bc

THE DANGEROUS LAWYER (Tagalog)

book_age16+
570
FOLLOW
3.8K
READ
dominant
badgirl
CEO
billionairess
bxg
virgin
lawyer
naive
seductive
like
intro-logo
Blurb

WARNING ⚠️!

This story contains explicit content that are not suitable for 18 years and below. Read at your own risk!

"A Dangerous Lawyer."

Roxanne Rodriguez Montenegro ang babaeng ipaglalaban ka ng p*****n makamit mo lamang ang hustisyang nararapat para sa iyon.

Ang babaeng may masalimuot na nakaraan na ang tanging hinangad lamang ay makuha ang hustisyang hindi niya nakamit noon.

Pero Paano kung isang araw ay bigla ka na lamang umibig sa maling tao? Makakaya mo pa ba kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa kanya o mas mananaig ang puot at galit na iyong nararamdaman at mas pipiliing maghiganti? Ano nga bang mas matimbang ang pag-ibig o ang galit at paghihiganti?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Isang putok ng baril ang nagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog. "Bang!! Bang!! Bang!!." Sunod sunod pang putok ng baril ang aking narinig. Dahil sa aking kuryosidad ay lumabas ako ng aking silid at nagtungo sa ibaba. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa hagdan ay nakita ko na may mga kalalakihan, mga nakasuot ng itim at may mga maskara sa mukha maliban doon sa isang lalaki. May mga hawak din silang baril at malalaki rin ang kanilang mga katawan. At sa harap nila ay doon ko nakita si Daddy na nakaluhod at nagmamakaawa. "Arnold please pwede naman natin itong pag usapan." Pagmamakaawa ni Daddy doon sa mga lalaki. Nagsimula namang tumulo ang mga luha ko sa aking mata. Gusto kong tumakbo papunta sa aking mga magulang pero hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. "Boss nandito na po si Mrs. Montenegro." Naagaw ng atensiyon ko ang boses ng isang lalaki. Hawak hawak ng lalaki ang braso ni Mommy. Mas lalo akong napaiyak ng makita kung marahas na sinuntok ng isang lalaki ang tiyan ni Mommy. Ilang ulit kung narinig kung paano magmakaawa ang mga magulang ko sa mga lalaking iyon. Ngunit tanging mga tawa lamang nila ang aking naririnig. Gusto kung lumabas sa aking pinagtataguan at harapin ang mga lalaking iyon. Walang tigil ang mga luha ko sa pagtulo. Mas lalong gumuho ang mundo ko ng barilin sila ng lalaking walang maskara. Namalayan ko na lang na wala na sila at nakahandusay na sa sahig ang mga magulang ko na wala ng buhay. Iyak ako ng iyak habang yakap yakap ang bangkay ng aking mga magulang. Wala na sila. Naninikip ang puso ko sa sobrang sa sakit. Ang pangalang Arnold na iyon ay hinding hindi ko makakalimutan. Bumalik ako sa realidad ng biglang tumunog ang doorbell ng condo ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Agad na bumungad sa akin ang delivery guy. Nag pa-deliver kasi ako ng makakain ko dahil tinatamad akong magluto. "Salamat." Pasasalamat ko sa delivery guy bago ko isinara ang pinto ng aking condo. Okay Back to the past: Pitong taon lang ako ng mga araw na mawala sila. Kinabukasan nun ay bali balita na sa buong San Vicente ang pagkamatay ng aking mga magulang. Maraming nakiramay ng mga araw na iyon. Wala naman akong alam na may kaaway ang mga magulang ko dahil ang pagkakaalam ko ay mabait ang mga magulang ko sa mga tao. Nag report na rin ako sa mga pulis sa tulong na rin ni Manang Beth na isa sa mga kasambahay sa bahay. Ngunit wala ni isang pulis ang tumulong sa amin. Nung sinabi ko sa kanila na nasaksihan ko kung paano pinatay ang mga magulang ko at kilala ko rin kong sino ang taong nasa likod niyon ay hindi na nila kami pinagtuunan ng pansin. Ang sabi nila ay malabo daw mangyari iyon dahil kilalang magkaibigan ang mga magulang ko at ang lalaking iyon. Hindi sila naniniwala sa akin lalo pa't wala akong matibay na ebidensya. Sabi pa nila ay masyado daw mataas na tao ang binabangga ko kaya manahimik na lang daw kami. Sa isip isip ko noon. Gaano ba kataas ang taong iyon. Mas mayaman ba siya kaysa sa amin. Kahit ang mga nilapitan naming mga abogado ay walang tumanggap sa kaso ng aking mga magulang. Lahat sila ay takot na kalabanin ang Arnold na iyon. Ngunit kahit ganoon ay nakakuha pa rin ako ng abogado sa tulong na rin ni Manang Beth. Ginamit namin ang mga kayamanang iniwan ng mga magulang ko para bayaran ng triple ang abogadong kinuha namin. Ngunit ng nasa court na ay bigla nalamang kaming binaliktad ng abogadong kinuha namin. Pinalabas niyang sinungaling kami at manloloko. Kaya syempre ang labas ay pinawalang sala ang Arnold Altmann na iyon. Nang makalabas kami ng korte ay nakita ko pa siya. Puno ng galit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Lumapit ito sa akin at lumuhod para pumantay sa akin. "Alam mo iha bata ka pa at marami ka pang hindi alam at tsaka hindi nanalo ang mahirap sa mayaman. Kumpara sa yaman ko at sa yaman ng pamilya mo ay para lang kayong isang maliit na langgam na kayang tapak tapakan ng mga katulad ko." Tumatak sa akin ang sinabi niyang iyon hanggang ngayon. Ngunit bago ito umalis ay isang salita ang sinabi ko dito. "Arnold Altmann yan ang hinding hindi ko makakalimutang pangalan. Tandaan mo ito darating ang panahon na ako mismo ang magpapabagsak sayo at ng sinasabi mong yaman na meron ka. Oo at bata lang ako at ang tingin mo sa akin ay isang mahina pero alam mo ba naniniwala akong sapat na ang kaalaman ko sa taon kong ito at mas naniniwala akong mas gagaling pa ako sa mga susunod at susunod na taon kaya humanda ka dahil darating akong papabagsakin ka ng hindi mo na namamalayan at sa hindi mo inaasahang panahon." Yan ang mga salitang binitiwan ko bago ko siya talikuran. "Aasahan ko yan bata." Rinig kong habol na wika nito sa akin. Nang mga araw na iyon ay sobra akong nanginginig sa sobrang galit. Galit na galit ako dahil hindi patas ang batas. Mas pinipili nila ang pera kaysa sa tumulong sa kapwa nila. Magmula ng araw na iyon ay napabayaan na ang buong hacienda Montenegro. Umalis na rin ang mga trabahador dahil nga sa wala na ang mga magulang ko. Ang dating masaganang lupain ay sa isang iglap lang ay parang nawalan na ito ng buhay. Hindi rin nagtagal ay sumakabilang buhay na rin si manang Beth dahil na rin siguro sa matanda na ito. Naiwan na lamang akong magisa, Walang kasama at tanging ako lang magisa. Wala ng perang naiwan sa akin noon dahil nga sa ipinambayad namin iyon sa mukhang perang abogado at ibinigay namin ang huling sweldo ng mga trabahador sa hacienda namin bago nila lisanin ang lugar na iyon. Buti nalang at mahilig akong mag ipon kaya kahit papaano ay may pera ako. Hanggang sa isang araw ay naisipan ko ng lisanin ang lugar na iyon. Hindi ko kayang magtagal pa sa mansiyon na iyon. Pakiramdam ko ay para akong sinasakal sa tuwing naalala ko kung paano nila pinatay at pinahirapan ang mga magulang ko. Hindi ko alam kong saan ako patutungo basta ang alam ko kung saan ako dalhin ng mga Paa ko ay doon ako. Hanggang sa sumakay ako sa isang bus na hindi ko alam kong saan patungo. Nagising na lamang ako ng gisingin ako ng konduktor. Pagkababa ko ng bus ay agad na bumungad sa akin ang kakaibang lugar. Puno ng tao at mausok na lugar. Hindi nagtagal ay napag-alaman kong ito pala ang Maynila. Naging pulubi ako sa lansangan nasubukan kung matulog sa gilid ng kalsada na tanging karton lang ang gamit nasubukan kung mamulot ng pagkain sa basurahan at mamulot ng plastic sa daan para ibenta sa mga nagbabakal bote. Hanggang isang araw ay may dalawang matandang mag asawa ang nakakita sa akin kinupkop nila ako at itinuring na parang sariling apo. Binihisan, pinakain at pinag aral muli. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kong hindi dahil sa kanila ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon ngunit sa kasamaang palad ay maaga rin silang kinuha sa akin. Graduating ako noon ng senior high ng mamatay sila. Para mapagtapos ko ang sarili ko sa kolehiyo ay pumasok ako sa ibat ibang trabaho para pag pasukan na ay may ipon na ako. Hindi naman ako gaano nahihirapan dahil scholar naman ako ang tanging pinag-iipunan ko lang ay ang mga babaunin ko sa eskwelahan at ang mga ipambibili ko ng mga projects ko at syempre mga gastusin sa bahay. Minsan nga hindi ko mapigilang hindi maingit sa tuwing nakikita ko ang mga mayayaman kung kaklase noon hindi mo talaga aakalain na ang mala prinsesa kung buhay noon ay kabaliktaran na ngayon. Hanggang sa nakikila ko si ate Akiesha isa siya sa tumulong sa akin. Isa siyang supermodel lahat ng kalalakihan ay humahanga sa kanya. Isa siya sa nagpa aral sa akin dahil nga sa attorney ang pinili kong kurso kaya magastos talaga.Nag aaral din siya at business Management naman ang kurso niya. Pinatira niya ako sa condo niya at alam niyo bang magmula noon nabago na ang buhay ko. Sunod sunod ang natatangap kung biyaya dahil marami ang nag-aalok sa akin ng scholarship abroad. Masaya akong umuwi ng hapon na iyon para ibalita kay ate Akiesha ang magandang balita. Nasa La Union siya ng mga araw na iyon dahil may photoshoot siya kaya ng makauwi ay agad agad ko siyang tinawagan at sobrang saya niya ng sinabi ko iyon. Lumipas pa ang ilang araw at napagdesisyunan kong sa Harvard university ako mag aaral sa Cambridge, Massachusetts sa USA. Nag aral akong mabuti doon halos 8 years din ang inaral ko bago ako nakapagtapos ng MagnaCumlaude. Nagtrabaho ako sa U.S.A kinilala akong isa sa pinakamagaling na abogado doon. Hanggang sa napagdesisyunan kung lumipat dito sa Pilipinas at ipagpatuloy ang nasimulan ko. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ D I S C L A I M E R This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this story are the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to other's works living or dead, or natural actual events is purely coincidental. C O P Y R I G H T ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the proper written permission of the author is a crime. TYPO ERROR/ SPELLING ERROR/ GRAMMATICAL ERROR IS EXPECTED IN THIS STORY.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

Dangerous Spy

read
297.4K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook