bc

The Billionaire’s Nerdy Secretary (SPG)

book_age18+
57.6K
FOLLOW
1.0M
READ
billionaire
opposites attract
drama
sweet
bxg
city
office/work place
first love
secrets
shy
like
intro-logo
Blurb

(CHANDRIA LAUREL AND ACE VILLAFUERTE)

BOOK ONE

Gusto lamang matulungan ni Chandria ang kaniyang pamilya na makaahon sa hirap kaya nakipagsapalaran siya sa siyudad upang maghanap ng trabaho pero ang inaakala niyang maayos na trabaho ay hindi pala iyon ang kaniyang matatanggap. Niloko siya ng isang ahente at dinala sa Maynila upang maging isang prostitute at sa mabuting palad ay nakatakas naman siya kaagad. May nakilala siyang kaibigan at tinulungan na makapasok sa Villafuerte Corporation, isa sa pinakamayamang korporasyon sa bansa.

Isang dominante at ubod ng pogi ang boss niyang si Ace Villafuerte, tagapagmana ng Villafuerte Corporation. Dahil sa asiwa at makulit na employee si Chandria ay napansin niya ito. Hindi niya akalain na ang probinsyana at pangit na babae lang ang makakapagpabago sa kaniya. Ano kaya ang magiging kapalaran ni Chandria sa kamay ni Ace? Ano rin kaya ang magiging reaksyon ng lahat kapag ang dating pangit at nerd ay biglang maging isang diyosa na?

BOOK TWO

Pagkatapos ng malagim na nangyari sa pagsabog ng St. Clement’s Hospital five years ago, nagkahiwalay ang mag-asawang si Ace at Chandria. Napunta kay Chandria ang bunso sa triplets na si Gabriella, samantalang kay Ace naman ang dalawang lalaki na si Sebastian at Benjamin.

Ano kaya ang mangyayari kung hindi na nila maalala ang isa’t-isa dahil sa mga pangyayari? Magkikita pa kaya silang muli? Magkakaroon pa kaya ng pagkakataong magkalapit ang kaninang mga puso?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: BOOK ONE
“Nay, ako na po riyan.” Kanina ko pa ‘to pinapahinga si nanay, pero ayaw niya naman munang umupo. Kaninang madaling araw pa sila ni tatay nagtatrabaho nang walang-tigil. Napatingin naman sa akin si nanay. “Akala ko ba maghahanap ka ng trabaho ngayon, Ineng? Bakit mo kami kinukulit ng Tatay mo rito?” “Nay, alam niyo naman po na wala akong mapapasukan na trabaho dito sa’tin. Isa pa, kung mayroon man ay sa Manila na ‘yon, hindi ba’t ayaw mong lumayo ako sa inyo?” ani ko naman sabay hawak sa balikat niya. Napalingon naman sa amin si tatay. “Alam mo Ineng, payag naman ako kung gusto mong magtrabaho sa Maynila eh. Mag-ingat ka lang doon at h’wag magpaloko,” sambit niya. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si nanay sabay sulyap sa aming dalawa ni tatay. “Alam mong tutol ako sa pag-alis ni Chandria, Roberto. Mahirap ang buhay sa Maynila kaya maghanap nalang siya rito ng pwedeng pasukan.” Napahawak nalang ang dalawang kamay ko sa beywang ko dahil every time na ganito ang pag-uusapan ay palaging walang bago. Tutol pa rin si nanay kahit ako ang mangyari. “Minda, matanda na ‘yang si Chandria kaya h’wag mo na sanang pigilan sa gusto niyang gawin sa buhay. Ayaw mo no’n at sa siyudad makakahanap ng mapapangasawa ang anak natin,” wika naman ni tatay kaya itinaas ko ang hinlalaki kong daliri at ngumiti sa kaniya. Napatitig naman sa akin si nanay. “Sa tingin mo sa mukha ng anak mong ‘yan ay makakahanap ‘yan ng matinong asawa sa siyudad?” Napasimangot naman ako sa sinabi ni nanay kaya agad akong nilapitan ni tatay at tinapik sa likod. “Maghunos-dili ka nga, Minda. Mismong anak mo ay ikaw din ang nagbibitaw ng mga masasakit na salita. Maganda naman ‘tong si Chandria ah, hindi nga lang nagsusuklay ng buhok tuwing umaga.” Napatingin naman sa akin si tatay. Ngumiti ako ng malapad sa kaniya. “Ayos lang ‘yan, Tay. Pangit naman talaga ako kaya nga ang palayaw ko rito sa atin ay si ngetpa, hindi ba?” “Ay siya diyan na muna kayo at aayusin ko lang ‘tong mga isda sa labas,” ani ni nanay at lumabas na ng bahay. Simula kasi noong mga bata pa kami ng mga kapatid ko ay si tatay talaga ang pinakaclose ko. Medyo matanda na rin si tatay dahil malayo ang edad nila ni nanay kaya mas napalapit ako sa kaniya. “Gisingin mo na ang mga kapatid mo Ineng at may mga pasok pa ‘yan, anong oras na,” sambit naman ni tatay kaya tumungo na ako sa kwarto naming tatlo. Maliit lang naman kasi ang kubo namin na mayroong dalawang kwarto; ang kwarto naming tatlo at kwarto nilang dalawa. Nasa high school na ang mga kapatid kong sina Jane at ang bunsong si Shane kaya hindi pa gaanong nahihirapan sila tatay sa gastusin lalo na at dito lang din naman sila nag-aaral sa bayan. “Ate, may pera ka ba diyan?” Nagulat naman ako nang biglang sumulpot sa kanan ko si Shane. “Gising na pala kayo. Nasaan kapatid mo?” Napanguso naman si Shane kaya napatingin ako sa tinuturo ng bibig niya. Nadatnan ko namang nakasandal si Jane sa gilid ng kama kaya agad ko siuang nilapitan. “Ayos ka lang ba, Jane?” pag-aalalang tanong ko sa kaniya. Agad naman niyang iniangat ang kaniyang ulo kaya nagulat ako dahil namumugto ang mga mata niya. Hinawakan ko naman ang kaniyang pisngi. “Anong problema? Hoy, bakit ka umiiyak?” Pinunasan ko naman ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni Jane dahil alam kong umiiyak na naman ‘to dahil sa boyfriend niyang si Nixon. “Nakipaghiwalay na sa akin si Nixon, te,” mangiyak-ngiyak niya pahayag. Napahinga naman ako ng malalim dahil ilang beses ko na rin siyang pinagsabihan tungkol sa lalaki na ‘yon. “He will do you no good, Jane. Ilang beses ko na namang sinabi sa’yo ‘yon, hindi ba? Alam mo namang minsan ko na ring nahuli ang lalaking ‘yon na may kasamang iba.” Nasa fourth year palang ‘tong kapatid ko, pero daig niya pa ako sa pagkakaroon ng boyfriend. Paano ba naman ubod sila ng ganda samantalang mukhang ampon naman ako sa pamilya. “Nasabi ko na rin ‘yan sa kaniya, Ate. Ayaw namang makinig ni Jane sa akin eh,” sambit pa ni Shane kaya napalingon ako sa kaniya. Isang taon lang naman ang agwat nilang dalawa kaya kung ituring nila ang isa’t-isa ay parang kambal lang. Hindi ko nga alam kung saan ako ipinaglihi ng nanay ko at bakit ganito ang mukha ko, o baka dahil hindi lang talaga ako palaayos kagaya ng mga kapatid ko? Napa-iling nalang ako at tumayo na. “Ay siya umayos ka na diyan, Jane. Kapag hindi ka pag nag-ayos ay pupuntahan ko talaga ‘yan sa bahay nila si Nixon at bubugbugin ng todo tutal ang tawag naman sa akin ni Aling Mareng ay boksingero,” biro ko pa. Tumayo na si Jane at inayos ang sarili niya. “Hindi na, Ate. Ako na ang bubugbog sa kaniya kapag nakita ko siya,” anito. Bahagya naman akong napatawa sa inasal ng kapatid ko. “Sige na, kumain na kayo at pumasok dahil mag-aayos na rin ako at tutulong pa’ko kela tatay sa pagtitinda ng mga isda.” Lumabas na ako sa kwarto at naligo na rin. Ilang buwan palang naman simula nang mag-graduate ako kaya ayos lang na tumulong nalang muna ako kela nanay at tatay sa pagbebenta. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng paborito kong simpleng marvel t-shirt at skinny jeans. “Alis na tayo, Tay?” tanong ko naman kay tatay na bibit ang ilang balde ng mga isda kaya tinulungan ko na siya. Bahagya naman siyang napatingin sa akin. “Sigurado ka ba rito sa desisyon mo, Ineng? Pwede kitang bigyan ng pamasahe papuntang Maynila kung doon mo talaga gustong magtrabaho,” ani naman ni tatay habang naglalakad kami papunta sa palengke. “Tay, wala pa naman po akong nahahanap na pwedeng pasukan sa Maynila kaya h’wag nalang muna ngayon. Itago niyo nalang muna ‘yang pera ninyo at ibili ng maintenance niyo ni Nanay.” Wala pa naman kasi talaga akong balak na umalis dito sa probinsya namin dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako magtatrabaho ro’n sa Maynila. Tinapik naman ni tatay ang balikat ko. “Hayaan mo at magtatanong-tanong ako sa palengke kung may alam ba silang kompanya na pwede mong pasukan doon. H’wag mo nalang ding pansinin ang nanay mo at kilala mo naman ‘yon.” Ngumiti nalang ako sa kaniya at ipinagpatuloy na ang paglalakad hanggang makarating kami sa pwesto namin sa loob. Kanina pa si nanay pumunta rito kaya nakahanda na ang ilang mga isda kahit pasado alas-sais palang ng umaga. “Ineng, ikaw na muna ang magbantay dito at kukuha lang kami ng tatay mo ng national ID sa munisipyo,” wika naman ni nanay kaya napatingin ako sa kaniya habang nag-aayos ng mga bangus sa papag. “Sige Nay, ako na ang bahala rito.” Pagkatapos kong ilagay ang mga isda sa papag ay umalis na rin sila nanay at tatay. Mangilan-ngilan ang mga tao rito ngayon dahil masyado pa namang maaga para bumili sila ng isda. “Channy!” Napalingon naman ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses galing sa likuran ko. Nasulyapan ko naman si Lara na kumakaway sa direksyon ko. “Oh Lara ang aga mo yata ngayon ah?” tanong ko naman nang makatigil na siya sa harapan ng pwesto namin. Ngiting-ngiti naman siya sa akin ngayon kaya napakunot ang noo ko. “Hoy anong meron?” dagdag ko pa. “Ikakasal na’ko!” sambit niya pa kaya nanlaki ang mga mata ko. Simula kasi pagkabata ay magka-ibigan na kaming dalawa kaya nagtaka ako dahil hindi ko manlang alam na may boyfriend pala siya at ngayon ay ikakasal na. “Niloloko mo ba ako?” pagtatakang tanong ko pa. “Eh hindi ko nga alam na may boyfriend ka, tapos ngayon ay ikakasal na?” Lumapit naman siya sa akin sabay hampas sa balikat ko nang marahan. “Biglaan kasi, Channy. Hindi ko nga rin akalain na yayayain ako ni Edward na magpakasal na kami eh,” anito. May inabot naman siya sa aking puting card na malamang ay invitation letter kaya napangiti ako habang tinitingnan ito. “Sure na ba ‘to? Wala nang bawian?” tanong ko naman sa kaniya. Noong college kasi kami ay parang halos buwan-buwan ay broken-hearted ‘yang si Lara kaya sana naman ngayon ay seroso na ‘yang Edward na ‘yan sa kaniya. “Oo naman, Channy. Siya na talaga ‘tong ibinigay ng panginoon sa akin kaya h’wag kang mag-alala. Oh ikaw, kailan mo balak magpakasal?” Napa-iling naman ako sa tanong ni Lara sa akin. “Alam mo namang...” “Asa ka naman Lara na makakahanap ng mapapangasawa ‘yang si ngetpa, kita mo naman sa mukha palang ay hindi na katanggap-tanggap.” Napatingin naman kami ni Lara nang magsalita si Aling Barbara na nasa katapat lang ng pwesto namin. Hindi ko naman alam kung matatawa ako o mapipikon sa sinabi niya dahil wala na namang bago sa mga naririnig ko rito sa buong palengke. “Ang aga naman Aling Barbara panira ka ng trip. Bakit hindi mo nalang bantayan ‘yang bunganga niyong ubod ng tulis,” pahayag naman ni Lara kaya agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kanan kong kamay. Hindi na nga talaga siya nagbago at simula dati ay siya lang talaga ang tagapagtanggol ko. “Hayaan mo nalang ‘yan, Lara. Hindi ka pa ba nasanay sa mga sinasabi nila sa’kin dito, atsaka totoo naman kasi,” sambit ko. Napahawak nalang siya sa noo niya at napa-irap. “Hindi ka naman pangit, Channy. Bumili ka rin kaya minsan ng skin care, daig ka pa ng mga kapatid mo eh.” “Alam mo namang wala pa nga akong trabaho sa ngayon eh. Saka ko na uunahin ang sarili ko kapag nakapagtapos na ang mga kapatid ko.” Napataas naman ang isang kilay niya sa akin. “Skin care lang eh, ilang daan lang naman ‘yon. Sige na Channy at ‘yan lang ang punta ko sa’yo rito, kailangan ko pang ipamigay ‘to sa ibang kaibigan natin kaya babush na.” “Sige, mag-iingat ka.” Umalis na si Lara kaya napa-upo nalang ako sa pwesto ko rito habang nakatingin sa invitation card ng kasal niya. Ano kaya ang pakiramdam na ikakasal ka sa taong mahal mo at mahal ka rin? Gusto ko rin makaranas ng ganoong klaseng pagmamahal na tanggap ako ng buo. Pasado alas-onse na ng umaga nang bumalik sila nanay at tatay kaya nakapagpahinga rin ako sa pagbabantay. “Magluluto lang po ako sa bahay para sa tanghalian natin, nay,” pahayag ko naman at akma na sanang aalis, pero napalingon naman ako nang biglang may humawak sa braso ko. “Bakit po?” tanong ko pa. “Kailangan mo ba ng trabaho, Ineng?” tanong niya pa kaya nagulat ako. Napatigil naman sila nanay at tatay sa ginagawa nila at napasulyap sa amin ng babae. Bahagya naman akong napangiti. “Uhmm, bakit ho? Ano po ang kailangan ninyo?” pagtatakang tanong ko pa. Sopistikada ang pananamit ng babae at mahahalata mo talagang may kaya dahil na rin sa mga alahas niyang suot. Idagdag mo pa ang aura niyang nakaka-intimidate. Napangiti naman siya sa akin. “Pwede kitang bigyan ng trabaho sa Maynila kung gusto mo,” pahayag niya naman kaya nagulat ako at napatingin kay tatay. Ito na yata ang hulog ng langit para sa aming lahat. Nahihirapan din kasi talaga akong maghanap ng trabaho online kaya mukhang hindi ko na talaga dapat palampasin ang pagkakataon na ‘to. Lumapit naman sa amin si tatay. “Anong klaseng trabaho po ‘yan, Ma’am?” nakangiting tanong niya. “My name is Athisa at isa ako sa branch recruiter dito sa lugar niyo para magtrabaho sa kompanya namin sa Maynila. It’s a BPO company at ang salary ay 30 thousand pesos a month,” pahayag niya pa kaya nagulat ako. “Uhmm, sigurado po ba...” “Talaga po, Madam? Ay pwedeng-pwede po riyan ang anak ko dahil magaling naman po siya magsalita ng englis at matalino rin po ‘yan. Ano po ba ang kailangan naming gawin?” agad namang tanong ni tatay kaya pati ako ay naguguluhan na rin. Napatingin naman ako kay nanay na nakahawak lang sa noo niya. Alam kong hindi siya papayag sa mga plano namin ngayon ni tatay. “Sandali lang, Tay. Tanungin muna natin si Nanay sa mga plano natin,” ani ko naman. Nagulat naman kami nang biglang lumapit si Ma’am Athisa kay nanay. “Ale, I can assure the safety of your daughter kaya you have nothing to worry about.” Napa-iling naman si nanay at napatingin sa akin. “Ay siya sige kung ano ang gusto ni Chandria ay hahayaan ko nalang tutal malaki naman ang sweldo,” anito. Napangiti naman ako dahil hindi ko akalain na papayag si nanay. “Talaga po?” “Kailan po ba pwede umalis ang anak ko, Madam?” tanong ni tatay sa kaniya. “She can leave tomorrow with me since we really need more employees as of this month. It’s the company’s peak season,” sambit niya pa kaya napangiti kami ni tatay. Ito na yata ang hinihiling ko sa panginoon na mabigyan ako ng trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook