bc

Special Agent X

book_age16+
728
FOLLOW
2.6K
READ
adventure
spy/agent
kickass heroine
comedy
bxg
humorous
mystery
city
high-tech world
special ability
like
intro-logo
Blurb

In a world full of evil, there's this ability that will arise. The ability that could save a lot of people. Something that could help everyone get saves but will as well put you in a difficult situation.

What if due to an accident, there's a new identity that shows up? What if your senses get triple what your ability is? From your sense of sight that penetrates to the innermost parts of a person? And from the outside of an establishment, you'll see what it looks like inside even if you have not yet entered it?

What if your sense of smell is capable of recognizing every element of it? Ultimately the chemical contained in it? Your sense of touch made you feel things that you haven't touched yet. Those that made you recognize a person you are not seeing? And even that person is far from you, you already know who it is? What if your taste buds are able to know the ingredients every time you taste them? And you can even hear the ants talks although they do not really speak they communicate using gestures.

What if this ability brought you danger in life and many get interested in you? Can you still live in the world with this ability? Can you call this an advantage? Or will it be a curse that will result in ending your own life?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Processing
Analyzing... Processing... Identity detected! [SAOJ MIS o Secret Agent of Jack Men in Suits] Hindi ko alam kung ano ang naisipan ni Chelsea. Kung bakit niya ako pinapupunta sa bahay niya. Matapos niyang magkulong ng 300 days nang dahil sa isang online tournament nila ay mangungulit siya sa 'kin. Kung sabagay. Baka na-bored na siya sa ginagawa niya. Imagine that? 10 months niya akong natiis na hindi kontakin. Pagkatapos ngayon ay maaalala niyang may kaibigan pa pala siya. Kung hindi ko lang siya bff e siguradong deadma na siya sa 'kin. Napaka-init pa naman lumabas ng bahay ngayon. Ang hapdi ng tama ng init ng araw sa balat. Para akong masusunog. Bahala na nga. Hayaan ko na lang. Malamang sa malamang ay miss na miss na ako ng bruhang 'yon. Pagbibigyan ko na at baka mamaya ay magtampo pa. Miss ko na rin naman siya kahit papaano. At naintindihan ko naman na iyon na ang buhay niya. "Huh?" putol ko sa iniisip ko nang may napansin akong sa isang itim na van. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na sinusundan ako nito. Huminto pa ito sa tabi ng daan na nilalakaran ko. Pakiramdam ko tuloy ay kumukulo ang tiyan ko. Parang may mga paro-paro na lumilipad lipad sa loob. Hindi naman ako natatae or what, pero parang ganoon na nga. Alam mo yung pakiramdam nang kinakabahan? At mas lalo pa akong kinabahan nang isa-isang bumaba ang mga tao mula sa loob ng van at pinalibutan ako. "Ay nako ha, 'wag na 'wag nila akong ma-kidnap-kidnap dahil hindi kami mayaman. At lalong-lalo pa na hindi na ako kid." Hindi ko napigilang isipin. Abnormal na yata ako at kinakausap ko ang sarili ko. Ewan ko ba sa sarili ko. Advance ako mag-isip e. Pero seriously speaking, binalot nang matinding kaba ang dibdib ko. Sa kabila nang katotohanang alam ko naman kung ano ang dahilan ng pagharang ng mga ito sa akin. Pero hindi ko pa rin napigilang magtanong sa kanila. I once again looked at the guy na alam kong makapagsasabi sa akin ng dahilan nang pagharang nila sa akin. "A-ano'ng k-kailangan n-niyo sa 'kin?" nauutal kong tanong pagbaling ko sa lalaking tinutukoy ko. Kunot ang noo kong hinintay ang sagot nito. Ilang segundo rin bago siya sumagot kahit nabasa ko na ang sagot sa isipan niya. "Sumama ka sa 'min. Matagal ka na naming minamanmanan." sagot sa akin ng isang lalaking naka-suit na may nunal sa tabi ng ilong. Napakaliit nito para makita nang normal na tao dahil gatuldok na buhangin ang laki ngunit para sa isang katulad ko ay napakadali nitong makita. Alam ko naman na hindi masasamang tao ang mga ito pero hindi ako dapat kaagad magtiwala. Nakita ko naman kasi sa bulsa - nung isang lalaking sobrang lakas nang dating para sa akin pero mukhang mayabang naman at suplado - ang isang ID. "SAOJ?" basa ko sa nakasulat sa ID nito. Pagkakatanda ko ay isa itong sikat na agency kung saan ay nagbibigay sila ng training para sa mga nagnanais na maging special agent nila. Hindi ko alam kung ano'ng kinalaman ng propesyon nila sa pagharang nila sa 'kin pero intindi ko naman na may pakay sila sa akin. Matapos kong i-analyze ang mga ito ay agad din akong sumama sa kanila. Hindi na ako nagtanong pa. 'Waste of time lang at ng laway ko.' Habang lulan kami ng isang itim na Van ay hindi ko naiwasan na palibutin sa loob ng sasakyan ang malikot kong mga mata. Isa-isa ko silang tiningnan. Curious kasi ako sa kanila kumbaga. Inisa-isa kong tingnan ang mga lalaking naka-suit kung may makukuha ba akong impormasyon. Saglit kong iginala ang mga mata ko at itinigil sa lalaking nasa tabi ko. Data Processing... Gun detected! Bahagya akong napaatras sa nakita kong baril pero hindi ko naman ipinahalata sa kanila. Kunwa'y inaayos ko lamang ang aking paldang napaka-iksi pero ang totoo ay kumalabog ang dibdib ko sa kaba nang dahil sa nakita ko. "Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Robot na ba ako?" kinurot ko nang bahagya ang aking sarili. "Ouch! Sakit no'n ah!" sabay haplos sa bahagi ng pinagkurutan ko. "Tao pa rin naman ako. Sakit eh. Shunga ko talaga." bulong ko sa sarili ko. Napansin ko namang palingon-lingon ang lalaking seryoso kanina. Siguro nabighani sa akin. 'Ganda ko ba naman eh?' Siyempre sa isip ko lang 'yon pero ewan ko ba parang narinig niya ang sinabi ko. Umiwas siya ng tingin nang lingunin ko siya at idinako ang kanyang paningin sa labas ng bintana ng van. Napakunot ang noo ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako pinagmamasdan ng mga ito. Umayos akong muli ng upo at kunwari ay wala akong pakialam sa kanila. Ipinagpatuloy ko ang pagmamasid ko at pag-aanalisa sa mga lalaking kasama ko. Men in Suit #1. "Hmm... Choi pala ang pangalan niya..." well, ayon yan sa ID na nakalagay sa loob ng suit niya. Kahit nakatago ito ay kitang-kita ko. Base naman sa birthday niya na nakasulat sa ID ay 25 y/o na siya. Mas matanda siya sa 'kin. Mukhang iniwan ng girlfriend dahil sa pagiging member ng SAOJ. Paano ko nalaman? Eh kasi sinilip niya ang picture sa wallet niya at nabasa ko sa isip niya na girlfriend niya 'yon habang tinititigan niya ang picture nung babae. At base sa pagkakatitig niya rito ay hiwalay na sila. Napansin ko na napasulyap si Choi sa 'kin. Agad niyang itinago ang wallet niya. Singbilis ng hangin kung kumilos. Kinabahan ako sa nakita ko. Bahagya akong napaiwas dahil sa baril nito. May baril na nakasabit sa biceps niya. Mukha naman siyang mabait at may hitsura pero mahirap na. Baka bigla na lang akong paputukan sa ulo. It's a Smith & Wesson M&P9 Threaded Barrel with 9mm Caliber Supressor ready small pistol. Barrel: 4.75 inches Overall Length: 7.63 inches Weight: 24 ounces (empty) Grips: Polymer Sights: Three-dot Action: Striker-fired Finish: Matte black Capacity: 18 "Good, good, good. Mabuti at empty ang bala." wagas yung kaba ko dahil do'n. Salamat at empty pala. Men in Suit #2. "Siya naman si Pier." 24 y/o na siya at mas bata lang kay Choi ng isang taon. Naglayas pala siya ng bahay. Hindi niya nakayanan ang pambubugbog ng tatay niya sa kanya. Wow. Kaya niyang makita ang mangyayari sa susunod na araw. Nakita niya na mapapatay siya ng tatay niya sa bugbog kaya iniwasan niya ang kanyang kapalaran. Expert siya in martial arts. Base sa tindig at tikas ng pangangatawan niya ay mukhang sanay siya sa martial arts talaga. Na-weirduhan ako nang bigla itong natawa nang palihim. Ako lang naman din yata ang nakapansin. Para bang may nakita siya na hindi ko alam. Binasa ko ang isip niya pero parang wala naman nakakatawa sa iniisip niya. Ang Men in Suit #3 ay si Jairus. Pero bakit... Blanko... "Bakit ganon?" sambit ko sa sarili ko. ...analyzing... ...Processing... ...loading information. ...No information detected. ...Analyzation failed. Sinubukan kong muli na hanapin ang katauhan nito pero ang tanging sagot ay... Blanko. Tanging ID niya lang na nagsasabing miyembro siya ng SAOJ pero walang date of birth at hindi ko rin mabasa ang isipan niya. Baka pumapalya na ang powers ko. Lakas maka-powers. Baka may nagtataka sa ability ko. Wala talaga akong powers. Nang maaksidente ako ay nagising na lang ako na may kakaibang abilidad. "Ano kaya ang katauhan niya? Ano ang kakayahan niya?