bc

It's Started With A Dare

book_age18+
71
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
opposites attract
confident
bxg
lighthearted
actor
like
intro-logo
Blurb

COLLABORATION GORGEOUS MEN SERIES: 31

After Sandra Left Drake Saavedra her long time boyfriend at piliin ang career nito bilang isang model sa bansang Europa. Buong akala niya na may babalikan pa siya kahit na nagbanta ito na sa oras na umalis siya ay wala na siyang babalikan pa. Ngunit sa kagustuhan niyang tuparin ang kan'yang pangarap umalis siya nang bansa.Sa pagdating niya sa Europa makikilala niya ang lalaking tingin pa lang ay makalaglag panty na. At dahil sa isang Dare biglang magbabago ang mundo niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
Taong Isang libo siyam na raan siyamnapu't pito Kanina pa akong pabalik balik sa ospital at hinihintay ang pagsabog ng nursery room kong nasaan naroon ang anak ng mortal kong kaaway na si Hannah. Sa nangyari sa akin ay hindi ko sila hahayaang maging masaya habang ako miserable.. Ilang oras lang ang aking paghihintay ng biglang nakarinig ako ng malakas na pagsabog.. KABOOOOOOM! Sa lakas ng pagsabog lahat ng tao sa loob at labas ng ospital ay nagkagulo at dahil doon naka kuha ako ng tyempo na gumalaw kasama ang mga tauhan ko na puntahan ang nursery room. Hawak na nila ang bagong panganak ni Hannah na sanggol na lalaki at ang isa naman ay ang sanggol na patay na binili nila kong saan at hindi ko na tinanong pa na palalabasin namin na anak nito na namatay sa sunog. Kinuha ko agad ang sanggol at pinagpalit na ng tauhan ko ang sanggol na patay na nasa loob ng bag. Medyo mabaho ito at hindi ko matake ang itsura at amoy nito kaya umiskapa na agad ako. Hindi ko alam kong saan ba nila kinuha ito pero, nakakatuwa sila. Napag utusan lang naman ako ng boss ko at gusto nga niya patayin ko ang bata kaso hindi naman kaya ng konsenya ko kaya nagpunta ako sa bahay ng kaibigan ko na si Gillian Benitez. Tinanggap naman niya kami ng bata kaso sinabi niya na hindi kami pwedeng magtagal dito, dahil darating na ang parents niya.. At kilala ko ang Daddy nito na sobrang sungit. Ilang araw lang kaming naglagi dito hanggang sa may tumawag sa akin nang hindi ko naman inaasahan. At hindi ko pwedeng palagpasin ang opportunity na ito. Kaya naman naki usap ako kay Gillian na; "Gil, ikaw na muna ang bahala sa bata ha. May kailangang puntahan lang ako at babalik din ako kaagad." ani ko. Para payagan niya akong umalis, kasi kong hindi ko sasabihing babalik ako baka hindi rin siya pumayag pa. "Saan ka ba pupunta, Sandra? Bakit hindi mo na lang isama 'tong bata. Hindi 'to pwedeng makita ng mga magulang ko at tiyak kong palalayasin nila ako dito." ani niya. "Ahmmm! Hindi pwede e, trabaho kasi 'to. Alam mo naman kailangan kong kumayod para sa pangangailangan ni Nathan." sagot ko naman dito. At sana nga lang pumayag siya sa gusto ko. Hindi ko kasi pwedeng isama talaga ang bata sa pupuntahan ko. Ang alam ng handler ko wala akong asawa lalo na anak kaya sagabal lang ang bata sa modeling career ko. "Fine! Fine! Umuwi ka agad ha. Sinasabi ko sayo Sandra, mapapahamak ako sa ginagawa mo. Alam mo kong gaano ka strict ang parents ko, lalo na ang Daddy ko. Hindi nila matatanggap na disgrasyada ako." sagot nito. Alam ko naman 'yon. At kilala ko si Don. Facundo ang Daddy niya. Pero, wala akong choice kundi tanggapin ang offer na binigay sa akin sa Europe. This is a one life time opportunity, that's why I grab it. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Sinabi kong lilipad ako right away. At hinihintay na nga ako doon ni Madam Ursula. "Sige na Gil, mauuna na ako. Alagaan mo ang bata ha. Hwag na hwag mong isasauli yan sa ex- boyfriend ko. Hayaan mo silang mabaliw at isiping patay na ang anak nila." sagot ko. Sabay beso beso rito bago tuluyang lumayo palabas ng Mansyon ng mga Benitez. Pasakay na ako ng taxi ng may ma-aalala ako pero, hindi ko na lang pinansin pa. Alam ko namang hindi pababayaan ni Gillian ang bata. Malambot ang puso niya. At hindi siya masamang tao kagaya ko. Nang makarating ako sa airport nagbayad lang ako sa taxi at pagkatapos bumaba na rin agad ako. Hindi ko na kinuha ang sukli ko naglakad na ako papasok sa loob. Wala akong masyadong gamit na dala tanging mga importanteng bagay lang ang nadala ko. Palipad na ang eroplano at hindi ko alam kong makakabalik pa ba ako kaagad nito. Lalo na't hindi ko alam kong anong kahihinatnan ng pag-alis ko sa bansa. Two- hours later nang lumapag ang eroplano sa Abu Dhabi. Dito ang first destination namin bago ako makarating ng Europa. Kong saan gaganapin ang fashion event at inalok ako ng maging isang model ng handler ko. Matagal naman na akong nagmomodel pa. Kaya nga kami naghiwalay ni Drake para tuparin ko ang mga pangarap ko kaso lang hindi naman niya ako nahintay at nag-asawa na siya agad. Masakit para sa akin na maiwan at umaasa sa wala. Habang ako'y nangungulila sa kan'ya siya naman 'tong nagpapakasaya sa kandungan ng Hannah na 'yon. Kaya dapat lang sa kanila na mawalan ng anak. Malaki ang naging atraso nila sa akin at hindi ko hahayaan na maging masaya sila ng habang ako ay sobrang miserable ang naging buhay. Paboarding na ulit kami sa last destination. Nakaupo na ako sa loob ng eroplano at naghihintay na lamang ng pag-alis nito. Alam ko sa pag-alis ko isusumpa ako ng kaibigan ko at hindi ko alam kong mapapatawad pa niya ako. Nang maka alis na ang eroplano napasabi na lamang ako na; "Paalam, Pilipinas.." sabay buntong hininga ng malalim. Makaraan ng mahigit dalawang araw nakarating rin ako ng Europe at sinalubong ako ng driver ng handler ko. Mabuti na lang Pinoy din siya kaya hindi ako mahihirapang makipag usap dito. Dinala niya ako sa bahay ni Madam Ursula siya ang pinaka may hawak sa mga models na kagaya ko. Mabuti na nga lang rin tinanggap pa nila ako bago pa ako mawalan sa modelling industry. Lalo na't ang pag uwi ko ng Pilipinas ay takas lang. Malay ko bang wala na pala akong babalikan kay Drake at ang Hannah na 'yon ang pinili niya over me. E, walang wala naman sa akin ang babaeng 'yon. Papalitan na nga lang ako ni Drake sa cheap pa nakakairita talaga. Pagdating namin sa bahay ni Madam Ursula sinalubong ako ni Mrs. Adriano. Siya ang handler ko mula noon pa kaya masaya ako na nagkita ulit kami. Niyakap ko siya ng mahigpit at pinaramdam ko sa kan'ya na namiss ko talaga siya. She is not my only handler but a Mom too to me. "Mabuti naman natauhan ka na, Sandra. Sabi ko naman sayo maraming lalaki sa mundo at hindi mo kailangang maghabol sa isang t-t- " biro pa nito. Napatawa tuloy ako. "Hahaha! Mama naman e," natatawang sagot ko dito. Siya kasi ang nakaka alam ng lahat ng problema ko kay Drake at pinapaalalahanan niya rin ako na hwag na akong maghabol doon at ayon nga mukhang tama naman kasi siya talaga siya at hindi ko kailangan na mag hangad pa ng lalaking ayaw na sa akin. Ganon talaga e, people come and go and give us a lesson. Siguro nga hindi kami para sa isa't-isa pero, hindi rin sila dapat maging masaya. Kaya habang buhay silang mangulila sa anak nilang akala nilang patay na. Makaganti man lang ako sa panloloko si Drake sa akin. Na habang kami pa ay may Hannah na siya at may anak pa. Kahit sinabi niya naman na break na kami pag alis ko hindi naman ako pumayag. Umasa nga ako na after a year may babalikan pa ako kaso wala hindi niya na ako nahintay pa. Ang sakit na may mahal ng iba ang mahal mo ang dating mundo mo ay unti-unti nang gumuho. Wala akong magagawa, sapagkat ako ang umalis at lumayo. Natigi ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Mama kong; "Nag dinner ka na ba?" Umiling iling ako sabay sabi na: "Hindi pa po, may makakain po ba dito?" tanong ko. "Naku! Ikaw talagang bata ka. Halika na maraming pagkain. Itabi mo muna yang maleta mo at sumunod ka sa akin." yakag ni Mama sa akin. Iginilid ko muna ang aking maleta at pinagala ko ang aking mga mata sa bahay ni Madam Ursula. "I'm happy to be back again." anas ko. Naglakad na ako pasunod kay Mama. At heto na ang bagong buhay ko malayo sa gulo at kay Drake. Pumasok ako sa loob ng kusina at doon ko naabutan si Mama na naghahanda ng makakain namin. Lumapit ako dito para tulungan ko siyang maghanda ng aming dinner. Ayoko naman maging pabigat sa kan'ya. "Mama, tulungan ko na po kayo dyan." nakangiting wika ko habang binubuhat ko ang kanin na nasa loob ng bowl. Medyo mainit ito at bagong hango lang. Nilapag ko ito sa lamesa babalik pa sana ako sa loob ng masalubong ko si Mama at pinaupo na ako. "Hwag ka ng kumilos maupo ka na ng makakain na tayo at alam kong marami kang baong kwento ngayon sa akin." ani niya. "E, wala po Mama, bukod sa malungkot ang buhay mag-isa napa trouble pa hehehe. sagot ko. Ayoko naman ikwento ang kasamaang nagawa ko at baka makurot niya pa ako sa singit. Tama nang ibaon ko sa limot ang lahat at magsimula ng panibagong buhay dito sa Europa. Malayo sa gulo ng mga nagawa ko at tinakasan kong problema. Alam ko naman na wanted pa rin ako sa Pilipinas. Mabuti na lang talaga nagamit ko ang dating passport ko. Kaya nakaligtas ako kundi hindi na ako makakalipad papunta dito. Marami pa kaming napag usapan ni Mama kaya nalibang kami at hindi na namin namalayan ang oras. Masarap kakwentuhan si Mama marami kang malalaman at matutunan sa kan'ya. Mga bagay na hindi ko na apply sa buhay ko at mas inuna ko ang galit kaya nagawa ko ang lahat ng 'yon. Nasaktan ako at tao lang naman ako na gustong maibsan ang sakit kaya nagawa ko ang mga ganong bagay kaso huli na para ma realized ko na mali ang nagawa ko gayong wanted na ako at makukulong pa. Nasa higaan na ako at iniiisip ko pa rin ang bata na naiwan ko kay Gillian. Sa ilang araw na nakasama ko ang sanggol na si Nathan napamahal na rin ako sa bata kaso hindi ko naman siya pwedeng isama sa pag-alis ko at mahihirapan ako. "Sorry, Nathaniel at Gillian sana mapatawad niyo ako soon. Lalo ka na Gillian pero, kailangan kong lumayo para na rin sa sarili ko. Alam kong kapag malapit ako sa mga Saavedra hindi matatahimik ang buhay ko. At ako hindi ko mapipigilan ang sarili ko na hindi gumanti gayong nakikita kong masaya sila habang ako naman ay miserable.." usal ko bago gupuin ng antok dala ng matinding pagod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook