bc

ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO)

book_age18+
81
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
second chance
powerful
boss
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
mystery
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT

Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, an outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son.

For him, there is no need to take women seriously. Napakarami nila at silang lahat ay lumalapit sa kanya ng kusa. Dahil marami siyang pera.

Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan.

Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera.

Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas.

Subalit, paano na lamang ang reputasyon ng kanyang ama?

Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan gayong ang babaeng pinili niyang pakasalan ay hindi nila kauri. At ayon sa kanyang ama ay magdadala ng malaking kahihiyan sa kanilang angkan.

Nakahanda ba siyang manindigan para sa nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya? Willing ba siyang kalabanin ang kaniyang ama kahit ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng lahat ng mayroon siya at lahat ng pinaghirapan niya?

Susugal ba siya para kay Lara na walang alam sa tunay niyang pagkatao?

Ano nga ba ang kinabukasan ng isang pagmamahalang sa simula pa lang ay puno na ng kasinungalingan at pagpapanggap?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE 1 “SEXY BACK”
ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lara habang nakatitig sa lapida ng yumao niyang ina na si Edna. Mahigit isang taon narin mula nang pumanaw ito dahil sa sakit sa puso at hanggang ngayon ay hindi parin niya talagang lubusan matanggap na wala na ito. Anak siya sa pagkadalaga ng kaniyang ina. Ayon sa kwento nito sa kaniya noong ito ay nabubuhay pa ay dati itong waitress sa isang bar. Doon nito nakilala ang tatay niya na isa sa mga naging customer nito. Tinanong naman niya sa kaniyang ina kung ano ang pangalan ng tatay niya pero ang sagot lang nito, sa dami ng naging parukyano nito noon, imposibleng malaman pa nito kung alin sa mga iyon ang tatay niya. Sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi naman siya nagtanim ng galit sa kaniyang ina. Wala siyang makapa na ganoon sa kaniyang puso dahil ang totoo mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon, ito parin ang dahilan ng lahat ng pagsusumikap niya. Dalawang taon na siya at sa night club parin na iyon nagtatrabaho ang kaniyang ina. Hindi ito umalis doon dahil sa pagbabakasali nitong babalikan ito roon ng kaniyang ama. Pero iba ang nangyari. Dahil sa halip ay nakilala roon ng nanay niyang si Edna ang stepfather niya na si Rodolfo o mas kilala sa lugar nila sa palayaw na Ompong. Pamamasada ng taxi ang pinagkakakitaan nito at mayroon itong sariling bahay na minana pa nito sa mga magulang nito. Sa madaling salita ay nagsama ang nanay niya at ang kaniyang Papa Ompong. Mabait ito at itinuring siyang parang isang tunay na anak. Kaya lang katulad nga ng kasabihan, wala namang taong perpekto at ganoon ang kahit sino, pati narin ang Papa Ompong niya. Mahilig kasi itong magsugal, iyon ang bisyo nito. Kasama narin doon at sigarilyo at alak. At nitong nakalipas na mga buwan, mula nang mamatay ang nanay niya ay napansin narin niya ang unti-unting naging pagbabago ng ugali nito. Naging mainitin ang ulo at madalas ay pinagagalitan at binubulyawan siya. “H-Hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko kay Papa, Ma, masyado niyang dinamdam ang pagkawala ninyo kaya yata sa pagsusugal niya ibinubuhos ang lahat ng panahon at atensyon niya,” aniyang hindi napigilan ang maglabas ng sama ng loob sa mismong puntong ng kaniyang ina. Totoo naman kasi iyon, labis ang pagmamahal niya sa kaniyang kinikilalang ama. At nasasaktan siya kapag nakikita niya na parang nawawalan na ito ng pag-asa sa buhay. “Sana may paraan para matulungan ko siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakalugmok,” pagpapatuloy pa niya. “Kailangan ko nang umalis Ma, may pasok pa kasi ako sa trabaho,” paalam niya bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon. ***** “SUMAMA ka na, minsan lang naman natin gagawin ang ganito, saka isa pa walang gastos kasi sagot lahat ni Boss!” ang kinikilig sa sobrang excitement na naibulalas ng kasama niyang sales clerk na si Cynthia. “Naku hindi na, walang kasama si Papa sa bahay. Alam mo naman hindi pa siya lubusang nakaka-limot sa pagkawala ni Mama kaya palaging malungkot. Naaawa na nga ako sa kanya eh, hindi ko narin alam kung ano ang gagawin ko,” aniyang napigil sa ere ang pagpapahid sana niya ng lipstick saka nagbuntong hininga. “Hay naku hayan kana naman, tama na ang pag-iisip ng problema. Mas maganda kung makakasama ka, pero kung hindi ka pupwede, siguro naman maiintindihan iyon ni Boss Randy,” ang nakikisimpatyang winika ng kaibigan niya saka siya nginitian. Tumango lang si Lara saka na ipinagpatuloy ang pag-aayos sa harapan ng salamin. Nagtatrabaho siya bilang sales lady sa botique na iyon. Medyo matagal narin siya sa kompanya at sinuwerteng na-regular kaya kinukonsidera narin niya ang sarili niya bilang isang maswerte. Bakit nga hindi, gayong ang totoo, sa hirap nang buhay at sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, talagang maswerte siya at na-regular pa siya kahit kung tutuusin ay hindi rin naman niya natapos ang kurso niyang Business Management. Iyon ay dahil narin sa pagkakasakit ng Mama niya kaya kinailangan niyang magtrabaho kaagad para naman may maitulong siya sa Papa Ompong niya kahit panggamot lang ni Edna. “Pero bilib din ako sa Papa mo, biruin mo, masyadong solid magmahal? Sayang nga lang at maaga silang nagkahiwalay, mas maganda sana kung tumanda silang magkasama ni Tita Edna,” muling saad ni Cynthia na naging dahilan naman ng pagguhit ng lungkot sa kaniyang puso. “Hay, huwag mo naman na ako palungkutin, halika na at baka mapagalitan pa tayo kay Miss Monet,” yakag niya. Ang tinutukoy niya ay ang kanilang Branch Manager. Hindi naman ito masungit pero may pagka-istrikta ito at para kay Lara ay normal at dapat lang naman. Kabubukas lang nila kaya wala pang gaanong tao sa mall. Ang una nilang ginagawa kapag ganoon ay paglilinis at pag-aayos ng display na sinasabayan narin nila ng pag-I-inventory ng mga paninda. Magaganda ang paninda nilang mga damit. Kung tutuusin ay kilala ang botique nila sa buong Pilipinas at maraming mga kilalang celebrities silang regular customers. Kaya ganoon nalang ang tuwa niya nang ma-permenente siya sa trabahong iyon. Ang totoo nga, plano niyang ituloy ang pag-aaral niya, iyon kasi ang naging advice ni Miss Monet sa kaniya, kapag kasi nagkaroon na siya ng degree ay wala nang pwedeng masilip na dahilan sa kaniya ang Human Resources para I-promote siya. ***** “ALRIGHT, I’ll just wait here,” ang naiiling na winika ni Juaquin habang sinusundan lang niya ng tingin ang kaniyang nobya na si Lucille. Hindi niya alam kung ano ang nakain nito pero hindi karaniwan sa dalaga ang magyaya ng shopping tuwing weekdays lalo at alam nitong abala siya sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo. Kulang dalawang buwan narin silang nagde-date ng dalaga at masasabi niyang sa ngayon ay okay pa naman ang lahat. Pero alam niya hindi magtatagal ay mananawa narin siya rito at sisimulan na niya ang gumawa ng maraming excuses hanggang sa tuluyang mapikon sa kaniya ang babae at magpasyang hiwalayan siya. Sa huli niyang naisip ay muli siyang nagbuntong hininga. Napakaganda ni Lucille at hindi naman nakapagtataka iyon, isa itong beauty queen at talaga namang nakakabaliw ang kaseksihan na taglay ng dalaga. Habang pinanonood niya itong naglalakad patungo sa sinabi nito kaninang paborito nitong botique ay hindi niya mapigilang hangaan ang graceful nitong paglalakad lalo na ang mahahaba at perpekto nitong mga binti na lalong naging tukso sa paningin niya dahil sa suot nitong kulay pulang high heels. Hindi naman si Lucille ang unang babaeng nagdaan sa buhay niya na mayroong mga katangian na taglay ang lahat ng nakikita nya ngayon sa dalaga. Marami nang babaeng nagdaan sa buhay niya. Marami naring beauty queens, may mga sikat na artista at modelo. Kaya siguro parang hindi na siya nakakaramdam ng excitement. Kaya siguro ang lahat ay parang tipikal o normal nalang sa kaniya. Nasa ganoong ayos siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang sales lady na siyang nag-a-assist kay Lucille. Matangkad lang ng kaunti ang nobya niya rito dahil nga may suot itong mataas na takong habang ang babaeng kausap nito ay kulay itim na flat shoes ang suot. Napakaliit ng baywang nito at ang suot nitong kulay pulang uniporme ay humapit ng husto sa pigura nito kaya naman nagkaroon ng malinaw at napakagandang emphasis sa bawat kurba sa katawan ng babae. Maganda ito at sexy kahit nakatalikod. Gusto niyang makita kung ano ang hitsura nito dahil na-curious talaga siya pero napigil ang pagtatangka niyang iyon nang marinig niyang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Nang I-check niya ang kaniyang phone ay noon niya napag-alaman na isang importanteng kliyente pala ang tumatawag. Sinagot niya iyon at saka naglakad para lumayo ng kaunti sa lugar na iyon. Medyo maingay kasi at hindi sila gaanong nagkakaunawaan ng kausap niya sa kabilang linya kaya ganoon. Saktong natapos ang pag-uusap nila ng kliyente ay noon naman siya nilapitan ni Lucille. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang babaeng kaninang nakita niyang nakatayo roon. Wala na ito, iba na ang naka-duty. Baka nag-CR? Kumain? Doon niya lihim na pinagtawanan ang kaniyang sarili. Masyado siyang apektado sa babaeng iyon na kung tutuusin ay sexy naman talaga ang likuran pero hindi pa niya nakikita kahit side view manlang ng mukha nito. “Anong nangyari? Bakit wala ka yatang binili?” tanong niya. Noon kumapit ng mahigpit si Lucille sa kaniyang braso. “Wala akong nagustuhan, sa isang linggo pa raw iyong mga bago nilang designs kaya sinabi ko babalik nalang ako,” anito. Tumango noon si Juaquin. “Okay, kailangan ko naring bumalik ng office,” aniya kay Lucille na tinanguan lang siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
208.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
18.8K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
33.4K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
54.6K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
23.3K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
24.3K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook