bc

Fate

book_age18+
1.0K
FOLLOW
2.4K
READ
billionaire
dark
possessive
sex
fated
dominant
drama
bxg
office/work place
prostitute
like
intro-logo
Blurb

Nang makilala ni Stephanie Faith Galcino ang pulis na si Gino Amisola, ang buong akala niya ay ito na ang katapusan ng paghihirap niya. Ngunit hindi pa pala. Ito lamang pala ang simula nang masalimuot niyang buhay.

“Kung maari lang hilingin na sa pagpikit ng aking mga mata ay hindi na ito muling magmulat pa. Kung maari lamang na magpantay na ang aking mga paa upang matapos na ang mga paghihirap ko.”

May pag-asa pa bang magbago ang kanyang kapalaran? O tuluyan nang masasadlak siya sa kadiliman?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Kahit ilang ulit mo pa ‘kong saktan. Hinding-hindi na ako matatakot sa’yo, Gino. Iwan mo na lang kami ng anak mo! Iwan mo na lang kami!” Halos bumaha ng luha ang mga mata ni Stephanie Faith Galcino dahil sakit na nararamdaman niya. Mahapdi ang buong katawan niya nang dahil pambubugbog ng kanyang asawa na si Gino Amisola. Naninikip ang dibdib niya at nananakit ang mga braso habang niyayapos ang sariling tuhod. Makailang ulit na ba siyang sinaktan ng kanyang asawa? Hindi na niya mabilang pa. Dahil lamang sa tamang hinala. O baka dahil hindi nito matanggap na kung sino-sinong lalaki na ang nakaulayaw niya. Sino nga ba’ng matinong lalaki ang maniniwala sa isang babaeng katulad niya? Isang babaeng mababa ang lipad. Isang babaeng nanggaling sa pusali. Babaeng ini-ahon sa putikan para lamang muling yurakan. Alipustahin; hamakin ng sariling kinakasama at ng pamilya nito. “Oo! Ako na! Ako na ang masama at ikaw na ang mabait! Ako na ang malaswa at baboy!” Tila mapapatid na ang ugat sa leeg ni Steph kasisigaw para lamang tantanan na siya ng asawa niya. “Letse, Steph! Huwag ka na ngang magsinungaling. Kitang-kita ko kung paano mo titigan si Chanok. Kung paano ka lumunok habang nakatitig sa ‘walang hiyang lalaking ‘yon. Lokohin mo na ang lahat, huwag lang ako! ‘Langyang buhay ‘to.” Muling hawi niya sa kahoy na silya na halos mabali na ang mga paa sa pagkakabagsak nito. Mababakas ang mga ugat ni Gino sa mga kamay at braso habang pawisan na nakatitig nang matalim kay Steph. Nagtatangis ang mga ngipin na tila isang tigreng mananakmal. Habang ang babae naman ay nasa sulok na pinapahid ang hindi niya maintindihan kung sipon pa ba o dugo na ang likido na tumutulo mula sa kanyang ilong. Ang tanging alam niya lang ay madilim doon. Hindi na maaninag kung alin ang pula at itim. Pagod na pagod na siya. Akala niya noon ay ito na ang pagkakataon niya upang makaalis sa pusaling iyon. Labing-apat na taong gulang pa lamang si Steph nang mamatay ang mga magulang niya dahil sa pambubugbog ng mga sindikato rito. Pusher at user ang mga magulang niya. Hindi niya hinangad na mamatay ang mga ito kahit na binubugbog siya ng mga ito. Ngunit nang mamatay ang mga ito ay laking luwag sa buhay niya. Ngunit nagtagal lamang iyon ng isang buwan. Kinuha siya ng sindikato upang maging kabayaran sa utang ng mga namatay niyang mga magulang. Kabayaran sa mga nilustay na pera ng mga ito sa sugal at sa alak. Ganoon din sa droga na ginamit ng mga ito. Sabi pa ng mga sindikato sa kaniya na kulang pa siyang kabayaran sa mga utang ng pamilya niya. Ngunit puwede na ring pagtiyagaan ang araw-araw na natatanggap niya mula sa mga kita niya sa bar galing sa mayayamang politiko at businessman na binibigyan niya ng panandaliang aliw nang dahil sa trabaho niya. Dalawampu’t-apat na taong gulang naman siya nang itakas siya ni Gino sa pusaling iyon. Isang bagay na nagbigay sa kaniya ng pag-asa na makalaya sa kamay ng mga sindikato. Ngunit pinagsisisihan na niyang lahat na sumama siya rito dahil mas malala pa ang nararanasan niya rito. Halos alilain siya ng pamilya nito at mga kapatid nito. “Hoy, Gino! Nakakahiya kayo! Hindi pa ba kayo tapos ng asawa mong mababa ang lipad?” bulyaw ng ama ni Gino. Ganyan siya tratuhin ng mga ito noon pa mang unang salta niya sa pamamahay ng mga ito. Kahit may sarili silang bahay ni Gino ay pinupuntahan pa rin siya ng mga ito at doon nakikituloy. Naalala pa niya kung paano siya utos-utusan ng bunso nitong kapatid na halos kasing edad niya lamang. Limang taon ang tanda ni Gino sa kanya. Dalawang taon naman ang tanda ng pangalawang lalaking kapatid nito sa kaniya. “Letse naman, Steph. Para magpunas lang ng mesa ay hindi ka pa marunong? Ayan oh? Ang dumi pa!” sabi ni Badong na halos ingudngod nito ang pagmumukha ng babae sa maruming mesa. Kung tutuusin ay ang lalaki rin naman ang nagdumi rito ngunit kay Steph ito pinalilinis. “A-aray, Badong. Nasasaktan ako.” Pilit niyang pinipigil ang pagkakahatak sa buhok niya. Wala namang pakialam si Gino sa ginagawa ng kapatid niyang si Badong kahit harap-harapan nitong ginaganito ang kanyang asawa. Minsan ay titingin lang ito at minsan ay wala talagang pakialam. “‘Langya ka. Ang arte mo. Hindi naman mahigpit ang hawak ko sa’yo,” sabi pa ni Badong. Ngunit pakiramdam ni Steph ay halos mapoknat na siya sa pagsabunot nito sa kanya. Hindi lang iyon ang inaabot niya sa mga ito. Kadalasan ay pinahihiya pa siya nito sa mga bisita at kainuman ng mga ito. “Steph, ikuha mo nga kami ng pulutan!” sigaw ni Mang Kanor—ang tatay ni Gino. Agad namang tatalima si Steph at ipagsasandok ng pulutan ang tatay ni Gino. Ngunit paglabas niya ay tila ba nasa dati siyang lugar kung saan siya inalis ni Gino. Hipo rito at hipo roon ang tinatamo niya tuwing siya ay lalabas. Magtatawanan lang naman ang mag-amang Kanor at Gino. Ganoon din ang mga lalaking kainuman ng mga ito. Ngunit pagkatapos ng inuman ay siya na naman ang may kasalanan. “Ano ba naman ‘yan, Steph. Puch*! Wala ka bang isip? Alam mong mag-iinuman kami. Pagkatapos ay ganyan ang suot mo?” hatak nito sa kaniya na para bang basahan. Hanggang sa mapunit ang damit niya at paulit-ulit siyang gagamitin ng kanyang asawa. Buong buhay niya ay isa lamang siyang utusan, alila, bayaran at higit sa lahat ay parausan. Kung makapipili lamang siya ng buhay na nais niya. Iyon ay ang makatagpo ng lalaking mamahalin siya nang buong-buo. Walang dumi na ibabato sa kanya kahit saan pa man siya nagmula. Kahit saan pa man siya mapunta. “Miss, isang tali nga ng kangkong at isang kilong bangus,” wika ng matandang tila ngayon lang napadpad sa barangay talipapa. “Pang-sigang ho ba?” tanong ni Steph. Ito ang trabaho niya sa umaga hanggang hapon.—ang magtinda sa palengke. Tira sa pagiging prostitute niya ang ipinuhunan niya sa talipapa. “Oo, Ineng,” sambit ng matandang babae na tila may kaya ang hitsura kung titingnan. Tantiya niya ay nasa singkuwenta na ito dahil sa linya sa mukha nito. Ngunit tila hasa ang buong katawan nito sa trabaho dahil malakas pa ito. “Ineng, pakilinisan na rin ang bangus. Mukhang bagong huli pa ang mga iyan a,” sambit ng matanda. “Ay oho. Dahil dito ho ang bagsakan ng sobrang huli ng mga mangingisda sa palaisdaan bago dalhin sa Maynila.” Naaaliw si Steph sa matanda dahil sa pagiging matanong nito. Kadalasan kasi sa bumibili sa kanya ay kung hindi lalaki na nakatingin lagi sa mayamang dibdib niya ay mga babae na hindi mo malaman kung insekyur ba sa kanya or dahil sa nagseselos ito sa mga asawa nila na laging nakatingin sa kanya. Kahit wala naman siyang kasalanan ay siya pa rin ang sinisisi. Kaya naman pati tinda niya ay apektado kapag may selosang asawa na napapadpad sa puwesto niya. Bukod sa nalulugi siya dahil nasisira ang mga tinda niya ay mag-asawang sampal pa ang inaabot niya. Kadalasan pa ay halos mapunit ang damit niya. Ngunit ano ba ang magagawa niya? Lumaban man siya ay hanggang kailan? Pagod na siya. Pagod na pagod na siyang magtanggol ng sarili niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook