bc

My Lover, My Best Friend (Class Picture Series)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
4.5K
READ
fated
friends to lovers
independent
drama
comedy
bxg
humorous
witty
highschool
friendship
like
intro-logo
Blurb

Nakipagkita si Amor kay Joel para magpatulong sa binabalak niyang class reunion ng high school batch nila. Pero may hihingin din pala itong pabor sa kanya. Humingi si Joel ng tulong para maitaboy ang babaeng habol nang habol dito. Well, she could do that. Basta ba tutulungan din siya nitong ayusin nag reunion nila.

Pero imbes na class reunion ang asikasuhin nila ay nauwi iyon sa isang kumplikadong sitwasyon. Sa pagtataboy niya sa babaeng ayaw tantanan si Joel ay nahuli sila ng pamilya nito sa isang napaka-intimate na eksena. At halos kasabay niyon ay nabalitaan din iyon ng madla. At alam na alam nila ang susunod na mangyayari. Ipipilit ng mga partido nila na magpakasal sila.

Abot ang tanggi ni Amor. At dapat lang naman dahil engaged to be married na siya sa iba.

Pero paano si Joel na parang willing na willing naman na pakasalan nga siya?

chap-preview
Free preview
Part 1
“CLASS reunion?” nakakunot-noong tanong ni Joanna Marie. “You must be kidding, Amor.” “At bakit naman hindi?” sagot ni Amor. “Matagal ko nang naisip ito. Hindi ko nga lang alam kung paano ima-materialize. Then, naisip kita. You can help me. Besides, class officer ka rin naman.” Joanna Marie rolled her eyes. “I was the muse then. At sa palagay ko, wala namang kuwenta ang posisyong pilit na ibinigay sa akin ng mga kaklase natin.” Natawa si Amor at tinitigan ang dating kaklase. “You know what, Joanna Marie? Hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano iintindihin ang ugali mo. Kailan mo tatanggapin nang maluwag sa dibdib na blessing na magkaroon ka ng ganyan kagandang mukha? Sa lahat yata ng ipinanganak na maganda, ikaw ang hindi thankful.” Bumuntong-hininga ang babae. “Wala namang mabuting nangyari sa buhay ko. Kung hindi siguro ako naging laman ng mga beauty contest noong high school tayo, baka mas naging maganda ang buhay ko. `Buti pa siguro si Princess.” Kumunot ang noo ni Amor. Maririnig sa boses ni Joanna Marie ang bitterness. “Bakit?” Kaklase rin nila noong high school si Princess. “Nagkahiwalay ba kayo ni Lemuel?” Kahit nag-aalangan siyang magtanong ay itinanong na rin niya ang naisip. “Matagal na,” matabang na sagot ni Joanna Marie at itinutok ang atensiyon sa kinakain. Tinitigan niya ang babae. Nagulat siya sa nalaman. Noong nasa high school sila, kinainggitan ng lahat ang relasyon nina Joanna Marie at Lemuel. They were one of the most admired pairs. ang isa pa ay ang samahan nina Princess at Lyndon. Miss High School si Joanna Marie at MVP ng varsity team si Lemuel. Parang mga bida sa romance pocketbooks ang dalawa. Nabalitaan nilang nagpakasal ang mga ito isang taon lang pagkatapos ng graduation. Parehong underage ang dalawa pero maimpluwensiya sa Sierra Carmela ang pamilya ni Lemuel kaya nagawan ng paraang maikasal ito sa kasintahan. Marami ang nanghinayang. Joanna Marie and Lemuel were both young. At habang ang mga ka-batch ay busy sa pag-aaral sa college, buhay-may-asawa na ang pinasok ng dalawa. That was more than ten years ago. Nagkataong kaunti lang ang nagbago sa mukha ni Joanna Marie kaya hindi siya nahirapang makilala ito. Maganda pa rin ang babae, pero nabawasan na ang sweetness na dating nangingibabaw sa mukha nito at napalitan ng bahagyang sopistikasyon. Nagkasunod sila kanina sa pila sa counter ng supermarket sa Robinsons Galleria. Hinintay ni Amor na makapagbayad ng pinamili si Joanna Marie at niyaya niya itong magmerienda. Ibinalik din niya sa pagkain ang atensiyon. Patapos na silang kumain nang kunin niya ang dalang organizer. “Let me have your contact number and address.” Mukhang nag-alangan si Joanna Marie. “I don’t like your idea, Amor. Hindi ako mahilig sa ganyan. At lalong hindi mo ako maaasahang mag-organize ng ganyang affair.” “Hindi kita pipilitin. Kagaya ko, baka busy ka rin. But at least, alam ko kung saan kita mako-contact kung sakali.” “Hindi ako a-attend kung matutuloy man ang plano mo. Please, Amor. Wala akong balak na makahalubilo uli ang mga dati kong kakilala.” “We were almost a family in high school, Joanna Marie,” banayad na sabi niya “Bakit ngayon ay inilalayo mo ang sarili mo? It’s been ten years mula nang huli tayong magkasama-sama. And that was during our graduation. Pagkatapos n’on ay wala na. Kung saan-saan na tayo dinala ng mga pangarap natin. It’s about time na mag-reunion naman tayo.” “Kayo na lang.” Mahihimigan ang refusal sa himig ni Joanna Marie. Nagkibit-balikat na lang si Amor. “All right. Pero ibigay mo pa rin sa akin ang address mo. Minsan, bibisitahin kita.” Ngumiti siya. Iyon siguro ang naging dahilan kaya kahit parang napipilitan ay sinabi na rin ni Joanna Marie ang sariling address. “Phone number?” “Wala akong phone.” Sandaling napakunot-noo si Amor, parang ayaw maniwala pero hindi na lang kumibo. Ang importante ay hindi naman ipinagkait ng babae na ibigay ang address. “Pauwi na ako. Ikaw? Kung nag-commute ka lang ay puwede kitang ihatid. Pareho naman ang way natin. Diyan lang ako sa Ugong.” “Huwag na, thank you na lang. May dadaanan pa ako, eh.” Binitbit na ni Joanna Marie ang grocery bag. Kaunti lang iyon at mukhang personal supplies lang. “Okay,” aniyang hindi na nagpilit pa. May kutob siyang umiiwas lang ito. “`Pag nakalibre ako, dadalawin kita. Sa bahay ka lang ba?” “Madalas.” “Wait,” ani Amor nang may maalala. Dumukot siya ng isang calling card sa bulsa ng bag. “Here’s my card. Kung ikaw ang may kailangan sa akin, don’t hesitate to call me up.” “Thank you.” Tinanggap ni Joanna Marie ang card. “Salamat sa merienda.” Maghihiwalay na sila nang may maalala. “Oo nga pala, you mentioned about Princess. Ano ba ang balita sa kanya?” “Hindi ko alam. The last time I met her was eight years ago. But I have her number. Hindi ko nga lang sure kung doon pa rin siya.” Napangiti si Amor nang kapain ni Joanna Marie ang address book sa bag. Kusa nitong ibinigay ang contact number ni Princess. PAGDATING sa condo unit ay ibinaba muna ni Amor sa mesa ang mga pinamili at kinuha ang maruruming damit. Isinalang muna niya ang mga damit sa washing machine, saka binalikan ang grocery items. Sandali lang at ang paghahanda naman ng hapunan ang ginawa niya. Dalawang taon na rin siyang namumuhay nang mag-isa. Idineklara niya ang sariling independence nang magtapos sa kolehiyo at makakuha ng magandang trabaho sa Ortigas—bagay na ipinagtatampo ng mga magulang niya. Ang katwiran ng mga ito ay malapit lang ang Sierra Carmela pero hindi niya makuhang umuwi kahit minsan lang sa isang buwan. Masyado siyang busy. Ang Sabado at Linggo na dapat ay araw para mag-relax ay sinasamantala niya para puntahan ang mga prospective buyer. Konektado siya sa isang car company. Nagsimula siyang sales representative at walang buwan na nagdaan na hindi siya umabot sa target sales. Hindi naman niya inaasahang may suwerte siya sa sales. Halos hindi siya makapaniwala nang ma-promote pa siyang sales manager at may bonus pang isang brand-new Nissan Cefiro. Wala siyang inintindi sa sasakyan maliban sa tax at insurance. Five years to pay ang unit na tinitirhan ni Amor. Two-bedroom iyon at may sarili pang toilet and bath ang master’s bedroom na ginagamit niya. Kung may pagpipilian, she wanted a real house. Iyong paglabas niya ay mayroong garden kahit maliit lang. Hindi kagaya ng condo unit na para siyang nakakahon. Tanging dalawang paso ng fortune plants ang nakukuha niyang alagaan. At oo nga pala, may ilang paso rin ng cactus na nasa bandang kitchen. Bukod sa exhaust, ang mga halamang iyon ang nagsisilbing tagasipsip ng init sa lugar. Alinman sa mga halamang iyon ay hindi nangangailangan ng maraming pag-aasikaso at pag-aalaga mula sa kanya. Dumarating pa nga ang pagkakataon na ilang araw siyang nawawala kaya hindi nadidiligan ang mga halaman. Pagbalik niya, sa awa ng tadhana ay buhay pa naman ang mga iyon. Gusto rin niyang mag-alaga ng aso o pusa. Pero mas malaking responsibilidad iyon kaysa sa halaman. Walang masyadong choice si Amor sa ngayon. Ang location ng condominium na tinitirhan niya ang pinaka-ideal para sa kanyang trabaho. Nasa sentro siya ng linya ng kanyang trabaho kaya isinantabi na lang niya ang pangangarap ng mga bagay na hindi rin naman puwedeng mag-materialize sa ngayon. Amor considered herself lucky. Sa loob lang ng ilang taon ay tinatamasa na niya ang mga bagay na pinangarap niyang maabot. At wala siyang balak na pabayaan iyon kapalit ng paghahangad na magkaroon ng garden at pet. Dahil din sa estado niya ngayon kaya bihira siyang makauwi sa Sierra Carmela. Ang katwiran naman niya ay nagtatampo lang ang kanyang mga magulang. Alam niyang naiintindihan siya ng mga ito. Hindi naman niya kinakalimutang umuwi sa Sierra Carmela basta may importanteng okasyon sa pamilya. At kapag ganoon ay parang gusto niyang mahiya. Kulang na lang ay ipaglitsong-baboy siya ng ina. Ang nangyayari ay parang para na sa kanya ang okasyon at hindi siya basta dumadalaw lang. Hindi rin naman niya masisisi ang mga magulang. Bunso siya at nag-iisang anak na babae, pagkatapos ay humiwalay pa siya ng tirahan. Ang dalawa niyang kuya ay may mga asawa na. Konsolasyon na lang ng tatay at nanay niya na nasa Sierra Carmela rin ang mga kapatid niya kaya palaging kapiling ang mga apo. Narinig ni Amor ang pagtunog ng buzzer ng washing machine. Binalikan niya ang nilalabhan, iniahon ang mga damit at isinalang naman ang pangalawang batch. Biyernes at schedule talaga ng paglalaba niya. Hindi kataka-takang marami ang labahin dahil bukod sa madalas magbihis ay nawalan siya ng panahong maglaba noong nakaraang linggo dahil sa meeting sa isang kliyente. At pabor iyon sa kanya. Nang nakaraang araw ay binayaran ng kliyente ang isang pickup in cold cash. Nasa account na rin niya ang kanyang commission. Isine-set niya ang timer nang tumunog naman ang microwave oven. Bumalik na naman siya sa katabing kusina. Magaan naman ang buhay niya kung tutuusin. Salamat sa mga modernong kasangkapan. Pero hindi kumbinsido sa ganoon ang kanyang inang si Mrs. Amalia Calderon. “Bakit hindi mo isama si Mona para may nag-aasikaso sa iyo sa bahay? Paano ka pa makakapag-pahinga kung pagdating sa bahay, ikaw pa rin ang gagawa ng lahat?” Tuwing umuuwi si Amor ay iyon ang palaging isisingit ng ina sa usapan. At palagi rin naman niyang tatanggihan. “Kaya kong gawin lahat iyon, Nanay. Kaya nga karamihan sa binibili kong damit ay iyong wash and wear. Para makabawas sa mga plantsahin. At saka, college pa lang ako, ako na ang nag-aasikaso sa sarili ko.” Hindi lang masabi ni Amor sa ina na napakapribadong tao rin niya. At ngayon pa lang niya ine-enjoy ang privacy na iyon, pati na rin ang independence. “Para naman kayong bago nang bago riyan kay Aleamor, Nanay,” sabad ng Kuya Anthony niya. “May colonial mentality iyan. Kaya nga sa aming magkakapatid, siya lang ang nag-ambisyong mag-aral sa Maynila. Dahil gusto agad na humiwalay sa saya ninyo.” “Kuya!” Nakita niyang gumuhit ang sama ng loob sa mukha ng kanyang ina na tipikal na guro ang hitsura: tuwid ang buhok na palaging nakapusod at nakasuot ng heavy eyeglasses. Na-appoint ito bilang elementary school principal kaya nga bigla siyang umuwi. Naghanda ito nang kaunti para doon. “Talaga naman, ah.” “Siya, tama na iyan at dumulog na tayo,” awat ng tatay nila na si Leoncio Calderon. “Nasaan na ba ang mga apo ko? Ikaw, Apollo, hindi ko yata nakitang dala mo ang anak mo?” “Isusunod na lang ho ni Cynthia. Dito na sila tutuloy paglabas ng school.” Pinangunahan ng kanilang ama ang pasasalamat sa nakahain sa hapag. Kompleto ang pamilya maliban sa dalawang hipag niya. Teacher din ang napangasawa ng kapatid niyang si Anthony at may klase pa. Kaya ang kasama ni Kuya Anthony ay ang kaisa-isang anak na dalawang taong gulang pa lang, nauna na iyong pakainin at kahabulan sa bakuran ang yaya. Isa pa iyon sa iniwasan ni Amor kaya nagpilit siyang mag-aral sa Maynila. Pamilya sila ng mga guro. Mula sa ama na district school superintendent at sa ina na principal na ngayon, ang mga kuya naman niya ay mga high school teacher na sa eskuwelahan na rin nakilala at na-in love sa mga naging hipag niya—na mga teacher din. Hindi man sila mayaman ay hindi naman sila mahirap. At siya lang ang umiba ng linya ng trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
504.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook