahe mo noh." pang aasar ni Zack dito.napapailing na lamang si Laurence sa kakulitan ng mga ito habang papasakay ng sasakyan papunta sa dorm na tutuluyan nila, sabay sabay nga na pumasok sa Lincoln University, kapwa medicine ang kinuhang kurso ni Laurence at Ced, law naman ang kurso ni Zack noong una ay normal ang lahat, school then library tapos dorm, ganun tumatakbo ang buhay nila, maayos at tahimik, kahit napag alaman nilang may mga kilalang grupo sa University na naglalaban laban, in short may Gang war sa loob ng university, ngunit nanatiling sikreto ang mga pangyayaring ito dahil na rin sa mga koneksyon ng mga taong involved dito, kung kaya walang eskandalong nangyayari at nananatiling malinis ang pangalan ng University, noong una ay hindi makapaniwala si Laurence patungkol dito ngunit dahil ayaw niyang mag alala ang magulang nanatili na lamang siya at pinagpatuloy ang kurso niya, paminsan minsan nakakakita siya ng mga taong sinasaktan ng walang dahilan gusto man niya magalit ay mas pinili niya ang manahimik, iniisip parin kasi niya ang pamilya niya at ayaw niya mag alala ang magulang, ngunit ang pina ngingilagan niya rito ay ang grupo nila Riley Warren, anak kasi ito ng isang kilalang malaking mafia, malaki ang impluwensya ng pamilya niya kaya ganun na lamang ka lakas ang loob nitong maghariharian sa University, nanatili nalamang isang ordinayong estudyante sila Laurence upang makaiwas sa gulo, hindi dahil takot o duwag sila, mas pinili lang nila ang malayo sa gulo, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, ........ tahimik na tinitipa ni Laurence ang loptop, habang sinasagawa ang research nya sa library, aksidente syang nabunggo ng lalaki, di sinasadyang tumapon ang hawak nitong juice sa loptop ni Laurence, napatayo naman si Laurence habang pinapagpag ang iilang talsik ng juice sa damit niya, 'so-sorry." utal na saad ng lalaki, napabaling naman si Laurence dito, nakita niya ang grupo ni Riley na nakapaligid, saka lamang napagtantong pinagtitripan ng grupo ni Riley ang lalaki kaya natapon nito ang juice sa kanya, hindi na lamang umimik si Laurence, ngunit bahagya siyang nabigla ng makitang basang basa ang laptop niya, 'shit." singhal niya, habang pinupunasan ito, lahat kasi ng thesis, project at report niya ay nasa laptop, at hindi pa niya na sasave ang ginagawa niya, 'sorry tlaga." muling saad ng lalaki, 'anong sorry." saad ni Riley na humakbang papalapit kay Laurence, 'sige, suntukin mo siya." utos nito kay Laurence, wala naman emosyong pinagmasdan lamang siya ni Laurence na nagpupuyos na sa galit ngunit pilit lamang niya itong pinipigilan, sakto naman ng pagpasok ni Zack at Ced sa library, ng makita ang tensyon sa lugar kung nasasaan si Laurence, kaya agad silang natigilan na wari inoobserbahan ang mangyayari, bahagya naman nainsulto si Riley sa pinakita ni Laurence sa kanya, ramdam kasi niya na binabaliwala lamang siya nito, ni wala itong bakas ng takot sa mukha, 'ano, suntukin mo na." muling utos niya na bahagya pang tinulak si Laurence, di naman napigilan ni Laurence ang mapangisi, dahil napipikon na siya sa ginagawa ni Riley, 'you f****g i***t, anong nakakatawa." sigaw nito kay Laurence at umamba ng suntok ngunit huminto din ito kaagad, balak lamang niya sindakin si Laurence ngunit ang ikinabigla niya ni hindi ito kumurap o kahit umiwas ay di nito ginawa, 'pwede ba, I don't take any command from anyone." walang emosyong saad niya, 'mayabang ka! tignan natin ang galing mo." saad ni Riley at binigyan ng suntok si Laurence, napabagsak naman si Laurence, ngunit ngumisi ito ng muling bumaling kay Riley, 'yan lang ba ang kaya mo?." nakangising saad nito. dumating naman ang nag babantay sa library at akmang sasawayin ang mga ito ngunit ng makitang ang mga grupo ni Riley na gumagawa ng gulo ay napaatras ito. tumayo naman si Laurence ng may ngisi, bahagya pa na pinahid ang dugo sa gilid ng labi nito, 'alam mo, wala ka naman ipagmamalaki kung di lang dahil sa mga kasama mo at pangalan ng tatay mo." panunuya ni Laurence sobrang na ikinainis ni Riley. nagsimula naman ang tensyon sa buong lugar, at lahat ng estudyante ay pinapanood ang nagaganap, sa unang pagkakataon may taong matapang na humarap kay Riley. ngumisi naman si Riley, 'bakit may ipinag mamalaki kaba." saad nito. 'sige tignan natin kung may ipagmamalaki nga ba ako." panghahamon ni Laurence dito, 'sige,one on one ngayon." mayabang na panghahamon naman ni Riley, at sumenyas sa mga kasama na umatras, umatras naman ang mga ito, pagpapakita na hindi sila mangingialam, habang nakatanaw lamang si Zack at Ced na hindi nagpaparamdam. sumugod naman ng suntok si Riley kay Laurence na iniwasan lamang nito, ng makatyempo, si Laurence naman ang sumuntok sa kanya, hindi nito inasahan ang ubod na lakas ng pag suntok ni Laurence, bahagya pa ito nakaramdam ng hilo, pero hindi nag pahalata si Riley, ngunit alam ni Laurence na ininda ni Riley ang suntok nya, agad siyang kumilos at maagap na hinatak ni Laurence si Riley, ng maout of balance ito ay inibabawan nya ito at nag pakawala mabibilis at Malalakas na suntok, habang si Riley ay hindi na makabawi sa kanya, duguan na ang mukha nito, gulat na gulat ang lahat ng mga nanonood, sa ginawang pambubugbog ni Laurence dito, binubugbog ni Laurence ang kilalang hari sa university, ng makita na dehado si Riley agad na kumilos ang mga kagrupo nito, hindi sila papayag na magpatalo kay Laurence, at akmang susugurin si Laurence ngunit mabilis na humarang si Zack at Ced, nabigla naman ang mga kalaban dahil hindi nila inaasahan na may kasama si Laurence at sadyang magagaling din itong makipaglaban, ng isaisa na silang pinababagsak nila Laurence ay nag kusa na ang mga ito na umalis bitbit si Riley... mistulang nagdiwang naman ang mga estudyante ng makita ang nangyari, mabilis na kumalat ang nangyari sa buong campus, at sa tindi ng galit ni Riley itinuring na niyong kalaban ang grupo nila Laurence, ngunit kahit na di hamak na mas marami sila ay di nila matalo sina Laurence, dahil sa talino at lakas sa pakikipaglaban. dumaan pa ang mga araw at tuloy tuloy lang ang pagtutunggali nila Laurence sa grupo nila Riley, ngunit ng mag karoon sila ng ingkwentro sa grupo nila Riley, nasaksak si Ced. lubha nya itong ikinabahala dahil hindi lang basta gumagamit ng dahas sila Riley, nararamdaman nya na nanganganib ang buhay nila. 'kailangan natin magdagdag ng lakas." ani Laurence. 'ano naiisip mo?." tanong ni Zack.. 'dumito ka muna bantayan mo si Ced, ako na muna ang bahala sa sarili ko sa university." ani Laurence naguguluhan man ay marahang tumango si Zack bilang tugon dito. ng nasa university ay pinilit ni Laurence na umiwas sa grupo ni Riley. ngunit ng makita nya na papunta sila Riley sa library ay naisipan nya itong sundan, may nilapitan nga ito na lalaki, isa nanaman sa target nilang ibully, umiinom ito ng tubig ng kunin ito ni Riley, at walang pagdadalawang isip na binuhos sa papel nito. 'oopss sorry." nakangising ani ni Riley, tumingin naman ang lalaki ng masama sa kanya, ng makita ito ni Riley ay nainis siya sa paraan ng pagtitig nito, at walang awang binugbog, pinagtulungan nila ang kawawang lalaki, napahanga naman si Laurence sa lalaki dahil kahit na bugbog sarado, kapansin pansin na malakas ang katawan nito upang matiis ang ganung klaseng pananakit at buo ang loob nito at hindi sumuko kay Riley, nakikitaan niya ito ng potensyal, nang makaalis ang grupo ni Riley ay nilapitan ito kaagad ni Laurence at iniabot ang kamay, napatuon naman ito na parang nagtataka, ngumiti naman si Laurence sa kanya, may pagdadalawang isip man sa huli ay nag desisyon din itong tanggapin ang kamay ni Laurence. 'ano, ok ka lang?." pagtatanong ni Laurence dito. napatingin naman sa kanya ang binata, na nanatiling walang imik, 'ako nga pala si laurence." pagpapakilala niya, sabay lahad ng kamay, pinasadahan naman siya ng tingin ng binata na kinikilatis siya, ngunit sa huli ay nakipag kamay din ito, 'kenzo." pagpapakilala nito... isa na nga sa napili ni Laurence si Kenzo, at dahil nangyari naisip niyang sundan pa ang grupo nila Riley, baka sa ganung paraan makahanap pa siya ng mga taong may mga potensyal kagaya ni Kenzo, ng mga sumunod na mga araw ay patuloy ngang sinundan ni Laurence ang mga grupo ni Riley habang nasa canteen ng university patagong kumakain si Laurence, binabantayan nito ang grupo ni Riley, nakita naman niya ng may lapitan ang mga ito na lalaki, 'heeyyy nerdy, get us some drinks." pag uutos nito lalaki, namukhaan niya ito, sino ba naman ang makakalimot sa lalaking muntik tumalo kay Laurence sa last midterm exam, kaya tumatak sa kanya ang lalaking iyon walang iba kundi si Yuan, dahil isa ito sa mga taong masasabi niyang may kakaibang talino, nakita naman niyang tumayo si Yuan at nakangiti pa nitong tinanong kung anong drinks ang gusto nila, saka nag order ng drinks napailing naman si Laurence sa nakitang ginawa ng nito, 'masaya pa sya na binilhan ng inumin ang mga kumag, maybe he's a genius but a coward too." saad ni Laurence sa sarili habang napapailing, ngunit napansin niyang may kinuha ito sa bulsa, at mariin itong pinagmasdan ni Laurence, nagulat sya at napangiti ng makita nya na nilagyan nito ng gamot ang mga inumin, at nakangiting ibinigay kina Riley. ng makita ni Laurence na paalis na ito, agad nya itong sinundan ng nasa labas na ng university ay agad na hinarang nya ito, 'ang bilis mo naman mag lakad." ani Laurence, na umaakto pang humahangos, 'bakit sino kaba? anong kailangan mo?." matapang na tanong nito, ngumiti naman si Laurence, 'nakakatakot kang kalaban alam mo ba yun." ani Laurence, 'ano naman sayo, sabi nakakatakot ako bakit ka lumalapit sa akin ngayon." tahasang saad ni Yuan 'yan kasi mismo ang kailangan ko sumama ka sa grupo ko." ani Laurence na ipinagtaka ng lalaki, 'nakita ko ang ginawa mo sa inumin nila Riley." dagdag pa ni Laurence. 'ee ano ngayon pwede ba tigilan mo ako, ayoko sumali sa mga walang kwentang grupo masasayang lang ang oras ko." inis na saad nito.. 'so ano, hahayaan mo nalang na bugbugin ka lang nila Riley hanggang makagraduate. natahimik naman ito at tumingin sa kanya ng diretso, 'sabi mo nakita mo ang ginawa ko, you know what I'm capable to do, kaya nga nasabi mong nakakatakot ako, pero bakit pinapasama mo ang isang tulad ko sa grupo mo, di kaba nag iisip." diretsong saad nito, 'well tama ka naman, ganyan ang pananaw ng karamihan, pero ibahin mo ako, alam kong isa kang mailap na lobo, pero kahit sinong lobo once na makita ang alpha niya magiging tapat siya dito." diretsong saad ni Laurence, natahimik naman si Yuan, dahil wari bang sinasabi ni Laurence na may tiwala ito sa kanya kahit di pa man sila lubusang magkakilala, 'and mas maganda ng kakampi kita kesa kalaban." pagbibiro ni Laurence dito, muli naman inilahad ni Laurence ang kamay sa kanya, I'm Laurence, pagpapakilala nito tinignan naman ng lalaki ang kamay nya at saka bumalik ng tingin sa kanya, sa huli ay tinangap din nito ang kamay ni Laurence, 'Yuan, right." saad ni Laurence na tinanguan naman ni Yuan. ng sumunod na araw, habang nasa garden sya at nag papahinga, napapagod na kasi sya kakasunod kina Riley, naisip nito na mag punta muna ng garden, nakita nya ang ilan sa mga kasama nila Riley, hinihingi nito ang pera ng isang lalaki agad naman nito ibinigay ang hinihingi ng mga ito, ngunit ng papaalis na ay pinigilan pa ito ng isa sa mga lalaking ka grupo ni Riley, tinitigan ito ng masama ng lalaki, hindi natuwa ang grupo ni Riley, akma ang mga itong susugod sa kanya, ngunit mabilis itong kumuha ng kahoy at pinalo ang mga ito na para bang gumagamit ng espada ng mapuruhan ang mga ito saka ito walang emosyon na umalis. napabilib naman si Laurence kaya nilapitan nya ito, 'hey." pagagaw niya ng attensyon nito, 'bakit, sino ka naman." iritang tanong ng lalaki sa kanya, kagaya ng sa iba inilahad ni Laurence ang kamay nya, 'I'm Laurence sumali ka sa grupo namin." pagaaya niya dito napakunot naman ang nuo nito kay Laurence. 'bakit ko naman kailangan sumali sa inyo." tanong nito kay Laurence. ngunit inaasahan na niya ang ganitong tanong ng binata sa kanya, kaya napangiti siya dito, 'well nakikita ko naman na kaya mo nga protektahan ang sarili mo, madiskarte at malakas ka, pero mas masaya diba kung may kasama ka and besides iisa lang tayo ng kalaban." saad ni Laurence, ngumiti naman ang lalaki na wari nasatisfy sa sagot na ibinigay ni Laurence, 'ok, deal." saad nito at nakipagkamay, 'I'm shaun." pagpapakilala nito... kumpleto na ang binubuo ni Laurence na grupo kaya inuumpisahan na nya ang training programme na sya ang gumawa.. ngunit habang naglalakad sya papunta ng dorm, may napansin sya sa di kalayuan, sa kalye na papunta sa dorm nila. kaya naisip nyang tignan ito, nakita nya ang isang batang lalaki, tingin nya nasa 14 years old lang ito at matapang na nakikipag suntukan sa grupo nila Riley, habang si Riley ay nanunuod sa mga kasama habang pinagtutulungan ang kawawang bata. bugbog sarado na ang bata pero matapang parin at walang takot na tumitig kay Riley... 'hindi ako natatakot sa inyo, kayo ang mga duwag." sigaw ng bata... nainis na ng tuluyan si Riley at bumunot ng kutsilyo, at itinutok sa leeg ng bata, ngunit kahit tinutok na sa leeg nya ang kutsilyo, ay hindi parin ito makikitaan ng takot ni hindi ito kumukurap na para bang hindi sya takot mamatay, napatawa na ng malakas si Laurence at pumalakpak pa, sobra syang napabilib ng batang lalaki, napatigil naman sila Riley... lumapit naman si Laurence habang patuloy na pumapalakpak... 'grabe bata napabilib mo ko." saad nito.. nakatingin naman ng matalim sa kanya ang batang lalake, sa pagaakalang ksama siya nila Riley 'seriously!! hindi ko alam Riley na pati bata pinagtutu lungan nyo." pang uuyam niya dito... sumugod naman agad sa kanya sina Riley, na agad naman nya nilabanan ang mga ito, ng makita ng bata ang ginawa ni Laurence napahanga ito sa kanya, ng makahanap ng tyempo si Laurence ay isinama nito ang batang lalaki sa pagtakbo, ng makalayo ay nag tago sila sa madilim na parte ng kalsada, habang hingal na hingal, 'bakit ka tumakbo ee kaya mo naman sila." takang tanong ng bata, natawa naman si Laurence, 'bata ka pa nga." tandaan mo hindi sa lahat ng oras puro tapang ang gagamitin mo, gumamit ka ng utak." saad ni Laurence.. 'pero napabilib ako sayo, ano ba kasi ginagawa ng isang highschool student dito." ani Laurence, hindi ako highschool student, sa lincoln university ako pumapasok medicine ang course ko, anito, napaawang naman ang bibig ni Laurence sa sinabi nito, 'paanong nangyari ee ang bata pa mo pa." saad ni Laurence sa kabiglaan... 'na accelerate ako mas advance kasi ako sa ibang mga kalevel ko." saad nito. napangiti naman si Laurence, nakikita nya ang malaking potensyal ng bata, walang pagdadalawang isip na inilahad nya ang kamay nya rito, napatingin naman ito sa kanya, 'I'm Laurence." pagpapakilala nya, tinanggap naman ng bata ang kamay nya, 'Liam." pagpapakilala nito, 'okay Liam, gusto mo ba sumali sa grupo namin." saad nito kay Liam, matapang namang tumango si Liam... nag send ng message si Laurence sa grupo, at nagpunta sila sa isang abandonadong bodega at duon sila nag kitakita, ng makumpleto sila ay masaya silang binati Laurence... 'sila naba yun." ani Zack. 'uo sila na nga." confident na sagot ni Laurence... 'teka, kasali pati yung bata." ani ced na kakagaling lang. ngumiti naman si Laurence, 'uo, lahat kayo ay pinili ko dahil alam kong buo ang luob nyo, at alam kong may potensyal ang bawat isa sa inyo." saad ni Laurence, nanatili naman ang lahat na nakatuon at nakikinig sa kanya, 'wala akong paki alam kahit hindi kayo magkakasundo, pero kapag sinabi kong sumunod kayo susunod kayo." nakangising saad ni Laurence, 'ngayon kung may tututol sa pamumuno ko, pagkatapos ng training maglaban laban tayo, ang matitirang nakatayo ang mamumuno, at mangangako ang lahat ng katapatan sa kanya maliwanag ba?." saad ni Laurence, siryoso namang tumango ang lahat, at saka nila inumpisahan ang training nila. sinanay sila ni Laurence sa palakasan at chinese martial arts... pinagmemeditate din sila para matuto silang kontrolin ang emosyon at matinding galit. pinag aralan din nila ang mga computer and gadgets dahil magagamit nila ito balang araw at maswerte naman na magaling si Yuan, pag dating sa technology, marunong din ito bumuo ng mga gadget na sya lang ang nakakagawa gaya ng mga tracking device, pasikreto din silang nagaral ng paghawak ng baril, gumawa si Shaun at Liam ng improvised na baril para makapagsanay ng parang totoong baril, naisip nila na kakailanganin nila ito balang araw, wala pa man ang isang bwuan nilang training ng dumating si Ryan, at dahil nakababatang kapatid ito ni Zack ay isinama na ni Laurence ito sa grupo at kasama nilang nagtraining... nuong una ay hindi sila magkakasundo, may oras pa na nagsusuntukan sila, pero hinahayaan lamang sila ni Laurence, at kapag parehas na sila pagod ay pinaghahatak sila ni Laurence ng napakalaking gulong bilang parusa, kaya hanggat maaari ay hindi sila nagaaway away, hanggang sa natutunan nilang ituring ang isat isa na parang kapatid, dahil na rin sa kabutihan ni Laurence sa kanila, nag silbi nilang nakakatandang kapatid si Laurence, kung kaya di na sila tumutol na si Laurence ang mamuno, ngunit hindi pumayag si Laurence dito... para sa kanya, kailangan dumaan sa proseso ang lahat, para sa mas matibay na pamumuno, tugon niya sa kanila. ilang bwuan pa silang nagtraining at nasanay na sila sa lahat ng aspeto na kailangan nilang matutunan, at muli silang nagtipon... 'ngayon ang takdang araw para malaman kung sino ang nararapat mamuno." ani Laurence. 'makinig kayo ibigay ninyo ang lahat ng makakaya niyo, na parang buhay nyo ang nakataya, bilang pag respeto sa lahat." dagdag pa ni Laurence, sumiryoso naman ang lahat. nag lagay sila ng timer, at pag tunog nito ay sabay sabay silang naglaban laban matira ang matibay, hanggang sa hindi na halos makatayo ang ilan, at ang natira lamang ay di nila inaasahang si Liam at Laurence, nag laban sila at kagulat gulat ang pinakitang galing Liam kahit bata lang ito kung kanilang ituring, nagagawa nitong sumabay sa bilis at lakas ni Laurence, ngunit natyempohan sya ni Laurence at napabagsak nito, pagod na pagod at bugbog ang katawan nilang lahat, pero masaya silang si Laurence ang nanalo, kaya nangako sila ng katapatan sa isat isa at kay Laurence, at nabuo ang pagkakapatiran nila... makalipas ang ilang bwuan ng training nila ay nag simula na silang ipakilala ang grupo nila sa university, sabay sabay silang pumasok ng university at mas naging kapansinpansin sila dahil di lang nagkisigan ang katawan nila sadyang mga gwapo ang mga ito... hinarang naman sila ni Riley na nakangisi pa, 'aba nag samasama ang mga talunan." panunuya ni Riley, nakitawa naman ang mga kasama nito sa kanya. ngumisi naman si Laurence, 'umpisa pa lang ikaw na ang talunan sa atin Riley, alam mo yan." pang uuyam niya.. 'talaga, edi tignan naten." saad nito, sabay sugod ng mga ito kay Laurence, ngunit hinarang ito nila ced at kenzo maging ni ryan, ilang suntok ang pinakawalan ng mga ito, hindi na halos makatayo ang mga kasama ni Riley, kaya sobrang nainsulto ito, kumuha ang mga ito ng kutsilyo at umamba ng saksak sa kanila, mabilis naman itong hinarang ni yuan, Shaun at Liam, mabilis silang kumilos at hinawakan ang braso ng mga ito, na may hawak ng kutsilyo, sinubukan pa hatakin ng mga ito ang braso nila, ngunit sadyang malalakas ang hawak nila Liam sa kanila, nawalan na sila ng pagkakataong makabawi ng hatakin sila nila Liam at maout of balance saka pinilipit ang kamay, para mabitawan ang kutsilyo at pinaulanan ng kamao, ni hindi kinailangan ni Laurence na umalis sa pwesto nya dahil walang makalapit sa kanya, o makalusot sa mga kasama nya, ngumisi naman si Laurence kay Riley at pumulot ng kutsilyo na sila Riley din ang may dala, saka lumapit sa kay Riley na namumutla na sa takot, tuwang tuwa naman si Laurence na pag masdan ito habang takot na takot, tinutukan nya ito ng kutsilyo sa leeg, 'nakakatawa ka Riley, sa pagkakaalala ko tinutukan mu din ng ganito si Liam, pero hindi ko sya nakitaan ng kahit konting takot, hindi kagaya mo ngayon na nanginginig sa takot." natatawang saad niya... 'simula ngayon wag na wag kang haharang sa daanan namin, kung hindi, tapos ka saakin." pag babanta ni Laurence, bago nila iniwan na talunan ang grupo nila Riley, tuwang tuwa naman ang lahat ng nakakita, dahil sa wakas natapos na ang paghahariharian ni Riley sa university. simula nga nuon ay kings na ang tawag ng mga nakakakilalang estudyante sa kanila...kaya tinawag nila ang grupo nila na The Empire....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna he rejected

read
44.7K
bc

Just Got Lucky

read
140.6K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
8.1K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
91.3K
bc

The Lone Alpha

read
17.2K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
3.6K
bc

Cruel Love

read
771.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook