bc

Isla Montañez Series 1: Matteo

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
others
others
fated
drama
sweet
bxg
heavy
serious
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Inaasahan ni Amanda na may malaking responsibilidad na nakaabang sa kanya ng mamatay ang ama.

Ang tumayong ina sa kanyang limang taong gulang na half-sister at ang iniwan nitong malaking pagkakautang.

And all of the sudden, a man showed up in front of her door claiming that she and her little sister are now under his responsibility. Matagal na niyang kilala ang lalaki, seven years ago.

Pwersahan pa sila nitong dinala sa Isla Montañez, kung saan ito naninirahan.

Hanggang sa unti unti na namang umusbong ang matagal na niyang nilimot na pag ibig dito.

Paano kaya niya pakikisamahan ang lalaki gayong nakatakda na itong ikasal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Walang buhay na nakayuko si Amanda habang tinititigan ang lapida sa harapan niya. Nakaukit dito ang pangalan ng kanyang ama si Dr. Armando Garcia. Kalilibing lang nito kahapon. Kung kahapon ay walang tigil sa pagtulo ang luha niya, luha ng paghihinagpis sa pagkawala ng ama. Ngayon ay namanhid na ang puso niya sa sari-saring emosyon. Humungot siya ng malalim na hininga at tumingala ngunit agad ding nagyuko dahil matinding sinag ng araw. "You’re so unfair dad. You know I can't do this alone, I'm not even prepared!" Mariing pahayag niya sa puntod nito. Naikuyom niya ang magkabilang kamay sa namumuong galit sa puso. Dapat ay malungkot siya ngayon sa pagkamatay ng ama ngunit hindi niya magawa. Wala siyang karapatang magmukmok at umiyak ng maghapon sa loob ng kanyang kwarto, o mawalan ng ganang kumain, dahil may limang taong gulang siyang kapatid na dapat asikasuhin. Idagdag pa na sa susunod na mga araw ay baka sa kalye na sila matutulog ng kapatid. Nilingon niya ang kapatid na bahagyang nakangiwi at pinipigilan ang sariling umiyak, si Sofia. Parang nananakit ang puso niya sa nakikita. Napakabata pa nito para maulila sa magulang at maranasan ang mga ganitong bagay. Nilapitan niya ito at inayos ang sombrero nito na bahagyang nagulo. "Amanda, I miss daddy so much. What are we gonna do now!" Naiinis man siya sa kapatid dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan imbes na 'ate' ay isinantabi niya muna iyon. Hindi ito ang tamang oras para pagalitan ang kapatid. Nasa gitna sila ng pagluluksa. Nasanay ito dahil sa naririnig nito sa ama, at hindi rin itinatama ng ama niya kaya kahit anong sabi niya ng 'ate dapat' ay hindi ito sumusunod. "Well darling, we can't do anything about it. All we have to do is to move on and continue living." At tuluyan na nga itong humagulhol ng iyak. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magkakaganito ang buhay nila. Ni hindi pa nga niya nararanasang mag apply man ng trabaho dahil buong buhay niya ay nakaasa lang siya sa binibigay na pera ng kanyang ama. Napatitig siya sa umiiyak na kapatid. Kamukang-kamukha ito ng ina nito, ang ikalawang asawa ng ama niya.Ngunit maaga ring nawala sa piling nila sa kabila ng murang edad. Ang nakuha lamang nito sa ama niya ay ang mestisahing balat na kapareho niya. Ngunit simula sa mga mata, hugis ng ilong, labi, at hugis ng mukha ay hindi maipagkakailang hawig ito ni Samantha. Dise-otso lamang siya noong ipakilala ng ama sa kanya ang babae na nasa bente-otso naman pero masyadong bata kung ikukumpara sa edad ng ama. Sometimes, she envies Samantha’s beauty. Mestisa siya at tinaguriang isa sa mga magaganda sa eskwelahan nila, kamukha niya nga raw si Jennifer Connelly noong kabataan nito. Pero iba ang gandang taglay ng madrasta niya. Samantha has a glossy tan skin, tall and slim body na pwede mong ihanay sa mga sumasali sa beauty pageant. And has a natural long, black, and silky hair. At napaka etiquette gumalaw na aakalain mong laging may mga video recorder sa paligid at kahihiyang makitaan ng pagiging magaslaw. “Amanda honey, I would like you to meet, Samantha, my soon to be wife.” Matamis na nagngitian sa isa’t-isa ang dalawa sa harapan niya. “Samantha, this is my gorgeous daughter, Amanda.” The gorgeous woman smiled and hugged her tightly. “Finally, we meet. Your father talks about you all the time.” Pagkabitiw sa kanya at hinawakan siya nito sa magkabilang kamay. Utterly shocked, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. Nilingon na lamang niya ang ama sa nanlalaking mata. Natawa lamang si Samantha sa reaksyon niya. “I’m sorry kung nabigla ka, I’ll visit here more often so we can get to know each other more.” Nakangiting tugon sa kanya ng babae. Maya-maya lang ay nagtawag na ang katulong na nakahanda na ang hapunan. “Okay ladies, dinner is ready.” Ani Armando at inakbayan ang kasintahan papunta sa hapag kainan. Agad namang sumunod si Amanda sa dalawa ngunit hindi parin makapaniwala sa nangyayari. Saglit niyang binatukan ang sarili para magising kung panaginip lamang ang lahat ng ito. “Dad, are you out of your mind? You’re getting married to that woman, she’s 25 years your junior, for god sake!” Yamot niyang sita sa ama ng magkaroon siya ng pagkakataong komprontahin dahil ng magpaalam ang nobya nitong pupunta sa banyo. Nagtaka siya dahil tinawagan siya ng ama na umuwi ng maaga galing iskwelahan para sa isang special dinner sa bahay nila. Inis siyang sumadal sa inuupan at tumigil naman ang ama niya sa pagsubo ng pagkain para sagutin niya. “Honey… matagal namayapa ang mommy mo. Please give me a chance to remarry.” “But dad, that’s not what I’m talking about, it’s about her age.” Mariing sagot niya rito. “Hindi kaba nag-iisip na baka pera lang ang habol niya sa’yo.” Ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng ama. “Hindi ka ba natutuwa na may nabibighani pang mga dalaga sa ama mo?” napairap niya. She knows her father so well. Dr. Armando Garcia is a witty person, madalas pa itong magpatawa sa mga kakilala kapag sinasama siya sa mga dinadaluhan nitong okasyon. Kinuha ng ama niya ang kamay niya at pinisil ito. “Wag kang mag-alala kay Samantha, mahal namin ang isat-isa at sigurado akong hindi pera ang habol niya sa akin dahil isa lang akong hamak na doktor. Maaaring may kaya tayo sa paningin ng iba dahil propesyon ko, pero wala akong milyon-milyon sa bangko. Maaaring meron kung isasama ang presyo nitong bahay, pero kung mawawalan ako ng lisensya, sigurado maghihirap tayo. Saka maraming mayayamang binata ang nanliligaw sa kanya pero ako ang pinili niya.” Pagkatapos ay pinisil nito ang ilong niya at pinagpatuloy ang pagkain. Para naman siyang napapahiyang tumahimik na lamang hanggang sa bumalik na ang pinag-uusapan at tumabi sa ama niya. But that doesn’t stop her to not fully trust the woman. After two months ay nagpakasal ang dalawa, a very simple and private wedding na halos sila-sila lang at wala ding malaking handaan. Nagtaka siya dahil wala man lang ni isa sa mga kaanak ni Samantha ang dumalo. Marahil ay hindi rin ang mga ito pabor sa agwat ng edad ng mga ito. So am I. And Samantha finally moved into our house. Sa una ay alangan pa siyang makisalamuha rito ngunit sa araw-araw na pagmamatyag niya ay nakikita niyang totoo ang pinapakitang pagmamahal nito sa ama niya. Marahil ay nagkamali siya at hinusgahan niya agad ang madrasta. She was 19 when Samantha got pregnant. She was so happy and very excited. Finally magiging ate na siya. Unti-unti ring napalapit ang loob niya rito, madalas na silang magkwentuhan at sabay na magshopping. Ngunit madalas itong umiwas sa kwento kapag napag-uusapan na ang pamilya nito na nakatira raw sa isang isla sa Visayas, ayon sa kanyang ama. Isang hatinggabi habang malakas ang ulan, nagising siya sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Alam niyang bubuksan naman iyon ng katulong ngunit bumangon parin siya dahil alam niyang nasa ospital ngayon ama niya at si Samantha dahil sa madalas ng paghilab ng tiyan nito. Plinano niyang bisitahn ito bukas ng umaga. Pagbaba niya ng hagdanan ay tumambad sa kanya ang amang basang-basa ng ulan, at marahang hawak ang bagay na nababalot sa tela na hindi maipagkakailang sanggol dahil sa iyak nito. Agad naman na kinuha ng matandang katiwala ang sanggol mula sa bisig ng ama para patahanin ito. “Dad what’s wrong. Why are you crying and where’s Samantha.” Kinakabahan na siya sa nakikita, napaupo na lamang sa sofa si Armando at sinapo ang mukha habang walang tinig na tumatangis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook