bc

My Crazy Neighbor

book_age16+
762
FOLLOW
3.6K
READ
playboy
arrogant
badboy
neighbor
comedy
bxg
bully
male lead
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya.

Umulan man o umaraw ay hindi nito palalampasin. Para silang aso’t pusa kung magbangayan. May pag-asa pa kayang magkasundo ang dalawa? O buong buhay nila ay mag-aaway lang sila.

Paano kung ang abnormal na si Aldred ay in love lang pala sa dalaga kaya niya ito inaasar? Patulan kaya siya ni Ms. Taray?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The Crazy Neighbor
“Oy, best! Nakita mo na ba ang bagong neighbor natin? Ang cute niya!” tila bulateng inaasinan na sabi ni Luisa. Agad namang napabusangot ang mukha ni Liza sa sinabi ng kaibigan. “Ano? Guwapo? Sino? Ang mukhang tukmol na iyon? Ew!” agad na kontra pa niya rito. Bakas ang pagka-disgusto nito sa binata. Kulang na lang ay ipagsigawan pa nito ang pag-kainis sa bagong kapit-bahay. “Ay grabe siya kay neighbor. Ang laki naman ng inis mo.” Humalukipkip pa si Luisa habang nakatingin sa kaibigan. “Alam mo best? Malabo na iyang mata mo. Feeling ko e kailangan mo nang magpasalamin.” At kahit kailan naman talaga ay kontra si Luisa sa kaniya. Hindi nga niya maintindihan kung paano niya ito naging best friend. Complete opposite sila nito. Kalog si Luisa at suplada naman siya. Kung ikukumpara ang ugali nila ay tiyak na walang kahit sinong gugustuhing maging kaibigan siya. Sadya lang talaga na pala-kaibigan si Luisa kaya naman nagtatagal pa rin sila. Inirapan niya ang kaibigan at kumontra sa sinabi nito. “Excuse me ‘no! 20/20 yata ang vision ko. At isa pa e hindi naman talaga guwapo iyang lalaking iyan. Tingin ko e ang mata mo na ang may problema,” ungot pa ni Liza rito. At ngumuso na lang si Luisa sa kaniya bago itinukod ang siko sa balkonahe ng bahay ng kaibigan. Pagkatapos ay nagpangalumbaba habang nakatingin sa lalaking kapit-bahay ng best friend niya. Tila ba hinahatak ng binata ang mga mata nito na titigan siya. “Feeling ko, best, may gusto siya sa’kin. Kanina pa niya ako tinitingnan e.” At tinaasan lang ni Liza ng kilay ang matalik na kaibigan at umiling. “Bagay naman kayo. Pareho kayong baliw,” sabi pa ni Liza at ngumuso namang muli si Luisa sa kaniya. Patuloy pa rin na pinagmamasdan ang kapit-bahay ng kaibigan na kasalukuyang nagba-basket ball. Isang linggo na mula nang lumipat ito sa tabing bahay ni Liza. Isang linggo na ring kinukulit siya ni Luisa na mag-stay roon. Kaya naman pala. Dahil may ibang agenda ang babaita. Kahit isang linggo na ang binata ay hindi pa niya ito nakikilala pero narinig na niya ang pangalan nito sa may kanto. Usap-usapan kasi roon na may guwapong bagong lipat. Hindi nga ba niya ito kilala o ayaw lang talaga niya itong kilalanin. Hindi naman maintindihan ni Luisa kung bakit parang ang init ng dugo ni Liza sa kapitbahay nito. Mukha namang mabait ang binata. Hindi naman ito mukhang suplado at mayabang. Mukha nga lang itong babaero. Pero mukhang maginoo. Isa pa ay bet niya ang mga hulmahan nito. “Makisig, matangkad at masarap.” Naiiling si Luisa sa naisip niya pero mukha naman talaga itong masarap. “Oh my gosh, best!” tili nito na hindi mapigil ang sarili nang sulyapan siya ng binata. Ngunit mayamaya ay napasapo sa ulo sabay kamot. “Aray naman, best. Ang sakit a,” iritableng sbai ni Luisa. Paano ay naglanding ang daliri ni Liza sa ulo niya at binatukan siya. “Makatili ka naman kasi wagas. Ano ba kasing itinitili-tili mo riyan?” tanong ni Liza. At haplos-haplos naman ang ulo ay hinarap ni Luisa ang best friend niya. “Kinindatan lang naman ako ni pogi. Type niya talaga ako!” saad pa nito at muling tumili kaya naman muli ay binatukan siya ni Liza. “Alam mo magkakabukol ka sa’kin kapag hindi mo itinigil ang kalandian mo,” sermon niya rito. At bumusangot na lamang ito sa kaniya. Hindi rin kasi nito alam kung bakit naging magbest friend sila ni Liza. Na-realize na lang nito na lagi na niya itong pinupuntahan sa bahay. Nagkakilala sila ni Luisa isang convenient store na malapit sa lugar nila. Bumibili siya ng cup noodles dahil hindi niya namalayan na ubos na pala ang stocks niya ng pagkain. Timing naman na umulan at wala siyang payong. At sa pagtataka niya ay pinahiram siya nito ng payong kahit hindi siya nito kilala. Nang isinauli na niya ang payong ay madalas na siyang pumunta roon. Hanggang sa nalaman niya na sa iisang factory lang pala ang pinapasukan nila. Magkaiba lang sila ng department pero iisang electronic company lang ito kung saan ay naging lagi na silang magkausap. “Mga anong petsa ka pa tititig diyan bago tayo kumain?” sigaw ni Liza sa may hagdan. Ngayon ay araw kasi ng sabado at pareho silang walang pasok. Off day nila pero kinabukasan ay may pasok na sila. Sa may kanto pa nakatira si Luisa at siya naman ay sa looban. “Heto na nga. Bababa na.” Isang sulyap pa bago siya umalis sa balkonahe. “Wow, best! Improving ka, a. Dati ginisang sardinas lang ang alam mong iluto. Ngayon may pa-sinigang ka na,” bulalas nu Luisa nang makita nito ang ulam nila. Hindi naman malaman ni Liza kung pinupuri ba siya nito o nilalait. “Kakain ka ba o pupunahin mo lang ang iniluto ko?” tanong niya rito. Ngumisi naman ito nang nakaloloko saka tinikman ang pagkain. “Sarap, best! Kasing sarap ng kapit-bahay—,” Napatigil siya nang makita niyang nakaamba na naman ng batok si Liza. “Hep!” salag niya rito. “Kumain ka na nga lang kasi riyan. Kung ano-ano pa ang sinasabi mo. Kung ayaw mo e umuwi ka na. Ipakakain ko na lang kay batik iyan,” tukoy niya sa aspin na alaga niya. Sinundan lang siya ng asong kalyeng iyon at hindi na siya tinantanan pa. Kaya naman inuwi na lamang niya ito at inalagaan. Wala rin namang naghahanap dito kaya kinupkop na niya ito. Kung may maghanap ay isasauli naman niya. Kaya lang ay mag-i-isang taon na ay wala pa ring naghananap kay batik. “Ang suplada mo talaga. Kakain na nga,” nakangusong sabi pa ni Luisa. Maganang nagsalo ang dalawa sa hapag. Tahimik na kumain na lang si Luisa dahil kaunti na lang ay magkakabukol na talaga siya sa kababatok ni Liza sa kaniya. In fairness ay talagang nag-improve sa pagluluto ang kaibigan niya. Kung noon ay puro de lata ito, ngayon ay may pasabaw na. Nang matapos silang kumain ay nagtulong silang magligpit ng pinagkainan nila. Nakatoka si Luisa na maghugas ngayon. Kahit hindi ito nakatira roon ay alternate silang maghugas kapag doon ito kumakain. Hindi na rin naman bisita ang turing niya rito kung hindi ay isang kapatid. “Pero, best, seryoso ba? Hindi mo type ‘yang kapitbahay mo? Kasi kung hindi ay pipikutin ko iyan. Ganiyan kasi ang mga type ko. Mukhang maginoo na medyo bastos.” basag ni Luisa sa pagka-seryoso ng kaibigan habang nagpupunas ng mga hinugasan. Tila naman kinikilig-kilig pa si Luisa habang nagsasalita. “Ang tanong, e, type ka ba?” malditang sagot naman ni Lisa na sinalo na yata ang lahat ng ka-supladahan at ka-maldita-han nang magpa-ulan ang langit. “A, gano’n. Nangtatabla ka na ha. At isa pa, kahit hindi niya ako type ay magiging type niya rin ako kapag pinikot ko ‘yan. Wala yatang nakatatanggi sa alindog ko,” pagmamalaki pa ni Luisa. Maganda naman din talaga ang best friend niya. Masyado lang bulgar at walanghiya—ibig sabihin ay hindi nahihiya. “Akitin mo, kung maaakit mo,” sabi ni Liza. At pinaningkitan ni Luisa ng mata ang kaibigan pagkatapos ay inikutan ito habang isinasalansan ang katatapos lang punasan na mga plato at baso. “Hmm… umamin ka nga sa’kin, Elizabeth Garalde,” saad naman ni Luisa at dumukwang pa ito malapit sa mukha niya. “May gusto ka kay pogi, ‘no? Umamin ka na?” nagtaas-baba pa ang kilay nito habang pinaaamin ito. “Hello? Ako? Si Elizabeth Garalde magkakagusto sa Aldred abnormal Bertucio? No way!” todo iling na sambit ni Liza. “Aha! At Aldred pala ang pangalan niya! Alam na alam a,” pangangantiyaw pa nito. “At pati apelyido ay alam din. Pero hindi gusto. At hindi interesado.” nakataas ang kilay na sabi nito at patuloy na nang-aasar pa ito sa kaniya. “Ewan ko sa’yo, Luisita Espanilda.” Pagkalagay niya ng huling baso sa lagayan ay naglakad ito patungo sa sala at naupo sa sofa. Binuksan ang tv para panoorin ang paborito niyang series. Sinundan naman siya ni Luisa. Bago pa man makaupo si Luisa ay sunod-sunod na katok ang kanilang narinig mula sa kahoy nilang bakuran. Wala namang inaasahang bisita si Liza bukod kay Luisa kaya nagtataka siya kung sino ang kumakatok. Tumahol naman si Batik at saka naisip ni Liza kung sino ang nakatok. “Ang abnormal!” gigil na sigaw ng utak niya. “Gosh, baka si Pogi iyan!” tila nakatunog naman na sabi ni Luisa at tumili pa. Naiiling na lang si Liza dahil napakalakas ng radar ni Luisa para malaman na ang kapitbahay niya iyon. “At ano naman kaya ang kailangan niya?” napapaisip niyang tanong sa sarili muli. Wala naman siyang natatandaan na may transaksiyon sila nila para puntahan siya nito. At wala rin siyang maalala na pinayagan niya itong maging kaibigan siya. Hindi naman na pinatagal pa ni Luisa at pinagbuksan na nito ang tao sa likod ng pinto ng bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook