bc

MISSION: To End this Battle

book_age18+
56
FOLLOW
1K
READ
mafia
gangster
sweet
bxg
mystery
campus
office/work place
disappearance
lies
brutal
like
intro-logo
Blurb

It has been 2 years since Vanessa left Kyro without any explanation. It's been 2 years since Vanessa told Kyro that she used him to get information about the Emperor. 2 years has passed and now, Vanessa is back. Kyro became confused about his feelings for her, he should be mad because Vanessa tried to kill his father 2 years ago.

What will Kyro do?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Hendrix Kyro William (King) “King, catch!” rinig kong sigaw sa akin ni Luke. Sinalo ko naman ang paparating na bag sa akin, mula pa ito sa second floor at mukang pinagkakaisahan na naman ni Luke at Zane si Henry na asarin. Kilala ko ang bag na ipinasalo nila sa akin at ito ay walang duda na kay Henry. Ilang sandali pa ay nakita ko nang tumatakbo palapit sa akin ang tatlo, hinahabol ni Henry si Luke at Zane habang si Liam naman ay nag lalakad lang sa likuran ng mga ito. “Yo! King!” napatingin naman ako sa aking kabilang bahagi nang marinig ko mula doon ang boses ni Peitho. Hindi nga ako nagkamali sa aking narinig, nakita ko doon si Peitho, Aikka at Axel na magkakasamang naglalakad palapit sa akin. Sa dalawang taong dumaan ay naging malapit na sa amin ang tatlong magkakaibigan, sila Peitho at Zane ay muling nagkabalikan sa isa’t isa, habang si Aikka at Henry naman ay nagkakamabutihan na base sa nakikita ko at si Liam naman at Axel na parehas mahilig sa hacking ay nakabuo ng matibay na pagkakaibigan. Dalawang taon na ang nakakalipas at masasabi kong naging maayos ngayon ang samahan ng isa’t isa. “Bukas na pala ang graduation, parang ang bilis naman yata,” sabi ni Zane na tumigil na sa kakatakbo at tumabi sa akin nang makitang dumating na ang kanyang nobyang si Peitho. “Oo nga’t graduation na bukas, pero ‘yong asta n’yo parang grade 1,” bara sa kanya ni Peitho. “Ouch naman, babe, sinasabi ko lang naman na mas’yadong mabilis,” nakangusong sabi niya, “Sa sobrang bilis nga ng araw, baka bukas o makalawa, pakasalan na kita.” “YUUUCK!” sigaw ni Henry. “GROSS, ANG CORNY!” sigaw naman ni Luke. “MGA KAIBIGAN KO BA TALAGA KAYO!” asar naman na sigaw ni Zane pabalik sa dalawa. “Hindi, wala kaming kaibigang mais,” sagot naman ni Liam kaya mas lalong nagusot ang itsura ng muka ni Zane. “Hahahaha, tama na mga asaran n’yo, hindi ba kayo kakain?” sangat ni Peitho at saka lumapit sa kanyang boyfriend at umangkla sa braso nito. “Tara na nga, kakain na tayo!” sabi naman ni Luke na madalas ay gutom. Nauna na silang maglakad habang ako naman ay nanatili sa huli, tahimik lang ako at nakatingin sa kanila na masayang nagkwekwentohan. Ilang taon na rin ang dumaan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kanya. Bigla na lang siyang naglaho noon na parang bula, walang kahit na anong naiwang bakas na maaaring makapagturo kung nasasaan man siya dahil maging ang kanyang mga kaibigan ay wala rin kaalam alam kung saan na ba ito nagpunta. Pagkatapos kong malaman nang mga oras na ‘yon ang katotohanan na siya pala si Queen ay naglakas na ako ng loob na itanong kay Peitho, Aikka at Axel kung sila ba ang tatlo pang myembro ng groupo na pinamumunuan ni Queen. Hindi nila ito itinanggi at nakakagulat pa na tila dismayado ang mga ito. FLASHBACKS Pagkatapos kong dalhin si Daddy sa hospital at malaman na magiging ayos lang ito ay agad akong nagtungo sa bahay. Nakita kong kumpleto doon ang aking groupo, pinag isipan ko kanina kung sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol sa nalaman ko na ang Queen of gangster at si Vanessa ay iisa. At dahil sila ay aking ka-groupo, bilang kanilang leader ay napagdesisyonan ko nang sabihin sa kanila ang aking nalaman. “Bakit ka may dugo, King?” agad na tanong sa akin ni Henry nang makapasok ako ng bahay. “May importante akong sasabihin,” seryosong sabi ko sa kanila. Dahil sa sinabi ko ay agad na naagaw nito ang kanilang atensyon, inalis nila ang atensyon nila sa kani- kanilang ginagawa at itinuon nila ito sa akin. “Si Vanessa at si Queen ay iisa,” matigas kong sabi sa kanila. Nakita ko ang gulat sa kanilang mga muka, sino ba namang hindi magugulat kung ang taong hinahangaan mo dahil sa galing sa pakikipaglaban ay ang taong madalas mo na palang nakakasama? ‘At ang tao pang gumamit sa’yo…’ sabi ko sa aking sarili. “Kung ganun, anong koneksyon nito sa dugong nasa damit mo, King?” seryosong tanong ni Liam sa akin. “Binaril niya si Dad,” tipid na sagot ko sa kanya. Hindi ko pa kayang ikwento sa kanila ang buong pangyayare dahil kasalukuyan ko lang na pinipigilan ang mga luhang nais lumabas mula sa aking mga mata. Matatanggap ko pa sana na inilihim niya sa akin ang kanyang pagkatao, ngunit bakit kailangan niya pang ipamuka sa akin na ginamit niya lang ako upang makakuha ng sapat na impormasyon tungkol sa Emperor? “What the! Kamusta si Tito?” nag aalalang tanong ni Luke sa akin. “Maayos na ang lagay niya, but there is a big chance na hindi na siya makalakad pa,” nakakuyom ang kamao na sagot ko sa kanya, “I will not forgive myself if may mangyareng masama kay Dad.” “King…” “Sumama kayo sa akin, kailangan kong puntahan si Vanessa!” matigas kong sabi sa kanila. Pagkatapos kong sabihin iyon, lahat kami ay lumabas na ng bahay at naisipan naming sumakay na lang sa iisang sasakyan. Tulad nang madalas na nangyayare, si Luke ang nagmaneho ng sasakyan habang nakapwesto naman ako sa passenger seat. Habang nasa byahe kami ay ramdam na ramdam ko ang malakas na t***k ng aking puso, hindi ko alam kung kakayahin ko bang harapin at makita ang muka ni Vanessa pagkatapos ng mga nangyare at aking mga nalaman. Ginamit niya ako at pinagtangkahan niya pang patayin ang ama ko. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay kung saan tumutuloy si Vanessa kasama ang kanyang mga kaibigan, walang pakundangan kaming pumasok doon at naabutan naming lahat sila Peitho, Aikka at Axel na nanunuod ng TV sa kanilang living room. “Mabuti nagpunta kayo dito, itatanong sana namin kay King kung alam niya ba kung nasaan si Vanessa,” nakangiting sabi ni Peitho at saka ito tumayo sa kanyang kinauuupuan. “Maupo muna kayo,” sabi nito sa amin. “Anong ibig mong sabihin? Hindi mo alam kung nasaan si Vanessa?” seryosong tanong ko kay Peitho. Tumaas ang kilay nito bago ako tiningnan mula ulo hanggang sa aking mga paa. “Mukang napalaban ka, ah?” sabi niya at bumalik sa kanyang kinauupuan, “Yap, hindi namin alam kung nasaan si Vanessa dahil simula noong mawala si Butler Shun ay hindi na ito umuuwi dito sa bahay at nag aalala na kami dahil maging sa school ay hindi na namin siya nakikita.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

Dangerous Spy

read
299.5K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook