bc

ABDUCTED LOVE

book_age18+
216
FOLLOW
1K
READ
love after marriage
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

“Marry me or you’ll die?”

Ito ang katanungan ng lalaking dumukot sa akin. He is the same man who tried to kill my mom.

Paano ako magpapakasal sa lalaking ito? Nasisiraan na ako ng bait kung magsasabi ako ng ‘oo.’

But then, itinutok niya sa akin ang baril at sa likuran ko ay nag-aabang ang matarik na bangin. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot dahil sa kanyang nakakatakot na presensya at pagbabanta.

“Hihintayin mo pa bang magbilang ako para pasabugin ang bungo mo? Or you will answer me, right now?” Umigting ang panga niya sa galit nang sabihin niya ito.

“No! I’ll answer now, please be patient!” Pakiusap ko sa nanginginig na boses.

“One…” wala yatang pasensya ang lalaking ito.

Paano ba? Ano ba ang isasagot ko?

“Two…”

Biglang tumulo ang luha ko nang tanawin ko ang bangin.

“Three…”

Dios ko! Tulungan niyo ako!

“Four…”

Mamamatay na yata ako sa takot.

“Fi…”

“Yes! I will marry you!” Sigaw ko sabay pikit dahil baka huli na ang lahat.

“Good! Come here.” Bigla niya akong hinila at ikinulong sa kanyang matitipunong bisig na agad nakapagbigay sa akin ng kakaibang init na siyang kailangan ko ngayon.

I am sure of two things. I am abducted, and so my feelings.

chap-preview
Free preview
Prologue
“What are you thinking?” I asked. Nasa dalampasigan kami ngayon, kapwa nakatulala at malayo ang iniisip. “Do you really want to know?” mahina niyang tanong. “Puwede ko bang malaman?” Biglang namutawi ang kaniyang pagiging tahimik ngunit nanatili akong naghihintay pa rin sa kaniyang mga sasabihin. “What if I give up on this thing and decide to just let you go?” saka siya tumingin sa akin. Tama ba ang naririnig ko? Gusto niya na akong pakawalan? After all? Matapos ang lahat ng pinagdaanan ko? After that damn shotgun wedding we’ve had? Ngayon niya lang na-realize na hindi nagwo-work ang kasal na walang pagmamahal? Besides, he just kidnapped me and forced me to marry him as a way of threat. “Will you leave me if I say go and find your parents. Live a happy and safe life away from me?” dagdag niya. Nagkamali ba ako ng narinig or nare-realize na niya ang bagay na nais kong mangyari? “Tama ba ang naririnig ko?” tanong ko. “You heard it right, Maria.” Nagbalik siya ng tingin sa dagat. I don’t know and I am not so sure kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.I felt excited sa kung paano niya sasabihin na pinalalaya niya na nga ako. “You mean, gusto mo na akong palayain?” naglakas-loob kong tanong sa kaniya upang maging kongkreto na ang lahat sa aking pagkakaintindi. “Will you go safe kung palalayin na kita ngayon?” he further asked. Saglit akong napatingin sa paligid at siniguro na mayroon nga akong madadaanan at ligtas na mapagtataguan kung sakaling maisip niya na habulin ako. “If you say na tatakbo ako paalis at hindi mo ako hahabulin ay makaaalis ako ng ligtas,” kinakabahan kong wika. “So if I say na umalis ka na ngayon, siguruhin mong hinding-hindi na kita makikita dahil kung mahahanap kita sa syudad ay babawiin kita, maliwanag?” tumingin siya sa akin saka naglipat ng tingin sa aking labi. Hindi ko maunawaan kung bakit niya naiisip sabihin ang mga bagay na ito ngayon. Pero isa lang ang nararamdaman ko, na mayroon siyang mabait na puso. “I promise, yes. Hindi ako magpapakita sa’yo. Just promise to keep away from my love ones. Stop the killings and let us live a peaceful lives that we once have,” wika ko saka ko hinawakan ang kaniyang mga kamay. Napatingin siya sa akin sabay bawi ng kaniyang mga kamay. Tumikhim siya saka saglit na tumingin sa dagat bago magtapon ng tingin sa akin na para bang sinusukat niya ang emosyon ko. “Well, kiss me and run as fast as you could, Maria. Never look back and never stop running. Baka maisip kong habulin ka,” utos niya. Tama ba ang narinig ko sa kaniya? Will I just kiss him and then puwede na akong tumakbo paalis? Ganoon ba iyon? “Can I do it now?” kinakabahan kong wika. Tumayo siya at saka ako sumunod na tumayo rin sa harapan niya. “Yeah, do it now,” he replied. Walang habas kong hinagip ang kaniyang batok at siniil siya ng malalim at marahas na halik pamamaalam. Kahit ito na lang ang kabayaran sa pagpapatakas niya sa akin, ibibigay ko na. Pinatagal ko ito hanggang sa maubusan ako ng imbak na hangin sa dibdib. Hindi na muna sana ako titigil ngunit hinawakan niya ang aking pisngi at pilit na ihiniwalay ang mukha niya sa akin. “Damn, run! Tumakbo ka na! Umalis ka na!” sigaw niya. Walang imik akong tumakbo paalis at katulad nga ng sinabi niya ay huwag akong hihinto at huwag na akong lilingon pa. Bigla akong umiyak habang tumatakbo nang mabilis. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako umiiyak. Habang tumatakbo ay tinatanong ng isip ko kung umiiyak ba ako dahil sa tuwa o dahil maghihiwalay na kami ni Redenthor? Naiinis ako sa damdamin ko dahil pilit nitong ipinagsisigawan na lumingon at huminto ako sa pagtakbo. Bakit ngayon at binigyan na niya ako ng pagkakataon na makatakas ay heto naman ang damdamin kong gumugulo sa aking isipan? “Ang tanga ko!” sigaw ko sabay lingon sa kaniya. Naroon siya, nakatingin sa akin habang nakapamulsa ng kaniyang mga kamay. Nasa paanan niya ang iniwan kong coat at kahit na malayo siya ay alam kong malungkot ang kaniyang hitsura. “Bakit ko ito nararamdaman? Bakit ako nalulungkot? Bakit?” Naiinis akong tumakbo nang bahagya dahil baka magbago ang isip ko ngunit mayroog humahadlang sa akin, ang puso ko. “Hindi! Hindi ko siya mahal!” Pilit kong sinisigawan ang isip ko hanggang sa kusa akong huminto at hinihingal na lumingon sa kaniya. Nakatayo pa rin siya doon. Umiyak na lang akong bigla at nagdesisyon na bumalik. Nakita kong gumalaw siya nang makitang bumalik ako. “Redenthor! Anong ginawa mo sa akin at bakit ako nagkakaganito sa’yo?” tanong ko sa kaniya kahit na hindi niya ito naririnig. Mabilis ang takbo ko upang makalapit sa kaniya. Buo na ang desisyon ko, I want to be with him, nais kong sumama sa kaniya, kahit pa hindi ako sigurado sa kaniya ay sasama ako, bilang asawa niya. Hanggang sa huminto ako halos 15 metro ang layo sa kaniya. “Why Maria?Damn!" Nagalit siya sa akin saka niya nasapo ang noo niya. “Redenthor…” biglang bumuhos muli ang luha ko. “Damn.” Kumilos siya upang salubungin ako. Patakbo rin akong lumapit sa kaniya hanggang sa magkasalubong na kaming dalawa. “Redenthor…” Agad niya akong ikinulong sa kaniyang mga yakap at walang pasabing hinalikan ako sa tuktok ng aking buhok. Para akong batang nakayakap sa ama nang mahigpit nang makita ito na umuwi galing sa malayong lugar. Ganito ang pakiramdam ko ngayon. “Why did you come back, hard headed woman? Why?” nagagalit niyang tanong saka pilit na tinitingnan ang mga mata ko. Hinawakan niya ako sa parehong pisngi at tinitigan ako sa mata. Wala na ang sunglasses niya dahil tinanggal na iya ito nang salubungin niya ako. “Redenthor, I want you to know that I won’t run away. I want to be with you and I can’t just run without you,” umiiyak kong wika. “Do you know what it cost to be with me? Maaari kang mapahamak. Maaari kang masaktan. I am giving you the freedom but you are still here, mag-isip ka, Maria.” “Sa tingin mo ba ay magiging malaya ang damdamin ko kapag iniwan kita?” Naiyak na ako nang tuluyan sa harapan niya. “What do you mean?” nagpalipat-lipat ang kaniyang mga mata sa aking mga mata. “Bastard, I know the answer now. I know,” halos pabulong kong wika sa kaniya. Saglit kaming naging tahimik at nagsusukatan ng tingin habang bahagya pa rin akong hinihingal. “Tell me about it now, Maria, Tell me.” Aaminin ko bang mahal ko na siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

The Sex Web

read
132.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook