Chapter 1
Nadine's POV
LUNES na maulan, kaya panigurado nagdadasal ang karamihan na walang pasok dahil if you're a law student, araw-araw talaga is like a hell, dahil nand'yan yung Professor na bigla-bigla na lang magtatawag at ipapa-recite sayo ang isang buong Article, pero heto ako at excited.
"Good morning, beautiful!" me to myself everyday kasi maganda naman talaga ko, okay, confidence level is one thousand over one hundred, sabay tawa sa sarili kong kalokohan.
Anyways, going to school is my what-so-called "escape from reality" dahil doon, nasa akin ang atensyon ng lahat and I know na hindi ako nag-iisa because here in our house, Mom and Dad are always busy or probably out of town dahil sa business, so ang ending, mga maids lang ang kasama ko lagi dito sa bahay.
"Nani Marta! Nani Marta! Nani Marta!" I screamed because I don't know where in the house she is, but I guess she heard me kasi biglang nasa harap ko na siya. "I'm hungry na but male-late na po ko for school."
Nani Marta is my yaya since I was a baby kaya parang tunay na ina na ang turing ko sa kaniya. I am known as a spoiled brat, nakukuha ko lahat ng gusto ko and hindi naman ako napayag na hindi ko nakukuha ang mga gusto ko, oh, for your additional information, I am an only child.
"Alam ko anak, kaya heto pinaghanda na kita ng paborito mong sandwich na makakain mo sa biyahe." Nani Marta said in a sweet tone at inabot sa 'kin ang sandwich at dali-dali akong sumakay sa kotse.
"Oh my jeez, it's seven o'clock na Manong, I'm getting late na, pakibilis ang pagda-drive, please."
After few minutes, finally nasa school na 'ko, and as expected, `ayan na naman yung mga schoolmates ko na parang nakakita ng artista!
"Hi, Ate Nadia, you're so ganda talaga." she giggled.
"Boys! Come here na, papalapit na si Ate Nadia!" sigaw ng isang lalaki mula sa 8th grade.
"Oh. My. Gosh. she is a real goddess, girls. I mean look at her" manghang-mangha na sabi ng isang babae, well, maganda din naman siya pero I guess tingin ko mas maganda 'ko. Charot!
At marami pang kung ano-anong bulungan sa paligid at hiyawan, kaya naiisip ko na lang talaga, guys ano ba ako lang 'to, kalma naman pag may time. Subalit, habang ako'y naglalakad at walang pakialam sa paligid, nagulat ako dahil may lalaking nakabunggo sa 'kin
"Ouch!"
At nagbagsakan ang kaniyang mga libro, kaya't talaga namang napakunot ang aking noo, dahil pagkatapos niyang damputin ang mga libro, hindi na siya lumingon pa at dere-deretsong umalis na para bang walang nangyari at hindi man lang humihingi ng paumanhin sa akin.
"Hey, You!" while my finger is pointing at him, but he didn't look back.
"Hoy, lalaki! Jag Boy, bumalik ka dito!" but still, he ignore me, that asshole, I felt embarrased in front of many people!
"Naku, may araw din s'ya sa 'kin!" inis na sabi ko.
Pagkatapos ng nangyari ay dumeretso na ako sa classroom ko, at nagtaka ako because there's a guy sitting on my chair, but I can't see his face dahil nakatungo ito, kaya nilapitan ko siya ng dahan-dahan at tinapik upang magising.
"Hey, newbie, wake up" masungit na sambit ko.
Hindi naman ako nahirapan dahil unang tapik ko pa lang at nag-angat na siya ng ulo habang kunot ang noo na bumaling sa akin.
"You! Jagboy! Asshole!" I screamed out of anger, dahil siya yung lalaking nakabunggo sakin kanina, and I am calling him Jagboy because he is wearing Poloshirt na ang brand ay Jag, but anyways, naiinis talaga 'ko sa kaniya.
"Anong problema mo Miss? Ang aga-aga makasigaw ka naman d'yan." finally he talk back na parang naiirita pa.
"Anong problema ko!? Huh, my amnesia ka ba!?"
"What do you mean?" sagot niya na para bang walang kagana-gana.
"Ako lang naman 'yong nabunggo mo kanina at hindi ka man lang humingi ng sorry!"
"Ah, ikaw pala 'yon? Okay, so ba't mo 'ko ginising, what do you want?" kunot noong sagot niya.
"Damn! Ain't you going to apologize or what!? And by the way" angil ko sabay turo sa kinauupuan niya. "That's my seat, so alis diyan." mataray na sabi ko.
"Okay." walang ganang sagot niya kasabay ng kaniyang pagtayo, na lalong kinainis ko, dahil talagang hindi man lang siya humingi ng sorry, napakasama ng ugali, hindi niya yata ako kilala.
"Hey, you! Jagboy! Come back here" tawag ko sa kaniya, and hindi naman ako nabigo this time, dahil tumigil siya at nilingon ako.
"`Di mo ba 'ko kilala, ha? At ganyan ka umasta sa harap ko?" inis na sabi ko.
"Bakit? Dapat ba kitang kilalanin?" parang nang-iinsultong sagot niya, kaya't napangisi ako.
"Oo, para kilala mo kung sino ang binabangga mo." nakatingin lang siya sa akin ng deretso na para bang pinag-aaralan ang buo kong mukha, kaya't medyo nailang ako.
"Ehem! For your information, ako lang naman si Samantha Nadine Hortalezza, Nadia for short. Lolo ko lang naman ang Dean ng school na ito at isa sa shareholder ng school." pagmamayabang ko dahil baka sakaling matakot siya at humingi ng sorry.
"Ganoon ba?" ngising sagot nya, sabay titig sa akin. Nakakatunaw yung titig niya na para bang nanghihigop ito, at 'di ko naman maipagkakaila na, maitsura siya, actually gwapo siya at maganda ang hubog ng katawan, kaya no wonder if madami din ang nagkakagusto sa kaniya.
"Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na 'ko, MS. SAMANTHA NADINE HORTALEZZA." biglang dagdag niya na may diin sa pagkakasabi ng buong pangalan ko.
"Gwapo nga, mayabang naman, tse." bulong ko sa sarili ko, habang pinagmamasdan siyang umalis sa harapan ko.
Lumipas ang mga oras, nagdere-deretso ang klase, hanggang sa tumunog na ang bell, hudyat ng aming break time.
"Okay that's all for today class, thank you for your participation, you may take your break. Goodbye class, see you next meeting." mahabang litanya ng professor namin sa Criminal Law I, "s***h" Attorney, kasi isa syang Attorney, I mean what do we expect, eh, I'm here at law school nga 'di ba.
Habang naglalakad ako papuntang canteen, naaninag ko ang isang lalaki sa loob ng library at parang namumukhaan ko siya, kaya't napatigil ako at hindi ako nagkakamali, si Jagboy nga! Napaisip ako kung lalapitan ko ba or what pero naawa naman ako kaya nagderetso na 'ko sa canteen.
Here we go again. Oo tama, yung mga tao na naman sa paligid na akala mo ay nakakita ng artista, hiyawan doon at tilian doon habang sinasambit ang pangalan ko.
"Hey, Nadia! Come here!" masayang tawag sakin ni Margareth habang kasama ang dalawa ko pang friends, nauna na kasi sila sa canteen.
"Naka-order na ba kayo, guys?" tanong ko.
"Yes, actually it's about to serve na." sagot ni Atasha.
"Oh, here na 'yong order natin." sabi naman ni Zarnaiah.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa klase, but we received a good news that our professor in Legal Profession ay hindi makaka-attend, so puwede na kaming umuwi para naman daw makapag-pahinga naman ang utak namin.