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko talaga makita. Makailang ulit kong sinubukang i-analyze siya pero failed talaga. Napakunot na lang ako ng noo. Bahagya ring napanguso. Naramdaman ko na lang parang may mga matang nakamasid sa akin. Parang alam nito ang ginagawa ko. Ibinaling ko na lamang ang atensiyon ko sa nagmamaneho ng black van. Ang Men in Suit #4 ay si Fred. Hindi na ako nahirapan pang alamin ang katauhan niya dahil nakasabit ang ID niya sa harap. Para bang isa itong air freshener na nakabalandra lang doon. Tulad ba ng mga hugis x-mas tree na pabango ng sasakyan. Yung green ang color tapos minsan ay red at yellow. Tsaka pink tapos mabango. Amoy pine tree. Minsan nga sa mga tricycle ay mayro'n din niyon. Siya pala ang pinakamatanda dahil 35 y/o na siya. Nakalagay rin ang ranking niya sa ID at posisyon niya. Siya ang leader ng Men in Suit. Marami na ang na-resolve na cases ng taong ito base sa stars sa ID nito at marami na ring napatay. 'Sing tigas ng bakal ang katawan nito. Kitang-kita ko ang buto nito sa loob ng katawan nito. Hindi normal na tao dahil may halong cyborg na. Ang dugong dumadaloy sa kanya ay parang gasolina. Asul na likidong nagpapagana nang kanyang sistema. At ang pinakamakulit sa lahat ay ang Men in Suit #5 na si Jarred. Siya ay 21 y/o lang. Siya ang pinakabata sa lahat at kasing edad ko siya. Makailang beses na siyang lumilingon sa 'kin. 'Well, hindi ko siya masisisi. Inborn na 'tong kagandahan ko.' Tantiya kong mabilis ang t***k ng puso niya sa tuwing titingin siya sa 'kin. Siguro ay crush niya 'ko. Mukha siyang seryoso sa labas pero sa loob ay kitang-kita ko kung gaano ito ka-cool at alam kong hindi ito kasing seryoso ng mga kasama niya lalo na yung Jairus na katabi ni Fred--yung driver sa unahan s***h leader. Ilang taon pa lang nila itong nakakasama. Asset nito ang mapupungay nitong mga mata, matangos na ilong, mapulang labi, maputi at makinis na balat. Matipuno rin ang katawan niya. Matikas ang pagtayo at mapang-akit ang mga tingin. Ang ability nito ay pareho ng sa 'kin. Kadalasan ay siya ang ipinadadala sa mga missions nila lalo na kapag babae ang involve. Matagal na ipinadaan sa puspusang training ng apat na Men in Suit ang taong ito. Alam kong hindi magiging madali ang mga mangyayari sa loob ng organisasyon na ito, ngunit matapos ipaliwanag ni Agent Choi ang lahat sa akin ay agad naman akong pumayag. Hindi ko alintana ang panganib na naghihintay sa 'kin. "Magiging okay naman siguro ako..." bulong ko sa sarili ko. Muling lumingon si Jairus sa akin. Bakit ba ang mysterious ng pagkatao niya pero parang alam niya ang mga iniisip ko. "Hmp..." pakialam ko ba sa kanya. Pero in fairness, pogi siya. Pogi lang. Pogi nga. Inilibot ko pa ang mga mata ko sa loob ng camp ng SAOJ nang makarating kami rito. Talaga namanh namangha ako sa mga nakikita ko. Kung gaano ako namamangha sa mga napapanood ko sa telebisyon ay mas namangha pa ako sa katotohanang mayroong nag-e-exist na ganitong organisasyon. Mula sa kakaibang lokasyon ng base na ito na mahirap madiskubre ng mga tao lalo na kung hindi sila interesadong maging special agent. O hindi sila ang target ng organisasyon na ito na maging miyembro. Hanggang sa pundasyon ng base nito na kung saan ay ang kahit anong armas ay hindi kayang matinag ang pundasyon nito mapa-granada man o bomba. Sa madaling salita ay ang astig ng base nila. Well, namin. Feelingera ako na kasali na ako sa kanila. Bakit ba? Imagine kung maging special agent ako, ano kaya ang itatawag sa akin? "Special Agent X!" bulalas ko. Napatingin silang lahat sa akin at ang iba pang agents na nandito sa base. "Pakialam ko ba. Special Agent X..." kinikilig akong isipin. Pero alam ko sa organisasyong ito ay talagang mahigpit ang training. Anong klaseng training kaya ang ginagawa nila? Interesado akong malaman. "Pero mas interesado akong malaman ang abilidad ni Jairus. Tawagin ko pa ba siyang kuya? O Jairus lang? Alangan namang ate. Puwede rin." hindi ko naiwasang lihim na mapangiti. Pero parang hindi naman lihim. Sabay-sabay na nagsilingunan ang mga tao sa paligid ko. "Ano mga chismosa lang ang peg?" anyway masasanay rin siguro ako. "We'll see..." tatango-tango kong sabi sa aking sarili. Ano kayang naghihintay sa akin dito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.4K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook