bc

MAID OF THE HOT BILLIONAIRE

book_age16+
3.4K
FOLLOW
12.0K
READ
possessive
playboy
badboy
goodgirl
maid
drama
bxg
poor to rich
sassy
like
intro-logo
Blurb

WARNING ⚠️!

This story contains explicit content that are not suitable for 18 years and below. Read at your own risk!

Mahirap ang buhay mahirap. Sa araw araw na binibigay ng Diyos sa aming pamilya wala kaming ibang inisip sa araw araw kong saan kukuha ng pera para sa pang-araw-araw na pangangailangan namin.

Masarap ang buhay mayaman dahil lahat ng gusto mo ay madali mo lang makuha minsan nga hiniling kong sana ay ipinanganak na lang akong mayaman.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. 'Ang sarap sigurong mabuhay bilang mayaman.' Andito ako sa labas at naka-tanglaw sa madilim na kalangitan na binabalutan ng mga kumikinang na bituin. Kinakausap ko ang aking sarili habang nakatingin sa nagniningning na kalangitan. Pasado mga 11 na ng gabi kaya mahimbing na ang tulog ni inay at ng mga kapatid ko. Nang magsawa ako sa kaka-titig sa itaas ay tumayo na ako at pinagpag ang aking pang upo. "Makatulog na nga maaga pa akong maghahanap ng trabaho bukas." Wika ko at bumuntong hininga bago pumasok sa loob ng bahay namin. Gawa sa kawayan at yero ang aming bahay. Noong nabubuhay pa ang itay ay sementado pa ang dingding ng aming bahay ngunit dahil sa mga bagyong tumama dito sa Pilipinas ay nawala ng parang bula ang pinaghirapan ng aking mga magulang. Iyon din ang sanhi ng ikinamatay ni itay. Nasama siya sa rumaragasang tubig dahilan para malunod siya. Sinubukan niya kasing isalba ang lahat ng gamit namin ngunit sa kasamaang palad ay siya naman ang nawala sa amin. Tanda ko pa noon kung paano nagmistulang ilog itong brgy. namin at karatig barangay dahil sa typhoon na tumama dito sa Pilipinas. Magmula nun mas naging mahirap pa kami sa daga. Hindi na rin ako natuloy sa pag aaral. Buti nga at kahit papaano ay grumaduate ako ng grade 12. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Jezelle Catherine Garcia, 21 years old. May dalawa pa akong kapatid na sina Haydee Klein Garcia, 15 years old. At ang bunso naming si Kiana Louise Garcia 11 years old. Pang artistahin ang mga pangalan namin magaling kasi si inay magpangalan sa amin. Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda ang mga kapatid ko. Si inay kasi ay alas tres ang gising para maglaba. Labandera ang nanay ko at hindi ko iyon ikinakahiya. Kaya ako na ang naghahanda ng almusal nila dahil alam kung pagod na pagod si inay. Umalis ako alas syete sa bahay para maghanap ng trabaho. Habang naglilibot sa palengke ay naagaw ng pansin ko ang isang karatulang wanted waitress. "Hello po, Available pa po ba yon?" Tanong ko sa babaeng may edad na sabay turo ko doon sa signage. "Ahh nakakuha na kami kahapon iha. Nalimutan ko pa lang tanggalin iyon. Hanap ka na lang sa iba." Sagot nito sa akin. "Ahh ganun po ba sige po hahanap nalang po ako sa iba." Paalam ko. Halos libutin ko na ang buong palengke ngunit wala ni isang kumuha sa akin. "Ayos lang yan Jez. Ho~~ kaya mo yan." Pagpapalakas ko sa sarili ko. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng sta. Rosa ay hindi ko namalayang sa kakalibot ko para maghanap ng trabaho ay napadpad ako sa isang malaking mansyon. At ang nakaagaw ng pansin ko ay ang karatulang nakasabit sa gate na 'Wanted Maid' Ang tamis ng ngiti ko ng mabasa ko iyon. "Sana ito na talaga. Lord please sana ito na iyon." Dasal ko pa bago ako lumapit doon sa security guard. "Hello po manong." Bati ko. "Ahh ms. Apply kabang maid?" Tanong ng guard sa akin. "Opo. Available pa po ba?" Tanong ko rin sa guard. "Naku available na available iha. Teka at tawagan ko si manang Josefa." Maya nga ay may lumabas na matanda sa gate. "Ito ba ang sinasabi mo cario na mag a apply na maid?" Tanong nung Ali sa guard. "Siya nga manang." Pinasadahan ako nung Ali ng tingin mula ulo hanggang Paa. Hindi ko naman maiwasang hindi mahiya dahil para ba akong hinuhusgahan nito base na rin kung paano niya ako tignan. "Oh siya, tanggap ka na iha. Tanggalin muna cario iyong karatula. Kompleto na ang ating nakuha. Iha bukas na mag uumpisa ang trabaho mo dapat 8:30 andito ka na. At isa pa dalhin muna na rin ang mga gamit mo dahil magmula bukas ay dito Kana titira." Pagkasabi ng matanda ay agad na itong umalis ng walang paalam. "Pag pasensyahan muna iha si manang Josefa ganun talaga iyon masyadong strikto. Buti nga at nakahabol ka kinse kasi ang maximum na kukunin na maid. Kung sino ang unang pumunta ay tanggap agad basta pasok sa taste ni manang Josefa." Wika ng guard. Napatango naman ako sa sinabi nito. "Ganun po ba. Sige po mauna na ako mang cario kita nalang po tayo bukas." Paalam ko sa guard bago ako umalis. Masaya naman akong naglalakad pauwi dahil sa wakas ay natanggap na ako sa trabaho. Pagkauwi sa bahay ay agad kong hinanap si inay. "Inay!" Sigaw ko at nagtatakbo papunta sa kanya. "Mukhang good mood ka ngayon anak ah. Kamusta ang paghahanap mo ng trabaho?" Nakangiting tanong nito. "Nay natanggap po ako bilang maid doon sa malaking mansyon." Masayang saad ko. "Naku totoo ba yan anak. Masayang masaya ako para sayo." "Bukas na po ako magsisimula inay. At baka hindi ko na po kayo makikita araw araw. Promise po pag bubutihan ko ang aking trabaho para hindi mo na kailangan mag laba araw at gabi at para na rin po mapag aral ko ang mga kapatid ko." "Salamat anak. Basta tawagan mo kami araw araw ha. Huwag mo rin masyadong pagurin ang sarili mo." "Sus si inay naman ganyan din palagi ang sinasabi ko sa inyo kaso hindi naman kayo nakikinig sa akin eh." Pareho kaming natawa dahil totoo naman iyon. Tinulungan ko na rin si inay sa paglalaba para matapos na kaagad. pagabi na ng matapos kami isinampay namin ang mga damit sa alambre na sampayan namin. Maaliwalas naman ang kalangitan Kaya malabong umulan. Nang matapos kami ay sakto na ring nakaluto si Haydee ng kakainin namin. Tuyo lang ang ulam namin. Masarap naman mag ulam ng tuyo eh. "Ate nakahanap ka na ng trabaho mo?" Tanong ng kapatid kong si Kiana. "Oo nakahanap na ako ng trabaho ko at alam niyo ba natanggap akong maid doon sa malaking mansyon. Medyo may kalayuan sa bahay natin pero atleast sa sta. Rosa rin." "Wow masaya kami para sayo ate." Wika ng dalawa kong kapatid. "Pagbutihan ninyo ang pag aaral niyo ha. Hayaan niyo pag nakaluwag Luwag ang ate ibibili ko kayo ng bagong sapatos." "Opo pangako po pagbubutihin namin ni ate Haydee ang pag aaral namin." Magiliw na saad ng bunso namin. _ Masaya na akong makitang masaya ang pamilya ko. Mahirap man kami atleast punong puno kami ng kasayahan. Alam kong lilipas din ito. Pag nakaipon na ako magpapagawa ako ng matibay na bahay namin. Actually May malawak naman kaming bakuran eh. Pamana ng lolo ko ito kay itay. At gusto kong magpatayo balang araw ng sementadong bahay para sa amin para pag umulan hindi na lumulusot ang tubig sa butas butas na yero namin. Balak ko ring patayuan ng sari sari store si nanay dahil gusto ko na itong huminto sa paglalabandera. Ayaw ko nang nakita itong nahihirapan. Gusto ko namang bigyan siya ng negosyo na hindi siya gaano mapapagod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook